webnovel

TP: 36

Now playing: Somewhere only we know - Keane

Skyler POV

Tumatakbo na bumalik kami ni Felicia sa bahay at kaagad na kumuha ng mga kailangang armas.

I was a little worried para sa mga taong nandito at tahimik na namumuhay at nagtatrabaho, ayaw ko silang madamay kaya sinabi ko kay Felicia na sa gulat na lang kami dadaan.

Bagay na agad naman nitong sinang-ayunan dahil importante rin sa kanya ang buhay ng mga taong nandito.

Hindi na kami nagsayang ng anumang sigundo, noong nakuha na namin ang mga kailangang armas ay agad na nagtungo na kami sa gubat.

Ngunit huli na dahil papalabas pa lamang kami ng bahay ay dumating na ang unang sasakyan. Mabuti na lamang at hindi kami nagawang paputukan ng hawak nilang mga baril.

Maybe Lucka knew that this hacienda was important to her wife.

Walang tigil kami ni Felicia sa kakatakbo hanggang sa tuluyan na makarating sa loob ng gubat.

Hinihingal na sandaling huminto kami para kumuha ng hangin sa katawan at nagkubli sa mga punong kahoy.

Noong marinig namin na may paparating nang muling sasakyan ay tumakbo na naman kami.

Hawak ko lamang ang kamay ni Felicia the whole habang tumatakbo at hindi ko binibitiwan ito.

Hanggang sa biglang matalisod si Felicia dahil sumabit iyong kaliwang paa niya sa bagin. Ako ang binagsakan niya kaya dalawa kami ang nagpagulong-gulong.

Noon na nagsimulang magpaputok ang mga humahabol sa amin.

Mabilis na tumayo kami ni Felicia at muling tumakbo na naman.

Hindi nakaligtas sa akin ang natamong sugat ni Felicia sa kanyang siko at tuhod mula sa pagkadapa.

Nakasuot lamang kasi ito ng summer dress at hindi na nagkaroon pa ng oras para makapagpalit kanina dahil sa pagmamadali.

Napalunok na lamang ako at umiwas ng tingin sa kanya. Mas mahalaga ang iligtas ko ang buhay namin kaysa sa sugat na meron siya.

Ngunit sa loob ko, hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala dahil kahit konting sugat lamang sana ayaw kong magkaroon siya.

Napailing akong isipin ang bagay na iyon. Kahit na sinaktan na niya ako ng maraming beses, hindi ko pa rin talaga kayang nakikita na nasasaktan siya.

Sobrang ka martyran naman itong ginagawa mo, Skyler. Ani ko sa aking isipan.

Hays. Focus! Saway ko pa sa sarili.

"Sky..." Hinihingal na pagtawag ni Felicia sa pangalan ko kaya agad na lumingon ako sa kanya. "I uhh...I'm...I'm running..." Napalunok ito. "I'm running out of air." Pagpapatuloy niya bago tuluyang huminto sa pagtakbo atsaka napahawak sa kanyang magkabilang tuhod.

"I'm sorry..." Biglang paghingi nito ng tawad.

Habang ako naman na nagpalinga-linga sa paligid at piniling huwag na lang pansinin ang sinabi niya. Hindi ko naman alam kung para saan bakit siya nagso-sorry.

"Felicia let's go! Bago pa tayo nila tuluyang maabutan." Tumango ito at muling ipinagpatuloy namin ang pagtakbo.

"Bakit hindi na lang tayo manlaban? I know we can beat them. Like what you used to nung nasa Pilipinas pa tayo." Tanong nito sa akin. Nauuna ito sa akin sa pagtakbo habang ako naman ay nakaalalay sa kanya sa likuran.

Medyo iika-ika na kasi siya dahil sa sugat na meron sa kanyang tuhod.

"We can't just fight them. Masyado silang marami at ayaw kong ilagay sa alanganin ang buhay mo." Natigilan ito sandali.

Muling nagbaling siya ng tingin sa akin. Nangungusap ang mga mata niya na para bang may sinasabi sila ngunit hindi naman ako manghuhula para malaman iyon.

"You're still willing to risk your life for me after what I did." Pahayag niya. "Why?" Dagdag na tanong pa niya.

Napangisi lamang ako. "Isn't it obvious? Tinutupad ko lang ang pangako sa'yo noon. I did not have a chance to save you when Mashra took you before, bumabawi lang ako ngayon." Sagot ko sa kanya. "Regardless kung anong mga nagawa mo para masaktan ako. So, don't you ever think that I am doing this because I still want you back, no." Diretsahang sagot ko sa kanya.

