webnovel

(Havoc Gangsters Arc) Chapter 79 - The Mystery Of Rialyn's Power

Sheina Barsley Point Of View

I'm still bothered why the fuck I sensed Arsah's aura here in Palkia City. I don't know what's he's up to. I was focused on thinking what might be he doing here in this city when suddenly, Don Nova Chrono shouted from the Contact Orb.

"I-impossible..." Hindi makapaniwala na sabi niya. Nanonood din kasi kami ng laban sa pagitan ng Havoc Gangsters at Crimson Orange Gangsters. Nanood siya sa laban gamit ang mga recording diamond na aking ikinalat sa lugar kung saan mismo mayroong laban na nagaganap habang siya ay nasa kaniyang teritoryo.

I set up things for this battle because Don Nova Chrono wanted the Aces to activate and use their real abilities. By making Mikey come here in Palkia City, things went on my way and the battle started soon as I got a lucky break that Shannon went to go somewhere else, I don't know where she went to, but it might be important because it's been few days since she left and still hasn't return. Shannon will surely blame me if she will find out about this.

Dons are her main enemies, she doesn't know who Don Nova Chrono really was, kaya hindi ko matukoy kung anong mangyayari kapag dumating ang araw na magkikita silang dalawa.

I'm watching the battle here inside the headmaster's office, and Don Nova Chrono is talking with me with though a Contact Orb. I put some sleeping pills to Rodeo's coffee to make him fall asleep so that I can converse with Don Nova at ease.

"Noticed something?" Tanong ko kay Don Nova Chrono.

"That Madzua girl is really a Legendary Ace, but something is off...in the record of history I know, Madzua Clan created only one Chaos Magic which was the counterpart of one of the Finnes Clan's Chaos Magic, Elasticity Molding Level Flame." I got what she's pointing out.

"Hoy, huwag mong sabihin na..."

"That girl created her own Chaos Magic. From this moment that we saw what she can do...I can say she have the power to become one with the Wind, no, the Sky... perhaps the one who even rules it..."

"Seriously?" Hindi ako makapaniwala.

Isang babaeng hindi hilig ang makipaglaban noon, unconsciously nakagawa ng isang sarile version ng kaniyang Chaos Magic? Isang Chaos Magic na kagaya 'non na sobrang lakas kung ma-uutilize niya ang kapangyarihan na iyon ng maigi.

*****

Third-person Point Of View

Sa pagpatuloy ng laban sa pagitan nina Rialyn at Ruke, kung saan si Rialyn ay nakatayo na ng tuwid at nagkaroon ng malakas na pwersa ng hangin sa paligid ni Rialyn...

Nagsimula nang magdilim ang kalangitan, ang mga itim na ulap ay nagsimulang mag-ingay sa pamamagitan ng mga kulog na nabuo. Nagkaroon na din ng mga boltahe ng kidlat.

"W-what the hell is going on here?" Hindi makapaniwala na sabi ni Ruke sa nangyayari. (It's as if, the sky suddenly got angry...because she got angry? This is bad. I need to stop playing around and finish her off before she starts moving from where she's standing.)

"Mamatay kana, Rialyn Madzua. Lightning Magic, Roaring Lightning Sphere!!" Pinakawalan na ni Ruke ang ginawa niyang bola ng kidlat. Sumugod ito pababa sa kinaroroonan ni Rialyn. Agad namang nagsipaktakbuhan palayo ang mga Gangsters na malapit kay Rialyn dahil ayaw nilang mahagip sila nito.

Napansin nina Meryl ang pagpakawala ni Ruke sa bolang kidlat nito, at nakita ni Meryl ang nakatayo lang na si Rialyn. Mabilis na tumakbo si Meryl papunta kay Rialyn upang ito ay kaniyang tulungan.

(Did she fucked up the battle they had? This is bad! The second highest ranking officer of this gang shouldn't leave the battlefield early. The gang will lose moral!!) Nangamba na sabi ni Meryl sa kaniyang sarile. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang biglang bumilis ang pagbagsak ng bola ng kidlat. "Rialyn!!" Napasigaw na lamang siya dahil tumama na ang bola ng kidlat sa kinaroroonan ni Rialyn. Nagkaroon ng paglindol dahil sa pagsabog na idinulot ng bola ng kidlat na nagpakawala din ng malakas na boltahe ng kidlat, na naramdaman ng lahat ng mga naglalaban. Napaluhod sa lupa si Meryl at napanganga sa pagkabigla.

Samantala, sa kinaroroonan naman ni Ruke nagpapatintero sa ere ay tumawa ito ng malakas.

"Take that, you piece of foul mouthed shit." Pang-insulto nito kay Rialyn. (That spell almost used up all of my mana. I'm glad it was done, I finished a potential problem.) Nagalak na sabi nito sa kaniyang sarile.

Sa pagtatapos ng pagsabog at pagkuryente sa lupa, ay bumaba dito si Ruke, patuloy parin siyang tumatawa. Nabalot ng usok ang malawak na bahagi ng lugar.

"Listen carefully Havoc Gang!! You are all going to fall and die here!! As your number 2 is already-" Masaya siyang nag-anunsyo ngunit hindi niya ito natapos nang siya ay mayroong marinig na boses sa di kalayuan. Alam na alam ni Ruke kung kaninong boses ito nanggaling. "TSK!!"

Ilang sandali ang lumipas, umihip muli ang malakas na hangin at naglaho ang makapal na usok. Tumambad sa lahat na buhay parin at tuwid na nakatayo si Rialyn Madzua.

"H-hindi siya naapektuhan?" Hindi naman makapaniwala na sabi ni Meryl mula sa di kalayuan bilang kaniyang reaksyon na nakita niyang maayos ang lagay ni Rialyn.

