webnovel

Glimpse of You (San Ildefonso Series No.1)

j0biyaa_ · Urbano
Classificações insuficientes
11 Chs

Kabanata 9

Bote

"Nandito na yata si Chaz, Gab." Rinig kong sigaw ng isa sa mga kaibigan ni Kuya galing sa loob. Malamang ay si Geoffrey.

Nauna siyang lumabas sa taxi at siya narin ang nagbayad. Hiyang-hiya ako sa nangyari. Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa.

"Hey, man. You're late,"

Rinig kong sabi ni Kuya. Nakalabas na ako ng taxi at doon ko nakita ang gulat sa mga mata ni Kuya Gab. I know what is going on with his mind...at hindi ganoon iyon.

"So... you're with my sister." Sabi niya habang kumukunot ang noo at itinuro pa ako. Hindi ko alam kung tanong ba iyon o isang statement.

Bago pa may masabi si Chaz ay inunahan ko na.

"It's just coincidence, Kuya. That's all." Then lumapit na ako sa kanya, pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya at sabay kaming pumasok. Naiwan naman si Chaz doon sa labas at wala na akong pakialam sa kanya.

Maybe that will be the last conversation...How I wish.

Nasa sala lang sina Adam at Geoffrey. They just waved their hands on me. They are comfortably sitting sa couch habang may mga beer na nakapatong sa coffee table. Hindi nakabukas ang tv o kaya ang speaker. Tahimik lang silang umiinom.

I thought they were going to make their thesis? At sabi ni Dad kanina umalis si Kuya para doon. Anong ginawa nina Kuya kanina? Did he lied?

Dumiretso ako sa kwarto para magbihis while Kuya is acting weird at my back, tahimik na sumusunod sa akin. Nasa dulo na kami ng hagdanan. I sighed. Kunot-noo ko siyang nilingon. Ngumiti siya na mas nagpalito sa akin.

"May nangyari ba sa iyo, Kuya?" Tanong ko sa kanya. Nasa harapan na kami ng kwarto ko.

"Should I be the one asking you about that?" Now, he is serious.

"Na ano? Wala naman Kuya. Bakit? Mayroon ba dapat?" I'm confused. I don't know if tama ba na naging ganoon ang tanong ko. Na sa totoo naman ay wala akong ginawa maliban sa pagpunta ko sa coffee shop.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at sumunod din siya sa akin. He closed the door behind him and then humarap siya sa akin. Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siyang nakapameywang sa harapan ko.

"This is new." Simpleng sambit niya. I tilted my head. Naiirita na sa pambibitin ni Kuya.

"What is it, Kuya. Hurry up."

"Nag-usap kaming apat kanina na dito sa bahay ulit ang paggawa ng thesis dahil may emergency event siya at siya mismo ang nagtanong sa oras ng pagkikita."

"Who?" I said. Impatiently curious.

"Chaz."

I rolled my eyes. "Anong problema doon, Kuya? At ano ang kinalaman ko doon?" Tumayo ako. Nilagay ang bag sa gilid at pinalabas lahat ng notes.

"Ni minsan ay hindi pa nalalate si Chaz sa usapan, Patricia," seryosong sambit ni Kuya na nagpatigil sa akin sa ginagawa. Nilingon ko siya. Lumapit ako sa kanya at nalilitong pinagmasdan ang kanyang mukha. He clenched his jaw at matalim ang kanyang mga mata pero may lambot sa kanyang paninitig.

"At sa nakita ko ay parang may alam ako sa kung ano ang naging rason." Dagdag pa niya.

"Kanina ka pa, Kuya ha. Can you please make it straight to the point?" I stamped my feet in frustration.

"Sinasabi ko lang na baka hinintay ka niya, Patricia." Kalmadong sabi ni Kuya sa akin. Tumigil ako ng ilang segundo pero nakabawi kaagad.

Tinulak ko si Kuya Gab palabas ng kwarto ko. This is my room and I can do the hell I want at alam niyang he's trespassing. Tumawa si Kuya sa ginawa ko. Umiling ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga naiisip niya.

"Eh ano naman kung ganoon nga, Kuya and besides, nasabi mo nga na may emergency event siya kaya baka nalate lang. Isa pa, it's nothing at wala na akong pakialam doon. Kaya, you may go and do your thesis down there."

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga at kalaunan ay naligo na at nagbihis.

Halos kalahating-oras rin ang iginugol ko sa kwarto. Nadatnan ko silang umiinom habang may laptop sa coffee table. Napasulyap ako sa bahagi niya. Agad ko ring nilihis ang tingin ko nang nakita kong napasulyap rin siya sa akin. Yumuko ako, I scanned myself pati narin ang damit na suot ko ngayon. I am wearing a short na hindi naman ganoon kaiksi at simpleng cotton shirt. Suddenly, I feel conscious about it. What the hell is happening to me?

I cleared my throat. Nakababa na sa hagdanan at papunta na sa kusina para magsalin ng tubig sa baso. Muli akong napasulyap sa dako niya. He looks so serious. Mukhang busy sa pagtatype ng thesis sa laptop habang sina Kuya Gab naman ay nagiinuman at may laptop sa harap na hindi ginagalaw.

Lumapit ako sa kanila, papunta kay Kuya. Napabaling si Kuya sa akin na nakaupo sa pang-isahan habang sina Geoffrey at Adam ay nakatalikod sa akin at si Chaz naman ay nasa kanang bahagi na nakupo rin sa pang-isahang upuan.