I know I can hurt her by those words pero unti-unting nagiging bato ang puso ko ngayon para sa kanya. She made me like this after playing my love for her.

Kaagad na umiwas siya ng tingin mula sa akin at malungkot na yumuko. She was about to speak again when I cut her off.

"Come on. We have to go further before it gets dark." Wika ko and this time mas nauna na akong naglakad sa kanya.

Tahimik naman na sumunod ito sa akin. Hindi namin alam kung nasasaang parte na kami ng gubat. But it doesn't matter as long as makalayo lang kami sa mga humahabol sa amin at alam kong safe si Felicia eh ayos na sa akin.

Dada Billy trained me in situations like this. She said it's better to enter the jungle when the subject you're rescuing is with you and needs to be protected than to fight because that won't help or worse, you'll both end up in harm's way.

Nagpatuloy kami ni Felicia sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking ilog.

Hindi ko na kinikibo si Felicia magmula kanina, ganoon din ito sa akin. Marahil katulad ko'y punong-puno rin ng maraming thoughts ang kanyang isipan.

Naghanap lamang kami ng may mababaw na parte, iyong hanggang tuhod lamang ang lalim upang doon lumusong. Mahirap kasi kung lalanguyin namin dahil napakalamig ng tubig sa gubat na ito.

Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang kami ng aming pagtawid sa ilong nang maabutan kami ng mga humahabol sa amin at agad kaming pinaputukan.

"Fuck!" Pagmura ko.

Kaya walang choice na pinaputukan ko na lamang din ang unang sasakyan na paparating sa amin.

Pagkatapos ay muking hinawakan ko ang kamay ni Felicia at tumakbo kaming muli.

Hindi na kami tuluyang tumawid sa ilog, sa halip ay binaybay na lamang namin ito.

Tumatakbo kami habang pinapaulanan ng bala. Para kaming pinaglalaruan ng mga humahabol sa amin dahil naririnig ko pa ang mga tawanan nila.

Fuck! I want to kill them all. If I wasn't with Felicia and I wasn't thinking about her situation na ayaw ko siyang mas mapahamak, I would make sure na hindi na sila masisikatan ng araw bukas.

Muling huminto ako at hinarap ang papalapit na unang sasakyan. Hinila ko si Felicia at pinakubli sa isang malaking bato. Bago ko pinaulanan ng hawak kong machine gun ang driver pati na iyong gulong ng sasakyan hanggang sa mag-crash ito at tumaob.

Napapasipol na lamang ako at muling lumapit kay Felicia para alalayan siya.

Muling binaybay namin ang ilog. Ngunit nakakailanga hakbang pa lamang kami noong dumating na naman ang pangalawang sasakyan.

"Damn it!" Muling maktol ko.

Hanggang sa...

"S-Sky..." Parehas kaming natigilan ni Felicia noong makita namin na iyong unahan ng ilog na binabaybay namin ay isang talon.

Napakataas nito at halatang napakalalim din ng tubig.

Napalunok ako.

Think, Skyler. Think! Pilit na pinagagana ko ang aking isipan.

My eyes shifted between the deep waterfall and the approaching car. It's either Felicia and I die when those who are chasing us shoot again or we jump from this waterfall.

Ngunit hindi pa man ako tapos sa aking pagdedesisyon nang muli na nga kaming pinaputukan.

Hindi nakaligtas sa aking paningin na sa pangalawang sasakyan na iyon, doon nakasakay si Lucka.

Mabilis na hinawakan ko si Felicia sa kanyang braso. "Tatalon tayo. Kaya mo bang lumangoy?" Tanong ko sa kanya.

"What? No way!" Ganting sigaw nito sa akin dahil halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng pagbagsak ng tubig.

"If we jump we can save ourlives, Feli. So, mamili ka mamatay ka rito o tatalon ka diyan!" Tukoy ko sa mataas na talon.

Lumunok muna siya ng mariin bago muling napatingin sa mataas na talon. Halata sa kanyang mga mata na natatakot siya.

Kaya naman marahan na hinawakan ko siya sa kanyang baba at iniangat iyon upang salubungin ang mga tingin ko.

"I got you, okay? I got you." Pagpapakalma ko sa kanya at pagbibigay ng assurance na hindi ko siya pababayaan.

Tumango ito at sa halip na magsalita at sagutin ako ay basta na lamang niyang hinila ang collar ng suot ko at hinalikan ako.

"It's just an old book." Wika niya noong muling maghiwalay ang aming mga labi. "But yeah...we jump from this waterfall and save ourlives." Dagdag pa niya.

Tumango ako at niyakap siya. Nagbilang ako ng tatlo at kasabay ang muling pagpapaulan ng bala sa aming dalawa, ay yakap-yakap ko si Felicia na tinalon namin ang mataas na talon.

