webnovel

CHAPTER VIII:GOOD NIGHT

Mag aalas siete na ng gabi nang makalabas sila ng gusali, wala ng tao sa buong palapag kung nasaan ang opisina ng binata,

Nangyaya na itong umuwi dahil ayaw nya itong iwan,,

I think we should go home now. Yaya ng binata kay Amiel at nauna na itong tumayo at inayos ang mga gamit nito.

Sure, inayos narin nya ang mga gamit sa ibabaw ng mesa,

Kita sa mukha ng binata ang pagod sa maghapong pagtratrabaho.

Saan ka umuuwi? Tanong nito sa kanya,

Dyan lang ako sa condo 3 blocks from here.

Kumunot ang noo ng binata sa sagot nya at muling nagtanong,

You mean you live in ADT tower?

Yes, may unit dun si daddy sa top floor and since di naman nya ginagamit at ayaw ko naman mag stay sa mansyon nya, hiningi ko nalang. Kaswal na sagot nya, kahit kasama sa plano ang pagtira nya sa unit malapit sa unit ni Hyacint, Yes shes living in a condo pero hindi sa ADT tower she lives near Makati, medyo malayo sa opisina ng binata na nasa Ortigas. Kaya naman pinilit nya ang ama na ipahiram ang unit nito na hindi naman ginagamit, napapayag nya ang ama sa tulong na rin ng Ninong Arman nya. .

Anong floor ka ulit sa ADT? tanong ulit ng binata na tila di makapaniwala na doon sya nakatira.

20th, why?maang maangan na tanong nya rito.

Cause I also live there in 20th floor. Formal ang mukha na sagot nito,

Ahh yeah I remember dad mentioned na inyo nga daw yung condominium, thats the reason he was able to have one of the unit on the top floor. Tila balewalang sagot nya.

Hindi naman mawari ni Hyacint kung matutuwa o magaalala sa nalaman na malapit sa kanya ang dalaga,

Pagkababa sa parking, dumiretso na sila sa kanya kanyang sasakyan, sadya nyang pinauna ang binata para makita nya kung may susunod dito. Maayos naman silang nakarating ng condo, sa parking na sila ulit nagkita at sabay na umakyat sa kanya kanyang unit, wala silang imikan habang nasa loob ng elevator, pag dating sa 20th floor nagpaalam na sila sa isa't isa, anim lang ang unit sa floor nila, at sa pagkakaalam alam nya sa mga kaibigan ng ama nya ang mga unit dito, pero wala lahat nakatira, kaya nagtaka ang binata ng malamang sa floor na rin na ito nakatira ang dalaga,at katabi pa ng unit nya.

Bago sya nakapasok sa sarili nyang unit narinig nya ang halos pabulong na salita ng binata.

Good night Amiel.

Medyo natulala man sa simple pag gogood night ng binata, nakasagot naman sya.

Good night din, sweet dreams.

At may pa sweet dreams pa nga sya.

Pagkapasok sa unit nya agad na tinanggal ni Amiel ang baril na nakasabit sa binti nya, isang cal. 45 na inilagay nya sa holster na nakasabit sa binti, kasama ng jungle knife na palagi nyang bitbit, tinanggal nya rin ang mic at earpice na nakadikit sa likod ng tenga nya, Ito ang nagsisilbing kumunikasyon nya sa ninong nya para maipaalam kung nasa paligro sila o may nakikita syang kahina hinala sa paligid.

Hello ninong, tumawag sya sa ninong Millard nya para humingi ng tulong, iba ang task nya ngayon, hindi katulad ng mga nakakaraan na hindi nya kaylangan itago ang sarili nya at malaya syang makakagalaw, ngayon mismong ang taong iniingatan nya ang pinagtataguan nya.

Yes hija, any update? Tanong agad ng nasa kabilang linya,

Ninong I want to ask a favor sana, Need ko makapasok sa unit ni Hyacint, I need to install a camera and mic sa loob ng unit nya so I can monitor him kahit nasa bahay lang sya.

No problem hija, but do you have any idea on how you can do that? Tanong ni Millard

Yes ninong, but I will destroy some parts of my unit para may dahilan ako na makitulog sa unit nya.

Sure hija, just tell me para matulungan kita.

Sisirain ko lang po ang kisame sa kwarto ang i will put some rats and cockroaches bukas ko po sana ipagagawa,

Thats fine, do what you have to do. Ikaw na ang bahala sa anak ko.bilin nito bago ibaba ang telepono.

Masusing pinag aralan ni Amiel kung paanong magiging kapani paniwala ang gagawin nyang pag sira sa kisame at paglalagay ng daga at ipis.

Nang matapos ang plano, agad syang tumawag sa isang delivery service at omorder ng mga kakailanganin nya, Hindi naman magiging kahina hinala ang mga ipabibili nya dahil puro lang ito gamit sa kusina.

Loaf bread, black instant coffee, ilang pirasong carrots at panlinis sa cr.

Pag dating ng delivery service, agad ginawa ni Amiel ang plano, binaklas ang kisame, at binuhusan ng timpladong kape na inihalo sa panlinis ng banyo para tumapang ang amoy, pinira piraso rin nya ang tinapay at tinuyo ang carrots sa oven para mag mukhang luma na, sigurado sya bukas ng hapon matapang na ang amoy ng kwarto, saka nya gagamitan ng acting skill nya si Hyacint. Sa sala sya ng unit nya natulog, bukas ng umaga idedeliver ng contact nya ang mga daga at ipis.

Kinabukasan, sadyang pinakingan ni Amiel kung magbubukas ng pinto si Hyacint, kaylangan nya itong sabayan para kapani paniwala ang gagawin nya mamayang gabi pag uwi nya, naglagay sya ng konting dark eye shadow sa ilalim ng mata para mag mukhang eyebag, kaylangan nyang umarteng puyat at lulugo lugo para mas convincing ang gagawin nyang arte mamaya, nakahawak na sya sa seradura ng pinto, habang nakasilip kung lalabas ang binata.

Pagkakitang padaan na ang binata, binuksan nya ang pinto at naka yukong lumabas.

Good morning bati sa kanya ng binata,

Good morning, pero di parin sya nagtatas ng ulo, at medyo mahina ang pagkakasabi.

Are you okey? May pagaalalang tanong ng binata.

Yeah, Im okey.

Di naman inaasahan ni Amiel ang sumunod na ginawa ni Hyacint, hinawakan nito ang baba nya at iniangat ang ulo nya para mapatingin sya dito, napakaliit na ng distansya nila, naamoy na nya ang hininga ng binata pati ang after shave cologne nito. Hindi nya maintindihan kung bakit tila napaka bilis ng tibok ng puso nya, kinakabahan sya.. Pero kakaibang kaba. No! Kinikilig sya.

Sh*t wala to plano, mura ni Amiel sa sarili, napanatili naman nya ang pagiging kalmado sa ilang saglit na pakikipaglaban sa nararamdaman at nagawang tanungin ang binata.

Why? Maang na tanong nya.