webnovel

Erzeclein Duology (Tagalog)

LiamWolfe18 · Fantasia
Classificações insuficientes
27 Chs

Ikasampung Kabanata

Kutsilyo't Tinidor

Ikasampung Kabanata

"Becca, tignan mo pa itong nakita ko." sabi ni Markie atsaka pinakita ang isang libro saakin. "Oh diba, ang wafu ng professor dati! Bongga, maling taon yata akong pinanganak." biro ni Markie. Bahagya ko siyang tinapik sa braso. Ito ang nagustuhan ko kay Markie. Kahit na nasa sitwasyon kami na hindi namin tiyak ang aming mga kaligtasan, nananatili paring siyang positibo sa lahat ng oras.

Habang nakatitig kami sa larawan, nabigla kami nang bigla na lamang may mga lumitaw na kasulatan doon. "Task Four, Hanapin ang libro." Nagkatinginan kami ni Markie. Aling libro ba ang dapat naming hanapin? Hindi ko inaasahan ay nawala ang mga sulat at napalitan ito ng iba pang salita. Ang nakasulat na ngayon ay "Spanish Era. Published, 2015."

"Anong gagawin natin?" tanong ni Markie saakin. "Baka kapag nahanap natin ang libro, nandoon ang dapat nating malaman." bigkas ko atsaka akmang isasauli na niya ang librong hawak namin kanina nang may makita akong pamilyar na pangalan sa may bandang ibaba ng larawan ng propesor kanina. "Patingin nga uli niyan." Kinuha ko mula sakanya ang libro atsaka muling tinignan ang mga larawan.

"Erginald Solomon?" basa ko. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sinulatan nila ito ng marker at tinakpan ng mukha. "You know the name?" tanong niya saakin. Tumango ako. "Naalala mo pa ba yung kinuwento ko sainyo? Yung tungkol kay Erzeclein at kay Erginald?" Pilit inalala ni Markie kung sino nga ba si Erginald.

"Yung scientist!" bigkas niya. Sumang-ayon ako sakanya. "Hindi mo ba naaalala? Ang hinahanap natin ay iba pang info tungkol sa nangyari, ten years ago!" sabi ko. "Ahh 'yun ba 'yon?" bigkas niya. Napailing ako. Pinipigilan ko nalang ang tawa ko.

"Kaya hali ka na. Hanapin na natin yung libro na iyon. Baka nandoon na ang kasagutan." sabi ko sakanya at ngumiti. "Pero, wait. Hanapin kaya muna natin sina Nathaniel? Kanina pa sila nawawala simula ng maghanap tayo dito." Sabi naman niya. "Sige. Tara na, Markie." Aya ko atsaka na namin iniwan ang libro.

Ilang sections ng library ang aming hinanap. Nakita namin sila sa Section 48 kung saan nakalagay ang iba pang documents. Linapitan namin ang dalawa. "May nahanap na kayo?" tanong ko sakanila. Umiling sila pareho. "May bago na namang task. Nakakaloka na 'tong mga tasks na 'to, ha! Ayoko na." bigkas ni Markie.

"Tungkol saan ang task?" tanong ni Nathaniel. "Kailangan nating mahanap ang libro na may pamagat na 'Spanish Era. Published, 2015.'" saad ko. "Saan niyo nakita?" tanong ni Ashley.

"I saw it this time. With my own two eyes. Sumulat mag-isa ang ink sa papel. Doon namin nalaman ang task." sabi ni Markie. "Ano namang kinalaman ng Spanish Era sa hinahanap natin? Years ago pa nang sakupin tayo ng mga espanyol." Curious na tanong ni Nath. "Remember, ang school natin ay nagmula pa noong spanish colony. Nag-undergo lamang siya ng renovation kaya nag-iba ang structures. Pero may mga pinanatili silang iba pang classroom, para daw it will serve as Philippine Heritage, mga artifacts." Sabi naman ni Ashley.

