webnovel

Gangster Jann (Cali White Gang)

Jannmr · Adolescente
Classificações insuficientes
18 Chs

Chapter Eighteen - Three Days Of Training

Jann's Pov

"I'm done. Thanks sa lunch Trigger." Tumayo na ako, kinuha ang bag at umalis nang walang lingon-lingon sa kanila.

Aish! Nakakainis naman talaga kasi sya eh aish! Tinulungan ko na nga para mapadali ang pag-order tapos.. aish! Papadyak-padyak ako naglalakad.

"Janet, hintay!" Narinig kong tinawag ang pangalan ko, kaya lumingon ako at nakita ko sina Kim at Flare kumakaway sa akin. Huminto ako sa paglalakad at hinintay sila.

"O! May kailangan ba kayo?" Kunot-noo na nilingon ko sila.

"Grabe sya oh, pati sa amin galit ka?" Ani Kim.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanila. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. May mali sa sinasabi nila at gusto ko yung malaman.

"Eh kasi galit ka ata kay X. Galit ka ba sa kanya?"

"Of course not!" Bulalas ko.

"Hindi mo kailangan sumigaw girl." Sagot ni Flare na nakangisi ng nakakaloko.

"Whatever!" Sagot ko na lang.

"O baka naman nagseselos ka lang.." Sabi ni Kim pero hindi ko na sya pinatapos magsalita.

"What makes you think na nagseselos ako? And why would I feel like that? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo wala akong pakialam sa kanya. Bakit ba ganyan ang iniisip nyo sa akin ha?!" Galit na galit na sabi ko.

"Kalma naman please Janet. Sorry girl, nagbibiro lang kami.." Paghingi ng paumanhin ni Flare. "Maia naman kasi gino-goodtime mo pa tong kaibigan natin."

"Sorry na please, sorry Janet." Nag-peace sign si Kim at ngumiti.

"Aish! Tara na nga sa classroom.." Sabi ko na lang para matapos na. Hindi naman ako galit ayaw ko lang sa panunudyo nila sa akin kay Trigger kasi wala naman akong gusto sa kanya at mas lalong wala syang gusto sa akin. "Pero sa susunod ayaw ko na makarinig ng ganitong biro. Hindi nakakatuwa bagkus nakakainis pakinggan."

"Sorry na talaga." Sabi ni Kim.

"Okay, okay.. Tara na." Naglalakad kami papuntang classroom pero may hindi kanais-nais kaming nakasalubong, ang mga bruha. Tsk.

"Look who's here?!" Ang bruhang Veron.

"Ahh the loser? With her tuta. Hahaha.." Tawa ng isang bruha pa na si Jenn. Sumabay pa ang bruhang Veron sa pagtawa. Psh. Mga ewan. Unti-unti na kaming pinagkukumpulan ng mga schoolmates namin. Tsk. Eksena na naman to.

"Ahh Flare, may mouthwash ka bang dala dyan?!"

"Ha?" Hindi malaman anong isasagot ni Flare sa akin dahil hindi nya naintindihan kung bakit nagtatanong ako.

The two witch stop laughing and they just watch us with crossed armed and raised their eyebrows at us.

"Oh eto na ang mouthwash Janet." Binigay ni Flare ang mouthwash nya sa akin.

"Ah may bitbit ba kayong mouthwash?!.."

"What do you mean?!" Taas-kilay pang tanong ng bruhang si Veron.

"Eh kasi kung wala kayo dalang mouthwash ibibigay ko 'to sa inyo para mag-mouthwash naman kayo kasi yung amoy ng bunganga nyo abot-abot dito sa kinatatayuan namin." Sarkastikong insulto na sabi ko kanila. Napahiya ata ang mga bruha. Haha buti nga sa inyo. Nagsitawanan pa ang mga tao sa paligid namin at may kanya-kanyang side comments.

"Hahahahaha.."

"Ang hard no'n ha.."

"Woah..astig."

