Tila nanigas si Hyacint ng maramdaman ang kamay ng dalaga na humahawi sa kanyang buhok na nakakalat sa kanyang mukha.
Sh*t.. Mura ng binata habang nananatiling nakapikit ang mata. Ramdam na ramdam nya ang kamay ng dalaga sa kanyang mukha, may kakaibang init at kuryenteng hatid ang pag dikit ng balat nito sa balat nya.
F*ck Hyacint Jake, ganyan ka na ba katigan at pati simpleng pagdikit ng balat ng babae naninigas ka na? ,.
No, alam nyang hindi ang kawalan ng sexual life ang dahilan ng nararamdaman nya, its more than just lust. Mas komplikado, kung maikakama lang ang kaylangan nya, alam nyang maraming babae ang makapag bibigay sa kanya ng bagay na yun. Iba ang pakiramdam nya, at pati sya nagtataka sa sarili nya, habang naalala kung paano sya mag react nang makita ang dalaga kaninang umaga, tila gusto nalang nya itong papasukin sa unit nya at hayaan na matulog, pero selfish ata sya, gusto nya rin itong makasama, nang makita nya ito kanina, nakaisip kaagad sya ng paraan para makasama ito ng matagal, hindi na nya ito pinagdala ng sasakyan at hinayaan lang ito na magpahinga habang sya ang nag da drive.
Ilang minuto rin nakatingin lang si Amiel sa binatang natutulog nang mapagpasyahanng lumabas, ngunit ng subukan nyang buksan ang pintuan nakalock ito, paglingon nya sa binata nakita nyang nakatingin lang ito sa kanya.
Saan ka pupunta, akala ko ba puyat ka bakit hindi ka matulog? Tanong nito sa walang emosyong tono. Hindi mo rin yan mabubuksan ng wala ako,
A ano kasi.. Hindi kasi ako makatulog sa ibang kama, saka hindi ako sanay matulog ng alanganing oras. Pagdadahilan nya, pero ang totoo pinagaaralan nya ang security feature na nilagay ng binata sa kwarto, dahil aminado syang medyo mahirap pasukin ang ganitong klaseng kwarto, sound proof at naka auto lock.
Sleep.maiksing wika lang nito At bumalik na ito sa pag higa at marahang ipinikit ang mata.
Tila naman namamalikmata si Amiel habang pinagmamasdan ang binata,
Bakit ba ko sumusunod sa kolokoy na to? Bakit tila natatameme ako pag kausap ko sya. Myghad Amiel anong nangyayari sayo? Mukhang kaylangan ko tapusin ng mabilis tong project na to or ako ang matatapos ng mabilis nitong lalakeng to, pakiramdam ko lahat ng sabihin nito susundin ko ng walang angal ih... Tahimik na kausap ng dalaga sa sarili.
After almost four hours na pag idlip nagising din ang dalaga nagawa nya ring umidlip sa kabila ng hindi maintindihang pakiramdam.
Nataranta sya ng makitang wala na ang lalake sa sofa na kaninang tinutulugan nito. Nagmamadali sya habang isinusuot ang sapatos nang marinig nya ang boses ng binata.
Hindi mo kaylangang mag dali. Hindi kita iiwan....
Tila musika na paulit ulit sa isip ni Amiel ang huling salitang binitawan ng binata.... Hindi kita iiwan.... Hindi kita iiwan.... Hindi kita iiwan..... Ahhhhhhhh..... Impit na sigaw ni Amuel habang nasa banyo ng kwarto ni Hyacint,
Nababaliw na ata ako... No... No... No... No... No... Erase.... Erase... Erase... Paulit ulit na sabi nya sa sarili. Pinakalma muna nya ang sarili bago tuluyang lumabas ng banyo, inabutan nya ang binata na nagsusuot na ng coat.
Okey ka na ba? Or gusto mo pang mag stay dito? Mukhang na enjoy mo naman ang pag tulog sa kama ko, pero mas masarap matulog pag may katabi.
Okey na ko, labas na tayo, marami pa tayong gagawin di ba?.. Saka gutom na rin ako, di pa tayo nag lulunch di ba?.
Mukha namang natauhan ang binata sa sinabi nya, kayat agad na sya nitong niyaya palabas, itinapat nito muli ang mukha sa scanner at may mahinang tunog na nagawa ang pinto, tanda ng pagbukas nito.
Nang makarating sa opisina, nagbilin muna ito kay Jorge na ihanda ang pagkain,
Matapos maka pananghalian, bumalik sila sa kanya kanyang mesa at ipinag patuloy ang ginagawa.
Maya't maya ang lingon ni Hyacint sa dalaga, tila nalilibang sya sa panonood dito, nagiiba iba ang reaksyon ng mukha nito, depende ata sa kung anong nababasa, may pag kunot ang noo, minsan ngumunguso at napapakamot ng ulo, he finds it cute, and Amiel is not aware of it. Parang di ata alam ng babaeng to na ang ganda nya. Bulong ng binata sa sarili. And hes decided on one thing.. She want to know her more.
Si Amiel naman sa kabilang banda ay abalang abala sa mga documents sa ibinigay ni Hyacint, old documents daw ang mga ito from previous projects na need i review because of discrepancies. Kaya pag may nakikita syang kakaiba, nagbabago ang itsura nya, di sya aware na pinapanood na sya ng binata.
Pasado alas singko na nang tumayo ang binata at yayain na syang umuwi.
Lets go, yaya nito habang nag liligpit na ng mga gamit sa mesa nito, habang sya naman ay abala pa sa isang dokumentong kanina pa nya pinag aaralan.
Sure, ayusin ko lang to, by the way Hyacint, can I bring this home? Tukoy nya sa isang document na nasa kamay nya, paalam nya sa binata,
Kumunot naman ang noo nito sa paalam nya.
Why? Tanong nito.
Nothing, I just want to review the details of this project its kinda interesting kasi.
Okay, Pero baka sabihin mo ke ninong pinag uuwi kita ng trabaho ha? Biro ng binata sa kanya.
No, baka nga matuwa pa yun pag nalaman na mabait na ko. Ganting biro nya sa binata.
Hinintay muna ng binata na maiayos nya ang gamit bago ito umalis ng mesa, pagkadaan nito sa mesa nya ay inabot nito ang mga gamit nya na ikinagulat nya dahil sa pagdidikit ng mga kamay nila. Parehas silang saglit na natigilan,,pero mabilis din naman na nakabawi.