Si Ruke naman ay napa-atras at mayroong nagtataka na itsura ang mukha nito.

"H-how come you're completely fine after taking that lightning directly??" Hindi makapaniwala tanong ni Ruke kay Rialyn.

"Don't asked me..." Ini-angat ni Rialyn ang kaniyang kaliwang kamay. Kasabay nito ay ang pagtama ng malakas na boltahe ng kidlat kay Ruke, galing sa maitim na bahagi ng kalangitan. Namilipit sa sakit si Ruke na hindi nagawang protektahan ang kaniyang sarile dahil sa bilis ng lightning strike na tumama sa kaniya. "Kamusta? Masarap bang tamaan ng kidlat kagaya ng ginagawa mo? Akala ko hindi ka tatablan ng kidlat, kung malakas na pwersa pala ang tatama sayo ay maapektuhan ka nang husto." Pangangatwiran ni Rialyn kay Ruke na napapikit na ang kanang mata sa sakit.

Sa pagtapos ng pagtama ng boltahe ng kidlat sa kaniya, napadapa sa lupa si Ruke at naghabol sa kaniyang paghinga.

"You're done for. That lightning strike is the attack that finished you, trash." Malamig na sabi ni Rialyn kay Ruke. Lumapit siya dito at tinapakan ito sa ulo. Tumingin siya sa langit at makapalipas ang ilang sandali ay ipinikit niya ang kaniyang mata at huminga siya ng malalim. Unti-unting umaliwalas muli ang kalangitan, nawala ang kulog at kidlat.

Sa pagpikit ng kaniyang mga mata, naalala ni Rialyn na nagawa na niya minsan na makontrol ang kidlat dahil sa kaniyang galit na naramdaman.

*Mini Flashback*

Nage-ensayo si Rialyn sa kagubatan. Galit na nageensayo si Rialyn sa lugar matapos marinig sa mga taga Palkia City habang papunta siya rito ang patungkol sa Madzua Royal Family. Nagdaos kasi ang mga ito ng isang burial para kay Rialyn, indikasyon na pinatay na siya ng kaniyang mga magulang sa puso ng mga ito.

(Annoying, damn parents!! As if I've known you bitches!!) Galit na sabi ni Rialyn habang patuloy na sinusuntok ang isang puno na kaunti pang pagsuntok na lang ay matutumba na. Hindi gumamit ng magic si Rialyn para balutan ang kaniyang mga kamay kaya magang-manga na ang mga ito, ang ibang knuckles niya ay nasugatan na nga nang tuluyan.

Hindi napigilan ng dalaga na maiyak. Kasabay ng pag-iyak nito ang bumugsong galit niya sa kaniyang mga kapamilya na walang mga puso o pagmamahal.

Unti-unting umitim ang kalangitan na nasa tapat ni Rialyn. Ang mga ulap ay nagsimulang magkaroon ng kulog at kidlat, bumuhos din ang ulan ng napaka-lakas. Dahilan para si Rialyn ay mabasa at maligo.

Sa pagtaas ni Rialyn na ginawa kaniyang kanang kamay, isang malaki at malakas na boltahe ng kidlat ang biglang dumapo sa kamay nito. Nagulat si Rialyn sa nangyari pero hindi siya nasaktan sa pagdikit ng boltahe ng kidlat sa kaniyang kamay.

*End Of Mini Flashback*

(Perhaps, I have the power to control the different elements of the Sky and not just the wind, I can't tell yet.) Paghuhula ni Rialyn sa kaniyang sarile.

Nagsimula siyang maglakad palayo kay Ruke, sinalubong siya ni Meryl na napayakap sa kaniya.

"Gaga, akala ko ano nang nangyari sayo." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Meryl kay Rialyn. Napakamot naman agad sa kaniyang sintido si Rialyn. "Paano mo nagawang makayanan ang kidlat na ganoon kalakas ang boltahe at hindi ka man lang napinsala?"

"H-hindi ko alam, Meryl." Hindi naman maipaliwanag ni Rialyn kung ano nga bang nangyari sa sitwasyon kanina, na hindi siya tinablan ng malakas na bola ng kidlat ni Ruke. (I don't quite get what's going on but, it feels like lightning becomes useless against me when my anger is building up. It's was as if, Ruke's lightning got intimidated by me and got scared to hurt me by striking me with that super voltage. It feels like the elements that can be found in the sky are one with me, that I'm the one who rules the said domain, the sky itself.) Patuloy na nanghuhula na sabi ni Rialyn sa kaniyang sarile patungkol sa kaniyang tunay na kapangyarihan. (Bye-bye, wind magic.) Naguguluhan man, nagawa parin ni Rialyn na sabihin ang kaniyang pagpapaalam sa dating akala niyang magic na taglay niya.

"Mabuti na lang at okay ka lang." Sabi ni Meryl saka pinunasan ang kaniyang luha sa mga mata. "Let's finish this mess." Anunsyo kay Rialyn saka siya humarap sa mga marami paring bilang ng mga Crimson Orange Gangsters na kinakalaban ng mga Havoc Gangsters.

"Tama ka." Pag-sangayon naman ni Rialyn sa sinabi ni Meryl. "Masyado ng maraming Havoc Gangsters ang napaslang...kapag walang natira sa kanila kahit isa man lang pagkatapos ng laban na ito, tayo parin ang talo sa laban. We must help them, tapos na din naman tayong harapin ang mga Echelons na ating kinalaban."

"Tama ka." Sabi ni Meryl na mabilis tumakbo pasugod sa mga Crimson Orange Gangsters. Sumunod naman agad sa kaniya si Rialyn.

Itutuloy