"Mabuti nga merong gumaganyan na sa kanila kasi kung umasta ang dalawang yan akala mo sila may-ari ng school na 'to.

"You bitch!" Sinugod ako ni Jenn, sasampalin na sana nya ako kaso nga lang mas mabilis ang reflexes ko kesa sa kanya kaya nasalag ko ang kanyang kamay sa kamay ko.

"Not too fast.." I told Jenn. Then I smirked at her. I held her hand tightly, slowly squeezed her I want her to feel pain.

"You bitch! Let go of my hand." Pilit nyang tinatanggal sa kamay ko ang kamay nya pero mas lalo ko lang hinigpitan ang paghawak sa kamay nya. "Arayyyy.." Sigaw ni Jenn. Lalapitan na sana kami ni Veron pero maagap din tong dalawang kaibigan ko, humarang sila sa amin nj Jenn.

"Talagang masasaktan ka, kayo, kung hindi nyo kami lulubayan. Nananahimik kami dito pero kayo tong naghahanap ng away. Hindi lang ganito ang kaya kong gawin, mas may malala pa. Kung ako sa inyo, tigilan nyo na kami." Sinasabi ko yun habang nakatingin ng deretso sa pagmumukha ng Jenn na 'to. Saka ko binitawan ang kamay nya ng pabagsak.

"Hindi pa tayo tapos bitch!"

"Oh thank you for informing me, always naman akong ready, so don't worry." Sabi ko kay Jenn with a sarcastic smile.

"Arghhhhhh.." Naka-kamao ang dalawang kamay ni Jenn sa sobrang galit nya sa akin. Gigil na gigil. Nagmartsa silang umalis ni Veron sa harap namin.

"Flare, Kim, let's go. O tapos na ang ! Alis!" Pagtataboy ko sa mga schoolmates namin.

"Ang galing no'ng ginawa mo ah haha.." Natatawang komento ni Flare.

Ano bang problema ng dalawang babaeng yon?! Tsk.

"Alam mo Jann, insecure lang yung dalawang yon sayo kaya ka nila inaaway ng walang dahilan." Ani Kim.

"Oo nga. Basta iwasan nalang natin sila." Sabi naman ni Flare.

"Mahirap iwasan ang ayaw magpaiwas, isa pa we're in the same school. I don't understand why do they have to feel insecured because of me!?"

"Eh kasi nakakalapit ka sa TBH. Dati kasi sila yung nasa lugar mo." Sambit ni Flare.

"What do you mean?!" Kumunot noo ko. Hindi ko nagegets ang sinasabi ni Flare kasi.

"Ah basta next time, ikukuwento ko sayo." Sabi ni Flare.

"Tsss whatever.. tara na nga." Sabi ko na lang.

After 10 years.. hehe joke lang..

Pagkatapos ng klase magkasabay kaming apat na pumunta sa Secret-House-No-More ko. Pero sa kanya-kanya naming kotse.

Pagkarating namin sa Secret-House-No-More ko, bumaba agad ako sa kotse at binuksan ang gate. Pumasok ulit sa kotse tapos pinark sa garahe ang kotse. Tapos baba ulit, binuksan ang main door tapos tuloy-tuloy na pumasok sa bahay bumaba papuntang underground sa kwarto ko ng walang lingon-lingon. Pagkapasok sa kwarto, humiga agad ako sa higaan ko. Bumuntong hininga. Inis na inis pa din ako kay Trigger kanina. Ewan ko ba badtrip na badtrip ako sa kanya. Haist!!!! And I feel so tired. Gusto ko na lang matulog. Hanggang ngayon ang mga goals ko ay hindi ko pa na achieve. Una yung pangahas na nagmamasid sa bahay namin. Pangalawa ang pinapagawa ko kay Alex, til now wala pang balita mula sa kanya. Pangatlo ang alamin kung nasaan na yung schoolmate namin. Ang dami, plus ang turuan ang tatlong gung-gong. Gulong-gulo na isip ko, bakit ba kasi umuwi pa ako dito?!

