Magtatatlong araw nang hindi nag- uusap sina Jei at Archie at nag- aalala na sina Rain at Wonhi pati si mang Liam.
"Did she eat?" saad ni Wonhi sa kaibigan ng bumaba ito bitbit ang hindi nagalaw na pagkain mula sa kwarto ng dalaga.
"Ani. Na neun geokjeong hago itda (Hindi. Nag- aalala na ako sa kanya)," sagot ni Rain habang inilalapag ang mga pagkain aa lamesa.
"Me, too. I am really worried. She might get sick if she won't eat," sang- ayon ni Wonhi. Huminga ng siya ng malalim saka sinabing, "I am sorry, bro. I think, I have something to do with her pain."
"What do you mean?" takang tanong ni Rain. Ikwenento ni Wonhi ang nangyaring binigyan niya ng advice ang dalaga.
"I knew it!" saad ni Rain. "Haysh, Jei!" Umiiling niyang sabi.
"She seems to like him so much!" ani ni Wonhi sa kaibigan na tumango- tango sa kanyang sinabi.
Napaisip si Wonhi kung paano niya tutulungan si Jei na makalimot at nang matigil ang sigaw ng kanyang konsensiya.
"Aha! Why don't we go somewhere and have some fun?" bulalas ni Wonhi sa kaibigan.
"What?" kunot ang noong tanong ni Rain sa kanya.
"I mean... why don't we ask her to go to a beautiful place... like the Angel's Mist Cabin?" paliwanag niya na tinutukoy ang isang private cabin sa tuktok ng pinakamataas at matarik na bundok sa Myan Ji. Humigit kumulang na 3000 ft ang taas.
Nag- isip si Rain saka tumango. "Hmmm... not a bad idea. But... we need a reservation to go there. I'll ask Khass for any vacancy!"
"She works there?" maang na tanong ng kaibigan.
"The owner is her ex- boyfriend's sister," saad nito sa namamanghang binata.
"Whoa! She's tough, huh!" komento ni Wonhi. Tumawa lang si Rain.
"They... they've been friends before Khass and her friend's brother became an item," sagot nito sa kaibigan bago sagutin ang kanyang cellphone. "O ano insan, meron ba? Ah okay... sige salamat."
"So?" excited na tanong ni Wonhi.
"It's reserved for a week."
"What? Why?"
"A romantic couple chose Angel's Mist as the place to exchange their vows."
"Oh! So... what should we do now?" nanghihinayang na tanong ni Wonhi.
"Dunno. Maybe, just bring her to a cooking show or an eating tournament!" biro ni Rain.
"Rain-ssi, leave this to me. I already have an idea," masayang saad ni Wonhi. "I have to do it. My conscience is bugging me, I have to help our little sis."
Ngumiti si Rain sa sinabi ng kaibigan saka niya tinapik ang balikat nito. "Thanks. I really appreciate it."
At matapos nga silang mag- agahan ay tinungo ni Wonhi ang kwarto ni Jei. Nagdala rin siya ng isang basket ng prutas.
Kumatok siya saka nagpaalam na pumasok, "Jei, it's kuya Wonhi. May I come in?" Walang sagot. "Jei!" sigaw ulit niya.
"Come in," mahinang sagot ng dalaga.
"Hey, how are you feeling?" tanong ng binata ng makapasok ito sa loob ng kwarto ngunit di sumagot si Jei.
"I brought you some fruits. You have to eat," masiglang saad ni Wonhi habang nilalapag ang fruit basket sa side table ng dalaga.
Wala pa ring sagot mula sa dalaga. Nakahiga lang ito habang nakatingin sa malayo at hindi kumikibo. Umupo si Wonhi sa kanyang tabi.
"Seeing you right now makes me realize whether or not have I given you the right advice," saad ng binata. "I'm sorry."