"Why are you guys drinking? I thought you were going to make your thesis." Napabaling narin sina Geoffrey at Adam sa akin. I heard Geoffrey's chuckled. Habang si Adam naman ay tahimik lang.

"Tapos na kami, Patricia. Chaz here is making his part. Late na kasi dumating e." Pang-aasar ni Geoffrey kay Chaz. I think he didn't hear it or he's just trying to ignore it. Titig na titig parin siya sa ginagawa niya.

Napatingin ako sa bahagi ng lamesa na malapit sa kanya. Walang bote ng alak doon. Hindi siguro ito umiinom.

Conservative girls may say that he's for keeps. Na mabibilang nalang sa daliri ang kagaya niya. But for me, he's kind of boring to be with.

"Oy! Bigyan niyo nga si Chaz ng isang bote. He looks so serious na parang kakainin na niya ang laptop." Sabi ni Kuya Gab. Umupo na ako sa isa pang upuan na nasa tabi niya.

Dumating sina manang dala ang isang pinggan ng nachos at isa rin sa sisig bilang pulutan nila. Agad akong kumuha sa nachos.

Nakita kong hindi kinuha ni Chaz ang alok na isang bote ni Geoffrey na utos ni Kuya Gab. Sumulyap siya sa akin bago nagsalita. Napahinto ako ng ilang segundo sa pagnguya ng nachos.

"It's a no for me. Gabi na." Simpleng sambit niya. Nagkatinginan ang tatlo at mukhang matatawa na si Geoffrey sa sinabi ni Chaz.

Hindi na napigilan nang nauna na si Kuya sa paghalakhak na may kasama pang hampas sa kanyang upuan.

"Ano ba yan, Chaz. Kahit kailan hindi mo naman tinanggihan ang alok sa iyo ah?" Sabi ni Kuya Gab. Siguro ay nakakasama na niya ito sa kanilang inuman nitong mga nakaraang buwan. Halos mag-iisang taon narin kasi mula noong lumipat siya mula Polytechnic University.

"Don't tell me you quit, man. Is this because of a girl?" Tanong naman ni Adam sa kanya. Napabaling ulit ako sa kanya.

Ibinaba niya ang laptop. Kinuha ang bote ng alak na kanina pa hawak ni Geoffrey. Kuya Gab and Adam smiled. Kumunot ang noo ko. Naapakan yata ego nito kaya mapapasabak.

Ilang segundo kaming nagkatitigan. Nawala ang ngisi sa kanyang mga labi. Seryoso niya akong tinititigan and again, naalala ko ang nangyari sa taxi kani-kanina lang. Inilihis ko ang titig ko, avoiding his gaze.

Tumayo ako, iniwan na sila. Hindi naman nagtanong si Kuya kung saan ako pupunta. Dumiretso nalang ako sa kusina para kumuha ng isang baso ulit ng tubig. Mukha yatang uhaw na uhaw ako ngayon. Kalaunan ay tumulak ako papunta sa study hub pero agad rin akong umalis doon. Mukhang lagi ko nalang maaalala ang mga nangyari na napapasama siya.

Parang gusto kong ipalinis ang utak ko.

Umupo nalang ako sa side ng pool. Pinadausdos ko ang mga paa sa tubig na nagpakalma sa akin. I sighed. I hate him but I don't know why. Wala akong makuhang rason kung bakit hindi ko siya gusto pero wala rin akong makuhang rason para magustuhan siya.

Pero, ano tong iniisip mo, Patricia? Why the fuck are you thinking about him?

Pumikit ako. Pinapakalma ang sarili sa mga iniisip. Dala ko parin ang baso ng tubig. Tinanaw ko ang langit. Hindi na ganoon karami ang bituin.

"Bakit ka mag-isa dito? You can be with your Kuya."

Nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod. Bumaling ako at nakita ko siya hawak ang isang bote ng alak. Hindi ako tumayo, kalaunan ay nakabawi narin sa pagkakagulat.

"At bakit ka naman nandito? Mas gusto ko dito. Doon kana nga." Sabi ko na hindi siya tinitignan. Hindi ko siya kayang tignan pa matapos ng lahat lalo na ang naging tanong ko sa kanya sa taxi kanina.

Hindi ba siya hinanap nina Kuya?

Umiiwas nga ako sa kanya dahil naiirita ako tapos sumunod pa siya. Pangit naman tignan na iwan niya doon sina Kuya Gab at sumunod dito tss.

Mabilis niyang tinupi ang itim niyang slacks. Hindi naman iyon hapit sa binti niya kaya mas naging madali. Even with the dim lights coming from the pool and on some poles around, ang naglalakihan na mga ugat niya sa paa at binti ay kitang-kita ko.

And what the hell, Patricia?

Umupo siya sa tabi ko at doon na ako napatingin sa kanya, nakatitig din siya sa akin. I saw a ghost of smile in his lips. Marahan niyang pinadausdos ang kanyang mga binti sa tubig. The calm water of the pool dance from his movement. Nagulat ako sa ginawa niyang pagkilos at mas lalo kong naramdaman ang hiya habang parang wala lang sa kanya iyon. Halos isang ruler lang ang distansya sa pagitan namin.

"Mas gusto ko dito." Simpleng sambit niya.

Nabalot ng katahimikan ang paligid, maliban nalang sa puso kong naghuhuramentado sa pagpintig.