webnovel

Kabanata 2

Kabanata 2

Bro

Truth is, my mind was drifting throughout the trip.

Hindi ko alam kung sadyang malayo lang ang bahay nila Remi mula sa amin o talagang bawat minutong lumilipas ay parang nababanat hanggang sa bumagal ang takbo nito.

Craig and Kuya Alaric were talking about almost everything. Hindi ako maka keep up sa topics na napapag usapan nila dahil bukod sa marami at halos random ay mabilis ding napapalitan iyon, idagdag pa na lumilipad talaga ang isipan ko habang nasa byahe kaya kahit sikaping intindihin ay hindi ko talaga magawa nang maayos.

Nate was also surprisingly quiet the whole time. Nakikisabat siya sa usapan momentarily pero hindi iyon masyadong nagtatagal.

I gulped.

Our knees were slightly touching while the car was moving, but he didn't move his so I also didn't move mine. Pwede akong umusog kay Kuya para iwasan iyon pero hindi ko ginawa sa hindi ko pa matukoy na dahilan. Basta hanggang sa huminto ang sasakyan ay nakatitig lang ako sa mga tuhod namin, pinapansin ang medyo magkaibang itsura noon.

His are rocklike and a bit stubbly while mine are a little angular but less hairy. Medyo kita rin ang muscles sa legs niya kahit natatakpan iyon ng maiksing shorts. Kapag magkatabi ay magandang tingnan ang mga iyon, siguro dahil bagaman magkaiba kami ay nagmumukha pa ring complemented ang mga ito.

Hindi ko alam na masyadong nakatuon ang atensyon ko roon na nakalimutan kong maglaan ng kaunting ingat sa paraan ng pagtitig ko. Umayos agad ako ng pagkakaupo noong ma realize iyon at marahang inilipat ang mga mata mula sa mga tuhod namin patungo sa harap.

Noong tumigil ang pick up truck sa tapat ng isang medyo may kalakihang bahay ay nagmamadali kong tinulak si Kuya para mabilis na makababa. Ramdam kong ganoon din ang ginawa ni Nate at sa kabilang pinto dumaan.

Nagmamadali kong tinulak palabas si Kuya noong tumigil ang pick up truck sa tapat ng isang medyo may kalakihang bahay para mabilis na makababa. Ramdam kong ganoon din ang ginawa ni Nate, siguro mas mabagal nga lang sa paglabas at sa kabilang pinto dumaan.

Lumunok ulit ako bago sulyapan siya.

"Hey bro!"

"Uy pare, kumusta? Hello, Lily!"

"Ayos lang. What's up, Gary! Nasaan si Irene?"

"Alaric bro!"

"Hey, how's it going?"

Kaliwa't kanan ang bati at kumustahan hanggang sa makapasok kami sa loob. Dimmed at medyo makulimlim na ang lights sa tanggapan pa lang ng bahay kaya nasisiguro kong mas malala pa ang ayos sa mismong living area.

Nilibot ko ang paningin sa sala noong makarating kami roon. Kakaunti pa lang ang tao at hindi pa masyadong magulo dahil siguro maaga pa. May iilang familiar na mukha akong nakita at nakatanguan kahit hindi ako sigurado kung paano o kung saan ko sila nakilala o unang nakita, nagpanggap na lang na naalala sila.

"That's Warren's sister. Halos same age lang kayo, mas matanda ka lang yata ng ilang months or so. Isn't she hot?" Bulong ni Kuya mula sa likod sabay akbay sa akin.

Nginuso niya ang grupo ng mga babae malapit sa sofa kung saan marahil naroon iyong sinasabi niya. Hindi ko alam kung sino sa mga iyon pero tumango na lang ako dahil hindi rin naman interesado. Sila ang pinakamaingay roon kaya malabong hindi mo agad makita sa unang haplos ng tingin sa living area.

"I don't know her name pero kilala ko 'yan dahil naging sila yata noong classmate ko last semester. They've broke up long ago so she's probably single now!"

