webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Urbano
Classificações insuficientes
56 Chs

A Thin Line Between Truths and Lies

"Slow down!" sigaw ni det. Smith kay Rain ng halos paliparin niya ang kanyang sasakyan habang si Wonhi ay kuyom ang mga palad habang tahimik na nakaupo sa backseat. Nang makarating sila sa isang abandonadong warehouse kung saan natagpuan si Haneul ay lakad- takbo ang ginawa ni Wonhi patungo sa kinaroroonan ng ina.

"No!" sabi ng isip ng binata. Malakas ang kabog ng kanyang puso habang papalapit sa nakahandusay na ina. Duguan ito pati ang telang nakatakip sa kanya.

"Who did this to you?" piping iyak ni Wonhi. Ilang metro na lang ang pagitan niya at ang ina ng sumigaw si det. Smith.

"Stop him!" mariing utos nito sa dalawa niyang tauhan.

"Let me go!" galit na sigaw ni Wonhi na nagpupumilit makawala sa mahigpit na hawak ng mga tauhan ng detektib.

"I'm sorry. I have to process the scene first. If you wanna know the truth about your mom. Calm down and let me finish my job before the police will come. Do you understand?" mariing sabi ng detektib.

"He's right, bro. Police are on their way so we have to act fast," sang- ayon naman ni Rain.

Walang nagawa si Wonhi kundi sundin ang utos nito. Agad siyang tumalikod ng tanggalin ng isang agent ang telang nakatakip sa katawan nito at bumulaga sa kanya ang halos di na makilalang ina. Agad nagtakip ng ilong ang detektib at dalawang agents dahil sa masangsang na amoy ng bangkay.

Matapos ang mabilisan ngunit masusing pagsisiyasat sa crime scene ay narinig nila ang sirena ng dalawang pulis car. Tanging ang dalawang agents ang naiwan para humarap sa mga pulis.

Naging maugong ang balita tungkol sa kanyang kamatayan. At bumuhos ang simpatya sa binata, offline at online. Dahil sa karumaldumal na paraan ng pagpaslang sa matanda ay naging mas naging masusi ang pagsisiyasat ng mga otiridad. Isa pa, ina siya ng isang sikat na celebrity.

Samantala, kasalukuyang nagmemeryenda si Jei sa cafe ng puntahan siya ni Korain. Wala itong kaalam- alam sa mga pangyayari kaya't magana siyang kumakain.

"I'm glad you like it!" sabi ng binata sa kanya. Agad naman niya itong nginitian.

"Who wouldn't?" nakangiting sagot niya. Nabitin sa ere ang anumang sasabihin ni Korain sa dalaga ng magring ang cp nito. "Excuse me," hinging paumanhin niya bago sagutin ang tawag.

"Bakit po kuya?" tanong ng dalaga.

"Come home early. I will explain everything later," taning sagot ni Rain bago pindutin ang end call button. Kinabahan si Jei sa tono ng pananalita kanyang kuya. Nais man niyang makipagkwentuhan sa binatang nasa harap niya ay mas nanaig ang kanyang kaba.

"Sorry, I have to go home!" nakangiting sabi ni Jei.

"Oh, already?" sagot ng binata na halatang dismayado sa agarang pag- alis ng dalaga.

"Sorry, Korain. I really have to go. See you tomorrow. Thanks for the delicious treat," sabi ng dalaga bago nito linisan ng cafe at dumeretso sa kanilang apartment.

"Ano pong nangyayari dito kuya?" tanong ni Jei ng maabutan niya ang kanyang kuya, si Wonhi, at ang detektib na seryosong nag- uusap sa sala.

Tumingin siya sa dako ni Wonhi saka niya nahalatang mugto ang mga mata nito. Agad siyang tumabi sa nobyo. "What's wrong?" puno ng pag- aalalang tanong niya habang yakap- yakap ito. Piping umiyak si Wonhi sa dibdib ng dalaga.

Matapos ang ilang sandali ay nagsalita ang kanyang kuya. "I think you need to go back to Myan Ji," saad nito.

"What? What's going on?" gulat na tanong ni Jei. Lalong humigpit ang yakap ni Wonhi sa kanya na parang iyon ang huling yakap na maibibigay nito sa dalaga. Masuyong hinaplos ni Jei ang likod ng nobyo hanggang sa kumalma ito.

Bumuntong-hininga si Rain bago sumagot. "Whoever is responsible for Wonhi's attempted murder is... are... I don't know whether plural or singular. One thing's sure, they are ready to kill. And they are not scared."

"Alam ko. But that doesn't mean that I have to go back," saad ni Jei.

"This is serious, Jei. Wonhi's mom...,"

"Is she found?"

"Yes," sagot ng detektib.

"Well, that's good news. At least, we can find answers," masiglang sabi ni Jei.

"She...she's dead," mahinang saad ni Rain.

"What?!" nanlalaki ang mga matang napatingin sa kanyang nobyo. Hindi rin namalayang tumutulo rin ang kanyang mga luha kasabay ng paghigpit ng haawak niya sa kamay ng binata.

