webnovel

TP: 28

Now playing: You broke me first - Tate McRae

 

Skyler POV

 

 

Taylor and I are here right now at the famous Old Town Square in Prague, laughing, and telling stories to each other while eating street foods. Monday today and she said, she won't be opening her bar for now and she thought of taking me out on a date because I'm always dealing with computers, guns, and cars.

 

Tss! Ganun na ba ka-boring ang buhay ko ngayon?

 

In the surroundings, we can hear the laughter of people we pass by, the delicious smell of food from various restaurants scattered here in Town Square, music from the bands playing, and people cheering.

 

I also see happy families strolling around, some alone but chatting or on video calls with someone on their cellphones, and there are also sweet couples holding hands and kissing.

 

And then, bigla na lamang akong natahimik at parang nagkaroon ng sariling mundo. Hindi ko na magawang pansinin pa ang mga sinasabi ni Taylor dahil bigla na lamang pumasok ulit sa aking isipan si Felicia.

 

Because I remember we never got a chance to experience traveling together outside the Philippines. It would have been so much fun if we had, right? I mean, the feeling of exploring different countries, their cultures, and places with the love of your life.

 

Then, the two of you would go on dates and you would kiss her in every place you visit.

 

And knowing the old Felicia, iyong masayahin at inosenteng Felicia, I'm sure that in every place and country, we would visit, I would see the excitement and joy on her face.

 

I suddenly felt sad when I thought about that. I know it won't happen anymore because our lives have taken a completely different path now.

 

"Langit, are you okay? Because... nasa Earth tayo and you are not listening to me." Napahinga ako nang malalim noong muling bumalik sa realidad ang aking sarili.

 

"Y-Yeah. Sorry." Paghingi ko ng tawad at binigyan siya ng malungkot na ngiti.

 

Agad naman itong napaiwas ng tingin mula sa aking mukha.

 

"I know that face." Dismayadong wika nito habang iiling-iling. "Yung ako ang kasama mo, pero iba 'yung taong tumatakbo d'yan sa isipan mo. Ouch ha!" Dagdag pa niya at hindi maitatago sa tono ng kanyang boses na nasasaktan siya.

 

Pero pabiro ko lamang itong pinitik sa kanyang noo. "Ang drama mo! Come on, I want you to buy me ice cream." Paglalambing ko para lamang mawala ang awkward ng atmosphere at hindi na ito magtampo.

 

"Tss!"

 

Noong mabilhan na ako ni Taylor ng ice cream ay nagpatuloy kami sa aming paglalakad. Katulad kanina, patingin-tingin lamang ako sa mga taong aming nakakasalubong. Hanggang sa biglang may mahagip ang mga mata ko.

 

Noong una ay parang namamalikmata lamang ako, ngunit noong mapakurap ako ng maraming beses ay nakumpirma kong totoo ang nakikita ko.

 

I saw a woman walking not far from us, wearing eyeglasses, her thick, long, and straight black hair flowing freely. She had red lipstick on and was clad in a tight-fitting black coat, leather jeans, and boots. She looked like she was modeling her own outfit in the middle of a fashion show as she walked.

 

She suddenly stopped walking after a few seconds and I was taken aback, unable to move from where I stood, as she turned her head in my direction. Our eyes met, and then she gave me a meaningful smirk.

 

It didn't last long, as she continued walking until she disappeared amid a crowd.

 

"Felicia?"

 

Awtomatiko kong nabitiwan ang ice cream na hawak ko habang nakatingin sa direksyon kung saan siya nawala sa paningin ko.

 

"What were you saying?" Tanong ni Taylor sa akin habang naguguluhan ang mga mata. Napalunok ako ng mariin.

 

I wasn't mistaken. Although she dressed and moved differently now, I will never forget that face of her.

 

Because I knew the woman I saw.

 

"Stay here." Maawtoridad na utos ko kay Taylor bago mabilis ang mga hakbang na nagtungo sa direksyon kung saan ko nakita si Felicia.

 

Hindi ako nagkakamali, alam kong si Felicia ang nakita ko.

 

"Really? Are you going to leave me here, alone?!" Rinig kong sigaw ni Taylor habang papalayo ako sa kanya pero hindi ko na ito nilingon pa.

 

Hindi ko alam kung paano ko pa siya masusundan pero sigurado akong same direction lamang ang tinatahak ko ngayon kung saan siya nagtungo kanina.

 

Hanggang sa mapunta ako sa isang medyo makipot na iskenita at wala nang ibang tao ang dumadaan.

 

And there, I saw five men bullying a woman. And that woman is Felicia.

 

Two of them were holding her, while one of them was repeatedly slapping her in the face. The other two were holding her coat and seemed to be checking her wallet.

 

Napahinga ako ng malalim. Anak ng tinapa naman! Mapapaaway pa yata ako.

 

"Hey!" I called out to them, but it seemed like they couldn't hear me.

 

"Leave her alone," I ordered as I approached them.

 

"I said, LEAVE HER ALONE!" Pagbigay diin ko sa aking sinasabi.

 

Mabuti na lamang at nakinig naman ang mga ito. Pwersahang itinulak nila si Felicia kung saan agad na bumagsak sa sahig. Napangiwi pa ito noong sandaling bumagsak ang kanyang katawan sa semento.

 

Lalapitan ko na sana siya nang makita ko na may inilabas na kutsilyo 'yung isa sa mga kalalakihan at nagbabadyang sumugod sa akin.

 

"Oh, please! Don't make me hurt you, guys." Pakiusap ko sa kanila ngunit napailing lamang iyong may hawak ng kutsiyo at mabilis na sinugod ako.

 

Mabilis kong nailagan ang kutsilyo nito pero tumilapon ako kaagad noong tamaan ako ng kanyang sipa.

