webnovel

Kabanata 34

Kard's Pov

Noong gabi na, sa sofa nga ako pinatulog ni Raine. Sa sofa ng kanyang kwarto dito sa TKH. Kahit na lumipas na ang halos kalahating dekada, dito pa rin kami.

"Raine, can I talk to you for a moment?" she tucked our daughter in the bed.

Si Kari ang katabi niya matulog ngayon. Swerteng bata. Laging kasama ang mga magulang, tapos may yayo pa. Pero nagngingitngit ako na Daddy ang tawag niya dun. Yayo na lang sana. Hahaha!

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Umupo siya sa kabilang dulo nung sofa. Knowing her wala na ang tampo niyan sa akin. Kaya lumapit ako sa kanya para yakapin patagilid.

"Lipat na tayo ng tirahan?" she scowled at me.

"I like to be here." I sighed. "Pero hindi mo ba gusto mag-explore sa ibang lugar and meet new people para naman maiba?"

She shook her head. "Ayoko makakilala ng ibang tao, kuntento na ako dito, pero tingin mo, mas gusto mo ba na humiwalay na kayla William Lawrence or dito na lang tayo, mas masaya buhay pag nandito."

I smiled. I guess it's never the place she's in that is valuable to her, it's the people that she doesn't want to let go.

Retired nanaman si Raine, years ago sa pagiging head manager ng hotel, nanny and governess nung kambal na Von Dutch, and maging main inventor ng V.D. laboratory.

"Why? Ayaw mo na dito?" tanong niya.

Mistress' pov

He just smiled. "Kard, since ikaw naman ang tatay ni Kari at asawa ko, may karapatan ka naman magdesisyon, I just like being here. Pero I'm hoping na hindi mawawala ang connection natin with our friends and acquaintances here."

Naalala ko yung unang pagkikita ko kay Kard after so many years being apart.

"Mistress, si Kiolo Arden Saige nga pala."

I tried hiding myself sa likod ni Dimitri. I am still shy towards him. "Ah, hi hello! Bye!" kumaripas na ako ng takbo.

From that day on, parang lagi ko na nakikita si Kard. "Hi Raine!"

Napalulon ako ng laway, "Hi Kard." I am still very shy. Kahit na may nangyari na sa amin the day after ng birthday ko last time.

"You're so pretty." I looked up at him and noticed a white light sa likod niya. Akala ko nga anghel siya. Yun pala demonyo. Joke!

"Gwapo mo rin naman." Aalis na ako nang bigla niya na lang hawakan ang wrist ko at nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"Be my girlfriend." Wow! Utos yun, hindi tanong.

Since, ayaw ko ng conflict pa, I nodded my head. And now I wonder how is it noong si Alfred Beet ang naging boyfriend ko na parang ganito rin, nauwi sa sapilitan, eh iba. Maybe it's the way I responded or was it the way I reacted?

Nang mawala na ako sa pag-iisip sa aking nakaraan, napansin ko na hinahalikan na ni Kard ang leeg ko.

Kumunot ang noo ko at tinulak ko ang noo niya away from my neck gamit ang kaliwang kamay ko.

"What are you doing?" he lopsidedly smiled.

"I want another baby." Yan ang hirit niya palagi tuwing gusto niya ng bed scene with me.

"Ayoko, sakana." Tatayo na sana ako nang hilahin niya ako sa kanyang chest at napahiga siya sa sofa. Ako naman sa chest niya.

Naka-long night gown ako and wala akong bra sa loob. Like why would I make my boobies suffer while I am about to sleep?

"Gawa tayo baby." Gravity talaga siya.

I pushed myself towards him more. But I made both hands stand above his shoulders, towards the sofa.

"Are you sure?" Gusto ko kasi nasa taas.

He nodded. Noong hahalikan ko na siya, biglang may nagsalita. "Mommy, ang lamig, tabi ka na sa akin." I smirked at Kard.

"Sabi sayo, sakana."