"Anyways, kailangan nating mahanap iyan. Mukhang importante, eh. Pupunta kami sa direksyon na ito, kayo naman ni Markie sa direksyon na iyon. Okay?" tuglong pa ni Ashley. Sumang-ayon lamang ako sakanya. "Wait." Natigilan kami nang tawagin kami ni Ashley. "Ang akala ko kasama niyo si Rinnah?"

"Hinihintay niya sina Jerome. Nandoon siya sa bukana ng library. Hindi siya sumunod saatin." sagot ko. "Okay." Maikling tugon niya atsaka na sila naglakad papunta sa ibang direksyon. Kami naman ni Markie ay nagpatuloy sa paghahanap. Muling lumitaw ang class picture sa sahig. Pinulot ko ito.

"Hindi parin natanggal si Lyneth dito. Kumikislap parin ang katawan niya." sabi ko kay Markie habang pinapakita sakanya ang picture. "Bumalik na muna kaya tayo?" aya ni Markie saakin. "Kakaiba na ang kutob ko, ikaw ba?" tanong niya saakin. Nararamdaman ko 'din ang tinutukoy niya. "Babalikan natin sina Nath pagbalik nina Lyneth." Sabi ko. Tumango lamang siya saakin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nagtungong muli sa entrance ng library.

--**--

Umalog ang iba't ibang kasangkapang pangkusina. Noong una'y inakala nilang lumilindol kaya gumagalaw ito pero nagkamali sila. Nahulog ang mga iyon at laking gulat na lamang nila na lumipad iyon papunta sa direksyon nila. Wala silang ibang nagawa kundi tumakbo sa direksyon ng pintuan ngunit nang nandoon na sila'y natagpuan nila itong nakakandado.

Yinugyog at sinubukang sirain ni Lyneth ang kandado ngunit siya'y nabigo. Papalapit na ang mga lumilipad na mga kasangkapan sa kanila. "Lyneth, sa likod mo!" sigaw pareho ng dalawang binata. Wala ng nagawa si Lyneth at tumusok ang kutsilyo sa kanyang kaliwang paa. Napasigaw si Lyneth sa sobrang sakit. Nagawa niya mang ilagan ang lumilipad na kutsilyo, hindi naman niya naiwasan ang tinidor. Lumabas ang dugo mula sa sugat na kanyang natamo.

Hinampas ng hinampas ni Jerome ang pintuan hanggang sa masira ang kandado nito. Sa isang saglit, ang mga nakatusok na kutsilyo sa pintuan ay nahulog sa sahig na para bang nawala na ang mga kumokontrol sa mga ito. Lumuhod si Jerome sa harapan ni Lyneth atsaka hinubad ang kanyang damit. Umiiyak na ngayon si Lyneth. Mahigpit niya itong itinali sa sugat upang tumigil ang pagdugo.

Matapos nito, nagtulungan ang dalawa upang mailabas si Lyneth sa cafeteria. Mabagal silang tumakbo sa mga corridors. Para bang hinahabol parin sila na kung ano, para bang may kakaibang nakasunod sa mga yapak nila. Unti-unti nilang naaninag ang liwanag na nanggagaling sa library. Nakatayo malapit sa pintuan sina Rinnah at Becca at mukhang kanina pa sila nag-aalala. Nawala na ang pakiramdam na para bang may sumusunod sila nang makalapit na sila sa mga kaibigan.

Pumasok sila atsaka kinandado ang mga pinto. Nagulat sila sa pagdating ng tatlo at nakita ang duguang si Lyneth. Marahan siyang pinaupo ni Jerome sa silya. "Ayos ka lang, ha?" alalang tanong ni Jerome. Kahit iniinda na niya ang sakit, tumango parin ito.

