webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Urbano
Classificações insuficientes
56 Chs

Nugusijyo? (Who are you?)

Alas sais na ng magising ang dalawa.

"Oh shoot! We missed the sunset today!" nanghihinayang na saad ni Jei.

"That's okay. We still have tomorrow," sagot naman ni Wonhi bago siya yakapin mula sa likod at hilain pabalik sa kama.

"Aren't you hungry?" natatawang tanong ni Jei saka iniwang nakasimangot ang binata.

Nasa kalagitnaan sila ng hapunan ng magring ang SOS phone ni Wonhi. Nagkatinginan ang dalawa. Tumango si Jei saka dinampot ni Wonhi ito. Hindi niya maiwasang lumunok bago sagutin ang tawag samantalang si Jei ay nagpipigil ng hininga.

"Hello?" mahinang sagot ni Wonhi sa telepono.

"Listen to me carefully! Avoid going out! Turn on all the security camera and all the alarms their. Do you remember the passcode? They are coming after you and they are more determined to kill you this time!" mariing saad ni Rain sa kaibigan bago nito tapusin ang tawag na hindi man lang nagawang magsalita ni Wonhi.

"Is that kuya Rain? What's wrong? What happened?" sunod- sunod na tanong ng dalaga ng mapuna ang pag- iiba ng mood ng nobyo. Sa dahilang ayaw niyang mag- alala ng husto ang dalaga ay napagpasyahan niyang huwag munang sabihin ang kalagayan.

"Nothing to worry about. He told me about the investigation," tipid na sagot ng binata. Hindi na nag- usisa pa si Jei.

"I have to do something," saad ni Wonhi sa dalaga pagkatapos nilang kumain at magligpit.

"Hmm... I wanna go with you," determindadong sagot ni Jei. Hindi man niya alam kung ano talaga ang nangyayari ay ramdam niyang may mali sa sitwasyon.

Matagal bago sumagot si Wonhi pero sumang- ayon na rin siya sapagkat alam niyang hindi siya titigilan ng dalaga.

"What are we doing here?" kinakabahang tanong ni Jei ng pumasok ang dalawa sa restroom.

"I thought you wanna join me?" nakuha pang magbiro ng binata. "Are you ready?"

"I guess so," nagpipigil ng excitement na sagot ng dalaga. Tumikhim pa siya upang tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan.

"Close your eyes," bulong ni Wonhi. Sumunod naman ang dalaga.

Mabilis na pinindot ni Wonhi ang isang button sa likod ng salamin bago yakapin ang nanginginig na dalaga. Bumukas ang tiles sa paanan nila at lumantad ang isang platform na nagdala sa kanila sa ilalim.

"Open your eyes now!" sa bilis ng mga pangyayari ay hindi namalayan ni Jei ang lahat ng iyon kaya't labis ang kanyang gulat ng makita kung nasaan sila.

"Where are we? Are we still in the cottage?" takang tanong nito.

"We are in the security room," tanging sagot ni Wonhi habang tinatype ang passcode. Umilaw ng red ang mga aparatus at nagsimulang magrecord ang mga CCTV camera na nakapalibot sa buong bahay.

"Well, am I allowed to know what's going on now?" sakastikong saad ng dalaga bago pagsaklupin ang kanyang mga braso.

Nakatutok ang atensiyon ni Wonhi sa monitor kaya't di niya nagawang sagutin ang anumang tanong nito. Dahil dito ay lalong nairita si Jei.

"How many times do I have to remind you that we are in this together?" panay ang talak ng dalaga. "Seems like I am not part of your decision making. Fine! If you don't~"

"Shhhhhhhhhh!" saad ni Wonhi saka itinuro ang monitor. "Nuguya?" bulong nito.

Biglang natutop ni Jei ang kanyang bibig ng mapagtanto ang tinuturo ng binata. Sa Cam 04 na nakakubli sa isang paso sa veranda ay maaaninag ang isang bulto ng tao na pilit inaakyat ang matayog na pader mula sa isang puno. Ngunit dahil sa nakawet suit ito at ski mask ay hindi nila makilala kung sino ito.

"Oh my god! What do we do? What if that person enters the house?" nagpapanick na saad ni Jei.

