webnovel

Freedom [MR Series#6] (Completed/Taglish)

MysteryTeen#6 Krishiana Marie Lorenzo is a girl who have the ability of a silent shooter. She's the one of the six girls archer in the world. And she's observer and have an active senses of the people she only met. But when in the middle of the situation, Lexord noticed that Krisha wanted to find the solution of her unresolve problem and pretending to help her but truely will trapped her and abonded. When Krishiana will find her own life without being inside of the Jail? Is there will come into her life and find her freedom of her own without him?

ItsMeJulie · História
Classificações insuficientes
55 Chs

Chapter 4

Nang makauwi nang bahay ay sabay na lumabas iyong dalawa pero mas nauna ang kapatid ko. Lumabas ako at nilock iyong pinto bago tapikin sa balikat ang kasama ko.

"Pag pasensyahan mo na, hindi kasi sya sanay na may inuuwi ako bukod sa kanya."

Mukhang nalito sya sa sinabi ko. "Puro babae kasi mga nakakasama ko. Minsan lang iyong ibang tropa naming lalaki na nagpupunta dito pero kilala naman nya. Bago kapa lang sa paningin nya, kaya hayaan mo munang mag adjust." Nginitian ko sya saglit bago pasunurin sya sa akin.

Natahimik sya pero hindi ko na pinansin dahil baka may malalim syang iniisip. Pinaupo ko na lang muna sya sa living room para makapag handa ng miryenda sa kanya.

Bacon sandwich lang ang kaya kong ibigay dahil hindi naman sya bumili kanina at isang orange juice na itinimpla ko pa bago bumalik at nakita kong naka tayo na sya at tinitignan ang mga picture frame doon.

"Kung gusto mong mag tanong, hindi ko masasagot. Kaya maupo kana dito." Sabi ko sa kanya at agad naman syang sumunod na parang hindi naman sya interesado sa nakita nya.

"What's this? Bacon?" Obvious na tanong nya at tumango na lang ako.

"Dyan kana muna at magbibihis lang ako sa taas."

Hindi ko na nakita kung ano ang naging reaksyon nya dahil umakyat na ako agad katapat ng kwarto ng kapatid ko. Nag bihis lang ako ng purple croptop at white short bago ilagay sa labahan iyong uniform at lumabas.

Hinayaan ko na lang muna na nakabagsak ang itim na buhok ko bago pumunta sa kanya. Napansin ko na naubos na nya iyong dalawang bacon sandwich na ibinigay ko.

"Pahinga ka muna, bago tayo magsimula." Sabi ko at umupo sa tabi nya.

"Ayos lang ba kayo dito?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya. "I mean, it looks like a lonely place if you and your brother are only here." Dagdag nya pa kaya natahimik lang lalo ako.

Sa ngayon, ayoko muna mag open tungkol sa personal na buhay ko. Kaka kilala ko pa nga lang sa kanya e, pagkakatiwalaan ko ba agad?

Ang hirap pa naman dahil sa panahon ngayon, dapat talaga alam mo kung sino ang mapagkakatiwalaan mo. Dahil kung nagbigay ka agad ng tiwala at kapag tinraydor ka ay talo ka. Marami pang mawawala sayo kahit nag tiwala ka lang naman.

Napansin nya yatang hindi ko kayang sagutin ang tanong nya kaya iniba niya yung topic, naging komportable naman ako doon.

"Does your friend are serious to Israel?" Out of nowhere nyang tanong.

"Siguro." I shrugged. "Hindi naman mag e effort yon na utusan ang Ate nyang Dean sa school para lang makuha ang pangalan ng transferees."

Mukhang nagulat yata sya sa sinabi ko. "Really? Does she crazy over-"

"Assuming to. Ni hindi nga sila nag uusap, head over heels agad?" Nakataas ang kilay ko nang sagutin ko sya. "Hindi magiging ganoon ang kaibigan ko dahil lang sa kaibigan mo."

Tumawa sya kahit wala namang nakaka tawa. Bigla akong napatingin sa itaas at nakita kong nakasilip si Jace doon kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Napansin yata yon ng katabi ko kaya napatigil sya sa pag tawa.

"May kailangan kaba?" Sigaw ko sa kapatid ko mula sa itaas. He's face turned soft when he looked at me.

"Nothing Ate, can I watch?" Hingi nya ng pabor at tinignan ng masama iyong katabi ko.

Tumango naman ako. "Bumaba ka para mapanood mo kami."

Sumunod naman sya kaya kinuha na ni Lex iyong phone nya at naki connect sa speaker para marinig namin yung music background.

Nang magsimula na kami ay ramdam ko ang pagiging ilang nya sa tingin ng kapatid ko kaya pinagsabihan ko sya. Bata lang naman iyon, kung matakot sya akala mo naman kakatayin siya ng kapatid ko.

"Umayos ka, kung ayaw mong maghanap ng ibang makaka-partner." Pananakot ko kaya tumikhim sya at nag simula ulit kami.

Hindi namin pinansin iyong audience at nag focus kami sa isa't isa. Tinuturo nya iyong mga steps na pinag aralan nya at agad ko naman nakukuha.

Bandang alas sais na kami natapos nang magreklamo iyong nanonood sa amin na gutom na sya. Napa buntong hininga ako bago mag punta sa kusina mag isa at iniwan silang dalawa doon. Bahala na sila kung gusto nilang mag rambulan doon, basta wag lang nila akong idadamay.

