"Friendship must never be buried under the weight of misunderstanding."
– Sri Chinmoy
~~~~~~~~~~~~~~~~~
NAKATINGIN lng ako dun sa grupo ng magkakaibigan habang nakikinig sa usapan nila Ellabi at Nathan, I used to call Nathan, Bangag which di ko na nagagawa ngayon, di ko na magawa.
"Abril, tara na?" tawag sakin ni Ellabi na ngayon ay nakangiti na pero hindi man lng umabot sa mata.
Tumango ako at nginitian na din siya.
"Asaan si Jam?" tanong ko kay Ellabi habang naglalakad kami pabalik ng class room para kuhain ang mga bag namin.
"Umalis na din sya nung pagka alis mo, walang sabi sabi, walang lingon lingon." saad niya at bahagyang ngumiti.
"Anong problema ni Jam, Nathan?" tanong ko at saka lumingon sa kaniya. Pero umiling lng siya.
"Wala ako sa pwesto para sabihin yun." sagot niya kaya tumango na lng ako.
"Punta tayo kila Jam, alam kong alam mo kung saan ang bahay niya, puntahan natin siya." sabi ko na ikinabuntong hininga na lng niya.
....
@Jamaica's House
"Eto na?" tanong ko pa na ikinatango ni Nath.
Tatawag na sana ako kay Jam ng may narinig akong nagsisigawan ang mga nabasag na gamit mula sa loob ng bahay kaya naman sinigaw ko na ng malakas ang pangalan ni Jam ganun din ang ginawa nilang dalawa, di na ko nakatiis at nang himasok na ko.
"Abril!" suway sakin ni Nathan pero di ko siya pinansin at nagtuloy tuloy pumasok at nanlamig ako sa nakita ko.
Si Jam na sinasabunutan ng ama habang ang damit pang itaas ay punit na, madami din siyang pasa sa katawan at mga sugat.
"Jam!!! Anong ginagawa ninyo !" saad ko at itinulak papalayo yung ama niya mula sa kaniya.
"Abril." nagulat na saad ni Jam.
"At sino ka naman!" sigaw ng ama niya.
"Tatawag akong pulis." banta ko sa kaniya na ikinangisi lng niya.
"Abril wag na." sabi sakin ni Jam habang hawak ang kamay ko, inilingan ko lng siya.
"Hwag kanng mangengelam dito ha, baka gusto mo sayo ko ibunton lahat ng galit ko." saad ng tatay niya sabay tingin sakin pababa.
"Tutal, mukang masarap ka naman, pede ka narin." dugtong pa niya na pinandirihan ko, unti unti siya lumapit pero di ako natinag.
"Subukan mong lumapit tatawag akong pulis." banta ko sa kaniya pero lumapit lang siya kaya agad ko namang hinanap ang cellphone ko sa bag, pero huli na ng sampalin niya ko, naramdaman ko pa yung mainit na likido na tumulo sa labi ko.
"Abril." naiyak na saad ni Jam.
"Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng makisali." saad pa nung ama niya at sinabunutan ako kaya naman agad akong napaluhod at napaluha sa sakit ng anit ko.
Kinaladkad niya pa ko at saka inihagis sa pader kaya naman napaubo ako at masama ko siyang tinignan.
"Demonyo ka!" galit na saad ko, kasabay naman nun ay yung sirena ng mga pulis at yung pagpasok nila Ellabi at Nathan.
.
.
.
.
.
.
.
Ospital
"Okay ka na ba Jamaica?" tanong ko pa sa kaniya na sinagot lng niya ng tango.
"Bakit naman di mo agad sinabi." nag aalalang tanong ni Ellabi sa kaniya.
"Sorry, sorry, ayaw ko lng na mapahamak kayo, sorry." naiyak na saad ni Jamaica kaya naman niyakap namin siya at tinapik tapik sa likod.
"Eto na pagkain oh." singit ni Nathan sabay abot ng supot ng pagkain.
"Ano ayos na ba kayo?" tanong niya pa.
"Ayos lng ako, pero mukang mahihirapan si Jam." saad ko pa at iniabot kay Jam yung isang sandwich.
"Jam!" rinig kong sigaw mula sa may pinto, si Ate Quiin.
"Ano nangyare sayo, oh my gosh." saad niya pa sabay yakap kay Jam, bahagya naman akong napangiti sa isipin na, kahit papano may pake padin kami sa isa't isa kahit ang layo layo na.
.
.