"Don't worry. Can you see those barb wires above the wall? Those are live wires," paninigurado ni Wonhi. Walang nagawa si Jei kundi magtiwala sa nobyo.

Hanggang makatulog sila ay hindi maalis ang kaba sa dibdib ni Jei at hindi niya mawari ang pakiramdam na parang may masamang mangyayari sa gabing iyon.

"Oraenmaniyo! (long time no see)" saad ng isang pamilyar na boses. Napabalikwas si Wonhi ng gising dahil dito ngunit wala siyang makita sapagkat nakapatay ang ilaw at tanging ang liwanag ng buwan na lumulusot sa maliit na siwang ng bintana ang nagbibigay liwanag sa silid. Kinusot ni Wonhi ang kanyang mata upang mag- adjust.

"Nugoseyo? (sino ka?)" kinakabahang tanong ng binata ng may hagip na isang bulto ng taong nakatayo sa pintuan. Hindi ito sumagot. Tumingin siya sa wall clock na umiilaw sa dilim. Alas- tres ng madaling araw.

"Who are you? How did you get here?!" tanong ulit niya ngunit pawang ang yabag ng sapatos nito ang maririnig habang papalapit ito sa kanya.

Pinipilit niyang igalaw ang kanyang mga paa at kamay ngunit nagmistulang bato ang mga ito kaya lalo siyang kinabahan ng isang metro na lang ang layo nito sa paanan ng kanilang kama.

"Jei? Is that you?" tanong ulit niya ngunit walang sagot mula dito. Malakas na kumabog ang kanyang dibdib.

"Wonhiya mwohago isso? No jongmal jukkko simni? (Wonhi, anong ginagawa mo? Gusto mo ba talagang mamatay?)" bulong ng pamilyar na boses.

Tagaktak ang pawis ng binata ng mapagtanto ang ginagawa nito at nahigit niya ang kanyang paghinga ng itutok nito ang hawak na baril sa kanya. "Ije naega nol jugilkka? Hmm...? (Papatayin na ba kita ngayon?)" mahina ngunit mariing banta nito.

Maya- maya ay humagikgik ito. Nanlalaki ang mga mata ni Wonhi ng ibaling ng anino ang baril sa katabi niya. Agad nagprotesta ang kanyang utak. "Jebal geumanhae! (Pakiusap, tama na!) pakiusap ng binata.

Binalot ng takot si Wonhi ng ngumisi lang ang anino at tatlong beses na pinaputok ang baril sa dako ni Jei. Nalasahan pa niya ang tumalsik na dugo sa kanyang bibig. Bumaling siya sa dako ni Jei at agad napapikit sa duguan nitong mukha.

"Nooooooooooo!" sigaw ng binata habang nagpupumilit na bumangon ngunit kahit anong pilit niya ay hindi mawala ang kung ano mang mabigat na bagay na nakadagan sa kanya.

"Wae ironeun gojyo? Wae!? Daedape! Wae?! (Bakit mo ginagawa to? Bakit?! Sagutin mo ako! Bakit?!)" naghihinagpis na tanong ng binata na pinagpapawisan ng malamig.

Napasinghap ang binata ng walang sabing hawakan nito ang kanyang leeg. "Gokjjong maseyo dangsineun got yojachinguwa hamnyuhal gosimnida (Huwag kang mag- alala. Sasamahan mo din ang iyong kasintahan)," malademonyong saad nito habang dahan- dahang humigpit ang hawak nito sa kanyang leeg.

Sa bawat paghigpit ng sakal nito ay nararamdaman ni Wonhi ang unti- unting nauubos na hininga. Nawawalan siya ng ulirat dahil sa kawalan ng oxygen sa kanyang katawan. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang lumitaw ang mga litid sa kanyang mukha at leeg.

Nang akala niyang mamamatay na rin siya gaya ng kanyang kasintahan ay tinanggal nito ang mga kamay saka tumawa ng malakas at nilisan ang cottage. Naiwang tigagal si Wonhi at walang lakas para bumangon kaya't humagulgol lamang siya habang pilit na inaabot ang duguang mukha ng kasintahan.