Iron Ross' P.O.V

Ganun ba sya kagalit kay X?! Pinagdabugan ba naman kami pero buti na yun kesa masuntok kami isa-isa. Masasayang ang mukha kong makinis pag nagkataon. Tsk.

Nandito pa kami sa labas ng bahay, pinanood lang namin ang inakto ni Janet kanina. Pero ewan ko ba dito kay C, wala man lang kibo o reaksyon. Ito namang si X, magkasalubong ang kilay, pwedeng galit din sya, pwedeng nag-iisip sya kung paano kausapin si Janet o kaya..ah basta ewan ko sa kanilang dalawa.

"Tara na! Pumasok na tayo, wag nyo na lang ipasok ang sasakyan nyo. Dito na lang sa labas yan." Walang ka emosyong sabi ni C. Anong problema na isang yun?! Mukhang lahat sila wala sa mood. Paano na ang training namin?? Putek naman oh.

Nauna nang pumasok sa loob si C. Naiwan kaming dalawa ni X dito sa garahe. Mukhang hindi sya mapakali. Lakad ng lakad.

"Ganun ba sya kagalit sa akin para hindi nya tayo pansinin? Parang invisible lang eh.." Akala ko nagsasalitang mag-isa tong si X, pero nakatingin pala sya sa akin. Ako pala ang kausap hehe. At parehas pa kami ng naiisip.

"Sayo lang ata sya galit X, pero nadamay lang kami. Hay naku, kausapin mo kasi." Lakad balik na naman tong si X na parang modelo. "Tama na nga yang kalalakad mo. Pumasok na tayo sa loob.." Tumigil naman sya. Pero nakatulala naman. "Nag aalala ka noh?! Pero ano bang pinag-aalala mo?!"

"How will I talk to her?!"

"Bakit natotorpe ka ba?!"

"She's intimidating.." Natahimik si X pagkatapos nya sabihin yun. Busangot ang itsura. "Paano kung suntukin nya rin ako katulad ng ginawa nya sa kaklase nya?! Takte naman oh!"

"Sabagay, totoo yang tinuran mo. Nakakatakot nga sya. Lalo na alam natin kung anong klaseng babae sya. Baka nga bugbugin ka pa nya hahaha.." Natatawang sabi ko.

"Fuck, hindi ito ang oras na pagtawanan mo ako!" Singhal nya sa akin.

"Heheh peace yow! Pero seryoso hindi lang yun ang nakakatakot sa kanya. Sya rin yung seryoso palage ang itsura. Parang galit palagi. Minsan mo lang makitang nakangiti. Pokerface palagi. Hindi mo mahulaan ang iniisip. At akala mo mahina pero ubod pala ng lakas. At saka marunong sya magtimpi ah. And serioulsly hindi sya normal na babae." Yan yung napapansin kay Janet. Kakaiba talaga ng ugali nya. Gaano kaya kahirap ang naging training nya? Paano sya naka-survive?! Tsk. Hindi ko maisip.

"Exactly my thoughts. Pero anong ibig mong sabihin na marunong sya magtimpi?! Eh parang hindi nga eh." Sambit ni X.

"Nah! Marunong sya.." Kumunot ang noo ni X. Hindi nya siguro nakikita pero.. "Kasi, nakita mo yung dalawang babae na umaaway sa kanya sina Veron at Jenn?!" Tumango-tango lang si X. "Hindi man lang nya pinatulan kung tutuusin sisiw lang ang dalawang yun sa kanya, kayang-kaya nya patumbahin sa isang iglap ang dalawang yun. Pero ayun most of the time hindi mo talaga mahulaan ang kilos, galaw at iniisip nya pati ang sasabihin. Manghuhula ka pa."

"Ah tama ka naman kahit papaano. Bakit ang daldal mo ngayon?!" Aba syempre madami pa ako gustong sabihin. Genius kaya to noh!

Pero.." Sabi ko.