"Hindi ko gusto." Agap ko. Nag-iwas ako ng tingin sa naturang grupo at napadpad ang mga mata sa mga alak sa mesa.

"Right, I knew it. Hindi ko rin tipo ang mga ganyan kaya siguro medyo pareho tayo ng hinahanap, nararamdaman ko. Wait lang."

"Right. Kung sabagay hindi ko rin tipo ang mga ganyan kaya medyo magkapareho siguro tayo ng hinahanap, teka..."

I nodded. "I'll get us some drink."

Lumakad ako patungo sa nakitang mesa pero agad ding natigilan noong makita sina Remi at ilang kaibigan nito. Naisip kong maganda sigurong bumati muna bago kumuha ng alak para hindi nakakahiyang uminom kaya iyon nga ang ginawa ko. Lumapit ako sa kanila.

"Hey, happy birthday!"

"Hi, Andre! Thank you, where's Alaric?"

Sinulyapan ko ang pinanggalingan ko para ituro ang kapatid. "Over there, mukhang hindi pa kayo nakikita, medyo dumarami na kasi ang mga bisita. This looks cool!"

Tumawa si Remi. "I know, thanks. By the way, these are my friends. This is Ana, Margot, Cassandra, and Mori. Malapit lang halos ang bahay nila sa inyo so baka you kinda know some of them. Girls, meet Andre, Alaric's brother!"

Ngumiti ako sa kanila at tumango. "Hello!"

"Hi, Andre! Ikaw ba iyong nanliligaw kay Ely?"

Ramdam kong hindi na anticipate ni Remi ang tanong ng isa sa kaibigan niya, I think that's Cassandra, kung tama nga ang memorya ko. Siniko niya ito at hilaw na ngumiti.

"Uh, no, we're friends." Sagot ko.

"Magkaibigan lang sila ni Eloise, Cassie. She probably assumed something noong minsan kong ikuwento." Remi explained while the two of her friends are nodding their heads, agreeing.

I also nodded and assured her that I don't really mind.

"You know what, you should get a drink, ano ba ang gusto mo?

"Yeah, I was actually on my way to get some before I saw you. Ako na ang bahala, and oh, nice to meet you guys!"

"All right. The drinks are on the liquor cabinet, mayroon din yata sa kitchen, Andre, kumuha ka na lang. See you!" si Remi habang isinesenyas ang daan patungong kusina, bakas pa rin ang bahagyang hiya marahil sa tinuran ng kaibigan.

Natawa ako pagkatapos itaas ang kamay bilang pagpapaalam sa kanila. Dumiretso ako sa kitchen para kumuha na ng alak, maingat na dumadaan sa pagitan ng mga bisita at iniiwasang makaistorbo sa ilang nag uusap.

Dumoble ang bilang ng tao kumpara sa unang naabutan namin noong dumating kanina. Most groups are full of energy and excitement, some are just chill while catching up with their friends, and the rest are obviously formed because of their large circle of friends. Maingay at hindi halos magkaintindihan, dagdagan pa ng medyo lumalakas na tugtogin mula sa speaker.

Pagkarating sa kusina ay kumuha agad ako ng dalawang beer. Naisip ko noong pabalik na ako kung saan ko hahagilapin sina Kuya ganoong hindi ko sila nakita kanina bago pumunta rito.

Buti nakita ko si Nate sa dagat ng ilang mga grupo. Medyo nagdadalawang isip man ay nilakasan ko ang loob. I walked towards his direction, fixating my eyes just on him, before asking. Mayroon siyang kausap at hindi ko kilala ang mga iyon kaya sa kanya ko lang pinirmi ang paningin.

"Have you seen Kuya Alaric?"

Lumingon siya sa akin at umiling. "No. Baka nasa labas o kaya sa kusina."

"Galing na ako sa kitchen e." I said. Doon pa lang ako sumulyap sa kausap niyang babae at dalawang lalaki pero mabilis lang at binalik agad sa kanya ang mga mata.

