webnovel

“Memories of (2)”

Editor: LiberReverieGroup

Sumulyap si Jun Wu Xie sa binata nang umupo ito sa kaniyang harapan habang personal siya nitong pinaiinom ng gamot. Ang kaniyang mga kilos, praktisado at matatas.

Mga bagay na hindi pinapansin ng dalaga. Sa kaniyang isipan, ito ang paraan ni Jun Wu Yao upang ipakita ang kaniyang pasasalamat.

Mula sa kaniyang kapanganakan ay nanatili siya sa isang lihim na lugar ng higit sa sampung taon. Dahilan bakit hindi niya naranasang makisalamuha sa iba at maunawaan ang mga kaganapan sa labas ng kaniyang mundo.

Sa mga panahong iyon, tanging mga aklat at kaalamang pang medisina ang tanging laman ng kaniyang isipan. Nakakulong sa liblib na sulok ng kabundukan kasama ang natitira niyang kamag-anak.

Isang musmos pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa kamunduhan.

Bahagyang yumuko si Jun Wu Yao, ang isang kamay umaalalay sa likuran ng dalaga habang ang isa ay hawak hawak ang gamot na dahan-dahang pinapa-inom sa dalaga.

Sumimangot si Jun Wu Xie nang yumuko ang binata.

"Hindi ko gusto ang amoy ng dugo." Walang badling na sagot ng dalaga.

Pilit na ngumiti ang si Jun Wu Yao habang patuloy na iniinom ni Wu Xie ang gamot.

Pagkatapos ay binitbit ni Wu Yao ang tasang walang laman. Napawi ang kaniyang ngiti nang siya ay umalis saka inamoy ang kaniyang damit, bakas pa rin ang amoy ng dugo kahit bahagya.

Maingat niyang ginawa ang mga bagay na iyon upang hindi siya mamantsahan ng dugo.

"Mukhang sa susunod, kinakailangan ko munang maligo bago siya puntahan." Muling ngumiti si Wu Yao, ngunit sa kaniyang mga mata ay hindi mawari ang saloobin.

...

Sa sumunod na umaga, nagkalat ang balita sa Kaharian na parang apoy.

Kagabi, sa kanilang pag-uwi mula sa 'Sea of Flowers', ang Ikalawang Prinsipe at mga piling kasamahan ay tinambangan ng di pa kilalang pangkat kung saan ang lahat ng kaniyang mga tauhan ay nalipol. Madugong nakipaglaban ang kamahalan at tanging ang sarili at ang kasamang dalaga ang nakaligtas. Ang bagay na ito ay higit na ikinagalit ng Emperador na nag-utos ng isang masusing pagsisiyasat sa nangyaring kaganapan, at malaking patong ang nakalaan sa salaring nagtangka sa buhay ng Mahal na Prinsipe.

Ang balitang ito ang nagdulot ng malaking ingay sa buong Kaharian. Maraming talakayan ang nabuo sa bawat sulok at patuloy na pinag-uusapan.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na Ikalawang Prinsipe at si Jun Wu Xie mula sa Tahanan ng Lin ay itinakdang magpakasal. Subalit noong gabing sila ay nilusob, hindi si Jun Wu Xie na kaniyang nakatakda ang kaniyang kasamang iniligtas! Nangangahulugang ang Prinsipe ay may ibang dalagang isinama sa 'Sea of Flowers'.

Si Jun Wu Xie ay kilalang malupit!

Alam ng lahat na ang Young Miss ng Tahanan ng Lin hambog at walang pakundangan, at madalas laging dahilan ng kaguluhan.

Kung kaya't hindi maiwasang isipin na ang pasimuno ng paglusob sa Ikalawang Prinsipe ay walang iba kundi si Jun Wu Xie. Dahil pagkatapos ng lahat, hindi maikukubli na ang kaniyang itinakdang mapapangasawa ay lumabas na may kasamang ibang babae. Kahit sinong babae ay hindi ito matatanggap, lalo pa sa isang tulad ni Jun Wu Xie?

Nabalot sa kaguluhan ang buong kaharian sa loob lang ng isang umaga. Hindi kayang matanggap ng Ikalawang Prinsipe ang pangahas na pag-uugali ni Jun Wu Xie kung kaya't palihim itong tumakas kasama ang isang magandang binibini. Ngunit sa kasamaang palad ay nalaman ito ni Jun Wu Xie at ipinadala ang Hukbo ng Rui Lin upang tangkaing ipapatay ang nasabing Prinsipe at ang bago nitong kinahuhumalingan.

Ang mga bulung-bulungang ito ay nagpatuloy, nagpasalin-salin na tila ang mga iyon ang tunay na nakasaksi.