webnovel

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

si Aiserize ay isang top student, ngunit simula nang lagi ito binubully ni lucy wala siya ibang magawa kundi mag cutting para maiwasan si lucy. pumunta si Aise sa park nung araw na yun at dun niya nakilala si hiro na nag cutting din dahil wala itong ka interest interest sa pag aaral. pero si hiro ay isa rin na top student, at sa park nag simula ang kanilang kwento.

mxxaise · Urbano
Classificações insuficientes
25 Chs

FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

"maglalaro lang ba gagawin mo dito?" takang tanong ni daisy

"tagal pa naman nila hiro, maglalaro na lang ako" saad ko habang naglalaro dito sa gilid

Di ko rin maintindihan si hiro sabi niya nabobored siya, e andami naman niyang laro

"gusto mo ba si hiro? Alam kong obvious pero gusto ko marinig sayo yun" tanong ni daisy ng biglaan at patuloy lang ako sa paglalaro

"oo, di ko rin alam kung paano basta bigla na lang ako nainlove kay hiro" sagot ko

kung ang dating aise hindi masasagot yan pwes, pinatumba ko na yung dating aise na yun

"nagtataka nga ako, hindi pa pala kayo? Pero parang kayo na" natatawang saad nito

tumigil ako sa paglalaro at lumapit sa tenga niya

"pero alam mo parang may something na samin" bulong ko rito

"shh ka lang" dagdag ko pa

"kahit sabihin ko naman o hindi, alam naman namin na gusto niyo ang isa't isa" saad ni daisy

"ganon ba talaga kami sa tingin ng lahat?" mahinang saad ko sa sarili

"sila hiro na pala" saad ni daisy at tumingala ako

"sa dinami rami pa naman ba kasi ng makakasama ni hiro si Lucy pa talaga" mahinang saad ko muli sa sarili ko

"hahahha, ok lang yan sabi e" natatawang saad ni daisy habang hinahagod ang likuran ko

Please tumigil ka na kakaasar

"Sino manghihingi sa number ni Mr Contestant no. 5" saad nung speaker

Kung sapukin ko kaya 'to

Nagsitilian naman yung mga babae na nasa baba, at naririnig kong bumubulong na naman yung nasa likuran namin

"ibibigay mo raw ba?" tanong ni speaker at ipinasa ang mic kay hiro

"no, di ko binibigay ang number ko kahit kanino" ngiting saad ni hiro at muling nagsitilian ang mga tao rito

So ano ako rito hiro ha

nagulat ako nang tumingin sa direksyon namin si hiro, narinig nya ba yung sinabi ko, nababasa nya kaya nasa isip ko?!

"except for this one girl" pahabol nito habang nakatingin sakin at binigay pabalik ang mic

at nagsilingunan din sakin ang mga tao, habang yung iba tumitili pa rin yung iba naman nakabusangot

Hiro, papasabugin mo ba ako here and now? You silly Hiro!

"parang gusto ko na lang mabingi ah" saad ni Daisy sa Gilid

"sino kaya yung this one 'girl', si Ms. Contestant no. 5 Lucy kaya?" saad ni speaker

"hahaha wag ka naman ganyan Cindy" saad ni Lucy. Aba mukhang magkaibigan 'to e

May sabotaheng nangyayari

"bagay na bagay nga kayong dalawa, para kayong tinadhana" dagdag pa ni Speaker

O tapos?

"i don't think na kaya ko pang magpatuloy" saad ni hiro kahit di na nakamic ay naririnig ko pa rin siya

hoy hiro! Anong ginagawa mo, malapit na matapos ang event!

"huh? Bakit naman?" tanong ni speaker habang naka mic

At inabot ni hiro ang kamay niya, at ibinigay nila yung mic.

"Aise" saad nito habang lumingon sakin. At tumingin din ako sa kanya, i mean kanina pa ako nakatingin

"grabe na kayo, sana umabsent na lang ako" komento ni daisy

"I love you" ngiting saad nito habang hawak hawak yung mic

At halos mapatalon ako sa sinabi nito.

Nagsitilian ang mga tao nang gawin yun ni hiro, at nagulat din kami nang umalis ito sa stage

Ano na naman gagawin ng lalaking 'to, pero I love you too hito.

Tumakbo ito papunta sakin at tumayo ako

"hoy anong ginagawa mo" saad ko sa kanya sabay hampas sa siko niya

"you look uncomfortable" bulong nito sa tenga ko

"hindi ah, mukha ba akong nabobother sa pagshiship sainyo ni Lucy" saad ko

"You are" sabay na saad ni Daisy at Hiro.

