webnovel

Isang Mamamatay Tao (2)

Editor: LiberReverieGroup

Ilang grupo ang umakyat patungo sa ikalawang palapag at sinipa ang pinto ng silid kung nasaan ang binata. Galit nilang sinabi: "Ikaw! Masyado kang mayabang! Limang Hibernation Elixirs, mauubos mo ba lahat iyon!?"

Walang emosyong tumingin sa mga ito ang binata saka ngumisi. Ang tatlo nitong kasamang lalaki ay tahimik na umiinom ng kanilang tsaa, hindi man lang tinignan ng mga ito ang grupo na pumasok.

"Dahil kaya kong bilhin iyon, masaya akong nagbid para sa mga iyon, anong magagawa niyo? Kung may nagbid sana sa inyo ng kahit isang milyon at isang tael, hindi ko na lalabanan iyon." Saad ng binata habang nakakrus ang mga kamay sa kaniyang dibdib.

"Tingin mo ganon ka na kagaling dahil may pera ka?" Wala nang masabi ang mga lalaking sumugod at ang tanging nararamdaman na lang nila ay galit. Nakakuyom ang mga kamay ng mga ito. Isang milyong tael. Paano nagkaroon ng ganito karaming pera ang taong ito? Karamihan sa mga taong nanggaling sa iba't-ibang pwersa ay mayroon lamang hawak na ilang daang libong tael. Paano nila mahihigitan ang bid ng lalaking iton?

"Hindi naman sa pagmamayabang, mas mabuti na lang iyon kumpara sa mga taong hindi kayang magbayad ng ganoong halaga at ang tanging magagawa ay ang magalit." Saad ng binata na nakagisi. Maririnig ang kayabangan nito sa kaniyang tono.

Sa isang iglap, ang mata ng mga lalaking sumugod ay namula dahil sa sinabi ng binata!

Ang pangyayaring iyon ay kitang-kita sa kabilang pribadong silid kung nasaan ang grupo ni Jun Wu Xie.

Kitang-kita nila kung paano galitin ng binata ang mga lalaki. Maya-maya ay nagtanong si Qiao CHu: "Little Xie, inaaway ng mga tao ang iyong pinakamayamang suki. Tulungan na ba namin siya?" Pinagkiskisan nito ang kaniyang palad nang kaniya iyong sabihin.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at malamig na tumingin sa apat na taong nasa kanilang silid bago nagsalita: "Suki iyan ng Chan Lin Auction House."

Hindi na nila sagutin ito.

"Huwag na kayong makisali sa gulo ng iba." Saad ni Fei Yan. Tinapik nito ang balikat ni Qiao Chu.

Nang lumingon si Qiao Chu sa silid, nakita niya ang isang taong lumipad galing doon patungo sa entebado. Basag ang ulo nito at parang ilog ang dugo nitong umagos pababa ng hagdan!

Nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu sa kaniyang nakita at muling tumingin sa pribadong silid. Hindi niya nakita nang kumilos ang binata, pero lahat ng mga sumugod doon ay itinapon nito pababa!

Nasa Ikalawang palapag lang ang mga pribadong silid, hindi mamamatay ang mga tao sa pagkahulog doon. Ngunit parang sinadya ng binata dahil binali muna nito ang mga buto ng mga kalalakihang iyon bago itinapon pababa. Nauna ang mga ulo nitong tumama sa sahig, dahilan para mamatay ang mga ito!

Sa isang kisapmata lang, marami ang mga namatay!

Sa pangyayaring iyon, hindi nabura ang ngiti sa labi ng binata. Walang awa nitong pinapatay ang mga tao na animo'y mga insekto. Para lang itong naglalaro.

Nahimasmasan si Qiao Chu. Kamangha-mangha at brutal ang pagpatay nito!

Sa sumunod na sandali, lahat ng mga lalaking sumugod ay namatay.

Puno ng dugo sa unang palapag at ikinatakot iyon ng mga tao. Ang lahat ay nagkagulo at tumakbo. Halos duguan din ang mga tao na nakaupo sa unang hilera ng mga upuan dahil sa mga tumilapon dugo. Hindi nila maatim ang pangyayaring iyon kaya naman ay nagtakbuhan na rin sila palabas ng auction house.

Ang auction house ay napuno ng kilabot. Nagtatakbuhan ang mga tao dahil sa takot at maya-maya lang ay naubos ang laman non. Nang tuluyan nang naubos ang tao ay humalakhak ang binata ng may gawa ng kaguluhan.