Iyong babae siguro si Lucie? O baka hindi.

"Thanks, though."

Nate nodded slowly. Itinuon niya ang pansin sa mga kausap kaya kinuha ko ng cue iyon para tumalikod at umalis. Nasaan kaya sila Kuya?

Naisip ko na hindi ko naman kailangang hanapin ang mga iyon. This should be fun without them. Kaso wala naman akong ibang kakilala rito bukod sa kanila, tsaka ang hirap pang makipagkaibigan sa mga nandito dahil abala halos ang lahat sa pakikipag usap sa mga friends o kakilala nila.

I took a deep breath and just decided to go outside. Malawak ang premise ng bahay ng mga Muñoz at kahit may iilang taniman sa gilid na part ay malaki pa rin ang bakanteng lupa na sakop nila.

Madilim na ang paligid, tanging ang ilaw na lang dito sa porch sa tapat ng pinto ang nagsisilbing liwanag at hindi pa iyon sapat para matanglawan ang kabuuan ng harap ng bahay.

I sat on a wooden chair at the right side. Lumikha ng langitngit ang paghakbang ko sa gawa sa cedar na sahig ng portiko, mas dinig iyon ngayong nasa labas ako at medyo tahimik. I can still hear the booming sound inside but it's a bit muffled now. I looked around the vicinity.

Uminom ako sa beer na hawak bago ibinalik ang paningin sa kawalan. Sigurado akong matapang ang lasa noon pero hindi ko ramdam sa unang lagok. I drank once more.

"Andre!"

Kunot noo kong pinanood si Eloise kasama si Brie at iba pang kaibigan nito na lumapit sa akin. Then I tasted it on my tongue, the bitter and tangy taste of beer with the familiar burning sensation when it reached my throat. Napapikit ako roon.

"Ikaw lang ba ang narito? Where's Alaric?" Si Brie.

Dumilat ako sabay tango. Sinenyas ko ang loob ng bahay gamit ang nguso para sabihing naroon ang hinahanap nila. Naupo si Eloise sa tabi ko at nag-angat ng tingin sa kapatid.

"Dito muna ako, Brie."

Umalis si Brie mid-sentence pa lang ng sinasabi ni Eloise. She looked at me and smiled.

"How's the party going?" Tanong niya.

"Boring. Bumati na ako kay Remi, mukhang abala siya sa ilang mga bisita at kaibigan doon sa living area."

Eloise nodded while listening. Inalok ko sa kanya ang isang beer na kinuha kanina na agad naman niyang tinanggap. Natawa kami pareho at sabay na inilipat ang mga mata sa harap ng porch.

"Kaya ayaw mong pumasok sa loob? Baka hinahanap ka nila Alaric at Kuya Craig."

"Sila ang hindi ko mahanap, tsaka kahit naman makita ko sila, hindi maaalis ang inip ko." I grumbled. Natawa siya na mas ikinairita ko. "Ikaw, bakit ayaw mong pumasok sa loob? Hahanapin ka ni Remi kay Brie kapag nagkita sila roon at wala ka."

"Pwede namang bumati ako mamaya. Isa pa, kahapon pa ako nag greet sa kanya at kagabi mga ilang minutes after mag midnight. Pero babati pa rin ako mamaya, sasamahan muna kita."

Tumango ako dahil sa lagay ko ngayon, na pakiramdam ko wala akong kaibigan o kahit kakilala, mukhang kakailanganin ko nga siya.

"Unless ayaw mo ng kausap, pwede naman akong pumasok na. Mukhang malalim yata ang iniisip mo kanina e." She added, almost in a teasing way. "Are you thinking about your crush?"

"No. Wala lang akong makausap mula kanina kaya syempre tatahimik ako, hindi naman yata magandang tingnan kung magsasalita ako mag isa o tatawa?" Namimilosopo kong sagot, muling tumungga ng alak.

Lumandas ang beer sa chin ko pababa sa leeg noong puwersahan ko itong inumin. Pinunasan ko ito agad.

