webnovel

TP: 30

Now playing: Kung Alam Mo Lang - Bandang Lapis

Skyler POV

Kanina pa ako nakakahalata kay Felicia. Tago kami ng tago sa tuwing may nakakasalubong kaming mga natuhan niya na akala mo naman hindi siya kilala ng mga ito.

Ikinakahiya niya ba ako? Itong mukha kong ito? Huh! Sinasaktan niya na naman ang damdamin ko. Hmp!

Hindi na nga niya ako pinili noon, tapos ngayon ikinakahiya na rin niya ako? Aba!

Atsaka kanina pa kami tago ng tago ang sabi niya may pupuntahan kami pero hanggang ngayon para kaming mga daga na nagkukubli sa bawat sulok.

Napakamot ako sa aking ulo at tinignan siya ng may pagtataka.

"Why are we hiding from your people?!" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ko sa kanya.

"Oh, honey, those are not my people!" Sagot nito sa akin. "I know them, they are just afraid of me but their loyalty is still with Lucka." Pagpapatuloy pa niya.

Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Tss! Lucka. Ang sabihin mo---"

"Shut up and follow me!"

Ngunit hindi ko na natuloy pa ang anumang gusto kong sabihin sa kanya nang bigla niyang kunin ang kamay ko at hilain ako.

Halos hindi ako makagalaw nang maglapat ang mga palad naming dalawa bago ako dahan-dahan na napayuko at napatingin rito. Hindi ko mapigilan ang kiligin at ang mapangiti sa loob-loob ko.

I felt like a teenager with butterflies in my stomach before I returned my gaze to her face.  Napalunok ako bago napatikhim.

"Ahem!"

Dahil doon ay muli niyang binitiwan ang kamay ko at nagkunwaring sinamaan ako ng tingin para mawala ang awkward. Hanggang sa tuluyan kaming makarating sa kanyang sasakyan na naka-park mismo sa labas ng hideouts kung saan nila ako ikinulong.

Mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan bago pinasibad agad ito papalayo.

"You know what? You seem like you're going to escape from your parents just to cover for me. What's going on?" Tanong ko sa kanya.

Pero hindi ako nito sinagot at diretso lamang na nakatingin sa kalsada ang kanyang mga mata.

"Don't tell me..." Tinignan ko siya ng may kahulugan habang nakangiti ng nakakaloko.

"Wag ka ngang assuming d'yan. Mali 'yang iniisip mo kung ano man 'yan." Agad na basag  nito sa pagde-delulu ko. Tss!

Walang pakisama eh! Wika ko sa aking sarili bago napailing at ibinaling na lamang ang tingin sa labas ng bintana.

Pero muli ring napaharap na naman sa kanya nang bigla akong may ma-realize at maalala.

"Wow! Parang dati passenger princess lang kita pero ngayon ako na ang ipinagmamaneho mo ah."Panimula ko. "I'm starting to like the badass side of a Felicia now, so hot! Rawr!" Dagdag na pang-aasar ko pa bago umacting na parang tiger at kinindatan pa siya.

Ngunit tinignan lamang ako nito ng masama habang napapailing. Iyong tingin na walang nakakatuwa sa mga nonsense na pinagsasabi ko.

"Well, I'm starting to feel worried about you. Ang lala mo na, Sky!" Ganting pang-aasar din nito sa akin. "Tsk. Tsk. Ganyan mo ba ako ka-miss?" Dagdag pa niya.

"And to make clear this to you, hindi kita passenger princess. You're my PRISONER." Bigay diin niya sa huling sinabi.

"Psh. Prisoner eh dun pa lang nga tago ka ng tago tapos ipi-prisoner mo pa ako. Ako pa talaga, huh?" Pagmamaktol ko sa kanya.

Ngunit napailing na lamang itong muli at hindi na lang ako pinatulan pa.

"Shit! Someone is following us." Biglang sabi nito at mas binilisan ang pagpapatakbo.

Noon naman ako napalingon sa aming likuran at tama nga siya, merong sumusunod sa amin. There's a black van following us from behind, and it's apparent that they are not only following us, but they also seem to be armed.

"Yeah, you're right." Cool lamang na sabi ko sa kanya.

"And I know them." Sabi naman nito sa akin.

"Pull over." Bigla namang utos ko sa kanya.

Agad itong parang hindi mapakali sa kanyang inuupuan at pagmamaneho.