"But, what?! Anong pero?!" Nagtatakang tanong ni X napakurap-kurap pa sya.

"Na ano.. Babae pa rin sya X." Sabi ko. Kasi totoo naman.

"What do you suggest? What are you trying to say and thinking?!" Hehe may naisip lang naman akong konting kapilyuhan. Haha.

"Hahaha.." Natatawa ako sa naiisip ko eh.

"Baliw! Sira ulo! Anong nakakatawa ha?! Bigla ka na lang tumawa mukha kang timang dyan!"

"Grabe! Timang, sira ulo at baliw agad?! Hindi ba pwedeng may naisip lang akong bright idea para makabawi ka kay Janet. Tsk pero kung ayaw mong pakinggan kasi nga sira ulo ako, timang at.."

"Pshhh fine, fine.." Tinignan nya ako tapos.. "Ano ba yung bright ideang sinasabi mo?! Siguraduhin mo lang na bright idea talaga yan.."

"Oo noh! Ako pa?!" Pagmamayabang ko. Ang ganda kaya ng bright idea ko. Hihi.

"Oh sige ano ba yun?! May pasuspense suspense ka pa eh."

"Ahmm.. Imbetahin mo syang kumain sa labas.." Naputol ang sinasabi ko dahil parang ewan na hindi sumang-ayon si X.

"What??? Hell no! No! No way!" Bulalas nya.

"Hysterical?!" Napa-arko talaga ang labi ko. Epic ang reaction ni X eh. "Wow! Ganun ba katindi ang pandidiri mo sa suggestion ko?! Maka-no ka ah?!" May halong pang aalaskang sabi ko.

"Ayoko talaga! Iba na lang i-suggest mo.

Haist."

"Anong mali sa sinabi ko?! Isa pa suggestion ko palang naman yun eh." Tanong ko kay X.

"Ah basta..

"May gusto ka kay Janet?" Deretsang tanong ko. "Tama di ba, kaya ka natataranta sa sinabi ko. Aminin mo!" Heheh huli ka balbon.

Napamaang ang bibig ni X. Walang masabi eh o hindi nya alam anong sasabihin. "Wag mo nang i-deny pa, nakikita ko yun sa mga titig mo sa kanya at sa pasulyap-sulyap at nakaw tingin mo sa kanya." Noong makabawi sya kimunot naman ang noo nya at salubong ang mga kilay. Akala nya kasi walang makakahalata.

"Am I that obvious?" Nakatingin sa kawalan habang tinatanong ako. Haha. Umamin din.

"Para sa akin oo. Kung makakatitig ka naman kasi. Habang nasa klase tayo yung leeg mo at mga mata mo ando'n nakatutok kay Janet. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?!" Humilig kami sa windshield ng sasakyan ni Janet. May mga thirty minutes na rin siguro kami nag-uusap ni X ngayon dito. Himala nga na nagkwe-kwento na sya ngayon.

"Matagal ko na syang gusto.." Nakapamulsa sya habang nagco-confess ng nararamdaman kay Janet. Pa-cool lang pero takot naman umamin kay Janet. Hehe.

"What?! Talaga?! Seriously?!"

"Oo nga!"

"Kelan nangyari yun?! Paano?! Kwento ka naman, tutal nagkwento ka na rin."

"Tsk. Tara na nga sa loob." Naglakad na papasok ng bahay si X. Bitinin ba naman ako sa kwento nya. Tsk. Ang labo.

"Uy teka, ang daya mo!" Habol ko kay X.

Tumigil sya sa paglakad tapos nilingon ako.

"Wag mong idaldal ang sinabi ko ah.. Kundi.."

"Oo na, oo na. Wala naman akong balak magkwento kahit kanino noh!"

"Ikaw?! Walang balak?! Eh ang daldal mo. Subukan mo lang talaga.." Pagbabanta nya sa akin. Tsk. Syempre hindi ko ipagsasabi noh. Ayaw ko naman magalit tong X na to.

"Hindi ko nga ipagsasabi. Chill lang. Promise X."

