webnovel

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

si Aiserize ay isang top student, ngunit simula nang lagi ito binubully ni lucy wala siya ibang magawa kundi mag cutting para maiwasan si lucy. pumunta si Aise sa park nung araw na yun at dun niya nakilala si hiro na nag cutting din dahil wala itong ka interest interest sa pag aaral. pero si hiro ay isa rin na top student, at sa park nag simula ang kanilang kwento.

mxxaise · Urbano
Classificações insuficientes
25 Chs

FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

pinupunasan ko sarili ko habang papalabas sa banyo, at bigla tumunog ang cellphone ko kaya agad ko 'to binuksan.

bwisit na daniella 'yon, may lakas na loob pa syang ichat ako.

inoff ko na agad ang cellphone ko ng malaman kong sya lang pala ang nag chat

at bigla ko naalala yung lalaking nakilala ko sa park, di ako makapaniwala na sa tagal namin nag usap. di namin alam pangalan ng isa't isa.

"haa, bakit ko naman sya iniisip ngayon" saad ko ng mahinahon sa sarili ko

pumunta na lang ako sa kwarto at natulog.

-----------

"Rize, nalagay mo na ba sa bag mo yung baunan?" sigaw ni mama

"opo ma" sagot ko

at naglakad na ako sa labas para pumunta sa school

ilang minuto lang nakarating na ako sa school, at napadasal

"sana walang mangyari ngayon" bulong ko sa sarili ko.

at naglakad na ako papunta sa classroom, paakyat na ako sa hallway ng napatigil ako dahil may kumalabit sakin. pag ka lingon ko nakita ko si seon

buti na lang hindi sila lucy.

"ok ka na ba Rize? ba't ka umalis sa klase kahapon?" tanong nito sakin at sumabay sa paglakad

"ah okay na ako" ngiting saad ko sa kanya

nakakahiya!!, bakit alam nyang nagcutting ako!! --- crush si seon

"buti naman, di talaga alam nila Lucy kung kailan ka titigilan. buti nga natitiis mo sya" saad nito

"sadyang ayaw ko lang ng gulo, at sayang lang sa oras. kaya bahala sila kung ano gawin nila" saad ko

"basta kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako" ngiting saad nito at nag call sign

"ah, nandito na room ko. mauna na ako" dagdag pa nito at ngumiti lang ako sa kanya

buti na lang kahit na gaano kasama, nandyan pa rin si seon.

i like him since this first semester, pero para lang itong admiration.

ng makarating na ako sa classroom ko, napangiti ako dahil sobrang ganda ng umaga ko.

kinausap ako ni seon, tas wala pa nakaabang sakin. sana wag na sila magparamdam

-------

(the next day)

pucha salamat ha, dahil nagpatawad kayo ng isang araw para di ako guluhin. di ko naisip na makakailang cutting ako sa isang linggo

at di ko na lang namalayan na nandito na pala ako sa park, at naalala ko uli yung lalaking yun

nandito kaya sya uli?

"hoy, nandito ka ba" mahinang saad ko at hinanap ko sya

pumunta ako doon sa bahay nya at nakita ko siya na natutulog

kanina pa kaya siya natutulog?

umupo ako sa may hagdanan ng maliit na tunnel na ito, at di ko namalayan na ilang minuto na pala ako nakatingin sa mukha nyang natutulog

ang sarap nyang pagmasdan

kinurot ko sarili ko pagkatapos kong sabihin yon sa utak ko, seriously ano ba tong nasa isip ko!

umalis ako sa pagkakatingin sa kanya at nagbasa ng libro

at grabe 'tong librong 'to never talaga ako hindi pinakilig, ngiti lang ako ng ngiti at tawa nang tawa

"ahahaha, buti nga sayo" natatawang saad ko ng makitang nagdudusa yung nang aagaw sa male lead

"hindi ba pwedeng magbasa ka lang ng tahimik?" sabi nung lalaki at napataas ako ng kilay

"ano naman?" saad ko at nagpatuloy sa pagababasa

"anong sabi mo?" saad nito at nagulat ako dahil binatukan nya ako

"ba't mo ginawa 'yon?" sigaw ko at ngayon ko lang nalaman na gising na pala sya

"kanina ka pa gising?" tanong ko rito

"antok ka ba? kinausap mo na nga ako kanina ngayon mo pa lang nalaman na gising ako" naka ngisi nitong saad

grabe sungit nito, sapakin ko kaya 'to

"ano nangyari, bakit ngayon ka lang?" tanong nito sakin at inayos ayos ang buhok niya

hinihintay niya ba ako?

"huh?" patanong kong saad

"wala ka kahapon dito, nagtaka ako bakit ngayon ka lang" tanong nitong muli

"ah... wala kasi nangyari kahapon, kaya di ako nag cutting" sagot ko

bakit ko ba sinasabi sa taong 'to ang dahilan

"walang nangyari?" tanong nito

"ah basta, matulog ka na lang uli at magbabasa pa ako" saad ko at binuklat uli yung libro

"ikaw pa may ganang sabihin yan, e ikaw ang nasa teritoryo ko? o nasarapan ka lang pagmasdan 'tong kagwapuhan ko?" ngising saad nito at tinuktukan ko noo neto

"yabang" saad ko at bumaba ako sa hagdan

dalian mo aise, bago pa sya magtanong at mabisto ka pa niya na hinahanap mo sya

"saan ka pupunta?" tanong nito

"saan pa edi sa teritoryo ko" saad ko at tinarayan ko ito

"kakain ako sa labas, gusto mo ba sumama?" tanong nito at napalingon ako sakanya, pero inalis ko rin agad pagkalingon ko rito

"hindi, busog ako" saad ko, at nag pout face naman ito.

