webnovel

7

Chapter 7

- Zara's POV -

"Arghhh!! Bakit ba ang tagal ng asawa mo?!" Sigaw ng lalaki.

"Tsk. Paano yun pupunta dito, ehh, hindi mo tinatawagan?" Mataray kong sabi.

"Oo nga, noh? Saglit lang." Kinuha nito ang phone nya at saka ko ginawa ang plano ko.

"Hoy, ang lamig naman dito. Pwede mo ba akong hawakan?" Sabi ko na may kasamang kalandian.

"Kadiri ka!" Sigaw nito.

"Ano ba yan, ehh! Muhka ka namang ewan, ehh! Dapat nga maaakit ka!" Sigaw ko.

"Anong paki ko sayo!?"

"'Yon ang sabi ni Author! Bwisit ka!"

"Wala akong pakialam!" Sigaw pa nito.

"Ok. Kalma. Baka sumabog ka, ang itim mo na nga lalo ka pang iitim." Sabi ko pa habang nakangisi.

"Tumahimik ka na nga! Baka patahimik kita gamit ang baril ko!"

"Subukan mo lang akong saktan! Hindi ka pa patay pero sisiguraduhin ililibing ka na agad!"

"Tingin mo matatakot mo ako?"

"Edi wag ka matakot. Pakialam ko sayo." Sabi ko at inirapan sya.

- Gavin's POV -

Magdadalawang oras na naming hinahanap ang asawa ko pero wala parin kaming bakas na mahanap. Ang mga pulis ay may check-point na para mas madali itong hanapin. Hanggang sa may tumawag na unknown number sa phone ko.

"Who the f*ck is this?!" Sigaw ko.

"Ayy, galit?! Hoy, bakla ka. What happened, huh? Bakit mo ko binubulyawan?!"

"Pwede Rebecca? Stop annoying me! Nawawala ang wife ko!"

"Tsk. Ok, bye."

Pinatay na nito ang tawag pero na pikon ako ng biglang tumunog nanaman ang phone ko.

"Ano nanaman ba?!" Sigaw ko.

"Easy.... I'm with your wife. She's enjoying. Mag-hi ka! Hi, Gav! Bilisan nyo na, manganganak na ata ako."

Dahil sa narinig ko ay dali-dali kong pinahanap ang location nila.

"Nakita ko na!" Sigaw ni Janine.

"Diba, si Angel ang may hawak nyan kanina? Bakit ikaw na ngayon?" Tanong ni Lance sa asawa nya.

"Tigilan mo ako!" Sigaw ni Janine.

"Tara na. Bilisan nyo na. Manghingi kayo ng back-up." Sabi ko.

- Zara's POV -

"Ano?! Manganganak ka na?!" Gulat na tanong ng lalaki.

"Oo nga! Akala mo nakikipagbiruan ako sayo?!" Sigaw ko.

"Sandali, wag ka dito manganak. Dadalhin kita ng ospital." Natatarantang sabi nito. Dali-dali syang lumabas at may narinig akong pag-andar ng makina ng kotse. Tapos bumalik sya at binuhat ako.

"Bilis! Arghhh! Ang sakit!!" Sigaw ko habang naghahabol ng hininga.

"Pumutok na ba ang panubigan mo?" Tanong nito.

"Hindi pa, pero ang sakit sakit na!" Sigaw ko.

"Maghintay ka lang. Malapit na tayo sa ospital."

"Aray--- bilisan mo!" Sigaw ko. Maya-maya lang ay dumating na kami at pumasok muna sya tapos paglabas nya ay may dala na syang wheel chair. Isinakay nya ako doon at nang makarating kami sa loob ay bigla itong sumigaw.

"Doc Dado! Dito nga po!" Sigaw nito. Dali-dali akong in-assis hanggang sa makatulog nalang ako sa sakit.

- Gavin's POV -

"Nagpalit sila ng location." Biglang sabi ni Janine.

"Where are they now?" Tanong ni Lance.

"Zambales hospital." Sagit nito.

"Hospital? Anong gagawin nila doon? Kilala mo ba ang kom-idnap sa asawa mo?" Tanong ni Ian.

"Si Aljon. 'Yon yung biological son ng late parents ng asawa ko. Bago mamatay yung mga 'yon, inahabilin nila si Zara sa lalaking iyon. Pero kaya ko nilayo ang asawa ko sa kanya dahil may sakit sya sa utak. Pero wala namang problema kung sya ang nay hawak kasi paniguradong hinding-hindi nya sasaktan ang kapatid nya." Mahabang sabi ko.

"Medyo sweet na nakakatakot din." Nakangiwing sabi ni Jaylen.

"Bilisan mo. Malapit na tayo." Sabi ko pa.

"Easy, man. Ayokong mahuli, abogado pa naman ako." Sagot ni Lawrence sa kanya.

