webnovel

1

Nababalot ako ng takot at kaba nang makita ang madilim na langit at lupa na nababalot ng pulang dugo. Takbo roon takbo rito. Tago roon, tago rito. May nakikitang nababaril dito, may nakikitang namamatay roon. Ito pala ang nakikita ni papa bago kunin ng isang bala ang kaniyang buhay.

--&--

"Papa, papa saan ka pupunta? Bakit ka aalis? Babalik ka pa po ba?"

Ang sabi ni Antonio habang may mga luha na nabubuo sa kaniyang mga munting mata.

"Siyempre babalik ako! At 'pag balik ko, magkakaroon ka na ng maliwanag na kinabukasan. Wala nang gulo, wala nang hapis."

Ang sabi ng ama ni Antonio habang nakahawak sa dalawang kamay ng nag-iisa niyang anak.

"Mag-iingat ka, Ipangako mong babalik ka! Ipangako mo! Isang napakahirap at mapanganib na daan ang tatahakin mo ngunit kailangan mong ipangako na babalik ka sa amin ni Antonio!"

Ang sabi ng ina ni Antonio habang nakayakap sa kaniyang asawa.

"Babalik ako mahal ko. Ang pagmamahal niyo para sa akin ang pinakamalakas na taglay kong sandata."

Ang sabi ng kaniyang asawa bago siya halikan.

At umalis na nga si papa. Napakabait niyang papa. Hindi ko inakalang kaya niyang sumira ng pangako. Sabi niya babalik siya para makita ako ngunit ako ang pumunta sa kaniya, sa kaniyang burol. Sa pagkakataong iyon, hindi ko alam kung magagalit ako o hindi.

"Papa sabi mo babalik ka! Sabi mo babalik ka! Nagkasakit si mama at pumanaw na dahil wala ka sa tabi niya! Nabuhay pa sana siya ng matagal kung hindi ka umalis! Nabuhay pa sana siya kung pag-aalaga mo ang natanggap niya! Bakit mo kami pinabayaan? Ayaw mo na ba sa amin? Papa!"

Pagtagal ay naisip ko na maging sundalo at sumama sa pakikipaglaban. Bata pa lamang ako noon at nalilito kaya ako nagalit kay papa ngunit ngayong tumanda na ako, nakikita ko kung ano ang gusto ni papa para sa akin at gusto ko ipagptuloy ang pinaglalaban niya.

--&--

Naaalala ko ang pangyayaring iyon para bang kahapon lang ito nangyari. Nararamdaman ko ngayon ang naramdaman ni papa habang kaharap ang mga kalaban, napakabigat sa pakiramdam na iwanan ang iniibig mo, napakasakit sa damdaming isipin na naghihintay siya roon sa bayan para sa aking pagbabalik nang walang kamalay malay na maaaring--hindi, hindi! Hindi ko sisirain ang aking pangako! Babalik ako! Babalik ako nang malusog at malakas, at sa wakas makikita kita muli mahal ko.

--&--

Bago ako sumama sa digmaan, nakilala ko ang pinakamamahal kong si Clara. Siya'y kasing ganda ng buwan at mga bituin tuwing gabi, kasing bango ng rosas, mabait, napakatalino, mapagmahal--hindi ko masabi lahat! Siya'y perpekto! Siya lang ang makapagpapatibok ng puso ko! Niligawan ko siya at ngayon ay tatlong buwan na kaming nagsasama.

Noong aalis na ako, inasahan ko na malulungkot siya at sasabihing huwag akong umalis ngunit pinakita niya ulit ang nakakasilaw at napakaganda niyang ngiti at sinabing: "Kung iyon ang gusto mo, kaakbay mo ako. Kung ano man ang pasya mo ay hindi kita pipigilan dahil alam ko na galing sa puso mo ng desisyon mong ito at susuportahan kita hanggang sa dulo. Huwag mo akong aalalahanin at huwag mong iisipin na malulungkot ako kakahintay sa'yo sapagkat lagi mo ako kasama kahit hindi mo ako nakikita. Andito ako" at tumuro siya sa aking kaliwang dibdib, sa aking puso.

"Mahal na mahal kita, mag-iingat ka at manatili kang malusog!"

--&--