"Malay ko."

Hindi ko na siya sinagot dahil sa totoo lang, medyo malabo na ang takbo ng usapan namin, marahil sa iniinom kong alak, at hindi ko maalala kung saan nga bang topic kami unang nagsimula.

"Andre, can I tell you something?" Si Eloise makaraan ang ilang sandali ng katahimikan.

Sinulyapan ko siya at nagkibit balikat. She cleared her throat and then pressed her lips together, almost trying to control herself. Mukhang nagdadalawang isip siya sa sasabihin kaya ibinalik ko na lang ang paningin sa harap.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin, but... I think you'll get mad at me when I say this." She continued. "Brie kinda persuaded me to do something. I mean not really persuaded, more like enlisted my help."

"What is it?"

Ramdam ko ang paghihirap niyang sabihin ang kung anong nasa isip kaya nag umpisa akong maintriga. Umayos ako sa pagkakaupo at naghintay sa idadagdag niyang mga salita.

"I... I was told to get closer to you. Gusto ni Brie na maging mas close tayo para raw kapag pinormahan siya ni Alaric ay mauwi sa ligawan-"

"Brie, don't you dare!" Remi's high-pitch voice echoed. Naputol noon ang iba pang sasabihin ni Eloise noong pareho kaming lumingon sa pintong bumukas.

"Remielle, I'm your friend, why are you taking her side?" Si Brie na kakalabas lang, humahangos at tila galit na galit.

Tumayo agad si Eloise para daluhan ang kapatid. She tried to convince Brie to calm down but Brie proceeded to continue arguing. Namataan ko si Nate, Erwan, at Kuya sa likod kasama si Remi na siyang kasagutan yata niya ngayon pati ang isang babae sa tabi nito na sa tingin ko ay inaway niya base sa magulo nitong buhok at namumulang pisngi.

"It's clear as fuck that this bitch wanted to fuck Alaric! Mula pa noong isama natin siya last week, napansin ko na 'yan but I kept quiet! Tapos ngayon maaabutan kong nasa iisang room sila, sa room mo pa?! You should be mad!"

"I'm not taking sides! Nag eeskandalo ka sa party ko at nakipag away pa. Kaibigan kita, naiintindihan ko ang galit mo pero sana pinag usapan ninyo na muna, kung hindi mo kayang makipag-usap nang mahinahon, then walk away or at least wait for a while bago ka mangompronta!" Halos mamaos si Remi habang sinasabi iyon, medyo pinangingilidan na rin ng luha.

"I'm not like you. Hindi sa ganoong paraan ko gustong ayusin ito-"

"Then get out of here."

"Please, Brie, umuwi ka na. Let's just talk about this tomorrow." Si Kuya naman na noong una ay hindi ko inakalang sangkot pala sa gulong ito at mukhang pangunahing dahilan pa ng away.

"No! At ikaw, keep this in your half-witted idiotic mind, I will fucking ruin you!"

Bumagsak ang bote ng beer na akala ko ay naipatong ko sa katabing upuan. Ramdam kong sumulyap ang mga taong nasa labas na ngayon sa akin dahil tumahimik.

Humarap ako sa kanila at medyo itinaas ang kamay. "Don't mind me..."

"Brie, sige na, Eloise tulungan mo akong maisakay siya." Si Kuya na lumapit sa magkapatid at sinisikap ayusin ang lahat bago tuluyang lumala. "I'm so sorry guys, please continue the party. Remi, I'm sorry."

Tumango si Remi. Hinintay nilang makapasok sa SUV si Brie kasama si Eloise bago muling bumalik sa loob. Sumabay na rin ako at hinayaan si Kuya sa problema niya.

I'm sure malalaman ko rin ang tungkol doon bukas dahil magiging tampulan iyon ng pansin kaya mas pipiliin kong mag stay muna rito. Isa pa, wala rin naman akong magagawa roon kung sasamahan siya, hindi ba?

Tsaka ayoko pang umuwi.

