webnovel

Glimpse of You (San Ildefonso Series No.1)

j0biyaa_ · Urbano
Classificações insuficientes
11 Chs

Kabanata 4

New

Hawak ko parin ang litratong binigay ng pinsan niya sa sakin. Wala akong nararamdaman o ano man sa litratong iyon. Pero maraming tanong na bumabagabag sa akin.

Kailan kaya sila nagkakilala?

Junior High? Bakit dito hindi ko siya nakikita?

Nasa ibang school ba siya?

Kilala kaya ang pamilya niya?

I can't voice out these questions in my head dahil narin siguro sa ayaw kong marinig ang mga sagot.

Dumating si Jay dala ang isang itim na plastic. Mukhang hindi lang tubig ang binili niya. Pasimple namang kinuha ng pinsan niya ang litratong hawak ko.

"Sorry natagalan. Haba ng pila." Sabay himas niya sa batok.

Lumapit siya sa isang upuang may desk na malapit lang sa akin. Umupo siya roon at binuksan niya ang kanyang dalang plastic bag.

"Here." Sabay na bigay niya sa amin ng kanyang pinsan. Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong tawag sa pinsan niya plus we're not close. Dagdag mo pa ang nakakatakot at nakakagulat niyang tanong sa akin.

"Thanks." Sabay ngiti kong sabi. Hindi man lang nagpasalamat ang pinsan niya. Tsk! Ba't parang masama ang tingin nito sa akin?

Nagtagal pa ako ng ilang minuto. Kung hindi lang tumawag iyong driver ko ay nakaligtaan ko na ang napag-usapan namin.

"Jay, thank you for teaching me and I'm sorry, I have to go." Sabay sulyap ko sa aking relo.

Oh God! It's already 7pm. I'm surely dead as fuck!

"Oh! I'm sorry mayayari ka yata dahil sa akin." Nag-aalalang sambit niya. Sumulyap din siya sa kanyang relo.

"I'll walk you out." Sabay ayos niya ng kanyang buhok.

"Okay."

"Alis muna kami guys. Practice lang kayo. Hatid ko lang siya." Sabay turo niya sa akin.

Nararamdaman ko ang kanyang kamay na pasimpleng umakbay sa akin. Hindi ko mapigilang ngumisi sa simpleng kilos na iyon.

"Hindi ka naman mapapagalitan, right?" Halos pabulong niyang tanong sa akin.

"Uh h-hindi naman siguro." Hindi ako makapag focus. The hell, Patricia! Alam mong patay ka pagkauwi mo mamaya.

Malapit na kami sa gate nang naalala ko kung ano ang naging excuse ko kay manong kanina.

"Jay, d-dito nalang. Thank you." Sa lahat lalong-lalo na sa pagiging mabait mo sa akin. Hindi ko na naidugtong yon.

"You sure?"

Tumango ako. Ayaw kong iba pa ang pumasok sa utak ni manong at maging rason pa ng misunderstanding.

"Okay. Take care." Ngumiti siya sabay wave ng kamay.

Tumango ulit ako bilang tugon. Tumalikod na ako at papalabas na ng gate ng tinawag niya akong muli.

"Pat!"

At sa paglingon ko'y hindi ko inaasahan ang kanyang ikinilos. Naramdaman ko ang kanyang malambot na labi sa aking noo. Hindi ako nakapikit dahil sa pagkagulat. Ang kanyang kanang kamay ay nakahawak sa aking kaliwang braso at ako nama'y parang statue na hindi makakilos.

Nagtagal rin iyon ng ilang segundo pero hindi ko mabilang kong ilang porsyento ang galak sa puso ko.

"Good night." He said with his baritone voice.

Naestatwa ako ni paghingay natigil habang siya naman ay kalmado lang akong nginitian. I nodded then said my goodbyes.

What was that?

"Ma'am?" Napatili ako dahil sa pagkagulat. Nilingon ko ang taong humawak sa balikat ko. Agad kong iwinaksi ang kamay ni manong na nakapatong sa balikat ko. Doon din kasi ang lugar na kung saan mismo ako inakbayan ni Jay.

"Ano ba manong? You scared the hell out of me!" Sigaw ko sa kanya. I don't want him to be the only reason kung bakit masisira ang mood ko.

"S-sorry po M-ma'am." Naramdaman ko ang takot niya sa akin pero hindi ko inintindi iyon.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Hindi ko na alam kong magagalit ako kay manong, matatakot kay Dad o maging masaya dahil sa nangyari kani-kanina lang. Nabubuang na yata ako.

As what I expected, nagalit nga si Dad sa akin. Pero labas lang sa isang tenga ko ang mga pangaral niya.

"What time is it, Patricia?" Nakakakabang tanong ni Dad na nagbibigay takot sa lahat ng kasambahay. Pero I don't know why hindi man lang ako nasisindak.