1 Day after
Andito kaming lima nila Ellabi, Nathan, Ate Quiin at Jamaica sa cafeteria ng school, nakain walang ni isang naimik, busy eh may laman mga bunganga.
"Abril, ano to?" tanong pa ni Ellabi sabay pakita sakin ng cellphone niya at doon nakita ko ang tatlong pic ni Steph na kasa kasama yung tatlong lalaki sa grupo si Ken, Yuri at Nathan.
Ang mas nakakagulat ay yung caption at yung pangalan nung nag post.
Aprielle ****
Such a whore akala mo kung sinong mabait may tinatago namang baho, look sobrang landi niya. Tatlong lalaki nilalandi niya, magkakaibigan pa, eww.
Napaawang ang labi ko sa nabasa, di ako to.
Nagulat ako ng may humila ng braso ko at bigla akong sinampal, Steph.
"Ano bang nagawa kong mali sayo?!" galit na tanong niya sakin.
"Steph, huminahon ka." pakiusap pa ni Ellabi.
"Paano ako hihinahon kung, ah! Punyeta!!Simula ngayon di na kita kilala."
Nakapanatili lng akong nakayuko habang iniinda ang hapdi ng pisngi ko mula sa sampal niya at pagkapahiya, ramdam ko pa yung mga tingin ng tao dito sa cafeteria, tumingala ako at nakita kong nagbubulungan pa yung iba.
Nakaramdam ako ng panlalamig at panginginig sa nakita ko, para bang yung takot na iniiwasan ko bumalik ulit, my trauma.
"Abril, ayos ka lng?" tanong ni Jamaica sakin kaya nilingon ko sya, pero di ko siya sinagot dahil di ko kayang magsalita dahil kinakapos ako sa hininga, pakiramdam ko konti galaw ko lng mapapansin ng lahat ng tao dito.
"Abril." nag aalalang saad ni Ellabi at don napa upo ako at hapong huminga habang patuloy na tumutulo yung luha ko.
"Shit, Abril! Tulungan niyo ko." saad pa ni Nathan tsaka sila kumilos para alalayan akong tumayo at maiupo sa upuan.
"Anong nangyayare sayo?" rinig kong tanong ni Atr Quiin pero umiling lng ako dahil patuloy padin akong nanlalamig at nanginginig dahil sa takot, takot sa mga tingin ng mga tao dito sa loob ng cafeteria.
"Abril, dahil ba yan sa trauma mo?" tanong pa ni Ellabi kaya napatingin ako sa kaniya at mas lalong umiyak.
"Anong trauma?" nag aalalang tanong ni Ate Quiin.
"Mamaya na namin ie explain dalhin na muna natin siya sa clinic." saad ni Nathan kaya naman inalalayan na nila ako papuntang clinic.
.
.
.
.
Micah Ella's Point of View
"Ano bang nangyayare kay Aprielle?" tanong agad samin ni Ate Quiin pagkalabas namin ng clinic hinayaan na muna namin si Abril sa loob para siya ay makapag pahinga.
"May trauma si Abril." panimula ni Nathan
"Anong trauma?" tanong pa ni Jamaica kaya napabuntong hininga ako.
"Na bully si Abril nung Junior High pa siya, madaming may ayaw sa kaniya, madaming nagbubulungan tungkol sa kaniya, maraming tumalikod sa kaniyang mga tinuring niyang kaibigan. Yun ang kinakatakot niya, yung mga tingin ng tao, bulungan at ang mawala ang kaibigan. Siguro hindi na niya kinaya kaya nag break down na siya kanina, alam niyo isa siya sa pinakamalakas na taong nakilala ko." paliwanag ko na ikinatahimik nung dalawa.
"Di ko alam." mahinang saad ni Ate Quiin kaya tinapik ko siya sa braso at nginitian.
"Wala kang kasalanan." saad ko sa kaniya, pero pumikit lng siya at bumuntong hininga.
"Pano tayo umabot sa ganto?" tanong niya pa kaya naman naluha ako habang nakangiti padin sa kanila.
Paano? Panong nagagawa at napapagaan ni Abril ang pakiramdam ko kapag nangiti siya, panong nakakaya niyang ngumiti pa kahit na nasasaktan siya.
"Ang sakit malaman na, kahit nasasaktan si Abril dahil satin nangiti padin siya para satin, di manlng natin napansin na nahihirapan din pala siya." sabat ni Jamaica sabay kagat sa labi habang pinipigil ang paghikbi habang si Manong naman ay umiwas ng tingin at tumingala para pigilan yung luha niya.
.
.
.