Dumiretso ako sa kusina para kumuha pa ng isang beer saka muling bumalik sa sala. Dalawa ulit ang kinuha ko ngunit this time, wala akong balak ibigay ang isa sa kanino man.

Marami pang bisita na naiwan sa porch kaya hindi ko na gustong pumunta roon ngayon. Mukhang nasira ang gabi nila sa eksena kanina at pinili na lang tumambay roon. I looked around the living area, trying to spot a chill place to crash into.

Sa paglibot ng paningin ay nakita ko ulit si Nate kasama pa rin ang babae na kausap niya kanina.

They are both dancing at the elevated part of the living area. May iilang sumasayaw rin sa trap music na tumutugtog subalit kapansin pansin sila, or at least para sa akin, siguro dahil si Nate lang naman ang kilala ko na naroon. Lumunok ako at nagpatuloy matapos ipatong ang alak sa mahogany table sa gilid.

Malapit na ako sa kanila noong maisipang tahakin ang kasalungat na direksyon, nag alangan bigla. Handa na akong umikot patalikod kung hindi lang ako namataan ni Nate. Pabulong akong napamura.

I smiled at them and continued walking their way. I started dancing along with the music while carefully striding -- to make it less awkward -- to get closer to them, half-confused if I was doing it the right way. Sure, I was not. Nagmumukha nga siguro akong tanga roon habang lumalakad at sumasayaw.

"That was a sloppy work, what Alaric did earlier, wasn't it?" Nate asked in a very low and barely audible voice, kababakasan ng panunukso sa kapatid. Buti malapit ako sa kanila para marinig pati iyon sa kabila ng maingay na paligid.

I nodded slowly. "He did."

He chuckled. "This is Alaric's little brother, Andre. Andre, this is Lucie, a friend." Pakilala nito sa kasama. Ngumiti ako roon at mabilis na pinadulas ang paningin sa ibang direksyon.

I tried to dance with more energy and excitement this time. Hindi ko alam kung bakit pero sa halip na medyo matuwa na nalaman na ang relasyon nila, dahil isa iyon sa mga gusto kong malaman mula pa kahapon, mas nadidmaya at medyo sumama pa ang pakiramdam ko.

Maybe because I know, deep inside, that there's something going on with them. Like maybe they're fuck buddies. Paniguradong ganoon nga dahil hindi naman siguro sila magiging close ng ganyan kung hindi? Unless they are really friends, which I find hard to believe for considerable reasons, and just casually dancing.

Naghiyawan ang ibang mga sumasayaw sa kaliwang banda kaya nakatulong iyon sa akin para mabilis makapuslit paalis ng dance floor pababa sa elevated part ng sala. Kinuha ko ulit ang beer na pinatong sa mesa saka tumulak paalis, tuluyang nalugmok sa masamang pakiramdam.

Lucie is pretty. She looks like an angel with those fair skin and short hair that surely complimented her small and heart-shaped face. Hindi ko masasabi na just-playing-around-type siya katulad ng naisip ko kanina dahil hindi iyon halata sa itsura niya pero why would I give her the benefit of the doubt?

Tsaka wala naman akong pakialam sa kanila.

Naubos ko na ang pangatlong bote noong mag umpisang umikot ang paningin ko. Malabo at tila nagsasama ang red at violet lights sa paligid, lumilikha ng nakakahilong ilaw. Kinusot ko ang mga mata habang lumalakad.

"Fuck, I'm sorry..." Mahinang sabi ko noong may mabunggong lalaki.

Hindi ko sigurado kung tama ba ang daang tinatahak ko papuntang restroom pero nagpatuloy pa rin ako, medyo hilo. Nakaakyat ako sa second floor ng bahay at magpapatuloy pa lang sana noong makita ang nasa pito yatang pinto.

Tangina alin dito ang banyo?

Naisip kong subukan ang pinakahuling kwarto dahil sa bandang iyon naman madalas situated ang mga restroom sa isang bahay pero mali ako. It was an empty bedroom.