Expected ko na mangyayari ito. Habang nasa loob palang kasi ako ng sasakyan ay natatanaw ko na si Dad na naghihintay malapit sa gate.

"Hindi mo ako sasagutin? Are you just going to ignore me?" Dagdag pa niya.

"Wala naman pong nangyari. I'm late because I have a lot of projects to do." Kalmadong sambit ko na hindi sa kanya nakatingin.

"What projects? Hindi ko ito alam." Sabi niya habang sinusundan ako papasok sa loob ng bahay.

Nang nakarating na sa sala ay doon lang ako nagkalakas ng loob para siya'y tignan. Nakita ko sa kanyang mga mata ang galit at pagtatanong.

"Dad, I am not a child anymore. I can do some stuffs on my own. Hindi sa lahat ng bagay ay kailangan alam niyo ang ginagawa ko," Kalmado kong inexplain sa kanya. I am annoyed but somehow, I don't want to be disrespectful towards my parents, at lalong-lalo na kay Dad.

"I can call for your help naman if I can't do it alone pero not this time. Okay dad?" Dagdag ko pa.

Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya sa akin. Agad na akong naglakad papunta sa kwarto ko. Thank God, walang assignments. Makakatulog ako ng mas maaga.

Naghahanda na ako sa pagtulog nang naalala ko ang sinabi sa akin ng pinsan ni Jay na si Kae. Inaakala niyang girlfriend ako ni Jay.

Huh! How I wish.

Kaumagahan ay maaga akong nagising. I do have a 7:30am class and the hell I admit that I am not a morning person. Miyerkules na at hindi ko na maantay ang bukas. Tuesday at Thursday lang kasi ang mga araw na pwede akong bumisita kina Jae at sa mga kabanda niya. Kaya hindi halatang matamlay ako ngayon.

"Good morning!" Bati sakin ni Mommy.

"Morning,"

"Did you not sleep well last night?" Tanong ni dad habang sumisimsim ng kape. Nahahalata siguro ang katamlayan ko.

"I'm okay dad." Hindi naman ganoon kabigat ang nangyari kahapon at napalagpas lang. Mabuti naman kong ganoon.

Dahil if he still wants to ask about that eh, hindi ko na alam kong ano ang isasagot.

I am off to go. Nandoon narin sina Alluiza at Mina sa school. They're so fucking excited huh? Ang aga pa baka naman may nangyari kahapon na hindi ko alam. Ang sabi ng dalawa ay nasa cafeteria sila dahil may 30mins pa kami before mag time.

"Ma'am baka magabihan ka ulit mamaya baka p---"

"No more projects, manong." I said before going out of the car. Pagkababa ay dire-diretso na ako sa loob ng school papunta sa cafeteria.

"Did you guys eat your breakfast?" Tanong ko dahil nakita ko silang kumakain at hindi lang simpleng pagkain kundi loaded.

Naupo ako sa tabi ni Mina.

"Wala kasi naman," hindi naipatuloy ni Mina ang sinasabi dahil tumili siya while stamping her feet. Ang aga-aga ang ingay na ng babaeng ito.

"What? You guys are acting so weird. Hindi ko alam na hindi na pala kayo pinagsisilbihan ng agahan sa mga bahay nyo." Singhal ko sa kanila.

"No, hindi naman sa ganoon Pat. It just that," hindi rin naipatuloy ni Alluiza ang sinasabi dahil kagaya ni Mina, ay sabay silang tumili.

"Ano ba! I can't understand the two of you!" Naiirita na ako sa dalawang ito. Pati ba naman dito school, walang magandang mangyayari.

"Here he goes. Andyan na! Malapit na siya." Rinig kong sabi ng isang babae na malapit lang din naman ang lamesa sa amin.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Alluiza habang may kung anong tinititigan sa likod ko. Pinapaspas niya ng kanyang mga kamay si Mina na nakaupo sa tabi ko habang may tinuturo.

Napalingon rin ako at doon ko nahagilap ng mga mata ko ang isang lalaking mataas at nakauniporme ng kagaya ng kay kuya. Papasok siya sa loob ng cafeteria habang nakapamulsa. Omorder siya at nakita ko kung paano siya tignan ng cashier.

Papalapit siya sa lamesa namin at doon ko lang nakita ng mas malapitan ang kanyang mukha. Ang kinis at kay tangos ng ilong. Ang kanyang mga binti'y kay haba na mistulang, tatlo kong hakbang ay pang-isahan lang sa kanya.

Napasinghap ako dahil nagtama ang aming mga mata. Dumaan siya sa gilid ko. Hindi alintana ang leeg na kanina pa nakapihit.

Nakabalik lang ako sa realidad ng nakalabas na siya ng cafeteria.

"That's the new guy from the college department."