"Guys pakikuha yung First Aid ko diyan sa bag na dala niyo." sabi naman ni Becca. Kaagad na kinuha ni Jack ang first aid sa bag na nakasakbit sa balikat niya na nagkataong pag-aari pala ni Becca. Tinanggal ni Becca ang itinaling damit ni Jerome atsaka pinunasan ang dugo. Ibinuhos niya ang bethadine sa sugat at idinampi ang bulak. Pagkatapos ay muli niya itong tinali ng mahigpit.

Ngumiti si Becca sakanya na para bang ipinapahiwatig na magiging ayos lang ang lahat. "Salamat, Becca." tugon nito. "Teka, bakit kayo-kayo lang? Nasaan si Ashley?" tanong ni Jack. "Baka naghahanap parin ng background info about sa nangyari 10 years ago. Kasama niya siguro si Nath." sabi naman ni Mikee.

"Tawagin niyo na nga. Mas mabuting magkakasama tayo." sabi naman ni Becca. Ilang saglit pa, dumating si Ashley. May hawak-hawak itong isang libro at nakayuko. Tahimik lamang siya noong una ngunit pagkatapos ng ilang segundo, binagsak niya ang libro atsaka nagumpisa siyang tumawa ng nakakakilabot.

"Wahahaha! Wala ng makakaalis ng buhay rito! Hahaha! Sama-sama kayong mamatay rito!" sigaw niya. Mukha itong sinapian ng masamang espirito. Nagdikit-dikit kami at natipon sa isang sulok. Nag-umpisa na siyang lumutang sa ere at takot na takot ang ibang kasamang babae ni Becca.

Nang magkasikipan ang lahat, may naramdamang basa si Becca sa kanyang bag. Doon niya napagtanto ang isang bagay. Dali-dali niyang kinalkal ang kanyang bag at doon nakita ang bote ng holy water. Sa kamamadali niya'y nahulog niya ito sa sahig. "Pulutin niyo ang holy water!" sigaw ni Becca. Mabilis itong pinulot ni Rinnah atsaka tinapunan si Ashley. Nailagan niya ito.

Patuloy lang siya sa pagtapon ng holy water hanggang sa bumagsak ang katawan ni Ashley sa sahig. "Dalian niyo! Kunin niyo siya at itali sa upuan." sabi naman ni Mikee. Kaagad siyang binuhat ni Jack at Jerome at itinali sa upuan. "Guys, nakita niyo ba kung nasaan si Ash-" Hindi na natapos ni Nathaniel ang kanyang sinasabi nang makita niya si Ashley na nagwawala sa upuan.

"Pagbabayaran niyo ito kapalit ng mga buhay niyo!! Wahahaha!" sigaw ng nasasaniban na si Ashley. "Akin na." Inagaw ni Becca ang holy water mula kay Rinnah. "Lumayas ka sa katawan ng kaibigan ko! Sa ngalan ng ama, ng anak, at ng espirito santo, Amen!" sigaw niya sa hangin habang winiwisikan ng holy water si Ashley. Tumigil ito sa paggalaw atsaka nawalan ng malay.

Napaupo nalang si Mikee at ang iba pa matapos ang nangyari. Bakas sa mukha nila ang patuloy paring takot. Lumapit si Jack sa libro at pinulot ito. "Spanish Era. Published, 2015." Basa niya atsaka pinakita ang libro sa iba pa niyang kasamahan. Binuksan niya iyon at inilapag sa mesa. Sina Jerome naman, binuhat si Ashley sa lamesa para makahiga ito ng maayos.

"Sa panahong hindi pa sakop ng teknolohiya ang lahat ng bagay, itinayo ang eskwelahang ito ni Don Iñigo. Ang mga tagapagturo ay mga madre at ang mga kwarto ay makaluma. May mga lumot ang mga dingding at nakakatakot ang tunog kapag binubukas ang mga pinto." ang basa ni Mikee.