I tried to open the next room, which was also an empty bedroom, and then the next one, but got quickly dazed when I saw three half-naked girls inside of it. Hindi sila nagulat katulad ko pero ang isa ay medyo nagmamadaling kuhanin ang damit at sinuot iyon.

"I-I'm so sorry, akala ko restroom..."

Napatingin ako sa isang babae na nasa sahig ng kwarto. Naka underwear lang ito habang nakatalikod sa gawi ko, medyo nakayuko. Noong kumilos siya para sulyapan ako ay saka ko lang din na realize ang ginagawa niya.

"You want some?" Tanong nito sabay baling muli at singhot sa nasisiguro kong drugs na nasa gilid ng kama. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh shit, no, no!"

Sinarado ko agad ang pinto.

"Nasa harap ang banyo!" Rinig kong sigaw ng babae sa loob. Thanks, then.

I bit my lower lip then proceeded to walk. Pumasok ako sa itinuro nitong silid na siya ngang restroom at nagmamadaling isinara ang pinto noon.

"What the fuck?"

Naghilamos ako para mahimasmasan at maging sober ng kaunti kahit iyong nakita pa lang kanina ay sapat na para alisin ang alcohol sa katawan ko. Alam kaya ni Remi o ni Erwan ang tungkol doon? They should fucking know!

Nasaan kaya ang mga parents nila? I mean kahit may birthday party na nagaganap dito, hindi ba dapat narito ang mga iyon?

Malabong nasa isa sa mga kwarto rito dahil maingay at medyo rinig ko pa ang tugtugin so baka nasa ibang lugar. Pero baka mali ako at wala namang kaso sa mga magulang nila ang ganoong ingay.

But illegal drugs are surely not tolerated here!

Lumabas ako ng banyo ng mas maayos. May kaunting hilo pa rin pero kaya ko namang lumakad pababa at makauwi. I think I could even walk home. Baka kasi hindi pa uuwi sina Kuya Craig at ayoko namang pilitin sila para lang ipagmaneho ako.

Muntik akong mapatid sa hamba ng pinto palabas ng bahay, buti nakahawak agad ako para masuportahan ang sarili. Napamura ako ng mahina habang sinisikap makalakad ulit.

"Andre, are you all right?" It was Nate's low baritone voice from behind. Nasisiguro ko.

"I-I'm good, bro..."

Agad kong iniwas ang sarili sa kanya noong maramdaman ang pag ikot ng sikmura. Akala ko masusuka ako pero hindi naman pala. Nakakainis, kaninang nasa restroom ako hanggang sa makababa ay maayos naman ang pakiramdam ko!

"Here, let me help you."

"No... Ayos lang."

Wala akong nagawa noong kuhanin niya ang kaliwang braso ko at isukbit ito sa balikat niya. I groaned when I felt the muscle on his broad shoulders.

"Thank you, Nate."

Inalalayan niya akong lumakad patungo sa kung saan. Saka lang kami huminto noong makarating sa tapat ng pick up na naka park. I lifted my eyes up and met his.

"I-I don't really wanna bother Craig to drive me home, ayos lang sa aking maglakad." I murmured. Hindi ko alam kung dulot ba ng alak ang biglang paghina at pagbait ng boses o dahil intimidating lang talaga siya.

"Hindi mo kayang lumakad. Wait, I'll call Craig. Huwag ka malikot, sumandal ka muna riyan." Utos niya na agad kong sinunod na parang bata.

Pumupungay na ang mga mata ko habang nakatunghay sa likod niya noong tawagan ang pinsan ko. I swear this shit is really starting to fuck my head. Ramdam kong lumalala iyon bawat minuto.

Dinaluhan ulit ako ni Nate matapos gumawa ng tawag. I think I heard him say something, probably about the call, but I couldn't understand a single word.

Tuluyang bumagsak ang talukap ng mga mata ko at sa muling pagdilat noon ay nasa loob na ako ng sasakyan, nakahiga ang ulo sa balikat ni Nate, at medyo nahihilo pa rin. His woody scent made me dizzier. Dumagdag pa ang matuling pagtakbo ng sasakyan sa madilim na daan.