"Siguraduhin mo lang. Tara sa loob."

"Eh yung suggestion ko, gagawin mo ba?! Pagkakataon mo na yun."

"Alam ko.. pag-iisipan ko pa."

"Sus wag mo nang pag-isipan pa."

Jann's P.O.V

Oh, fuck! Nakatulog pala ako. Pagkatapos ko magbihis ng pang sweat clothes lumabas na agad ako sa kawarto ko. Where's everyone? Nasapo ko ang aking noo. naalala ko na gumawa pala ako ng eksena kanina dahil badtrip ako kay Trigger kanina at iniwan ko sila sa labas kanina. Gaano na ba ako katagal natulog? Napaisip ako. Kasi medyo magdidilim na.

Hindi ko sila makita sa sala, kusina o banyo isa lang naiisip ko pwede nilang puntahan. Training room. Pagbukas ko ng training room nakita ko nga silang busying busy, busy nakahiga sa boxing ring. Tsk. Hindi pala sila mapagkakatiwalaan na sila lang. Tsk. Kung wala palang mangunguna sa kanila hindi pala kikibo ng kusa. Haist mga isip bata.

"Ehem.." hindi ata nila ako narinig o naramdaman man lang na pumasok sa kwarto. Haist. Walang kwenta. "Ehem.." Mas nilakasan ko pa ang aking boses. Napabalikwas sila ng bangon. Hmm.. "So ganito lang pala ginawa nyo sa isang oras?! Wala man lang ba kayong ginawa?! O hindi man lang kayo nag-kusang mag-ensayo kahit wala ako?! I'm disappointed. Very irresponsible. Umuwi na kayo." Pagkatapos no'n tinalikuran ko na sila. Babalik na lang ako sa kwarto ko. Talagang nadismaya ako.

"Wait, wait." Boses ni Trigger. Huminto ako sa paglalakad. Lumingon ako, nakita kong dali-daling bumaba ng boxing ring si Trigger para pigilan ako, kasunod naman bumaba sina Collin at Ross. Akala ko hihinto rin sila sa tapat ko pero sinipatan lang ako ng dalawa, dumeritso sila papuntang pintuan at lumabas. Kami na lang ni Trigger ang naiwan sa room.

"What is it?! Sabihin mo na. Pagkatapos umuwi na kayo. Bukas na lang tayo magtraining." Sabi ko kay Trigger.

"Jann, I'm sorry about what happened earlier." Kinuha nya ang dalawang kamay ko. What the fuck. Parang holding hands. So I took back my hands from his hands. "I'm sorry.." Then he look down.

"May sasabihin ka pa?!" Pagtataray ko.

"Yes, hindi ka na ba galit sa akin?! Gusto ko rin makabawi, hindi mo tuloy nakain yung frozen cake.."

"Its okay Trigger, you don't have to.. And hindi ako galit..

"I insist.. please pagbigyan mo na ako.. After tomorrow's training.. Will you?! Please??"

"Ano naman gagawin natin?!"

"Ahh kakain ng frozen cake. May alam ako na masarap at iba't ibang flavor." Anyaya nya.

"With Collin and Ross?!"

"Yeah, of course. So deal? Please..." Pangungulit at pangungumbinsi ni Trigger.

"Oki. I'll go."

"Closed deal na yan ah.. wala nang bawian." Paninigurado ni Trigger.

"Yeah."

"Okay. So okay na tayo ah?!"

"Yeah."

"Ngiti ka naman. Ang seryoso mo palagi. Ganyan ba talaga ang mga gangster?! Nakakatakot ka kasi." Mula malakas na boses hanggang sa lumiit sa huli. "Please, pwede maging normal friends naman tayo!?" Yung boses na nakikiusap.

"We're friends Trigger.

"Friends daw?! Eh halos hindi ka nagsasalita. Okay, yeah yan lang ata alam mong sabihin. Hehe. At saka hindi mo sinasagot ang tanong ko, ganyan ba talaga ang gangster tahimik lang, seryoso, nakakatakot?!"