"She's found brutally murdered," sabi ni Rain. Hindi makapagreact si Jei. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil samu't saring emosyon ang kanyang nararamdaman.

"Oh, I'm so sorry," iyak ng dalaga kay Wonhi.

"This... is so hard for me but...," lumingon ito sa dako ni Rain. Tumango naman ang binata. "I think it's better... it's safer if you go back to Myan Ji."

"I understand your concerns and I thank you for that. However, just to remind you, if I wasn't here when you were attacked the second time, who knows what might have happened. I've stood by your side no matter how risky it was. Now, I don't understand why you're counting me out!" mariing saad ni Jei.

"I am just afraid that you might get hurt. I couldn't take it," masuyong saad ni Wonhi.

"Please... Jei. Huwag na sanang matigas ang ulo. Sundin mo na lang ang pakiusap namin. Ayaw ka naming madamay," saad ng kanyang kuya.

"No! I am staying!" mariing sagot ng dalaga.

Walang nagawa ang tatlo sa determinasyon ni Jei kaya't nagpayo lamang sila ng mga bagay na dapat at di- dapat niyang gawin upang maproteksiyonan ang kanyang sarili.

"Sorry," hinging paumanhin ni det. Smith ng biglang magring ang kanyang cellphone.

"It's okay," saad ni Rain nang makitang ang S.O.S phone nito ang nagring. Ibig sabihin, kung sinuman ang tumatawag ay importante ito.

Ang lungkot na kanilang nararamdaman ay agad napalitan ng pagkalito nang isalaysay ng detektib ang sinabi ng kanyang tauhan.

"According to the dental record, the dead woman is not your mom! And that's certain!" Naiwang gulong-gulo ang tatlo sa balita nito.

.........x.x.x..........

Naging laman ng media si Wonhi sa mga sumunod na araw at hati ang panig ng mga netizens at citizens.

"Is it true that Wonhi Park is playing the greatest prank of the year? This morning, social media is exploding with comments from confused fans after the official statement from Seoul Police Department was released last night in a press conference. The statement confirmed the model's claims that the dead woman isn't his mom. This spurred mixed emotions and reactions from the public. Some avid fans extended their happiness and sympathy to their idol but some are doubtful, even suggesting that Mr. Park might be suffering from a serious mental health disorder after his accident almost a year ago.

Let's take a look at some Twitter posts.

@fpl_baby

♥My heart goes to my idol, Park Wonhi. Praying for you in this confusing dark time. xoxo♥

@max89

Be strong, bro!

@marino_51

This is total BS! First, he posted about his death and refuted it. Now, his mom? Uhm... he has a pattern of serious lunacy and I am not sympathetic whatsoever!

@dominique_1122

I feel terribly sad for Park Wonhi. He seems caught in a time bubble where he was still famous and well. He needs to seek professional help.

@david_photography

If you need our attention and sympathy, you don't have to "kill" your mother.

"These show how divided the public towards Wonhi's darkest time. For us, we are not siding anyone and are still hopeful that Mr. Park considers a presscon to answer all allegations.

Well, that's the latest news. Good day!"

Samantala, as apartment nina Jei ay hindi maiwasang mapasigaw ni Wonhi ng mapanood and naturang balita. Agad tinanggal ni Rain ang saksakan ng kanyang computer at tinapik ang braso ng kaibigan.

"Bullshit! Fucking bullshit! What do they know? Fucking bastards!" tanging sigaw ni Wonhi. Agad naman siyang kinalma ng mag- kapatid.

"Everythings gonna be fine! Don't stress yourself out," masuyong saad ni Jei.

"Easy for you to say," mahina ngunit mapait na sagot ng binata. Natahimik ang dalaga. Nagkatinginan ang magkapatid. Sinenyasan ni Jei ang kanyang kuya na iwan muna silang magkasintahan. Tumango ang binata bago pumasok sa kanyang kwarto.

"Hey," masuyong sabi ni Jei sabay hawak sa mukha ni Wonhi at piliting tignan siya sa mata. Walang nagawa ang binata kundi tumingin.

"I'm sorry," saad ni Wonhi.

"For what?" tanong ng dalaga na halatang nalilito.

"For dragging you and Rain into this mess," malungkot na sagot ng binata.

"What are you talking about? Even if you don't ask, we will help you still. You know that. So, please stop feeling sorry or I'm gonna kick your ass," litanya ni Jei na nakataas pa ang kilay at nakapamaywang.

Biglang natawa si Wonhi sa sinabi ng dalaga. Ngumiti naman si Jei sa reaksiyon ng nobyo.

"We are all in this together, alright?" nakangiting sabi ni Jei.

"Thank you," tango ng binata. Akmang hahalikan nito si Jei ay biglang sumigaw si Rain.

"Wonhi!" sigaw ni Rain mula sa kanyang kwarto na pumutol sa romantic moment ng dalawa.