webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasia
Classificações insuficientes
22 Chs

3 Raza

Samantala sa Huyenbi, tirik ang araw at napakatuyo ng hangin na umiihip. Parang hindi taglagas.

"Raza! Ano nanaman ginagawa mo jan?! Halika dito dali!" galit na sigaw ng kanyang ina. Nakatayo si Raza sa gilid ng kanilang bakuran habang malayo ang tingin. Madalas ay naiingit siya sa mga paru-parong malayang lumilipad sa kanilang hardin. Nakakalipad sila kung saan nila nais at walang bakuran na humaharang sakanila.

Hindi katulad ni Raza na tila preso sa sariling bahay.

Napabuntong hininga nalang ang dalaga at pumasok sa bahay.

"Isang araw makakaalis din ako sa lugar na to." bulong niya sa sarili.

Nagiisang anak lamang si Raza kaya naman sobrang tinututukan siya ng mga magulang. Nakapagtapos ng Mass Communication ang dalaga pero gustong magaral ng Fashion Designing. Ngunit tutol ang mga magulang niya nais nilang manatili siya sa kanilang bayan. Isang bagay na ayaw niyang mangyari. Gusto niyang pumunta sa ibang lugar, sa lugar na malayo sa Huyenbi.

Alas singko na ng hapon ng bigla siyang utusan ng ina na pumunta sa palengke para bumili ng gulay. Bukod sa pagpasok sa local radio station at pagpunta sa public library, eto lamang ang mga pagkakataong nakakalabas siya. Minsan ay kinukutya siya ng mga katrabaho niya dahil parang elementarya parin ang trato ng mga magulang niya sakanya.

Napipikon siya sa mga ito pero di niya nalang pinapansin. Sa isip niya naniniwala siyang makakaalis siya sa lugar nila at makakapunta sa ibang bayan o kaya naman sa ibang bansa. At kapag nangyari iyon ay babalik siya sa Huyenbi para ipakita na may narating siya. Eto ang pinaka-inaasam ni Raza.

Sa sobrang lalim ng iniisip ni Raza, di niya namalayang umabot na siya sa lumang mansyon. Hindi siya takot dito, bagkus lalo siyang nagtataka sa kung ano ang kwento tungkol sa mansyon. Tinitigan niya ang puno sa gitna ng mansyon at napansin na kakaiba ito sa mga puno sa kanilang lugar. Hindi niya ito napansin noon pero dahil sa taglagas na panahon, doon niya lang napansin na halos hindi nakakalbo ang puno kumpara sa ibang mga puno.

"Hoy Raza! Ano nanaman ginagawa mo jan! Mamaya multuhin ka ni Kalypso!" pangaasar ng isang kababayan niyang napadaan din.

Bumlik naman sa realidad ang utak ng dalaga at tinignan ang grupo na tumatawa.

Kalypso.

Siya ang sinabi nilang dating nakatira sa bahay na iyon, sabi sa mga kwento ng matatanda, namatay daw siya dahil sa lungkot ng iniwan siya ng kanyang asawa at mga anak. Bago siya mamatay ay sinumpa niya ang buong mansyon na walang sinuman ang magiging masaya sa titira doon. Maraming tao ang naniniwala, kaya naman iniiwasan nila ang bahay, lalo na ang puno. Sabi ng ilan ay nakahukay sa ilalim ng puno ang katawan niya at makikita siyang naglalakad sa ilalim ng puno tuwing gabi.

.

.

.

Binilisan ng dalaga ang pamamalengke dahil naubos ang oras niyang kakatitig sa mansyon. Pag dating niya sa bahay ay iniwan niya ang pinamili sa kusina. Dumeretso siya sa kanyang kwarto, binuksan ang kanyang laptop at nag search muli tungkol sa mansyon.

"Huyenbi Haunted Mansion"

"Huyenbi Kalypso"

"Kalypso and the Mansion in Huyenbi"

Pareparehong mga haka haka ang lumabas na resulta. Walang lertatong makakapagpatunay na totoo ang kwento at ang ilang mga letrato ay photoshopped pa.

"Bakit ko nga ba pinagkakaabalahan ito? Dapat naghahanap na ako ng trabahong pwede kong applyan sa ibang lugar." sabi niya sa sarili at nagpaka-busy nalamang sa paghahanap ng job openings.