"Alam mo nagi-ging madaldal ka na. Gabi na. Umuwi na kayo.. hindi na siguro ako uuwi muna sa bahay namin. Tara. Labas na tayo." Tumalikod na ako pero hinawakan nya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad. "What?!"

"Thank you.. basta ang usapan natin para bukas ah walang bawian."

"Oo na nga. Tsss. Nagiging makulit ka na." Napangiti ako.

"Hehehe.. masaya lang ako, at least okay na tayo. Good vibes na."

Lumabas na kami ng kwarto. Nandoon pa pala sila Trigger at Ross.

"Okay na ba kayo nyan ah?!" Tanong ni Collin. Nagtinginan kami ni Trigger at sabay na tumango kay Collin. "Idi mabuti."

"Yeah. Ahh hindi pa ba kayo uuwi?! Gagabihin na kayo sa kalsada nyan!"

"Eh ikaw?! Hindi ka ba uuwi sa bahay?"

"Nope. Hindi muna, dito muna ako habang wala sila mama pero dadalaw ako do'n.."

"Anong kakainin mo?!" Tanong ni Collin.

"Tsss Collin, I can cook. No worries." Tugon ko kay Collin.

"Eh kasi, gutom na ako.." Habang nag-uusap kami ni Collin, si Ross at Trigger naman ay nag-uusap din, pakiramdam ko seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Eh? Paano yan?!"

"Pwede bang dito muna ako matutulog?!"

"What? Hell no Collin! Sus, gusto mo lang pala dito matulog eh"

"Eh bakit naman ayaw mo?! Daya mo ah! Aabsent ako bukas.."

"What?! Aabsent ka? Bakit naman?!"

Gusto ko mag-ensayo.. Thursday na ngayon Baby, huling araw na bukas.. Kailangan pag-igihan ko pa, namin."

"Uhmm ikaw bahala, pero saan ka matutulog?!"

"Sa kwarto mo.."

"Crafty! Hindi pwede."

"Idi sige dito na lang ako ss sofa.."

"May sofa bed ako, comportable ka parin naman makakatulog.."

Sige.. pwede na yan sa akin.." sabi ni Collin.

"Alin ang pwede na???" Nakalapit na pala sila Trigger and Ross dito sa aming pwesto..

"Ah kasi gusto ni Collin dito matulog ngayong gabi.." Tugon ko kay Ross.

"Hala ang daya, pwede din ba kami makitulog dito?" Paktay na!

"What?? No way, ang dami na natin dito, isa pa, isa lang ang kwarto dito.. Dito ko nga patutulugin sa sala si Collin tapos makikitulog ka pa dito."

"Okay lang sa akin kung sa sahig ako matulog.. napag-usapan kasi namin ni X na magpapaalam kami sayo na dito kami matutulog.." Sabi ni Ross.

"Wow! Nag-usap-usap ba kayong tatlo, na dito matutulog ngayong gabi?! Hindi halata ah!" Mark the sarcasm of my voice. Tapos matching naka-pamewang pa ako. Mga loko to ah.

"Eh kasi nasayang ang oras natin.. sa halip na mag-training.." Sabi pa ni Trigger.

"So, sinisisi mo ba ako Trigger!?"

"Hindi ah.. sinasabi ko lang.. gusto kasi namin mag-ensayo pero kung uuwi pa kami mas lalong nakakatamad lang na mag-ensayo pa bukas."

"Ano ba balak nyo?"

"Balak namin ang mag-skip school bukas.. at kung okay lang sa'yo, umabsent ka rin para maturuan mo kami.. hmm nasa sayo ang huling desisyon." Nakatitig na sabi ni Trigger sa akin. Ano ba kaya!? Sige na nga lang, tutal ngayon lang naman to eh. Pag okay na ang lahat. Back to normal naman na siguro ng lahat.

"Fine. Pero wala naman kayong extra clothes na bitbit di ba?!"

