Chapter 6
- Zara's POV -
Gabi na pero nandito parin ang mga kaibigan ng anak ko at ng asawa ko. Lahat sila ay nandito pa at hindi ko comfortable kaya umakyat nalang ako ng kwarto ko. Pag-akyat ko ng kwarto ko ay bigla akong nahilo kaya nahiga agad ako ng kama ko.
Pero bigla din akong napatayo dahil parang hinalukay bigla ang tyan ko kaya dali-dali akong pumunta ng bathroom.Pagdating ko doon ay sumuka ako ng sumuka kahit wala na naman akong inilalabas.
Hanggang sa matapos na iyon at nakaramdam ako ng sobrang panghihina. Hilong-hilo ako at parang hindi ko na din kayang tumayo dahil nanghihina na din ako. Nang makatayo ako ay agad akong nagpalit ng damit ko.
Pabalik na ako ng kama at gusto ko nalang mahiga doon pero nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin at may kung anong itinakip sa ilong ko hanggang sa makatulog nalang ako.
- Gavin's POV -
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng biglang lumapit sa akin ang anak ko.
"Daddy, Tito Ian, Santi is so kulit. He never leave my side!" Asar na sigaw ng anak ko.
"That's my boy." Nakangiting sabi ni Ian.
"Anong 'that's my boy', gusto mo bang mawala sa dynasty?" Tinaasan ko sya ng kilay. Sya naman ay tinawanan lang ako.
"Bro, grandparents ko palang members na, di mo ko mapapabagsak."
"Tsk! Ang yabang mo talaga, Ian!"
"Dad, where's mommy?" Biglang tanong ng anak ko.
"I don't know, anak. Hahanapin ko lang, dito ka muna, ok? Bantayan nyo muna ang anak ko." Baling ko sa mga kaibigan ko.
"Sige, bro." Sagot nila. Tumayo ako at hinanap si Zara sa buong bahay pero hindi ko sya makita sa kahit saan. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko sya mahanap kahit saan. Naglakad ako at lumapit sa mga asawa ng mga kaibigan ko.
"Hello, Ladies. Nakita nyo ba ang asawa ko?" Tanong ko.
"Hindi, ehh. Baka pumunta ng kwarto." Sagot ni Inna.
"Sige, salamat." Sagot ko. Kaya naman dali-dali akong umakyat at nakita ko ang damit nyang suot kanina pero wala naman sya dito. "Nasaan ka ba, Zara?" Inis kong sabi sa sarili ko. Bumaba ulit ako at kinausap ang mga kaibigan ko.
"Ohh, nahanap mo na?" Tanong ni Justine.
"Hindi pa nga, ehh. Tulungan nyo nga ako."
"Saan mo ba huling nakita?" Tanong ni Jaylen.
"Dito lang din. Hindi ko na sya napansin kasi nag-kwe-kwentuhan tayo, ehh." Sagot ko. Hanggang sa umabot na kami sa labas ay wala talaga kaming makitang Zara.
LUMIPAS na ang isang iras naming paghahanap pero hindi parin namin mahanap ang asawa ko. Sobrang nag-aalala na ako dahil may amnesia pa sya at bukod doon ay may dinadala pa syang sanggol.
"Bro, calm down." Pagpapakalma sa akin ni Jaylen.
"How? Huh?! How?! Hindi ko pa nakikita ang asawa ko!" Sigaw ko.
"Yeah, right. Wag mo kaming sigawan." Sabat ni Ian. Natahimik na kaming lahat at patuloy parin kami sa paghahanap sa asawa ko.
"Magpatulong na kaya tayo kay Tito, Jaylen?" Tanong ko.
"Sige. Tatawagan ko pang si King Robert." Sagot nito.
"King Robert? Diba, yun yung tatay ng asawa mo? Bakit sya ang tatawagan mo?" Biglang tanong ni Ian.