Naghanap ako ng maluluto nang desidido na akong magluto ng sitaw dahil iyon lang ang kaya ko dahil napagod kami sa sayaw ni Lex. Nasa kalagitnaan na din kami kaya mas mapapadali ang pagtatapos namin doon.

Mabilis lang akong natapos at tinawag na ang dalawa. Pansin ko ang pananahimik ng bisita ko kaya tinignan ko ang kapatid ko nang lumapit sya sa direksyon ko para makapag hugas ng kamay.

"May sinabi kaba sa kanya?" Bulong ko.

"What would I say? I'm not interested to talk to him." He scoffed and walk away after he washed his hands.

Hindi ako naniniwala. Alam ko na may sinabi sya at alam kong iniiwasan na lang nya na magsabi ng totoo dahil alam nyang hindi amo matutuwa kapag may sinabi sya sa tao kahit hindi pa naman nya gaano kilala.

"Maghugas ka nang kamay mo, hintayin ka namin." Tumango naman sya bago pumunta sa sink para maghugas ng kamay.

Tinabihan ko ang kapatid ko at katapat ko si Lex. Nagsandok sya nang sariling kanin, mabuti pa nga. Dahil hindi ko alam kung malakas ba sya kumain o tama lang.

Tahimik kaming tatlo sa hapagkainan. Sa kalagitnaan ay nakita ko ang pangalan noong Israel na tumatawag sa kanya.

"Can I answer the call and go back here after this?" Tanong nya dahil sa akin sya nakatingin.

"Sige lang." Sabi ko at kinuha na ang pinagkainan nya pars mahugasan ko na.

"Let me Ate, you should rest. Paki uwi na din ang bisita mo pagkatapos." Mukhang may galit pa rin sya kaya sinundan ko sya.

"Hindi kita pinalaking ganyan. I don't want to tolerate your attitude, bunso." Mahinahon na sabi ko at niyakap sya mula sa likuran.

Mukhang naintindihan nya ang gusto kong iparating kaya nahiya sya bigla. "A-alright. I'm sorry."

"It's fine." Hinaplos ko ang buhok nya. "Pero sana wag nang mauulit okay? Be nice to others but choose to who you trust."

Humingi ulit sya ng pasensya sa akin pero sinabi ko na dapat kay Lex pero galit pa din daw sya sa pag aakalang boyfriend ko sya. Dahil mas obvious na magka mukha kami kaya sya na offend nang ganoon.

Pinuntahan ko na si Lex matapos iwan ang kapatid kong naghuhugas. Mukhang nasakto yatang tapos na ang pag uusap nila nang malingunan nya ako.

"I need to go." Gloomy na sabi nya kaya tumango ako.

"Hatid na kita." Hindi na sya nag reklamo pa bago ko isama ang kapatid ko sa sasakyan dahil hindi ko kayang naiiwan sya mag isa sa bahay.

Nang mag drive ako palabas ng gate ng subdivision ay lumabas na sya mula sa backseat at kinatok ang bintana ko.

"Ingat ka." Simpleng sabi ko kaya hindi ko alam kung bakit nabigla sya doon. Wala lang naman iyon.

"Thanks, take care also and sorry again to your brother." Kumaway na sya at tumango lang ako bago isara ang bintana sa sasakyan.

Nang makarating kami ng bahay ay inaantok na daw sya kaya mas nauna na syang umakyat kaysa sa akin. Naligo muna ako at nag blower mula sa kwarto bago mag decide na suklayin ang buhok ko mula sa salamin.

Nag vibrate ang phone ko at nakita kong may number na nag text doon. Kumunot ang noo ko at binasa ang text ng unregister number.

"Thanks for the ride - L."

Alam ko na agad kung sino iyon pero hindi ko na sinave ang number nya. Nagtataka ako kung paano nya nakuha ang numero ko dahil sa pagkakatanda ako, ay hindi ako basta basta nagbibigay ng numero.

Sinubukan kong tawagan sina Irish at Chloe na agad naman sinagot noong dalawa.

"Sino sa inyong dalawa ang nagbigay ng number ko kay Lexord?" Bungad ko at napansin kong nag iwas ng tingin si Irish.

"Pasensya kana, kinukulit kasi ako." Paghingi nya ng tawad kaya inirapan ko sya.

"Body guard mo yan e, paamuhin mo." Sambit ni Chloe kaya natawa ako sa kanya.

"Sige na, nag tanong lang naman ako." Ibababa ko na sana ang video call nang mag tanong si Irish.

"Bakit mo pala naitanong? Does he texted you?" Napuno nang asaran ang dalawa kaya inirapan ko sila.

"Hindi, wrong sent lang." Pagpapalusot ko nang sumabat si Chloe.

"Eh bakit mo alam na sya yung nag text?"

Nai stress na ako sa dalawa na to. Kapag dumagot ako, makakarinig ako nang pang-aasar sa kanilang dalawa at maraming baon na tanong kaya na ho-hot seat ako. Dapat pala hindi na lang ako nag tanong!

"May code kase, L nakalagay." Pinaglalaban na sagot ko.

"Suss, Krisha nyo luma love life na." Hyper na sabi ni Irish.

Kung nandito lang ang babaita na ito ay kanina ko pa sya sinabunutan. Umirap ako at hindi na lang sinakyan mga trip nya sa buhay.

Mabilis ko din tinapos iyong video call namin at binasa ang message sa akin ni Lex.

'Did you eat dinner already?'

Nag reply ako ka agad.

'Hindi pa.'

Hindi pa ako nakaka kilos nang mag reply sya agad. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang text nya.

'On my way'

To be continued...