"Nope. I don't wanna make a scene." Pagmamatigas nito habang napapailing.

Ngunit napa-rolled eyes lamang ako. Medyo gets ko naman siya sa part na ayaw niyang gumawa ng scene dahil may mga civilian na pwedeng madamay.

"Gimme your gun." Pagmamatigas at pagde-demand ko rin sa kanya.

"What?! No way!" Muling tugon nito at mas binilisan ang pagpapatakbo dahil malapit na kaming maabutan ng sumusunod sa amin.

"If you don't wanna make a scene, give me your fucking gun! I'll make sure that no civilians will be affected." Sigaw ko sa kanya dahil kita kong naka-ready na ang mga ito hanggang sa pinaputukan na nga kami ng baril kaya medyo gumewang-gewang iyong sinasakyan namin.

"What are you up to?!" Tanong ni Felicia habang inaabot ang kanyang hand gun sa akin.

"Ito lang ba ang meron ka? You didn't even prepare?" Napapailing na reklamo ko sa kanya. Wala bang mahaba? Parang pasensya ko sa'yo?" Pahabol na hirit ko pa.

"I said, what are you up to?!" Muling tanong nito sa akin at 'di man lang pinansin 'yung mga pinagsasabi ko.

"Just watch baby." Mayabang na sabi ko sa kanya bago napangisi. At muling napayuko rin agad noong pinagbabaril na naman kami ng mga humahabol sa amin.

Hinintay ko lamang na tuluyang makalabas kami ng mismong City at sinigurado na walang mga civilian na madadamay. Tsaka ko mabilis na binuksan ang pintuan kung saan ako banda nakaupo, pumupwesto ng maayos at agad na binaril ang gulong ng kotse ng sumusunod sa amin.

Dahil sa bilis ng takbo ng sasakyan kaya gumewang gewang ito bago bumangga sa punong kamoy at agad na sumabog.

"Bullseye, baby." Sabay ihip ko sa dulo ng baril na umuusok pa. Tsaka mayroong malawak na  ngiti bago napatingin kay Felicia at kinindatan siya noong makaupo akong muli sa aking upuan.

Agad naman na napaiwas ito ng tingin habang namumula ang pisngi.

"Yabang!" Saway nito.

"Mahal mo naman." Pagmamayabang ko at proud na proud pang sinabi iyon sa harap niya.

She just rolled her eyes. "NOON." Bigay diin nito sa kanyang sinabi.

Kaya naman muli akong napatawa.

"Huh! 'Di mo suuuure!" Patuloy na pang-aasar ko pa bago napatingin sa labas ng bintana.

Hmp! Noon daw. Sakit ha! Nawala angas ko dun.

---

Pagkatapos ng dalawang oras ay nakarating na rin kami sa sinasabi niyang pupuntahan naming dalawa. Ang inaasahan ko ay dadalhin niya ako sa isang lugar para mag-date pero mukhang hindi naman.

Assuming lang talaga ako ngayon. Hays!

Parang bata na napapanguso na lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan bago tuluyang bumaba.

"These are mine." Medyo proud na sabi nito sa akin habang nakangiti ng malawak noong iginagala ko ang aking paningin sa buong hacienda kung nasaan kami ngayon.

As I step onto the grounds of the hacienda, the vibrant aroma of blooming flowers dances in the air, greeting my senses with an inviting warmth. The main courtyard is a spectacle to behold, with its cobbled pathways snaking around well-manicured gardens teeming with bursts of fuchsia bougainvillea and cascading purple wisteria. The gentle murmur of a nearby fountain provides a soothing backdrop, its delicate streams of water creating a mesmerizing symphony.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapapikit ng aking mga mata to feel the fresh air hugging my body. At noong muling iminulat ko ang aking mga mata ay nahuli kong nakatingin sa akin si Felicia habang may ngiti sa kanyang mga labi, ngunit mabilis niya itong binawi at nagpatuloy sa kanyang paglalakad kaya muling sinundan ko siya.

Until we finally entered the house that stood in the middle of the vast land. It looks old from the outside but it is very stylish inside and you can see that the furnishings here are expensive and really antique.

As we explore, I catch glimpses of the hacienda's rich past, with weathered photographs and vintage artifacts tastefully displayed in carefully curated nooks that I think are photographs of Felicia's real family and ancestors, recounting tales of bygone eras.