"May Agency kasi si Tito, diba? Mas mapapadali kung sa kanya tayo magpapatulong." Sagot ni Jaylen. "Hello, Tito? Yes po, si Jaylen po. Kailangan po namin kayo. Yung kaibigan po kasi namin ni Angel nawawala po ang asawa nya. Opo. Dad, may amnesia sya tapos buntis pa. Opo. Hindi po, ehh. Bigla nalang syang nawala. Sige po. Thank you po." Ibinaba na nito ang telepono nya. "Ok na." Baling nito sa akin. Tumango naman ako.
Nasaan ka na ba, Zara? Be safe. Wag mong pababayaan ang saliri mo.
"Tinawagan ko na si Daddy, sinabi kong tulungan na nila tayong maghanap." Sabat ni Lance.
"Thanks, bro." Sagot ko.
"D-Daddy, n-nasan po si Mommy? Iiwan nya na po ba tayo?" Naluluhang tanong ng anak ko.
"No. Hindi gagawin iyon ng Mommy mo. Umakyat ka na, paggising mo nandito na ang Mommy mo." Pilit akong ngumiti na tumalab naman sa anak ko. Pinahatid ko sya kay Sally habang kami ay naghahanap parin.
"Do you find her location, hon?" Tanong ni Jaylen sa asawa nya.
"Hindi. May humaharang kasi, parang ayaw sabihin kung nasaan ba sya." Kunot-noong sabi ni Angel.
"Ok lang. Keep looking to her." Sabi ni Jaylen sa asawa nya at hinalikan ang noo nito.
"Nagpatulong na din ako kay Tito. Kontrolado na natin ang langit."
"Sige. Salamat." Sagot ko.
"Don't worry, bro. I'm sure, mahahanap din natin ang wife mo."
"Sana nga, Ian. Sana mahanap natin sya bago mahuli ang lahat." Sabi ko.
Kapag may masamang nangyari sayo, paniguradong makakapatay ako ng tao.
- Zara's POV -
Bigla akong naalimpungatan at nagising ang diwa ko. Pagmulat ko ng mata ko ay isang lalaki ang tumambad sa harap ko. Pamilyar sya pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita.
"Kumusta? Masarap ba matulog dyan?" Tanong nito. "Bakit hindi ka sumagot?!" Ang kaninang malambing na pananalita nito ay naging matigas. Tapos bigla din itong tumawa. "Sorry. May takip pala ang bunganga mo." Tinanggal nya ang takip sa bibig ko at doon na ako nagsalita.
"Nasaan ako?" Tanong ko.
"Malamang sa abandonadong lugar. Doon naman laging dinadala ang mga kinikidnao, hindi ba?" Sakrastikong tanong nito.
"Alam ko." Sagot ko at nag-iwas ng tingin.
"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" Tanong nya. Umiling ako. "What happened, huh? Takot na takot ka sa akin pero ngayon parang naglalaro lang ako sayo!" Sigaw nito na parang nananakot na tono pero hindi nya ako natakot.
"Hindi ka naman nakakatakot, ahh." Mahina at nakangusong sabi ko. Bumuga naman sya ng hininga na parang hindi makapaniwala.
"May amnesia ka ba? What happened to you, huh?!" Sigaw pa nito.
"Wag ka ngang sumigaw! Kakarindi ka, ha!" Sigaw ko.
"Pasalamat ka, buntis ka! Kung hindi, sinampal na kita kanina pa!" Sigaw nito sa muhka ko.
"Ayy, sampal? Bekky?"
"Ohw! Kalma, Dennis, buntis lang yan." Sabi nito na parang pinapakalma ang sarili.
"Gusto ko na umuwi." Naluluhang sabi ko.
"Wag mo ko dramahan. Hindi bagay sayo!" Sigaw pa nito.
"Ehh, bakit ka sumisigaw?!"
"Ehh, bakit ka umiiyak?!" Balik nito sa akin.
"Gusto ko nang umuwi!" Sigaw ko.
"Hindi ka aalis hanggat hindi dumadating dito ang asawa mo!" Sigaw nito.
"Edi, hintayin mo mag-isa! Wag mo ko idamay!"
"Tumahimik ka na! Naririndi na ako!"
"Lalalalalalala!!!!" Mas malakas ko pang sigaw.
"Shut up!!" Sigaw nya din.
- To Be Continued -
(Fri, May 7, 2021)