webnovel

(Havoc Gangsters Arc) Chapter 81 - Showdown Of Ice And Shadow

Third-person Point Of View

Sa kinaroroonan ng naglalaban na sina Devorah Sullivan at Mefisto Arckady...

"Shadow Battalion!" Gumawa ng maraming humanoid si Mefisto na gawa sa anino, sumugod ang mga ito sa direksyon ni Devorah.

"Skating Ground!" Ginawa namang yelo na madulas ni Devorah ang lupa na siyang dahilan para magkadudulas ang mga anino at bumagsak sa lupa. "Ice lances." Gumawa din agad ng mga patalim na yelo si Devorah at pinatamaan ang mga anino.

Kapag tinatamaan ng malalakas na impact ang mga anino, nasisira ang mga, kapag nawawasak ang mga ito ay para silang usok na hinipan ng hangin at naglaho.

"Shadow Drive!!" Mabilis naman na binalutan ni Mefisto ng shadow energy ang kaniyang buong katawan at sumugod kay Devorah.

"Emerging Icebergs!" Gumawa naman ng mga matutulis na tipak ng yelo si Devorah na sumalubong sa papasugod na si Mefisto ngunit wala itong naging epekto dahil tumagos lamang si Mefisto sa mga icebergs.

Sa kaniyang paglapit ay sinapak niya ng malakas si Devorah sa pisnge. Tumilapon si Devorah at bumangga sa isang tipak ng bato at bumagsak sa lupa.

"Nakakainis na magic ability." Reaksyon ni Devorah na tumayo matapos bumagsak.

"You should see by now the difference between our power, Devorah." Sabi naman ni Mefisto kay Devorah na hindi gumalaw mula sa kaninang kinaroroonan ni Devorah.

"Mayabang...umiinit-este lumalamig pa lang ang labanan natin." Ngumite ng sobrang lapad si Devorah.

"You have a twisted personality..." Reaksyon naman ni Mefisto.

"Tama na ang dada, laban lang ng laban!!" Binalutan ni Devorah ng yelo ang kaniyang buong katawan, kalaunan ay naging magandang armor ito na gawa sa yelo. "Ice Valkyrie." Bigkas ni Devorah sa spell niyang inactivate.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Mefisto na hindi parin gumalaw mula sa kaniyang kinatatayuan. Sumuntok si Devorah, sa mukha ni Mefisto ngunit tumagos lamang ang kaniyang kamao.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon si Mefisto at sinuntok ulit sa mukha si Devorah. Nabasag ang helmet na suot ni Devorah at direktang tumama sa ilong niya ang kamao ni Mefisto. Muling tumilapon si Devorah, at bumangga sa parehong tipak ng bato.

"Your magic is impressive, but it doesn't suit mine... because I can turn myself into a untouchable being while you can't." Paliwanag naman ni Mefisto. "Just give up now, I'm not intending to kill you, I promise."

Tumawa sa narinig kay Mefisto si Devorah at tumayo. "I've never felt this pumped up before...this is a fight I always wanted...you're not holding back, I thank you for that." Pinawalang bisa ni Devorah ang kaniyang spell na Ice Valkyrie, at pinatunog ang kaniyang leeg. Pinunasan niya din kalaunan ang dugo na nagmula kaniyang ilong at bibig at ngumite ng malapad.

"Are you saying you're not going to give up?" Tanong ni Mefisto kay Devorah.

"Does this game face looks like giving up to you?" Pilosopo na tanong naman pabalik ni Devorah kay Mefisto. (Everything to kill her... I'm going to get stronger and stronger and kill her...she's the last person in this world, that I have to kill to save my family's legacy!!)

(She's not going to give up no matter how many times I convinced her. Better hit her hard to make her unconscious!!) Sabi naman ni Mefisto sa kaniyang sarile. "If you're not giving up, then I'm ready to hit you hard again..."

"Just do it!!" Sumugod muli si Devorah kay Mefisto. Napansin ni Mefisto ang pagbabago ng bilis ni Devorah kaya umalis ito sa kaniyang kinaroroonan. Hinabol naman siya agad ni Devorah. Papalingon pa lamang si Mefisto ay nakalapit na si Devorah at sumipa sa kaniya. Mabuti na lamang at tumagos lang ang sipa ni Devorah sa sanang ulo ni Mefisto na tatamaan at mapupuruhan dahil nakabalot ng yelong mayroon ding mga spikes ang paang ipinangsipa ni Devorah.

Nagpokus naman ng shadow energy sa palad nito si Mefisto at pinatamaan si Devorah sa dibdib nito. Isang palm push na mayroong nakabalot na shadow energy ang nagpabalibag muli kay Devorah.

Binalutan naman agad ni Devorah ng yelo ang kaniyang likuran, kaya naman hindi siya gaanong nasaktan sa muling pagbangga niya, sa pagkakataon na ito ay hindi lang isa kundi maraming tipak ng bato. Tumilapon siya ng higit sa 100 metro ang layo niya kay Mefisto.

"H-hindi ko sinasadya." Nataranta na sabi naman ni Mefisto dahil sa dibdib ni Devorah niya pinatama ang kaniyang palad. Hindi kaagad nagproseso sa utak nito na babae ang kaniyang kalanan at hindi isang lalaki.

"TSK!! How will I'll be able to touch this bastard's body? Paano kaya siya nagawang kalabanin ni South noong War Game!! Damn it!!" Inis man si Devorah sa nangyayari pero nakangite ito at tumatawa minsan. "I'll just keep on throwing ice to you then, feel my cold wrath-" Hindi natapos ni Devorah ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumakit ang kaniyang ulo.