Ayaw pa huli? Ehh, lahat ng mga kasong hawakan mo napapanalo.

"We're here." Biglang sabi ni Lawrence. Dali-dali kaming bumaba at mabilis kaming naghanap. Lumapit naman ako sa information desk.

"Miss may Zara Furi ba dito?" Tanong ko.

"Meron po, sir. Room 320. Third floor" Sagot nito.

"Tara! Room 320 daw! Third floor!" Sigaw ko. Lahat kami ay dali-daling naglakad at umakyat ng third floor.

"Ito!" Turo ni Jaylen sa isang kwarto. Lahat kami ay binuksan iyon at tumambad sa amin ang asawa kong natutulog at ang kuya nitong natutulog din sa tabi nito habang hawak ang isang kamay ng asawa ko.

"Zara?" Pagtawag ko. Nagmulat naman ako asawa ko kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Gavi?" Tanong nito. Napangiti naman ako dahil muhkang nakakaalala na sya. Bigla itong umiyak at yumakap sa akin. "Akala ko makukunan na ako. Sabi ng doktor baka daw makunan ako kasi sa dami ng dugong lumabas kanina." Umiiyak na sabi nito.

"Shh... Nandito lang ako." Sabi ko at yumakap na din. Makalipas ang ilang minuto ay huminto na din sya.

"Nasaan si Kuya?" Tanong ni Zara. Lahat kami ay nagtaka dahil wala na kaming makitang Aljon sa buong kwarto.

"Hahanapin namin sya." Sabi ni Ian.

"Please, wag nyo syang sasaktan. Kuya is a good person."

"Then, why did he kidnapped you?" Biglang tanong ni Jaylen.

"I don't know..." Mahinang sagot ng asawa ko at saka na lumabas ang mga kaibigan ko.

"Ok ka na ba ngayon?" Tanong ko.

"I'm fine now. Thanks to Kuya." Naluluhang nanamang sabi nito. "Gavin, he never disappoint me when it comes to his responsibility as my older brother." Naluluhang pang sabi nito.

"Of course. All of your life, you're there for him. You become a good sister to him, that's because he loves you." Nakangiting sabi ko.

"Am I good wife?" Biglang tanong nito.

"You know what, you're always a good wife." Nakangiting sabi ko.

"You love me?" Biglang tanong pa nito. Nginitian ako sya bago ako tumango saka ko sya niyakap. Biglang namayani ang katahimikan pero binasag nya ulit iyon. "Are you going to sue my Kuya?"

"No." Maikling sagot ko.

"He really protect me. He never let a male species touch my skin. Pag may gumawa non, binubulyawan nya agad." Natatawang kwento nito. "I really love my kuya. I really love him because even if everyone is hurying him, he's still there for me no matter what." Naiiyak nanamang sabi nito.

"I salute to your kuya. I never experience that kind of having siblings. Only child lang ako, diba? But thank you to you because even if I don't experience protecting a sibling, I experience protecting a wife and a daughter." Nakangiting sabi ko.

"I think ipadala nalang natin si Kuya sa isang mental institution. Mas magiging maayos sya doon."

"Ikaw lang naman ang makakakonbinsi sa kapatid mo, ehh." Natatawang sabi ko.

"Kanina, nung magising ako. Nandoon kami sa isang abandonadong gusali, sabi nya kaya daw kami nandoon kasi doon daw palagi dinadala ang mga kini-kidnap. Tapos sigawan kami ng sigawan tapos laging ako parin ang nananalo." Natatawa ngunit naluluhang kwento nya. "Miss na miss na miss ko na ang kuya ko." Naluluha pang sabi nito.

"Shh... Wag ka na umiyak. Baka makasama yan kay Baby." Sabi ko at pinunasan ang luha sa mga pisnge nya. Tumigil na sya sa pag-iyak hanggang sa nakatulog na sya. Biglang bumukas ang pinto ay pumasok doon ang ilan sa mga kaibigan ko.

"Kumusta? Bakit kayo nalang?" Tanong ko.

"Umuwi na sila. Kami nalang ang naghanap." Sagot ni Jaylen. "Hindi namin makita, ehh. Magaling syang magtago. Mabilis din syang kumilos kaya hindi natin napansing nakaalis na sya." Mahabang sabi nito.

"Kailangan na natin syang makita. Gusto syang makausap ng asawa ko."

"Kasama naman natin ang mga pulis at mga sundalo. Paniguradong mahahanap natin iyon." Sabi ni Lance.

"Sige na. Umuwi muna kayo. Salamat, ha?"

"Ok lang. Baka kaibigan mo kami." Sabi ni Lance.

"Ingat. Salamat talaga."

"Sus. Sige na." Sabi pa nya at saka sila umalis ni Jaylen.

Ngayon, ako naman ang magpapahinga.

- To Be Continued -

(Fri, May 7, 2021)