"Pang sweat clothes meron, pero wala na kaming extra.. pero bukas na lang.. ang importante mag ensayo tayo. " Ani Trigger.

"Oki. Sige punta muna ako ng kusina.. magluluto muna ako ng dinner natin." Umalis na ako sa sala at pumuntang kusina.. well naiisip ko magluto ng burger steak.. Sila naman nanatili lang sa sala nanonood ng palabas sa tv.

Pagkatapos ko inayos ang mga plato, kubyertos sa mesa naghain na rin ako ng kanin. Tapos ko na naluto ang burger steak pero hindi ko pa tapos lutuin ang gravy nito.

"Wow! Ang bango!" Sabi ni Ross.

"Sira ulo, bigla ka nalang sumusulpot!"

"Ahahaha sorry! Naaamoy ko kasi ang niluto mo.. ano ba yang niluluto mo?!" Tsss patay-gutom.

"Patay-gutom.." Sarkastikong sabi ko kay Ross.

"Aww ang sakit naman no'n.." Naka-pout na sabi ni Ross. "Hindi ba pwedeng gutom lang talaga ako?!" Pinalungkot pa talaga nya ang itsura nya.

"Tsss hindi bagay sayo..wag ka nga istorbo!" Pangtatamboy ko kay Ross. "Bakit hindi mo na lang tawagin si Collin at Trigger, kasi kakain na tayo.. pshh bilis!"

"Haistt! Kung hindi ka lang sana gangster malamang.."

"Malamang ano?" Kinuwelyuhan ko kunwari si Ross. Tatakutin ko lang. Hihi.

"Ahhh wala. Wala. Hindi ka naman mabiro eh." Iwinagayway pa nya ang dalawang kamay tapos alanganing ngiti. Pagkatapos hinawakan ang dalawang kamay ko sa may kwelyo nya at dahan-dahan inalis do'n. Hindi naman ako nagpapigil, nagpadala lang ako. "Sige Jann tatawagin ko na muna sila." Nagmadaling umalis sa kusina si Ross. Hahaha. Takot naman pala.

Nahain ko na ang burger steak saka ko hinalo ang gravy sa malalim na plato bale labin-dalawang piraso ng burger steak ang niluto ko at halos isang kilo ng bigas ang sinaing ko, syempre mga lalake tong mga kasama ko malamang malakas kumain mga 'to.

Tamang-tama na prepared ko na lahat kasama ang vegetable salad which is lettuce at carrots with mayonnaise. Okay na ako sa food na to. Pag may nag reklamo sa kanila, I'm gonna kick their ass out in my house. Trust me. I can do that.

Naupo na kaming lahat sa maliit kong mesa. Ako ang nasa sentro ng mesa. Kanan ko si Collin, sa kaliwa ko naman si Trigger, sa tabi naman ni Collin ay si Ross.

"Okay, kainan na.." Signal ko sa kanila. Kanya-kanya na sila ng kuha. Ako naman inuna ko muna ang salad.

"Hindi ka ba kakain ng steak?!" Tanong ni Collin.

"Kakain ako, hindi ba pwedeng itong salad muna gusto kong kainin?!"

"Oh, sabi ko nga salad uunahin mo."

"Psshhh corny mo Collin, kumain ka na lang kaya noh?!"

"Haish, sungit mo Heavenly.."

"Tigilan mo nga kakatawag sa akin ng Heavenly. Tsk." Sabi ko kay Collin.

"Heavenly.." Tawag o sambit lang ni Ross para mang-asar.

"Ross, hindi mo ata narinig ang sinabi ko kay Collin. Tsk. Tigilan nyo ko ah."

"I, stop it." Biglang nagsalita ang kanina pang tahimik na si Trigger. Ross chuckled. Collin sounds like clearing his throat.

"Kumain na nga kayo ng maayos. Ross tumahimik ka na kundi itatapon kita sa labas ng bahay ko."

