webnovel

2

Chapter 2

- Zara's POV -

Ngayon ay nandito ako sa bahay, walang magawa at sobrang bored na bored na. Kahapon ako ng gabi nakalabas ng ospital at sila Trixie ang naghatid sa akin dito.

Napansin kong hindi lang ang asawa ko 'daw' ang parang may puot sa akin bukod kay Aiden, parang halos lahat ng tao ay may puot sa akin dito, parang may galit sila at parang nandidiri sila sa akin. Ganon sila tumingin.

Kakagising ko lang at sobrang bored na ako agad. Wala na kasi sila Trixie, umalis na sila dito at bumalik ng US. Habang nasa byahe kami ay sinabi nyang babalik na sila ng US at ngayon ang balik nila.

Hindi man lang ako nakapagpaalam. . .

Dahil wala akong magawa ay tumayo ako ng kama ko. Nag-ikot-ikot ako sa loob ng kwarto. Pumunta ako ng banyo at aksidente akong nakapasok sa walk-in-closet. Nakita ko doon ang mga mamahaling damit pero lahat mahahaba.

"Tsk. Ang baduy ko naman mag-damit." Sabi ko sa sarili ko habang isa-isang tinitignan ang mga damit ko. Lahat mga bistida at iba-iba pang baduy. Well, hindi sa baduy sya, magaganda naman, pero parang pagsinuot ko to, magmumuka akong manang!

"Tsk. Parang lola naman na ako dito?! Ganito ba talaga ang style ko?!" Inis kong sabi sa sarili ko habang nakakunot ang noo. Lumipas ang ilang minuto ay may nakita akong maikling short doon at may malaking t-shirt, iyon ang sinuot ko.

Habang naglalagay ako ng light make-up ay may biglang kumatok. Lumingon ako sa gawi ng pinto at pumasok doon ang isang babaeng masungit at medyo may katandaan na. Sya ata ang mayordoma.

"Nakahanda na po ang tanghalian nyo." Magalang pero nandoon ang mataray nyang tono. Palihim naman akong umirap.

Grabe naman ang mga tao dito. Parang gusto akong kainin ng buhay.

"Sige, susunod na ako." Nakangiting sabi ko. Hindi ko alam kung ako lang o kung nakita ko talagang inirapan nya ako.

Tsk! Lokong tanda 'yon, ahh?

Pagbaba ko ay nakita kong nakaupo na si Gavin sa harap ng lamesa. Nakita kong kumakain na sya at nagbabasa pa ng dyaryo. Nang makaupo ako ay nag-angat ito ng tingin sa akin pero inirapan ko lang sya.

Maya-maya ay inabutan na nila ako ng plato at kobyertos saka ko tinignan isa-isa ang mga pagkaing nakahain sa harap ko. Lahat muhkang masarap kaya kumuha ako lahat.

"Kaya mo bang ubusin yan?" Taas-kilay na tanong ni Gavin.

"The hell you care?" Mataray ko din sagot.

"What did you say?"

"The hell you care?" Pag-ulit ko sa sinabi ko.

"How dare you---"

"Shut up. I want to eat now, baka mawala ang appetite ko." Mataray ko paring sabi. Narinig ko syang suminghal pero hindi na sya pinansin. Pagkatapos ko ay hindi agad ako umakyat ng kwarto ko.

Sandali pa akong nag-ikot-ikot sa buong bahay hanggang sa makarating ako ng kusina. Agad akong namangha dahil sobrang laki ng kusina. Parang gusto kong magluto. Kaya dali-dali akong naghanap ng magazine para makahanap ng pwedeng lutuin.

- Gavin's POV -

"Mamaya po akong gabi uuwi." Paalam ko sa mayordoma namin.

"Sige po, ser. Ako na pong bahala kay Ma'am Zara." Nakangiting sabi nito.

"Where is she, by the way?"

"Sa tingin ko po ay hindi pa umaakyat." Sagot nito.

"Ma'am, hindi nga po pwede papagalitan po ako ni Manang Solida." Sigaw ng bago nilang katulong.

"Ehh, anong paki ko?! Sya lang ang mayordoma dito, ako ang asawa ng boss nyo kaya wag mo akong pigilan." Rinig kong sigaw ni Zara. Nagkatinginan kami ni Manang at sabay kaming naglakad papunta ng kusina.

"M-Ma'am, b-bumalik na po kayo sa kwarto nyo." Nagmamakaawang sabi ni Sally.

"Ayoko nga diba?" Mataray na sabi ni Zara.

Ayan. Lumalabas na ang totoong kulay nya.

"Ma'am, hindi po t-talaga kayong m-magluto dito."

"I don't care." Mataray pang sabi nito. "Kesa magdada-dada ka dyan, tulungan mo nalang ako dito." Mataray paring sabi nito. Sumunod naman agad si Sally.

Kelan pa sya natutong magluto?

Bumaluk ako sa huwisyon ng marinig kong tumikim si Manang Solida.

"Anong ginagawa nyo?" Mataray na tanong ni Manang.

"Ano bang pakialam mo?" Mataray din sagot ko ni Zara.

"Bakit hindi ka pa magpahinga?" Sabat ko.

"None of your business! Tsk! Letse! Minsan mo na nga lang gustuhing magluto, kinukontra ka pa!" Sigaw nito. Pero bigla itong ngumiti ng tumunog ang oven, sinyales na luto na ang kung ano mang niluto nya.

Excited nya itong kumuha at inilagay sa ibabaw ng lamesa. Nagluto sya ng cupcake, excited nyang kinuha at nilagyan ito ng icing at nilagyan pa ng sprinkles, m&m, marshmallows, at chocolate chips.

