Tahimik lang na nakikinig si Amiel sa usapan, nang biglang magtanong ang ama nya kung may girlfriend na ba si Hyacint.
Pigil hininga ang dalaga habang naghihintay ng sagot mula sa binata. Ito na yata ang pinakamatagal na 3 seconds ng buhay nya, binaba nya saglit ang kubyertos at kunwaring nag punas ng kamay sa table cloth na nasa hita,sabay simpleng cross finger sa ilalim ng mesa.
Wala po,... Sagot ni Hyacint.. At biglang nagliwanag ang paligid ni Amiel, tila sya nakarinig ng napakagandang awit. Oh my gash... May pag asa,, hahahahaha, parang baliw na tawa ni Amiel sa sarili, na hindi nya napansin na, nakatingin na pala sa kanya si Hyacint.
Sinalubong nya ang mapanuring tingin ng binata, dahil sa abala sa sariling iniisip di nya napansin na nakatingin na lahat sa kanya ang mga kasama sya sa mesa. Nagtataka kung bakit napakatamis ng ngiti nya,.
Care to share ng nginingitian mo, o pinagtatawanan mo na wala akong girlfriend? Tanong puna ni Hyacint sa dalagang di parin mawala ang ngiti sa labi.
F*ck dapat naiinis na ko sa kanya by now, but why can't I? , parang natutuwa pa ko na nakangiti sya. Bakit ba kasi ang cute mo pag nakangiti ka,. Halikan kita dyan ih.. F*ch Hyacint kanina ka pa, ang layo na ng nararating mo.
Wala, wala naman, may naalala lang akong nakakatuwa sa pinanood ko kagabi. Ano ulit yung tanong mo? patay malisyang balik tanong nya sa binata, kahit sa totoo lang gustong guato na nyang tumalon sa tuwa ng maisip na may pag asa sya, Pag asa saan? Hay naku Amiel. Umayos ka.
Nothing. Matipid na sagot ng binata sabay pormal ng itsura.
Hala, nagalit ata, pero ang cute nya parin kahit hindi nakangiti ha.
Naku matagal ko nang kinukulit yang batang yan na mag girlfriend na, pero wala, marami syang fling, sabi ko nga anakan nalang nya, ayaw daw nya at gusto nya sa asawa nya lang sya magkaanak, kaya mukhang mawawala ako sa mundo na hindi ako makakakita ng apo. Litanya ni Rose habang nakatingin sa binata.
Correction Ma, hindi ko sila fling. Hindi ko sila ineentertain, dahil hindi ko sila kayang bigyan ng oras ko,my time is so precious para pag aksayahan ang mga taong di ko naman gustong makasama, Di ko naman kasalanan na lapit sila ng lapit saken. Sagot ni Hyacint na medyo naiirita.
Sungit naman, bulong ni Amiel sa sarili
Napansin naman ni Millard na naiinis na naman ang anak,kaya para mawala ang namumuong tensyon sa pagitan ng mag ina sya naman ang nagtanong ke Amiel.
Ikaw hija, wala ka pa bang boyfriend? Medyo nagulat kaya naman hindi sya kaagad nakasagot sa tanong ng ninong Millard nya.
Samantalang si Hyacint, hindi man nakatingin nagaabang naman sa isasagot ng dalaga.
Marami ninong, seryosong sagot nya.. Habang tinitignan ang reaksyon ng mga kaharap.
Sh*t, sabi na walang magandang dulot saken tong babaeng to ih... Bulong ng binata sa sarili. Nagulat sya ng bigla itong tumawa ng malakas.
Hahahahahaha.. Kayo naman po di na kayo mabiro, eh di pinatapon ako ni daddy sa Japan pag nag boyfriend ako.
Bakit hija ilang taon ka na ba? Tanong ng ninang nya.
24 ninang at fresh na fresh, sabay tawa ng mahina.
I know hija. Fresh na fresh ka, napakaganda mo,
Thanks ninang. Mana lang po sayo.
Yeah right, ang fresh nya talaga, ang sarap kainin. F*ck Hyacint palayo ka na ng palayo. Mura ng binata sa sarili.
Sandali lang, nagbobolahan na ang mag ninang ipahain na naten ang dessert. Biro ng ninong Millard nya.
Sabay sabay silang napatawa at napasimangot naman ang ninang nya.
Sa lahat ng nasa mesa sya lang ata ang nag eenjoy sa dessert na inihain, minatamis na saba na nilagyan ng sago at evaporated milk, amoy na amoy ang pandan at vanilla na inilagay dito.
Hindi halatang gusto mo yung dessert hija, komentong biro ng ninong Arman nya.
Ninong alam mo namang puro order foods ko di ba, minsan lang ako makakain ng pagkain na niluto ng may pagmamahal, sabay nguso sa ninong nya.
Wag kang umangal dahil ikaw ang may gusto na sa condo tumira kesa sa bahay. Sagot naman ng ama nya.
Bakit nga ba humiwalay ka sa daddy mo hija, solong anak ka, kayo nalang ng daddy mo ang magkasama, tanong ng ninang nya.
Gusto ko po kasing magka lovelife si daddy. Walang gatol na sagot nya. Na nakapagpatawa sa mga kaharap.
Oh pare okay naman daw pala na magka lovelife ka, eh bakit di ka pa maghanap ng kauli ni Mare, matagal tagal narin naman. Ikaw din wala ka makakasama pag nag asawa yang unica hija mo, tudyo ng ninong Arman nya.
Sinasabi nya lang yan para di ko sya kulitin, tulad mo Mare kulang nalang eh ibenta ko yan para lang mag boyfriend.
Sa akin nalang ninong, magkano ba? Bayaran ko na ng cash. Sagot ni Hyacint sa isip nya. Name your price ninong.