I closed my eyes again. Nakaidlip ako at nagising na lang noong maramdaman ang marahang dampi ng magaspang na palad sa noo ko.

"Andre, wake up, nasa bahay na tayo." Si Nate iyon.

"Oh..." I moaned. Umayos ako ng upo at tinanggap ang nakaalalay niyang kamay. "Thank you. Pasensiya na sa abala, Kuya Craig. Wait... where's Lily?!"

"No worries, Andre. Nate, ikaw na ang bahala magpasok dyan ha, babalikan ko pa si Lily. Nasa loob naman na yata si Alaric."

Tumango ako kahit hindi ako ang kausap. Hinigpitan ko ang pag-akbay kay Nate nang maramdaman muli ang hilo noong tumalikod siya at simulang lumakad papasok, maingat pa ring umaalalay sa akin.

"I saw three girls back there..." Mahina subalit mariin kong sabi. "One girl was high as fuck, I swear!"

"Careful."

I looked at him and nodded. Dumoble ang itsura niya kaya binalik ko na lang sa cobblestones na tinatahak ang tingin. Humakbang ako sa platform ng front yard saka nagtanong.

"Tell me, do you have a fuck buddy?"

Ramdam kong natigilan siya roon pero agad na nakabawi. I heard him laughed after a few seconds so I immediately pushed him away. Mabilis akong nagdusa sa consequence noon dahil kasabay ng pagtulak ay napaupo rin ako at muntik pang matumba kasi nawalan ng suporta.

"Fuck it!"

"Here, take my hand."

Tiningnan ko ang inaalok niyang kamay. Tinanggap ko iyon dahil aminadong hindi rin naman talaga kayang tumayo mag-isa.

Lasing ako pero alam ko pa rin naman ang ginagawa. Hindi ko lang talaga ma control ang mga sinasabi ko lalo walang ibang tao at nasisiguro kong kami lang ang narito. Parang may kung anong puwersa at lakas ng loob akong nakuha dahil sa impluwensiya ng alak, at ang utak ko, dahil likas na matalino ay sinasamantala ang pansamantalang kapangyarihang iyon para maging matapang sa sinasabi.

"Come on, bro. Tell me!"

Hindi siya sumagot at sa halip ay nagpatuloy lumakad. Madilim na ang sala noong makapasok kami at tanging ang kitchen na lang ang may ilaw. Sumenyas ako sa kanya na huwag maingay at biglang natawa ng makita ang nakasimangot niyang mukha.

"Don't scowl, asshole, I know you fucking have. Can you, like, find me one?"

Pumikit ako noong hindi makayanan ang pamumungay ng mga mata. Hindi ko alam kung paanong diskarte ang ginawa niya at nakarating pa kami sa taas ganoong sobrang bigat ko at nasisigurong makulit. Natawa ulit ako noong ma realize na hindi niya ako sasagutin.

"I'll take you to your room. Huwag ka na malikot, please..." Bulong niya sa akin at tila parang alak, mas naliyo ako roon.

"Kaya kong pumunta sa kwarto ko-"

"Andre, please." Mariin niyang sabi.

"A-All right..."

Nagpatuloy nga kami papunta sa silid ko. Madilim na rin ang daan pero dahil ginaguide ako ni Nate ay walang naging kaso roon.

Huminto kami sa pinto ng room ko. He opened it and quietly went inside, nakasukbit pa rin ang braso ko sa balikat niya.

Sobrang bigat na ng pakiramdam ko kaya hindi ko na nasundan pa ang sumunod na mga nangyari. Basta ang huling naaalala ko ay sinamantala ko ang pagkakataong ihihiga niya ako sa kama para makapuslit ng halik na tumama siguro sa right cheek niya o mismong sa lips.

I think I even uttered "I'm sorry..." before everything turned into a blur and then into darkness.