webnovel

Fool, Frail Heart [ Tagalog ]

She used to be the dugyot at parang kulang sa paligo before. That was five years ago. Kaya nga wala siyang napala sa crush na crush niyang campus heartthrob dati na si Stephen Stonward. On that certain day she confessed her feelings towards him but all that she got was embarrassment and rejection sa gitna ng maraming matang nagmamasid sa kanila. She got judged big time. Labis siyang nasaktan sa pangyayaring yun to the point that she even decided to follow her parents who is currently residing in States by that time. Stephen was her first love, though he's just loving him from afar. But he's also the first man who broke her fragile heart. After five years, she came back to the Philippines. She's no longer the ugly duckling Shania before. Meet the gorgeous 21 year old Shania Lorraine Gomez. Who still have a resentment towards her ex-crush. She came back to take her revenge. Napakababaw man kung iisipin, pero yun ang nais niya. Gusto niyang ipaghigante ang sakit at pagdurusang naranasan niya sa loob ng higit limang taon. Gagawa siya ng bitag na siguradong mahuhuli niya si Stephen. Isang bitag na kapag nahuli niya ang lalaki ay hahayaan niya lang itong makatakas na may baong sakit at pagdurusa. Ngunit pano kung mismo siya na gumawa ng bitag ay mahulog rin sa matinik at malalim na butas nito? What if her plan backfires in the middle of the process? Kakayanin niya bang umahon sa pagkakahulog ng hindi mangangapa at magdurusa? Kakayanin niya bang isantabi ang pagmamahal na unti-unting nabubuhay sa puso niya para lang maisakatuparan ang paghihiganteng ninanais niya? Kakayanin niya ba? O susuko na lang siya?

FebruaPiscium · Urbano
Classificações insuficientes
15 Chs

CHAPTER FOUR [ Part 1 ]

Three days after nung aksidente kong nakita si Stephen at yung paggamot niya sa paa ko. Three days na rin akong hindi lumalabas sa unit ko, hindi naman sa may iniiwasan ako, pero parang ganun na nga. Aish! Ang gulo ko rin ano.

Kung tutuusin nga e, pwede na akong maglalakwatsa kung saan-saan kasi maayos na yung paa ko. But I choose not to. Busy si Patricia kaya wala akong makakasama. Balak ko pa naman sanang magrocery kasi paubos na stocks ko. At isa pa, pinag-iisipan ko pa yung sinabi ni Pat.

~✨F l a s h b a c k✨~

Pagsapit ng gabi ay tinawagan ko ang bestfriend ko. I need to tell her, what happened today. Kailangan ko rin ng opinyon niya, if I should transfer into another building or not.

I told her everything, simula nung nameet ko si Stephen sa park hanggang sa pagpunta ni Stephen dito sa unit ko.

Parang tanga naman tong bestfriend ko at nagtititili pa.

"Pero Pat, should I consider transferring into another building. I mean bibili ako ulit ng condominium, pero sa ibang building na."

[ "At bakit naman? Kasi magkaparehas lang kayo ng floor na tinitirhan. Iiwasan mo siya. You'd been avoiding him for five years, Shan. Sumunod ka pa nga sa parents mo dun sa States, diba. Para lang hindi mo siya makita dahil nga labis kang nasaktan sa pagpapahiya niya sayo dati. Tapos after five years napagdesisyonan mong umuwi para dyan sa plano plano mo. Am I right? Or left?" ] She's right.

[ Come to think of it..... ]

"H-huh? Think what?"

[ "Aish! What I mean is, isn't it a good thing na malapit lang siya sayo?" ]

"Oh.... Tapos?" What's good in it?

[ "Ay, naku Shania girl! Alam mo namang suportado kita diba, basta masaya ka lang sa mga pinaggagawa mo. Ngayon dahil malapit lang siya sayo, diba dapat hindi ka na namomroblema. In that way, mas mapapadali mo yang mga planochuchu mo. Basta, whatever your plan is, I'll support you. Just make sure na hindi ka mapapahamak dyan sa sarili mong kabaliwan, Shania. Malilintikan ka talaga sa'kin, sinasabi ko sayo."]

~✨End  o f  Flashback✨~

Is it really a good thing? Nasa pabor ko ba ang sitwasyon? Aish! Bahala na nga!

Para na akong baliw na ginugulo-gulo ang buhok ko. Napabalikwas lang ako ng bangon sa sofa, nang may nagdoor bell. Baka yung pizza na yan, umorder kasi ako kanina, kasi ayokong lumabas.

Binuksan ko yung pintuan without even fixing my untidy hair. Wala akong pake kung makikita akong ganito ng deliverer sa labas. Hindi naman kami close nun.

Pabalibag kong naisara ulit ang pintuan nang makitang hindi naman yung nagdideliver ng pizza ang nasa labas. Kundi isang gwapong nilalang na naman.

"The shit!" Bakit nandito na naman siya?

Did he see me? Like this?

Nagmamadali akong naghanap ng pantali, then fix my hair into a messy bun. Oo, messy pa rin. Dali-dali ko ring hinanap ang itim kong bra at sinuot. Hindi kasi ako nagsusuot ng brasserie kapag nasa bahay lang. Teka? Did he happen to see me? Sinuri ko muna kung anong suot ko ngayon. Oh crap! Nakasando lang ako't walang suot na bra when I open the door, kaya siguro napaawang yung mga labi niya kanina.

At ano namang pakialam ko kung makita niya? May maipagmamalaki naman ako ah! Hindi naman to maliit, ah! Aish! Pero kahit na!

Nagdoor bell ulit siya kaya irita kong pinaikot ang mga mata ko.

"Arrggh Bakit ba kasi siya nandito?" I murmured scornfully. Bago padabog na binuksan ko ulit ang pintuan.

"Ano bang kailangan mo? Bakit nandito ka na naman?" Bulyaw ko sa kanya.

"Masama ba.." he paused a little then scan me from head to toe "Thank God, you're fixed."

Instinctively, I feel my whole face heating up at what he said. So he did see me in that state earlier. Lupa, kainin mo na ako.

Pilit akong ngumiti sa kanya na naging ngiwi na ata dahil sa kahihiyan.

"I just...ahm...noticed na hindi ka lumalabas sa unit mo for three days. I was...w-worried baka nabinat yung paa mo o baka naman nahihiya ka lang lumabas kasi bago ka pa lang dito. You must...maybe uncomfortable to go out. So, yeah, that's why I'm here." Nahihiya niyang turan, he even avoided my gaze and lightly rub his nape.

"Tss. Cute"

Nagtaka ako nang bumaling siya akin na may nagtatanong na ekspresyon.

Wait? Did it just spill out from my mouth? That's supposedly on my mind only. Stupid Shania.