webnovel

Eroplanong Papel - Ikalawang Paglipad

Pagtuntong namin ng highschool, parehong eskwelahan pa rin, sa unang tatlong taon, we maintained what friendship we have. We maintained the closeness... the things we do...magkasabay pa nga kaming pumunta sa school, sabay mag lunch at sabay ring umuwi. Kahit pa may kanya-kanya kaming kaibigan at hindi na kami magkaklase, halos hindi man lang naapektuhan nun yung pagkakaibigan namin. Tuwing weekends, nagsasalitan kami sa pagpunta sa bahay ng isa't-isa para magbonding...movie marathon, foodtrip, soundtrip, laughtrip at review review rin ng lessons minsan.

Hindi rin nawala ang pagpapalipad namin ng eroplanong papel. Ginagawa pa rin namin. Ganun pa rin. Mauuna siya at susunod ako. At pareho pa rin kami ng airport.

It was only during our senior year that some changes occured.

Dahil na rin siguro sa mga school activities and responsibilities, isama pa yung pressure na dala ng senior year, halos hindi na kami makapagbonding. Naging matabang ang matamis naming pagkakaibigan.

Hanggang napansin na rin ng ibang mga kaibigan namin na hindi na nga kami nagkakasama ni Karen na dati-rati naman daw ay magkasabay kami sa halos lahat.

"Break na kayo ni ganda, bro?" tanong sakin noon ni Carl na kumakain ng isang bar ng Choco Mucho habang nagrerecess kami.

"Sinong ganda? Saka anong break?" takang tanong ko.

"Naks naman. Padeny-deny pa. Kuma-Kathniel? Awat na, pati KathNiel umamin na kaya" sabad ni Coleen, tomboy kong katropa. "Yung magandang chix na kasama mo lagi."

"Yung sa 4-A. Yung tisay. May bangs. Basta maganda. Sexy pa nga eh." pahabol naman ni Regie.

"Ano nga pangalan nun? Karmen? Karlyn?" tanong ni Oscar na kinakagat-kagat pa ang straw ng softdrinks nya.

"Si Karen?"

"Yun! O, nyare na? Break na kayo?"

"E mga gunggong pala kayo eh! Bestfriend ko yun mga ulul! Break-break pinagsasabi nyo dyan?"

"Ahh. Bestfriend." tumatango-tangong sabi ni Regie. "Sa panahon ngayon, ano na ba ang ibig sabihin ng salitang 'bestfriend' , Carl?"

"Ahem," may paubo-ubo pa tong si Carl. "Dating magsyota na nagkasawaan na ngunit ayaw malayo sa isa't-isa, para di mabigyang malisya ang closeness nila sila raw ay..."

"BESTFRIENDS!" sabay sabay na sagot nina Regie, Coleen at Oscar.

"Dalawang taong alam nila sa mga sarili nila na may feelings sila para sa isa't-isa pero takot mag commit kaya sila raw ay ano lang?" tanong ulit ni Carl.

"BESTFRIENDS!" sabay ulit na sagot nung tatlo.

"Ex na ayaw tuluyang mawala sa buhay ng ex niya, gustong may opinyon pa rin sa buhay-buhay ng ex niya kaya siya ay nagiging?"

"BESTFRIEND!"

"O kaya naman dalawang taong may malanding ugnayan na in denial kala mo artista, ayaw umamin, tinalo pa ang KathNiel at LizQuen kaya pag may nakakitang sweet sa isa't-isa, para di mabigyang malisya ulit sila raw ay mag-?"

"BESTFRIEND!"

"At ito matindi," medyo hininaan pa ni Carl ang boses niya at seryoso akong tiningnan. "Isang tao na may gusto pa sa isang tao na hindi sigurado kung gusto rin ba siya ng taong yun, natatakot masira anumang meron sila kaya itong taong to ay pinipili na lang na maging..."

"BESTFRIEND!"

"So," inakbayan ako ni Regie. "Anong klaseng bestfriend ka, bro?"

Sira na mga tuktok nitong mga to! Kung ano na pinagsasabi eh.

"Dyan na nga kayo! Mga gung-gong!!!"

At kinantiyawan pa nila ako nang kinantiyawan habang naglalakad ako palayo sa kanila. Ang mga buwisit kong kaibigan.

Nung hapong yon, magkasabay kaming umuwi ni Karen. Naglakas loob na akong yayain sya habang kausap yung iba niyang kaibigan. Ewan ko, pero dahil na rin siguro sa pangangantyaw ng mga ungas sakin kanina ay narealize kong na-miss ko ang bestfriend ko. Sobra.

"Bes, sorry pala," sabi niya nung naglalakad na kami. Medyo malapit lang kasi yung eskwelahan mula samin kaya nilalakad lang namin.

"Para saan naman?" tiningnan ko siya.

"Eh halos di na tayo magkasama eh. Naturingan pa namang bestfriend kita pero hindi kita masamahan. Sorry talaga."

"Hmm." sabi ko na kinakamot-kamot pa ang baba. "Nasusukat ba ang pagkakaibigan ng salitang 'magkasama'?"

Napahinto syang maglakad kaya napahinto na rin ako. I turned to look at her only to see her looking at me. Whatever questions she had in mind which her mouth found hard to say, her eyes easily gave away. Kaya nilapitan ko sya.