"All done. Ngayon, tikman nyo na." Masayang sabi nito habang nakataas ang isang kilay sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay at kumuha ng isa. Tinignan ko muna ang cupcake bago ko tikman.

Bigla akong napapikit ng malasahan ko ang lasa non, sobrang sarap at talagang nanunuot sa dila ang lasa. Hindi masyadong matamis ang icing at hindi din masyadong matamis ang nasa ilalim.

"It looks like Gavin likes it. Why don't you guts try it also?" Tanong ni Zara sa dalawa.

"Hindi ako pwede nyan. May diabetes ako." Sabi ni Manang.

"It's sugar free, Manang." Sabi nito at tinalikuran kami. Kumuha naman si Manang at kumuha din si Sally. Katulad nila ay muhkang nasarapab din sila.

"Masarap diba?" Tanong ni Zara habang may nginuya pa. Tumango naman sa kanya ang dalawa. Makalipas ang ilang nguya nya ay bigla itong nagsalita ulit. "By the way, manang. Paki bilihan nga po ako ng sawing machine at mga gamit para sa pananahi. Ang baduy kasi ng mga dami ko doon sa itaas." Sabi nya at umirap sa hangin. Naglakad ako pakanan kung nasaan si Zara dahil iinom sa na ako ng tubig.

Nang makainon ako ay bigla akong napatingin sa likod nya. Doon ko lang nakita ang suot nya. Naka-shorts na maikli sya at naka-t-shirt na kulay puti. Bumaba naman ang tingin ko sa mga hita nya saka napalunok.

"A-Aalis na ako." Wala sa sariling sabi ko.

"Gusto mo bang magbaon?" Tanong ni Zara sabay harap sa akin. Dahil manipis lang ang tela ng t-shirt na suot nya ay makikita mo na doon na wala syang suot pang loob.

"S-Sige." Nauutal kong sabi at napalunok ulit.

What the f*ck happening to me?!

"Ok. Sige, may kukunin lang ako." Sabi nya at dali-daling lumabas ng kusina pagbalik nya at may dala na syang box at doon nya nilagay ang anim na cupcakes at inilagay pa sa isang paperbag. "All done." Nakangiting sabi nya.

Shit! What's happening to me?!

- Zara's POV -

Umalis na si Gavin at ako naman ay wala paring ginagawa. Tinatamad talaga akong kumilis pero kanina ang sigla-sigla ko. Tumayo ulit ako at nakita kong may sangkap dito na pwedeng gawing milktea.

"Anong gagawin nyo?" Tanong ni Sally.

"Gagawa ako ng milktea."

"P-pero---"

"Shut up." Pagpigil ko sa sinasabi nya. Hindi na sya nagsalita at tahimik na nanood nalang sa akin.

NGAYON ay sobrang busog na busog ako. Kain kasi ako ng kain. Kumakain ako ngayon ng graham balls ng biglang dumating si Gavin galing ng trabaho nya.

"Sup, Gav. Gusto mo?" Tanong ko na parang tropa lang kami. Kumuha naman sya at nakita kong nasarapan naman sya sa graham ball na gawa ko.

"Gawa mo parin?" Tanong nito habang kumukuha pa.

"Yes. Masyado akong masipag kaya masyado din akong busog."

"Naglilihi ka lang." Sabi nito na ipinagtaka ko.

"Naglilihi?"

"You're 2 months pregnant. Sabi nga ni Aiden, it's a miracle na nabuhay pa ang baby pagkatapos nung accident." Paliwanag nito. Napahawak naman ako sa tyan ko. Pagharap ko sa kanya ay nakatingin na sya ng diretso sa akin.

"Ilang taon na tayong kasal?" Wala sa sariling tanong ko.

"4 years." Sagot nito at kumain ulit ng graham ball.

"Magbihis ka muna. Marami pa akong ginawa kanina, may milktea din doon sa kusina."

"Where's Manang?" Tanong nito.

"Tulog ata. Nabusog kasi sila kakatikim ng mga niluto ko. Nag-early dinner na pala kami, may niluto silang minudo sa kusina." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Eat well." Sabi ko pa at nginitian nya.

"Sige." Maikling sagot nito saka pumunta ng kusina. Nang makapasok naman sya ng kusina ay nagpatuloy ako ng pagbabasa sa wattpad ko.

- Gavin's POV -

Nasa kalagitnaan ako ng mag-aayos ng kinainan ko ng biglang patakbong pumasok ng kusina si Zara at saka sumuka sa lababo. Napailing-iling naman ako dahil sobrang sama ng muhka nya.

Ang dami mo kasing kinain, ehh.

"Are you ok?" Tanong ko at kumuha ng tubig para ipainom sa kanya. Nang matapos sya ay nagmumog muna sya bago inumin ang tubig na hawak ko. "Are you feeling well now?" Tanong ko habang umiinom sya ng tubig.

"Medyo ok na." Sagot nito habang bakas parin ang panghihina sa muhka nya.

"Gusto mo na bang matulog?" Tanong ko. Tango lang ang isinagot nya sa akin. Pagkatapos nyang uminom ay inilagay nya ito sa lababo at saka ko sya tinulungan maglakad. Dahan-dahan lang kaming maglakad hanggang sa makarating kami ng kwarto.

"Dito ka din ba matutulog?" Tanong nya.

"Hindi." Maikling sagot ko.

"Ok. Good night." Mahinang sabi niyo saka nya inayos ang pagkakakumot sa sarili nya. Ako naman ay umalis na ng kwarto nya at saka ako dumiretso ng kwarto ko. Nagpahinga muna ako saglit saka ako naligo bago ako nahiga at nagpadala ng antok.

- To Be Continued -

(Thu, May 6, 2021)