 

Ang sakit no'n ah! Lalo at ang lalaki nilang tao.

 

Mabilis at kaagad na tumayo ako.

 

Ngunit noong sandaling iyon ay hindi ko napansin na meron din palang dumating na bagong kasamahan nila mula sa likuran ko. Walang sabi na hinampas ako nito sa aking batok ng hawak niyang baril kaya agad na nahilo ako at bumagsak sa tabi ni Felicia.

 

But I didn't mind my dizziness. Because it was my chance to hold and embrace the woman I love.

 

"Ayos ka lang ba?" I asked her as I let go of my embrace. 

 

Sabi ko, kapag nagkita kaming muli sisingilin ko siya. Pero ipagpapaliban ko na muna iyon ngayon dahil mas kailangan niya ang tulong ko.

 

She gave me a smile before nodding and quickly injecting something into my neck, causing my vision to blur even more.

 

I slowly looked at her face as she grinned at me.

 

"Sleep well, Skyler." Bulong nito sa akin habang nakangiti na parang tagumpay siya sa kanyang plano.

 

"W-What did you...w-what did you do...?" I asked her until I completely lost consciousness.

 

---

 

Nagising ako dahil sa sakit ng aking ulo at katawan. Pati na rin sa ingay ng mga nag-uusap na mga kalalakihan, sabayan pa ng napakalalakas ng mga tawanan nila.

 

"Fuck!" Hindi ko maiwasang mapamura noong mas naramdaman ang bigat ng aking ulo.

 

Dahan-dahan na iminulat ko ang aking mga mata.

 

Medyo nahihilo pa rin ako, ngunit agad na nawala iyon nang mapansin ko na nasa isang silda ako at nakakulong.

 

"What the--- what the fuck?!" Muling pagmura ko at mabilis na napatayo mula sa aking pagkakahiga.

 

Agad na iginala ko ang aking paningin. Kasabay nang pananahimik ng mga nagtatawanang mga kalalakihan. Lahat sila ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

 

Mabilis na suminyas iyong isang kasamahan nila sa nakaupong lalaki malapit kung saan ako nakakulong, tumayo naman agad ang inutusan nito at umalis. Ngunit hindi iyon nagtagal nang muling bumalik ito na mayroon nang dalang isang tray, kung saan mayroong nakalagay na isang bowl, isang kutsara at isang basong tubig.

 

Inilagay niya iyon sa may harap ng kulungan ko, sakto lamang para maabot ko.

 

Napalunok ako noong makita ko 'yung tubig kaya mabilis na hinablot ko ang baso at inubos agad ang laman nito.

 

Sinipa ng lalaking nagbigay sa akin 'yung bowl para mas maabot ko. Ngunit hindi ko iyon pinansin.

 

Anong gagawin ko sa lugaw? Tanong ko sa aking sarili.

 

Kahit gutom na gutom na ako hinding-hindi ko kakainin 'yan. Pagmamatigas ko sa aking isipan.

 

However, days have passed, and they still haven't released me, every time kakausapin ko ang mga nagbabantay sa akin, ay wala akong nakukuha na kahit anong sagot. Or they pretend as if they haven't heard anything.

Like, what the hell? Ano bang plano nila sa akin?

At isa pa, sa pagkakatanda ko si Felicia ang dahilan kung bakit ako nandito.

Pero teka nga, bakit hanggang ngayon eh hindi ko yata siya nakikita?

What are her plans for me? Will I be imprisoned here for life?

Aba! Hindi naman pupwede 'yun. Dahil natitiyak ko na hanggang sa mga oras na ito, hindi tumitigil sa paghahanap sa akin si Taylor.

Nagkamali ako na kinailangan ko pang sundan at iligtas si Felicia noong araw na iyon. Ano ba kasing pumasok sa isipan ko at nagawa ko pa siyang ipagtanggol?

Ano ako? Superhero niya?

Nakalimutan ko kasi na iba na nga pala siya sa Felicia na minahal at nakilala ko noon.

Madalas ko ring marinig na mayroong binabanggit na pangalan ng babae iyong mga nagbabantay sa akin. Ngunit kahit na kailan ay hindi ko pa narinig ang pangalan na iyon. 

She might be one of their associates or the leader of their gang. Whoever she is, I need to talk to her.

But why is it that no one is talking to me here?!

Sighed!

I haven't eaten for days, and I can feel my body getting weaker. Like, duh, as I mentioned, I will never eat the porridge they serve me.

I hate porridge. I feel like I'll get even weaker and sicker.

Sa sobrang panghihina ng katawan, hindi ko na namalayan na nakatulog na naman pala ako. Nagising na ako dahil para bang mayroong mga mata na kanina pa nakatingin sa akin habang natutulog ako.

 

"Hmmmm." Hindi ko mapigilan ang mapalunok ng mariin.

Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko at pati rin ng mga labi ko.

Dahan-dahan na muli kong iminulat ang mga mata ko, hanggang sa magtama ito sa mukha ng babaeng ilang araw ko nang hinihintay na makita ko. Ang dahilan kung bakit ako nandito.

Nanghihina ang buong katawan na muling bumangon ako mula sa aking pagkakahiga mula sa maliit na higaan na meron ako.

 

"Felicia." Pag banggit ko sa pangalan niya ngunit tinignan lamang ako nito na para bang ngayon lamang kami nagkita.

 

From the moment she looked at me and the way that mischievous grin formed on her lips, I knew she was different from the Felicia I used to know.

It's as if her personality has become stronger, smarter, and braver.

I couldn't understand myself, but suddenly I felt a sense of sadness because right at this moment, just by looking into her eyes, I confirmed that the Felicia I once loved was no longer there.