webnovel

Chapter 2

CHAPTER TWO

RASHEEQA's POINT OF VIEW

"So what happened next? Hindi ka naman niya siguro sinaktan diba?" kunot noong tanong sakin ni Aiah. Yung manager ko.

Ngayong umaga niya lang nabalitaan ang nangyari sa akin kahapon sa dressing room. Wala naman talaga sa plano ko ang ipaalam sa kanya ang nangyari dahil alam kong mag-aalala lang siya at yon ang ayaw kong mangyari.

Kinuha ko ang tasa at ininom ang tinimpla niyang kape bago siya sinagot. "Anong gagawin ko? Paano kung bigla niyang malaman yung tungkol sa anak namin?" kinakabahan kong tanong.

Alam ni Aiah ang tungkol sa nakaraan namin ni Spruce. Kaya as much as possible, hindi siya pumapayag na magkaroon ako ng project na may koneksyon sa lalaking yon.

"Ang tanga mo din e." asik niya sakin pero nginusuan ko lang siya. "Dapat alam mo na aabot talaga tayo sa sitwasyon na 'to. Naalala mo noong nag-comeback ka sa showbiz? Sinabi ko na sayo na hindi malabong magtagpo ang landas niyo ng demonyong yon. Kilala siyang negosyante dito sa pinas at isa ka sa mga pinakasikat ngayon sa industriya. Did you get my point?" feeling ko sinisermonan na niya 'ko.

Pabagsak akong umupo sa sofa at sumandal. "Pero paano si Rasheen? Hindi naman niya siguro malalaman ang tungkol sa bata, diba?" hirit ko pero inirapan lang ako ng loka.

"Syempre hindi niya malalaman hangga't hindi mo sinasabi. Kaya nga natin sinikreto sa media para hindi niya malaman, diba?"

Kung may award lang siguro sa 'mataray na manager' paniguradong si Aiah kaagad ang best of the best. Tsk

"Mag-ayos ka na dahil may lakad tayo ngayon."

Napabaling ako sa kanya at kunot noong tinanong siya. "Saan naman yan?"

"Gusto kang makausap ni Direk Cole Sabuena para sa new project mo."

New project? Last week lang natapos ang shooting ko para sa previous project ko a. Anyway, bahala na.

"Hey ladies." Napatingin ako sa doorway nang pumasok si Paul kasama ang anak ko. "Ang aga-aga, tsismis kaagad ang inaatupag niyo." naiiling na puna ni Paul pero hindi ko na lang siya pinansin at pinuntahan si Rasheen.

"Good morning, my future." nakita kong aakmang yayakap na sana si Aiah kay Paul pero kaagad na hinarang siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa ulo niya. Matangkad kasi ang loko, tapos 'tong si Aiah naman, ewan ko na lang haha.

"Have you eaten your breakfast?" tanong ko sa anak ko sabay upo para magkapantay ang tangkad namin at inayos ko na din ang uniporme niya.

Si Paul ang taga hatid at sundo niya sa school kaya kampante akong walang masamang mangyayari sa kanya.

"I have secret to tell you, mom." sabi ni Rasheen at tumingin sa gawi ni Paul na kasaluluyang nakikipag-asaran kay Aiah.

"What is it, baby?" tanong ko.

Kaagad siyang lumapit sa tenga ko at bumulong. "Daddy Paul nearly burn our kitchen this morning. He's not really good at cooking, mom."

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang ang hindi matawa. Alam ko naman na hindi marunong magluto ang lokong 'yon kaya nga madalas akong magpadeliver sa bahay sa tuwing dito ako natutulog sa condo.

"Your daddy Paul were only practicing his cooking skills just to impress your mommy Aiah. Pagbigyan mo na lang si Daddy mo, huh?" malumanay kong paliwanag sa kanya kaya tinanguan niya lang ako at yumakap sakin.