Napakalamig ng tubig na animo'y panay yelo na. Napakalalim din, at ang lakas ng hatak mula sa ilalim na kung hindi ka marunong sumabay sa agos ng tubig ay pwede mong ikamatay iyon.

"Felicia!" Pagtawag ko sa pangalan niya noong tuluyang makaahon ang ulo ko mula sa ilalim ng tubig.

"F-Felicia!" Hinihingal na nagpalinga-linga ako sa paligid ng tubig ngunit hindi ko siya makita.

Shit! I'm freezing. 

"Feli---" Natigilan ako sandali noong biglang may marinig akong umuubo.

"S-Sky...I'm here!" Sigaw nito sa may unahan, hindi malayo mula sa akin. Kaya agad at mabilis na lumangoy ako patungo sa kanya at inalalayan siyang makaahon ng tuluyan sa tubig.

Pabagsak kaming nahiga sa batuhan noong tuluyang makaahon sa tubig. Parehas kaming hinihingal at giniginaw. Noong nasiguro ko na may sapat na lakas na kami para magpatuloy sa muling paglakad ay kaagad na bumangon na rin ako.

"Come on, Feli. Malapit nang magdilim." Wika mo dahil ilang segundo na lang ay madilim na ang paligid.

Dahan-dahan naman na bumangon si Felicia at halatang wala na itong kalakas-lakas.

"Feli?" Muling pagtawag ko sa pangalan niya noong mapansin na merong dugo sa tagiliran niya.

Mabilis na muling lumapit ako sa kanya. At chineck kung mayroon ba siyang sugat. Natulala pa ako sandali noong makita na meron siyang tama ng bala.

"Feli, you've been shot." Nanginginig ang kamay na itinayo ko siya at inalalayan papasok muli ng gubat.

Mabuti na lamang at daplis lamang ito. Ngunit kahit na ganoon ay ang lalim ng pagkakasugat.

"I need to treat the wound immediately before it becomes infected." Wika ko kay Felicia.

Inaalalayan ko siya, nakapatong ang kanyang braso sa aking balikat, habang naghahanap kami ng safe at medyo warm na lugar na pwede kaming magpalipas ng gabi.

Hanggang sa may nahanap kaming maliit na kweba. Sandaling iniwan ko si Felicia roon at nagmamadaling naghanap ng pwedeng pantapal sa sugat niya.

Agad din naman akong bumalik at ginamot ang sugat niya gamit ang dinikdik na dahon na alam kong pwedeng makapigil sa pag-agos ng dugo.

Habang ginagamot ko ang sugat ni Felicia ay nakikita ko sa mukha niya na pinagpapawisan siya ng malamig, namumutla na rin ang kanyang bibig dahil sa ginaw at kirot na nararamdaman mula sa kanyang sugat.

Walang lakas na inabot nito ang pisngi ko habang itinatali ko ang pinunit na tela mula sa dress niya na ginawang bandage para sa kanyang sugat.

"Sky...y-you're crying." Mahinang sambit nito at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala 'yung luha ko habang ginagamot siya. Dahan-dahan na nag-angat ang mga mata ko para salubungin ang mga tingin niya.

"Why...why are you crying?" Tanong nito sa mahina pa ring boses. "It's just a wound. H-Hindi pa naman ako mamamatay." Dagdag pa niya.

Marahan na inabot ko at hinawakan rin ang kamay niyang nasa sa pisngi ko.

"I'm...I'm worried about you." Buong puso na pag-amin ko sa kanya habang patuloy sa pag-agos ang luha ko.

Pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Galit ako sa mga ginawa niya, pero hindi ako galit sa kanya. At hindi mawawala ang pagiging concern ko sa kanya at pagmamahal.

Nasasaktan akong makita na ganito siya ngayon. Hinang-hina at halos wala na ring dugo sa sobrang putla.

Kumalas ako sa pagyakap at pinunasan ang aking sariling luha.

"Get some rest. Reserve your energy. Dito lang ako sa tabi mo." Wika ko atsaka tumabi sa kanya.

"Thank you, Sky." Halos pabulong nang sabi nito bago dahan-dahan na ipinikit ang kanyang mga mata.

"Pagkatapos nito...magkakanya-kanya na tayo." Hindi makatingin sa kanya na sabi ko.

May ilang segundo na binalot kami ng katahimikan bago siya tuluyang sumagot.

"Okay. I-can't...I can't blame you." Iyon lamang ang tanging nasabi niya habang nakapikit, kasabay ang pag-agos ng luha mula sa kanyang nakapikit na mga mata.