webnovel

Kabanata 1

Friend

I woke up late and with a headache the next day.

Late na akong nakatulog kagabi. Hindi ko sinadyang matapos ang novel. I found myself reading the last chapter siguro bandang alas tres na nang madaling araw.

Alas nuwebe na ako nagising. Pagkababa ko, nalaman kong maagang umalis sina mama at papa. They went to Dumaguete to visit my brother.

Kaya mag isa ako dito sa bahay kasama si nanay. Nag ba-bake kami ngayon ng cookies. My parents tend to forget and leave me alone, so I learned to do other things to get me preoccupied.

"Ako na ang magligpit nito, Quen. Balik ka nalang pag pwede na kunin sa oven ang cookies mo."

Tumango ako sa sinabi ni nanay.

Nagtungo ako sa sala namin. I scrolled through my phone.

Me: I'm waiting for it to cook. 15 minutes pa.

Louis: Send me some pictures of your cookies. I wish I could taste it.

Natawa ako sa nabasa. Louis seemed okay this morning. Hindi kagaya kagabi na parang bothered siya.

I did not ask him more about what happened to him yesterday. Ayaw kong masira ang mood niya ngayon.

Me: You're not here in Fuego, so I cannot have it deliver to your place. Try mo mag bake nalang...

Louis is currently living in Dumaguete. He said he has some relatives here in Fuego. But I did not ask him about them. Baka the more I know about his family here, I might get conscious and my family will know.

Fuego is a small island. Lahat ng angkan siguro dito magkakilala lang. Kaya mahirap na magkamali.

Louis likes to share things about him. But I asked him not to. That way, mas safe. I only know his name, that he is two years older than me and he is studying in Silliman.

I also pick only those things that I think are safe to share with him. I don't share about my family. I only vent!

Louis that friend who knows a little about me, listens to all my vents and never judge. I'm lucky to know him online.

I spent my weekend baking, painting, and chilling by the sea. My parents went home Sunday night. I was inside my room when they arrived. Narinig kong nag uusap sila ni nanay.

"Quen, bukas na ang audition para sa school paper. You're joining, right?" si Addie.

"Yup!"

Ngumisi si Addie.

Si Addie ang president ng school paper namin. She was convincing me to join her club since last year pa. Senior na si Addie. She'll be graduating this year. I hear she'll be the class valedictorian. She got the beauty and the brain. A perfect combination.

Kumaway muna si Addie bago umalis.

Nagpatuloy laman ako sa pagsulat muli ng aking notes. Hindi ko natapos kanina kasi.

Nandito ako ngayon sa may bench. Mas presko ang hangin dito kesa sa classroom o library tumambay. Wala rin masyadong tumatambay dito kaya nagustuhan ko rito.

"Your recitation will be moved on Wednesday since meron audition bukas."

Tumango kami lahat.

"I'll send the module on our group chat. This will be part of your performance output this Midterm, kaya pagbutihan niyo."

"Yes, ma'am!"

Niligpit ko ang gamit ko. Iniwan ko ang hindi ko gagamitin mamayang gabi sa locker.

"Quen, tara meryenda muna tayo," si Val.

Nakita ko na lumapit din sa kanya si Angel. Sa lahat, sila lang ang palagi pa rin kumakausap sa akin dito sa school. And I don't know why. I bet my classmates told them to just ignore me, like how I mostly ignore them.

I nodded.

We went our way towards the canteen. Maputik ngayon sa may shed, kung saan may nagbebenta sana na masarap na turon, kaya dito na lang kami sa canteen kakain.

Val and Angel were the first ones to place their orders.

"One chicken adobo rice toppings and one cold bottled water please," sabi ko sa cashier.

Inulit niya yon. Tumango ako at naghintay na ilapag ang inorder ko sa tray na nakapatong sa counter sa harap ko.

"Eighty-eight pesos po lahat..."

I opened my wallet and got a hundred peso bill. I was waiting for my change when I was pushed in front. Napangiwi ako nang tumama ang tuhod ko sa may counter.

"Oh my god! I'm sorry!"

Tumango lamang ako. Kita ko ang pagbaling niya sa kasama niya.

"This is your fault! You pushed me!" galit niyang saad dito.

Nanlilisik ang kanyang mga mata habang ang kausap niya ay napakamot sa kanyang batok. Kita ko pa ang bulong niya sa kasama.

Bumaling ito sa akin sabay hingi ng paumanhin.

Pagkakuha ko ng aking order at sukli, nagtungo na ako sa table kung saan naghihintay sina Val at Angel.

"What happened there?" si Angel.

"Na tulak ako," saad ko.

Napailing ang dalawa. Rinig ko ang mabigat na buntonghininga ni Angel.

"Wala talagang proper etiquette ang ibang estudyante rito. Nagtutulakan ba naman, e nasa canteen tayo," litanya niya.

"Are you hurt?" si Val.

Umiling ako.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos ay bumalik na kami sa aming classroom. Kumirot ng konti ang kaliwang tuhod ko pero nawala rin naman agad kaya hindi ko na pinansin pa ito.

Pagka abot namin sa room, hindi rin nagtagal nagsimula agad ang last subject namin, ang Chemistry.

"Since bukas may audition, sa Thursday na lang ang recitation niyo. Memorize the elements from one to fifty of the periodic table."

Bumuntonghininga ako.

May memorization din sa Botany, meron din sa Chemistry! Ugh! Nakakapagod naman.

Pagkalabas ni ma'am, rinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase ko. Iba sa aura nong Friday.

Nakauwi na ako ng bahay. Nadatnan ko si nanay na naghahanda ng hapunan namin. I got my phone from my drawer. Binuksan ko ang aking messages.

Una kong binuksan ang gc namin sa klase. Pagkatapos ay ang message galing ni Louis naman ang binasa ko.

Louis: Q, may training kami ngayon gabi. I'll just say my good night now...cuz probably you'll be asleep when we're done.

Louis: Good luck din sa audition mo bukas!

It was sent twenty minutes ago. Hindi kasi ako nagdadal ng phone sa school kung hindi naman kailangan ko o di kaya kung walang events. I only bring my ipod.

Me: Okay. Ingat sa training mo, Louis!

I put my phone back on my bed side table. Nagbihis na ako at lumabas ng aking kwarto para kumain ng dinner.