Sina Aiah at Paul ang tumatayong mga magulang niya lalo na kapag nasa public kami. Kahit nasa murang edad pa lang si Rasheen, naiintindihan na niyang hindi niya pwedeng ipagkalat na ako ang totoo niyang ina sa mga taong kakilala niya. Ayoko kasi na pumasok siya sa magulong mundo na meron ako.

"I still have another confession to make, mom." sabi niya at napahiwalay sa akin ng yakap. "Promise me first not to get mad after." malambing niyang sabi tsaka pilit na ngumiti.

Tumango na lang ako kahit medyo kaduda-duda ang sasabihin niya.

"Kahapon po kasi..." medyo nag-aalangan pa siya

"Bakit? May nangyari ba sayo kahapon?" tanong ko sabay hawak sa magkabila niyang balikat.

"While I'm waiting for you sa pantry ng working place mo. I met a guy and he insults you mommy. That's why I can't help myself but to defend you and that's the reason why I accidentally told him that you're my mom." paliwanag niya at yumuko pagkatapos.

"Anong sinabi niya pagkatapos?"

"I already walk out bago pa siya makasagot."

Niyakap ko na lang si Rasheen at hinaplos ang likuran niya. "It's okay, baby. Mommy is not mad." malumanay kong sabi at muli siya iniharap sakin. "Tell your daddy Paul na magpapahatid ka na sa school. Ipapasundo na lang kita during your lunch break at sasabay ka kay mommy na kumain. Okay ba yon?" nginitian ko siya kaya ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng ngiti. "Ganyan dapat baby. Dapat smile ka lang para kasing ganda mo si mommy."

"Tapos na ba kayong mag-usap?" sulpot ni Paul kaya kaagad akong tumayo at binatukan siya. "Anak ng- what was that for?" angal niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"May plano ka talagang sunugin ang bahay ko, ano?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero mabilis siyang lumapit kay Rasheen at hinila ito palabas sa unit ko. "Male-late na pala 'tong anak ko. Mauna na kami, bye." sagot niya at wala pang isang segundo na nawala sa paningin ko.

"Bye mommy." dinig ko pang sigaw ng anak ko kaya napailing na lang ako.

"Sasabay na ako sa asawa ko at magkita na lang tayo mamaya sa studio para makapag-usap kayo ni Direk, okay?" sumunod na umalis si Aiah para sundan ang asawa niya kuno.

Hays.

Niligpit ko na lang ang mga tasa sa table na nandito sa living area tsaka dumiretso sa kusina. Hinugasan ko ang mga ito at muling bumalik sa living area.

Saktong biglang tumunog ang doorbell kaya mabilis akong pumunta sa pinto dahil baka may naiwan si Aiah o di kaya'y si Paul. Pero sigurado akong si Aiah 'to dahil siya lang naman ang burara sa aming tatlo.

"Siguraduhin mong importante ang-" bahagya akong napahinto nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. "Bakit ka nandito?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot at pumasok na lang sa unit ko nang hindi man lang nagpapaalam sakin.

"How's your sleep?" nakapameywang na tanong niya sakin habang nakatalikod at ini-inspeksyon na naman ang unit ko.

"Sabihin mo na ang pakay mo pero siguraduhin mong walang kinalaman dito ang proposal mo kahapon." seryoso kong sabi kaya napabaling siya sakin at ngumisi.

Hindi bagay sa suot niya ang ngising nakapaskil sa kanyang mukha.

"What about Rasheen? Did she sleep well?" tanong niya sakin na ikinabigla ko.

Bakit kilala niya ang anak ko?

"Who's Rasheen? Is she one of your girl?" sinubukan ko ang umakto ng maayos dahil kapag nalaman talaga nitong anak ko si Rasheen, paniguradong katapusan ko na.

"C'mon Rasheeqa." nagpakawala siya ng mala-demonyong tawa bago lumapit sakin. "Magiging child abuse ako kapag pati anak mo ay pinatulan ko." ngisi niya.

Muli na naman akong nakaramdam ng takot at kaba. Parang nanumbalik ang naramdaman kong takot, siyam na taon na ang nakalipas.

Is he really planning something against me? D-mn this jerk.