Marahang tumingin si Jei sa kanya. Napabuga ng hangin saka pabulong na nagmura si Wonhi ng makitang tahimik na umiiyak ang dalaga. Mugto ang mga mata mula sa ilang araw na pag-iyak.
"Jei... I am sorry.... really sorry!" paumanhin nito.
Nagpunas ng luha ang dalaga saka tumugon, "Not your fault, kuya. I think... I think... It's just... I have loved him so much. And I was hoping that he'd love me back."
"Is he your first?" casual na tanong ni Wonhi sa kanya. Tumango ang dalaga.
"I was in denial at first because we grew up together. So, I thought my feeling was just as a brother... but..."
"You fell in love..." tuloy ng binata. Tumango si Jei. Umayos ng upo si Wonhi para humarap ito sa dalaga.
"What did he tell you?" tanong ng binata. Umiling si Jei. "Hmmm... then why are you beating yourself up so hard?"
"Because Archie doesn't love me. Isn't it obvious?" sigaw ng dalaga.
"What if... you're wrong?"
"Nope. I am not stupid, kuya!" iritableng sabi ni Jei.
"I didn't say you're stupid!" natatawang saad ng binata.
"If he does love me, why didn't he say a word or contact me?" inis na saad ni Jei.
"Who knows? Only Archie can answer your questions. Just give him time. As for you... you should stop punishing yourself," seryosong sabi ni Wonhi.
"What do you want me to do? Jump for joy?!" nang- uuyam na sabi ni Jei. Tumawa ng malakas ang binata sa sinabi ng dalaga.
"No. Silly, girl!" saad nito habang ginugulo ang buhok ni Jei. "I'll meet you downstairs in 30 minutes. We are going somewhere!"
Nagtataka man ay tumango ang dalaga. Tumayo si Wonhi at nagpaalam saka lumabas ng kwarto nito. Pero bigla itong pumasok.
"Uhm... Jei, another advice, before getting out of your room, take a shower and brush your teeth. Damn! Your hair is as oily as hell!" nandidiring biro ng binata saka pinupunasan ang kamay na humawak sa ulo ng dalaga.
"Aaahhhhhhh!" inis na sigaw ni Jei bago niya batuhin ng unan si Wonhi na biglang isinara ang pintuan.
Malalakas na halakhak ang narinig ni Jei habang siya ay kinakain ng inis.
"Shyeeeeeeeet ka talaga, Wonhi!" sigaw ni Jei. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla siyang nagkaroon ng lakas para bumangon mula sa tatlong araw niyang paghiga. Tumingin siya sa basket ng prutas sa kanyang mesa.
"Letche kang Archie ka! Kung ayaw mo sa akin, e di sabihin mo lang! Hindi yung ganyan na bigla ka na lang aalis na walang sinasabi!" litanya ni Jei habang sige sa pagkain ng isang tungkos ng lychee. Tumigil lang siya sa pagkain ng biglang humilab ang kanyang tiyan. Naalala niyang di pala siya kumain kagabi. Inayos niya ang kanyang kalat bago maligo.
Makaraan ang halos thirty minutes ay bumaba siya. Nagulat ang kanyang ama ng makita siyang nagtitimpla ng gatas sa kusina. Natawa si Jei dahil sa reaksiyon ng matanda na muntik nang madapa.
"Jei anak... kumusta ka na?" masuyong tanong ni mang Liam.
"Mabuti po 'tay," nakangiting sagot ni Jei sa ama.
"Pero ba't nakabihis ka? May lakad ka ba?" nagtatakang sabi nito sa anak.
"May date po kami ni kuya Wonhi."
"Ay letche! Matapos kang magkulong ng dahil sa isang lalaki, ngayon... makikipagdate ka? Aba'y bilib naman ako sa yo, Jei! Ano ka... robot?!"
"I love you, tay!" sabi ni Jei saka niya niyakap ang ama habang tumatawa. Maya- maya ay umalis na sina Rain, Wonhi at Jei.