"hindi na masaya kung di ka kasama" saad nito at nagmamakaawa ito na parang tuta.

"eh? Kailan pa tayo naging close? I don't even know your name" ngising saad ko

"so you are curios?" ngisi rin nito at bigla akong nahiya

"hoy! Hindi sa ganon. Normal din naman malaman kung anong pangalan ng kinakausap mo. At kun-" putol na saad ko ng muli itong magsalita

"Hiro" saad nito at sa isang sandaling yun biglang humangin, napaka gandang pagmasdan habang sinasabi nya ang pangalan niya.

"Aise" ngiting saad ko.

"ginagaya mo ba ako?" pang aasar nito at hinampas ko na lang ang ulo ko.

Di ko alam kung ano pinag iiisip ko kanina.

"so, alam naman natin panagalan nating dalawa. Sasama ka na?" ngiting saad nito at nag puppy eyes.

"*sighs* sige na, sasama na ako sayo" saad ko

"yey, yey" saad nito na parang bata, di ko talaga sya ma predict.

"this way" saad nito at naglakad kami ng sabay, di ko alam kung saan niya balak kumain.

"hoy, libre mo'to ha!" saad ko, siya naman nag aya diba. Edi dapat lang na sagot nya 'to!

"sige lang, mag order ka lang ng kahit ano" saad nito. At nag ting naman tenga ko

(a/n: ibig sabihin ng nag ting, pumalakpak ang tenga nito dahil libre)

"di ako pumapasok sa school, kasi feel ko ang boring" saad nito bigla, at sa seryosong tono.

Bipolar ba sya?!

"so keep me entertained hmm?" ngiting saad nito, at masyadong lumapit ng mukha nya sa mukha ko.

"o-oo-oo" doble doble kong sagot, dahil sobrang lapit niya at natataranta ako. At lumayo ako rito ng kaunti

"wait, ano?! W-w-wait. Hindi dapat yun ang sagot ko-" putol na saad ko nang ilagay nito ang isang daliri niya sa bibig ko para tumigil ako.

"yes is a yes" seryosong saad nito.

I guess, i can't take back my words.

Di na lang ako umimik, at naglakad ng patuloy kasama siya.

"pft"

At bigla ko na lang itong narinig na tumawa.

Gustong gusto talaga niyang nahihiya ako, pwede bang sapakin ko na lang sya at sabay takbo.

"oh, nandito na tayo" saad nito.

At napanganga ako sa pinuntahan namin, sikat at mamahaling cafe 'to na di ko pa napupuntahan!

Sige sobrang yaman ng lalaking' to. I mean no doubt amoy expensive sya.

"you look surprised, why?" tanong nito, at umiling iling lang ako.

"ok?" saad nito, at pinagbuksan nya ako ng pinto at nauna na akong pumasok.

At hinintay ko rin syang makapasok, di ako uupo ng wala siya.

"pft" pagtawa nito ng palihim habang ang kamay niya ay nakalagay sa bibig niya.

"nababas mo ba isip ko" bulong ko sa sarili ko.

"ano?" nagtatakang tanong nito.

"ah, wala wala. Langaw kausap ko" saad ko.

at umupo na kami sa gilid, hindi ko siguro napansin ang oras. May mga estudyante na ang umuuwi.

"pwede bang lumipat tayo ng upuan?, baka may makakilala sakin" saad ko at tinignan niya ako at ngumiti ng onti.

"ok" mabilisang saad nito, at lumipat na kami ng upuan.

"anong gusto mo?" tanong nito sa akin

"iorder mo na lang ako ng kagaya ng ioorder mo" saad ko.

"hmm, interesting" saad nito at di ko masyadong narinig dahil mahina ang pagkakasabi nito.

ilang minuto lang ang nakakalipas, dumating na rin ang order namin.

At bigla ako napangisi, at yung ngiting naka guhit sa mukha niya ay biglang napawi.

"hmm?" patanong nitong bigkas.

"wala, wala" ngiting saad ko.

umorder sya ng strawberry shortcake, at strawberry rin na inumin. Di ko alam tawag dito kasi first time ko palang nakapunta sa cafe

Pero nung tumingin ako sa menu, ang tawag ata dito ay Strawberry creme

patuloy lang akong sumisipsip, habang nakangiti.

Di ko lang mapigilan.

"hey, you're creeping me out" seryosong saad nito, at lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko.

"sabihin mo nga, ano ba yang nasa isip mo" saad nito at di ko mapigilang tumawa.

"ahh, haha.. Wala, ano kasi.. Ah" saad ko habang pinipigilan ko parin tumawa

At tinignan niya ako ng masama, sa tingin nya ata ako mamamatay e.

"wala, to think na sobrang hilig mo sa matamis. At strawberry, hindi ko maimagine sa kagaya mo" saad nito at bigla naman itong namula at tinakpan ang bibig niya.

MWOHAHAHA, SA ITSURA NYA PALANG FEEL KONG NAKAGANTI NA AKO

"ganun ba talaga ka weird yon?" tanong nito, habang kumakain.

"di naman, pero nung una akala ko you would prefer black cofee. Pero wala naman mali sa pag gusto ng mga matatamis sa katulad mong ganyan ang ugali. Sa tingin ko ang cute" saad ko, at parang bigla akong batong nagcrack.

Sa sobrang saya ko kakaasar sakanya, di ko na alam sinasabi ko.

at siya naman nakita ko ngayong naka ngisi.

"wala ka narinig please" saad ko, at bigla nag ring ang phone nito.

"di mo ba sasagutin?" tanong ko

"ahh.."

.

.

.