"Brutal talaga nito. Pero oo na tatahimik na ako."

"Nga pala, kayo na magligpit dito sa kusina." Pa-cool na sabi ko sa kanila. Naghihintay lang ako sa reaksyon nila.

"Ano?" Sabay bulalas ni Ross at Trigger.

"No way." Sabi naman ni Collin.

"Idi wag na kayo kumain. Umuwi na lang kayo. Kung maka-react kayo eh parang ang hirap-hirap ng pinapagawa ko sa inyo" Patay malisyang sabi ko sa kanila.

"Haist oo na. Oo na. Lilinisin namin to." Ani Ross.

"Anong oo na?" Sabi naman ni Trigger na alam kong sa tono ng pagbigkas ay hindi sang-ayon kay Ross.

"Ikaw lang maglilinis nyan I." Gatungan pa ni Collin. Haist.

"Anong ako lang. Ni hindi nga ako marunong maghugas ng pinggan eh."

"Mas solusyon ako sa pagtutulakan nyo kung sino ang maglilinis dito sa kusina. Para fair." Nakaisip ako ng solusyon. Hehe.

"Ano?" Tanong ng tatlong gonggung.

"Mag jak en poy kayong tatlo."

"Hahaha palabiro din pala minsan ang gangster noh." Pang-aasar ni Ross.

"Hindi ako nagbibiro Ross." Seryosong sabi ko na nakasimangot. Tumayo na ako dahil tapos na ako kumain. "Ge, bahala na kayo dyan. Pagkatapos nyan magpahinga muna tayo ng thirty minutes dahil mag-eensayo pa tayo."

"Hala, Jann naman eh daya mo!" Sabi ni Ross.

Collin's P.O.V

"Hayaan mo na nga. Sya naman ang nag luto e. Magtulungan na lang tayo. Mabilis lang naman to." Sabi ko ay I at Trigger. Napakamot ulo na lang si I. Si X naman hindi ko alam kung okay lang ba sa kanya o okay na lang sa kanya. Pero tumulong naman sya sa pagligpit ng mga plato sa mesa. "I, tayong dalawa ang maghugas ng pinggan ako magsasabon, ikaw ang taga-banlaw."

"Okay." Nagthumbs up lang si I.

Pagkatapos namin maghugas ng pinggan, naupo na kami sa sala.

"Haist sa wakas natapos din." Maginhawang sabi ni I.

"Sus, akala mo naman kung anong ginawa mo, nagbanlaw ka lang naman ng mga pinggan. Feeling mo ang dami ng ginawa."

"Hahaha eh hindi ako sanay sa mga bagay na ganyan noh!"

"Oh tumahimik ka na. Mag iingay ka na naman." Tumahimik nga sya. Naglalaro na lang ng online games sa cp nya.

Pansin ko lang kanina pa to si X tahimik. Matanong nga to. "X may problema ba?! X.." Tawag ko ulit.

"Ha ah ano?!" Naku wala sa sarili.

"Sabi ko may problema ka ba?" Tanong ko ulit kay X.

"Ha wala.. May iniisip lang ako." May iniisip? Napatigil sa paglalaro si I binaba ang hawak na cp at nakikinig lang.

"Ano naman iniisip mo?"

"About this coming friday?! Palapit na ng palapit ang kinakatakutan ko. Oo natatakot ako para sa atin at sa pamilya natin pati ang school na pinaghirapang paunlarin ng mga magulang natin. Natatakot ako.."

"Don't worry too much X, makakaya natin 'to okay?!" Syempre kahit ako nag-aalala din naman. Pero walang magagawa ang pag-aalala lang dapat tibayan ang loob. Kaya nag-eensayo kami eh. Haist.

Tahimik na lang kami nakikiramdam sa isa't isa, nakatingin sa kawalan, may kanya-kanyang iniisip pero iisa lang ang dahilan kung bakit. Alam ko makakaya namin to, tiwala sa Diyos at tiwala sa mga sarili ang kailangan.

To be continued..