⟨⟨ Awaken Legendary Ace... ⟩⟩ Isang boses ang narinig nitong nagsalita.

"Bullshit!! Who the hell are you? This is the second time this happened." Inis na sabi naman ni Devorah. Nagdilim ang kaniyang paningin dahil sa salitang narinig niya na hindi niya alam kung sino pero biglang mayroong pumasok na ideya sa kaniyang isipan. (He's using shadow magic, meaning...if there's no light, there's going to be no Shadow!)

Mabilis na sumugod si Devorah kay Mefisto. "Ice colosseum!" Trinap ni Devorah ang kasama sa loob ng isang malaking colosseum ng yelo si Mefisto.

Madilim sa loob, hindi makikita ni Devorah Mefisto dito pero nararamdaman niya ang aura nito.

"Naloko na." Nataranta na sabi ni Mefisto. Dahil sa dilim, naglaho ang kaniyang shadow drive spell.

"Mabuti at gumana 'to..." Sabi naman ni Devorah na nagalak sa resulta ng naisipan niyang gawin. Hindi siya nag-aksaya ng oras. Binalutan niya ng yelo ang kaniyang mga kamao at sinugod si Mefisto.

Sinuntok niya ng maraming beses si Mefisto sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito. Natigil lamang ito ng si Mefisto ay tumilapon at bumangga sa pader ng ice colosseum.

(It was just a one unexpected mistake and this is what happens, unbelievable...) Hindi makapaniwala na sabi sa sarile ni Mefisto.

"Take this. Ice Creation Magic, Iceberg Fist!" Anunsyo ni Devorah. Gumawa ng malaking kamaong gawa sa yelo si Devorah na kaniyang ipinang-suntok kay Mefisto. Nawasak nang tuluyan ang ice colosseum at nakita ng mga Crimson Orange Gangsters kung paano lumipad papunta sa kanilang direksyon ang nawalan ng malay na si Mefisto.

Sa pagbagsak ni Mefisto sa lupa, si Devorah ay napaluhod sa kaniyang kinaroroonan.

Hindi inasahan ni Devorah na tatayo pa si Mefisto, kahit na wala na itong malay, hindi parin sumusuko ang fighting spirit ni Mefisto kahit na bumigay na ang kamalayan nito.

"More fun coming up?" Nakangite na sabi naman ni Devorah na mas lalo pang ginanahan na lumaban. Tumayo siya at muling nag-activate ng kaniyang Ice Valkyrie spell at sumugod sa walang malay na nakatayong si Mefisto.

Sumugod din kay Devorah ang walang malay na si Mefisto. Nagawa pa nitong mag-activate ng spell, gumawa ito ng isang malaking hulmang taong anino, kung saan ang anino ay ipinasok sa loob ng ulo nito si Mefisto. Ang higanteng anino ay sumuntok kay Devorah na sinabayan naman ng dalaga.

Sa pagsabayan nila ng suntok, nawasak ang kamay ng anino at naglaho. Mabilis na tumalon si Devorah at sinipa ang dibdib ng higanteng anino na nabutas at natumba. Ilang saglit pa ang lumipas, naglaho ang higanteng anino at nakita ni Devorah na nakahilata sa lupa si Mefisto, tuluyan na itong hindi gumalaw at natulog.

"That's was fun and not fun." Sabi naman ni Devorah bilang kaniyang reaksyon sa natapos nilang labanan.

Hindi makapaniwala ang mga Crimson Orange Gangsters sa pagkatalo ni Mefisto Arckady. Ito kasi ang pangalawang pinakamalakas nilang high ranking officer.

"Vice-president..."

"He lost too."

"Damn it, Havoc Gang higher ups are really strong."

"We're doom!" Ilan lamang sa mga nawalan na ng pag-asang lumaban na sabi ng mga Crimson Orange Gangsters.

Sa pagkapanalo ni Devorah, lumamang nang husto ang Havoc Gang sa laban, dahil si Mefisto ang kasalukuyang Vice-president ng Crimson Orange Gang.

*****

Sheina Barsley Point Of View

Sa pagtagal ng labanan sa pagitan ng Havoc Gang at Crimson Orange Gang, ang aking kakaibang pakiramdam sa Great Spirit na naka'y Andrew Crimson lalong lumalakas at nakakabahala.

"I knew you noticed something wrong. Tell me what it is. I'm so far from there but I can tell from you facial expression something is up." Kinausap ako ni Don Nova Chrono mula sa Contact Orb.

Bumuntonghininga ako. "May kakaiba sa Great Spirit na mayroong kontrata kay Andrew Crimson. Parang hindi ito isang Great Spirit..."

"If that's a 'True Spirit', you're going to be in trouble..." And that's it. She pointed out what's bugging me.

"Don't say scary things like that." Sabi ko naman agad sa kaniya.

"I'm serious. I'm sending Venom and his group...stay alive till they arrive."

"No, if you send them they can come here in seconds."

"Gaga, pipilitin kopa siya, hindi mo pa ba kilala ang pag-uugali ng lalaking 'yon?" Napatapik ako sa aking noo sa sinabi ni Don Nova.

"Gawin mo ang makakaya mo Don Nova, kundi..."

"Babye na sayo sa Elementacia." Hindi naman halata na nangaasar siya.

"Huwag kang magsalita ng nakakatakot na ganiyan." Saway ko naman sa kaniya.

Our life might be on the line here but she's still playing around. I can't tell if she's really ensuring the safety of the Aces or she's just playing chess with them. It's over if the Aces present in the battlefield will die...

Itutuloy.