Haa

Hinawakan ni hiro ang kamay ko at hinila ako

"saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya

"libutin natin yung event" sagot nito

"bored ka lang talaga dun noh?" natatawang tanong ko sa kanya

"oo, di ka kasama e" saad nito at bigla huminto

"where's my 'i love you too?'" saad nito at hinawakan ang mukha ko

"wag ka ngang ano dyan" saad ko rito at lumingon sa ibang direksyon

"i-i-i love you too" mahinang saad ko at hinalikan niya ako sa noo

"good girl" saad nito at para akong mamamatay ngayon

aaaaaaaackk feel ko sasabog ang puso ko

"i-i love you so much" dagdag ko pa. At gulat ang ipininta sa mukha ni Hiro

Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko; feel ko di sapat ang I love you para sabihin kung gaano ko siya kamahal

"hehehe" pag tawa nito out of nowhere

"t-tara na nga" saad ko at hinila ko siya para maglakad

"tara kain!" saad ko nang mapadaan kami sa may mga pagkain

"gutom ka na agad, kakakain mo lang kanina" saad nito

"kanina pa kaya yun!" saad ko

Naglakad ako papunta sa may french fries, bigla akong nag ccrave dito

"kuya dalawa nga po" saad ko, at kumilos na agad si kuya

"wait here, may pupuntahan lang ako saglit" saad nito at tumango ako

Sa totoo lang ayaw ko sa ginawa niya kanina, pero yung selfish side ko nananaig. Gustong gusto ko na kanina pang makasama si hiro

"ito na miss ganda" saad ni manong, hahaha sana ganto lagi yung mga nagtitinda gaganahan talaga ako bumili

"hahaha thankyou po" natatawang saad ko.

Naglakad ako onti para makita si hiro, at nandun siya sa kabilang tindahan may binibili ata siya. Kaya maghihintay lang ako rito

"Ise" saad ni Hiro habang papalapit sakin

"ano yung binil-" putol na saad ko

"huwag kang gagalaw" saad ni hiro at nag freeze ako (masunurin ako e)

lumapit ito sa akin, at isinuot sakin yung bracelet na color pink

"bagay sayo" ngiting saad nito

"waaahhh ang cute" excited na saad ko at kinuha niya sakin yung isang fries

At nung kunin niya ito nakita kong may bracelet din sya at color blue ito

"bagay sayo yung bracelet mo" ngiting saad ko

"wag mo yan tatanggalin sa kamay mo, maliwanag?" saad nito at tumango tango ako

"Yes sir!" saad ko at dahilan nang pagkatawa niya

"di ko inexpect na maeenjoy ko 'tong event, pero ano pa nga bang aasahan ko e kasama kita" saad nito habang kumakain lang ako

Yes hiro continue, i feel loved because of your words

"waa scramble" saad nito at nagulat ako dahil dun

"gagi akala ko kung ano" saad ko rito at lumingon sa kanya

"tara scramble! Tagal ko na di nakakatikim nyan" saad nito

"tara tara" pagsabay ko sa trip niya, minsan lang siya magpakita ng interest kaya ang cute niya tignan

(A/N: di mo nakikita kasi ikaw yung interest)

"ate dalawang scramble po" saad ni hiro dahilan nang pagkatuwa ko

"ano na pong event ngayon?" tanong ni ate

"sayaw na siguro nagaganap ngayon" sagot ni hiro

"sayaw? Manood tayo!" saad ko

"wag na, sa sobrang liit mong yan di mo makikita" saad ni hiro

"sama ng ugali nito" saad ko habang tinapon sa basurahan yung lalagyanan nung french fries

"sige manood tayo, pero papasan kita dito" saad nito at tinuro yung balikat niya

"wag na!" dali dalian kong saad

Inabot na nung ate yung scramble at agad agad akong kumain, bakit ba

"handa ka na ba mamaya?" tanong niya sakin habang naglalakad kami

"oo, para nga akong tinurukan ng adrenaline" saad ko at flinex yung muscle ko

"pero gagi bilis ng oras malapit na mag 1" dagdag ko pa

"ayaw mo nun, maglalaro na tayo" saad nito

"syempre gusto noh" sagot ko at huminto ito

"bakit?" tanong ko sa kanya at hinawakan niya ang mukha ko

"aaaaaa! Ang lamig!" saad ko at tinawanan ako ng isang to

"sira ka talaga" saad ko rito at hinampas ang braso nito

Hinawakan ko rin ang mukha niya para malamigan din ito, pero wala siyang pinakitang reaksyon

At hinalikan ang labi ko.

naglakad kaming muli habang siya ay tawang tawa sa gilid

Habang ako naman sasabog na dito na parang bulkan sa sobrang pula ko dahil sa ginawa niya