webnovel

Ganito pala sa Maynila

Buhay sa Maynila

Cheska_Loraine · Adolescente
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 2: Byaheng Maynila

Araw ng pagalis ko papuntang maynila, nagpabaon sa akin ang magulang at mga kaibigan ko ng mga alaala at mga ngiti para sa aking paglalakbay. Dala ko na ang mga damit sa bayong na binili pa ng aking ama sa palengke at pabaon na mga bato galing sa ilog namin para panghilod pag naliligo. At heto na, nakasakay na ako ng bus papuntang maynila at mahabang paglalakbay ito. Unang beses ko pa lamang nasilayan ang San Juanico Bridge na pagkahaba haba at nasilayan ko na din sa wakas ang Bulkang Mayon sa Albay na karaniwan ko lamang nakikita sa babasahing aklat namin sa history. Dahil sa unang beses pa lamang akong nagbyahe, nahilo at nagsuka ako sa zigzag na daan sa Quezon. Tawa tuloy ng tawa sa akin ang mga kasama ko sa bus dahil ang gulo na ng buhok ko dahil sa lakas ng hangin. Pagkatapos ng isang buong araw na nakaupo sa byahe ay natanaw ko na ang Araneta Cubao Center kung saan ang terminal ng bus na galing probinsya. Tumawag ako sa binigay na numero sa akin ng tiyahin ko upang magpasundo. Pagkatapos ng ilang minuto ay natanaw ko na agad siya sa tapat ng mercury drug. "Ang laking siyudad, ganito pala sa maynila", sabi ko. Tuwang tuwa ako dahil sa nag gagandahang mga malls at sasakyan na ngayon ko lamang nasilayan. Ang meron lang kasi sa probinsya, palengke at tricycle. Sumakay na kami ng sasakyan at papunta sa bahay ng tiyahin ko. Pagkababa ng jeep, sa tapat ng bahay nila ay may malaking bakod at may pinindot ang tiyahin ko sa bandang kanan ng pinto at biglang may nagbukas ng pinto. Ang laki ng bahay niya at madamo sa loob. Naghahanap nga ako ng kalabaw ngunit wala naman. Saan kaya nila tinago?