Under the overarching canopy of ancient trees visible from this house window, you will find secluded alcoves and shaded enclaves, perfect for meditation or quiet conversation. The gentle rustling of leaves and the distant chirping of birds create a tranquil atmosphere that encourages a sense of introspection and peace.

In my first moments at this hacienda, the fusion of nature and history, delights come together to create an experience that is both captivating and immersive, leaving an indelible mark on your memory and an eagerness to discover more of the manor's hidden treasures.

"Wow!" Para akong maiiyak sa yaman at gara ng pamilya nina Felicia.

That's why Marsha was so determined to acquire the wealth of their family back then because it turns out their family was really wealthy. I never imagined that Felicia was even wealthier than me.

At ngayon, nakikita ko na hindi lang nag-iba ang dating Felicia na nakilala ko. Kundi, iyong Felicia na nakatayo ngayon sa harap ko, ay ang totoong Felicia na dapat ay noon ko pa nakilala.

She didn't change, instead time and real situations brought out her true self. And the real Felicia is this...wealthy, beautiful, intelligent, brave, and above all, powerful.

"You..." Halos hindi ko maibuka ng maayos ang bibig ko sa saya na nararamdaman ko para kay Felicia. Gusto ko siyang yakapin ng sobrang higit at ipadama sa kanya kung gaano ako ka-proud sa kanya ngayon, pero hindi ko magawa.

"I-I'm...I'm really proud of you, Kulot. This...this is what you deserved." Buong puso na sabi ko sa kanya habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

"Thank you, Sky." Taas noo na tugon naman niya habang pormal na nakangiti. Tatalikod na sana ito nang pigilan ko siya.

"Wait." Muli itong nagbaling ng tingin sa akin.

"Kanina pa ako nagtataka ano ba talagang nangyayari?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. "Una, hinayaan mo akong mabugbog ng mga tauhan mo. Pangalawa, ipinakulong mo ako for weeks. And now, binihisan mo'ko. Tapos ngayon tumakas tayo na parang mga kriminal para lang dalhin mo ako rito sa hacienda mo at..."

Natigilan ako sandali dahil hinding-hindi ko 'yun makakalimutan.

"Why did you kiss Lucka?!" Pagpapatuloy ko.

She just squinted before looking straight into my eyes and answering me directly.

"Because she's my wife?"

Para bang may kung anong bumara sa lalamunan ko na kung ano. At kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko dahil sa gulat nang marinig iyon mula sa kanya.

"W-WIFE?!"

Walang kibo na ipinakita nito sa akin ang suot niyang singsing na hindi ko man lang napansin.

"Yes, Sky. Lucka was the one who saved me from Marsha." Paliwanag nito sa akin.

Napalunok ako ng mariin. Malinaw pa sa malinaw ang kasagutan na ibinigay sa akin ni Felicia ngayon pero mas pinili kong huwag bigyan iyon ng pansin. Nagkunwari akong walang narinig at piniling huwag paniwalaan ang mga sinabi niya.

Nasasaktan ako.

I feel hurt that she easily let go of those words in front of me as if there was no emotion, and she didn't even consider that I might get hurt.

That's why instead of speaking again, I quickly walked up to her, holding her firmly by the back of her neck while my other hand was on her hips and I quickly kissed her on the lips.

I expected her to protest but I was surprised when she suddenly kissed me back. Our kiss became deep, it was an intimate kiss like I wanted to take off her clothes but Felicia quickly pushed me away.

"Stop...d-don't do that again." Utal na saway nito sa akin bago ako mabilis na tinalikuran at nag-walk out.

Ngunit agad ko naman siyang sinundan.

"Come on, Kulot. I know you still love me."

"Stop daydreaming, Sky. You're not the only one I can love."

Ouch! Ang sakit na ah! Masyado na niya akong sinasaktan.

"That's absorbing!"

"Because that's reality." Sagot nitong muli sa akin. "YOU and ME, matagal na tayong tapos."

Natigilan ako sa aking paghakbang.

"Kung gano'n, why are we here again?" Napapailing na tanong ko sa kanya. "And what's the point na dinala mo ako rito hacienda and show me all of these? And besides, WHY'D YOU KISS ME BACK?" Bigay diin ko sa aking huling sinabi.

But she just laughed at me.

"It was just a kiss, Sky. Don't be so overdramatic."

And then she just left like that. She left me wondering why and what was really happening.

"Arrrghhh!" I am so frustrated right now.