Tinuloy ni Rinnah ang pagbabasa. "Maraming madre ang lihim na pinatay dahil sa mga nawawalang estudyante. Hindi parin lubos maintindihan kung bakit biglang naglaho ang mga estudyante."

Binasa ni Becca ang kasunod. "Kaparehong insidente ang nangyari noong 2015. Apat na estudyante ang nawawala kabilang sina Lyza Mitchell, Markie Severino, Lyneth Mandrado at Becca Rosales. Labis na pinarusahan si Ma'am Carmelita ng dahil dito. Hindi naglaon, sa paghahanap niya sa mga estudyante, tuluyan na itong nabaliw at nagumpisang pumatay, para lang may mailagay siya sa class picture niya. Ang sino mang pinapatay niya ay kinakain nito ang mga laman ng mga biktima. Pinatay siya ng mga pulis dahil sa ayaw niyang sumuko. At bago ito tuluyang namatay, may ibinigkas itong mga salita sa wikang espanyol na ang ibig sabihin, "Lahat ng titingin sa class picture, papatayin niya."" May kakaiba silang tensyon na naramdaman. Ang sumunod na nangyari ay narinig nila ang pagsigaw ni Markie. Nakita nila itong para bang kinakaladkad sa sahig at lumusong sa kadiliman.

Isa-isa nilang isinigaw ang pangalan ni Markie. Hinabol siya ni Jack, hinila ang mga paa nito. Laking gulat nalang niya nang magkasugat ang dibdib ni Markie, atsaka tumalsik ang dugo sa mukha niya. Nabitawan siya ni Jack atsaka siya tuluyang hinila sa kadiliman.

Napahawak nalang si Becca sa bibig niya habang ang iba ay nagumipsa ng umiyak. Hindi nila alam ang gagawin. Naguguluhan. Nagbabakasakali na makakalabas pa sila ng buhay sa lugar na iyon.

Becca's POV

Hindi ako makapagsalita sa nangyari. I accidentally grasped my mouth at napahawak sa dibdib ko. Napaupo nalang ako at nagumpisang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

"He's dead." sabi ni Rinnah atsaka pinakita ang class picture saakin. Magkatabing nakaupo si Liza at Markie sa upuan. Sari-saring emosyon ang namuo saakin. Hindi ko na alam ang gagawin. Nangako akong maliligtas si Markie pero huli na. Hindi ko siya nailigtas. Nabitawan ko ang class picture. Sa sobrang galit ko, lumusong ako sa dilim.

"Becca!" rinig kong sigaw nila. Lumapit ako ng lumapit. Hanggang sa halos wala na akong makita. Ramdam kong nakasunod saakin si Jack. Inilawan niya ang paligid.

"Ano! Tutal gusto mong kunin ang mga buhay namin, unahin mo na ako! Patayin mo na ako! Napakaduwag mo! Lumabas ka diyan at harapin mo ako!" sigaw ko atsaka nalang napaupo. Nahilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Hinimas ni Jack ang likod ko para pakalmahin ako.

Ilang saglit pa, tumambad sa harapan ko ang katawan ni Markie. Nakamulat ang mga mata at duguan ang katawan. Wala na akong nagawa kundi umiyak. Isinara ni Jack ang mga mata nito.

"Becca. Huwag kang susuko. Kung hindi mo man nagampanan ang pangako mo kay Markie, gawin mo para kay Lyneth. Kanina muntik na siyang mamatay." sabi saakin ni Jack. Napayakap nalang ako sakanya sinuklian niya naman ito ng yakap niya. "Tahan na, makakalabas tayo rito. Pangako." sabi niya atsaka hinimas ang likod ko.

Binuhat ni Jack si Markie hanggang sa makalabas kami sa dilim. Tahimik lang akong naglakad kasunod. Ang iba napatakip nalang ng mukha, nang makita ang katawan ni Markie. Binalot ng lungkot ang buong silid, na para bang tanging iyak lang nila ang maririnig.