webnovel

Hacienda Casteel

They met at a young age. Puppy love when puberty hits them. High school love. Years later everything was changed. What happened in between? When she was gone and when she comes back she was slapped by the truth that Hacienda Casteel no longer owns by her family. The legacy of their family. How could her Lolo Faust give aways the Hacienda Casteel to someone that she used to know wholeheartedly but no longer have any affection? To whom should Hacienda Casteel really belongs? Who should really own this, is it because it was written in the last will testament or is it because you are a family?! She had plans on how to get back the Hacienda Casteel. There must be something wrong or something happened when she was gone, it just can't be. But despite of the rivalry for the inheritance, love will maturely blooms.. for the two heirs.

Jannmr · Adolescente
Classificações insuficientes
37 Chs

Chapter 23

Charlotte Monica POV

Nakarating na kami sa Little Boracay. Sobra isang oras lang ang naging byahe namin. Kahit excited ako pero hindi ko ipinakita sa kanila dahil sa inis ko kay Thirdy. Tahimik lang akong bumaba ng van.

"Are you mad?" Bigla nyang natanong. Pero hindi ako umimik. Tinikom ko lang ang aking bibig.

Patuloy naman sa pag-uusap si Angelique at Erica, tungkol kay Cha Eun Woo.

Tumulong na lang ako sa pag-unload ng mga gamit namin. Sya naman parang aso sunod ng sunod sa akin. Keeps asking me again, if I'm mad at him. Isn't it obvious? Hindi ko pa rin sya kinibo.

"Hey, why the long face?" Bumulong bigla si Erica sa akin. Nang makita nyang wala na sa likod ko si Thirdy, kinuha nya sa akin ang mga gamit na binuhat ko from the van.

"Ask him." Na tinutukoy si Thirdy.

"Si Thirdy ba? Ano bang meron kayo? "

"Ha, wala." Nakatunganga lang ako. Ewan.

"Uhm, nagse-sekretuhan na ba tayo ngayon? Anong wala ka dyan! Dapat ka magpaliwanag sa amin ni Chris mamaya." Siniko nya ako pero iyong mahina lang. Nakangisi pa nga sya. Oh my, she loves teasing me.

"Okay, fine. Later okay?!" Sabi ko. Pagkatapos no'n umalis na din sya.

Hindi na namin tinuloy ang pagkuha ng malalaking cottage, magtatayo na lang kami ng tent, kasi mas enjoy daw iyon sabi ni Angelique, at isang common cottage para sa pagkain.

Alam ko kanina pa ako napapansin ni Chris, alam ko kanina pa nya napapansin na sunod ng sunod si Thirdy sa akin. Alam ko kanina pa nya gustong lumapit sa akin pero pinipigilan ko lang sya sa pamamagitan ng aking mga mata. Nakakatawa man pero nakuha ko sya sa tingin. Si Chris, sobrang overprotective nyan sa akin and knowing Thirdy, it will only bring chaos. Magkakagulo lang, ayaw ko mangyari iyon, isang araw na lang babalik na sila sa Manila tapos mag-aaway pa. Hindi pwede iyon, I'll do everything para mapigilan ang ganoon.

Nagkaroon ng chance si Chris na makalapit sa akin, after Erica. Pagkatapos kinuha ni Thirdy ang mga gamit namin mula sa van kanina, nakabuntot si Enrique sa kanya. And Enrique keeps him occupy, kaya hindi na nakabalik pa si Thirdy sa tabi ko. That's good though.

"Charl, what's going on?! Ginugulo ka ba nya?" Asik ni Chris. Patay! Parang galit.

"Shh, lower your voice." Saway ko sa kanya.

"I don't care! Sino ba sya?!" He protested.

"Ano ka ba! I said lower your voice." I said that in lower tone of voice pero may diin ng pagkasabi. Sinilip ko mula sa malayo si Thirdy. Nakikita nyang kausap ko si Chris. Nakatingin din pala sya sa amin. "Ayaw ko ng gulo. I can handle him, Chris. I understand that you are concerned but I'm not harm." Pangungumbinsi ko kay Chris.

"Basta, kapag may maling ginawa yan sa'yo, alam mo na." Babala nya. "I'll be at your back, always, Charlotte Monica Casteel." Sinabi nya iyon ng napakaseryoso ng mukha. He kid not, lalo na kapag buong pangalan ko na ang binabanggit nyan.

"Chris, friend ko din si Thirdy, kinakapatid." I reason out. Kinakabahan ako eh. Iba magalit 'to. Lalo na kapag kami nila Erica, Jeane at ako ang involved, nagiging beast mode 'yan.

"Yet he is being clingy to you. Hindi ka nya gf para umakto syang ganyan." Naku naman! Mapapangaralan pa ako ngayon, ng kuya Chris ko. I rolled my eyes. "Look, I know he likes you. I can see it. Kahit wala kang sinasabi pero it can't be like that, you're both too young for this kind of complications. He is possessive."

"Tama na.." Gusto kong sabihin kay Chris na, I'm not letting Thirdy to manipulate me or what and I know we're too young for this, napag-usapan na namin ito ni Thirdy kaso nga lang dumating bigla si Erica.

"Ehem, mukhang seryoso 'yang pinag uusapan nyo. Pwede bang makisali?" Singit pa ni Erica sa amin ni Chris.

"You talk to her about that boy, Thirdy." Sabi nya, sabay walkout. Hinabol lang ng paningin ko ang pag-alis ni Chris. Natahimik naman saglit si Erica. Nakiramdam.

"Psst," Pabulong nyang tawag sa akin. "Nag-away ba kayo?"

"Hindi ah," Napahinga ako ng malalim. "He's just being protective of me. Kilala natin si Chris, he's like that." Nagtitigan kami saglit ni Erica.

"I know. He is always like a big brother for us. Ano ba'ng sinabi nya sa'yo?"

"Pinagalitan lang naman nya ako about Thirdy. Kasi nakikita nyang clingy daw."

"Bakit, bf mo ba 'yang si Thirdy?"

"Of course not!" Mabilis kong tanggi kay Erica. "Umamin kasi sya sa akin na gusto nya ako."

"So, it that means gusto mo din si Thirdy?"

"No! I mean, hindi ko alam. I didn't say anything."

"Gusto mo ba sya o hindi?"

"Erica!" Ngumiti lang sya.

"Cute naman sya ah. Iyong ideal guy na pwede maging bf ng matagalan."

"Siguro nga, pero alam mo naman sabi ni Mama 'di ba?!"

"Studies first before boys." Sabay pa naming bigkas. Palagi kaming pinapaalalahanan ni Mama na unahin ang pag-aaral, ang mga boys nandyan lang iyan pero ang pag-aaral hindi pwedeng paghintayin. We need this for future sake.

"I know. Fine. Hayaan mo kakausapin ko si Chris para maliwanagan sya. Don't worry about him."

"Thanks Erica." Niyakap ko naman sya. Ganoon din sya.

Sumulpot bigla sa likod ni Erica sa Kuya Roy. "May problema ba, Charl?!"

"Ha, kuya Roy, wala po. Usapang babae lang po." Bumitaw naman agad si Erica pagkarinig ng boses.

"Ah gan'on ba, halika na kayo, kakain na tayo ng dinner. Para makagawa na agad tayo ng bonfire."

"Sige kuya, tara." Nilingkis ko ang braso ko sa braso ni Erica. Nauna naman naglakad ng ilang pulgada si Kuya Roy. Nagtinginan lang kami ni Erica tapos nagngitian na parang mga ewan.

"You'll be okay." Sabi pa nya.

"Actually, natatakot ako na magkagulo tayo."

"Shhh. Tatabihan ko mamaya sa bonfire si Chris. Don't worry."

"Thanks Erica." Mabuti talaga may mga kaibigan sa paligid mo, hindi ka pababayaan.

To be continued..

📝 Jannmr