"Pag ang dalawang tao ba na may malalim na pinagsamahan, kapag hindi na magkasama hindi na ba magkaibigan? Nawawala na lang ba yung pinagsamahang yun?" tanong ko.

Mukha siyang nag-iisip at nung makahanap na ng sagot, she opened her mouth to speak pero nung palabas na ang mga salita mula sa bibig nya ay di ko maintindihan kung bakit hindi nya itinuloy.

Napayuko na lang siya.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hay bes," I said smiling then I tapped her head gently. "Ang pagkakaibigan ay kailanman hindi masusukat ng salitang 'magkasama'. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tungkol na lang sa salitang 'magkasama'. Kundi sa salitang 'pinagsamahan'. Matatapos lang kapag kinalimutan na ang pinagsamahan. Tandaan mo yan. Hindi man gaya ng dati na halos oras-oras ng araw-araw ay magkasama tayo, magkaibigan pa rin naman tayo. Matalik na magkaibigan. Andito lang ako lagi para sayo. At alam ko rin naman na andyan ka para sakin."

Pagtapos ng mahabang litanya ko, inalis ko na ang kamay ko sa ulo nya at nung tingalain niya ako ay seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

Nagkatinginan lang kami. For a moment, walang nagsalita.

Hanggang sa nakita kong ikinuyom niya ang kanang kamao niya, itinaas at itinapat sa may kaliwang dibdib sabay sabing: Hugot.

At binatukan ko nga.

"Tangina kala ko ano na sasabihin mo! Siraulo ka rin Karen eh." sabi ko sa kanya at bumalik na sa paglakad.

Kinamot na lang niya yung parteng binatukan ko at tumawa.

"Nakakabilib kasi, eh! Ang galing humugot! Ayieee...ayieeee..." sumunod sya sakin at nang maabutan na ako ay pinagtutusok ako ng daliri sa may tagiliran para kilitiin ako. Panay ang iwas ko pero di papatalo kaya binatukan ko ulit.

"Pero in all fairness ha", sabi niya nung makapag move on na sa pangingiliti. "Gusto ko yung sinabi mo. Ang pagkakaibigan hindi nasusukat ng salitang 'magkasama'. Kundi ng 'pinagsamahan'. Hanep! Kailan ka pa natuto nyan? Nagkakalaman na talaga utak mo, bes! " pang-aasar pa niya.

"Ewan ko sayo. O eto piso maghanap ka ng kausap mo."

"Ay suplado agad ni koya. Teka nga," hinawakan niya yung isang braso ko kaya napahinto na naman kami sa paglalakad.

"O ano na naman ba?" saad ko sa boses, na alam kong alam niya, na peke ang pagkairita.

"Gusto mo na ba talagang umuwi?"

"Kung ililibre mo ko sa Starbucks, ayoko pa umuwi."

"Ay ambisyoso si koya. Mag Nescafe 3-in-1 ka na lang. Yung Brown n Creamy para yummy! Pa-Starbucks-Starbucks ka pa. Tara na nga balik tayo." tumalikod siya at naglakad pabalik sa dinaan namin kanina. Pabalik sa school. Hindi pa kasi kami masyadong nakakalayo.

"Balik sa? School?" huli na nung narealize kong antanga ng tanong ko kasi alam ko naman yung sagot. Sinundan ko siya.

"Yips," she answered smiling.

"O bakit tayo babalik?"

"Maaga pa naman eh. Wala akong panlibre sayo kaya tumambay na lang muna ulit tayo sa school. Kasi nga..." tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin. "Miss kita." ngumiti sandali, tumalikod at naglakad na siya pabalik.

Ewan ko... pero... ang saya ko nun. Ang sarap sa pakiramdam. Parang may kumiliti saking kung ano at nang sundan ko na ulit sya sa paglakad at tabihan siya, ngiting-ngiti na ako.

I can remember that we did a lot of catching up. Pero mas tamang sabihin na, andami niyang kinuwento. Nag-update siya sakin ng tungkol sa buhay niya at hinayaan ko lang siya. Nakinig lang ako at pareact-react lang minsan ng kung ano basta nakakatawa para mas maganahan siyang magkwento. Masaya lang akong nakinig sa kanya. Masaya lang akong maya't-mayang pasulyap-sulyap sa kanya. Masaya lang akong katabi ko siya. At masaya ako dahil na-miss niya ako sabi niya.

Naupo kami sa isang bench, nakaharap sa oval field kung saan may mga estudyanteng naglalaro ng soccer. Mga athletes yata ng school na nagpapractice.

Mukha namang naubusan ng kuwento si Karen kaya natahimik bigla. Napakalapit ng distansya namin sa isa't-isa kaya amoy na amoy ko yung pabangong minahal na yata ng ilong ko dahil simula first year kami ay itong scent na to ang gamit nya. Ambango. Masarap sa ilong.

Pasimple ko siyang nilingon. For a long moment, nakatingin lang siya sa field. I stared at her. Nakangiti siya pero tipong may iniisip. Habang ako, siya ang iniisip.

Tama yung mga hayup kong kaibigan na sina Carl, Regie, Coleen at Oscar. Maganda si Karen. Matagal ko naman nang alam yun eh. Gung-gong lang ang di magagandahan sa kanya. Kahit nga bakla sinasabihan siyang maganda siya eh. Kaya maraming nagkakagusto. Freshmen pa lang kami ay may mangilan-ngilan nang mga maaga kung lumandi ang nangungulit na manligaw sa kanya.

Nung kinuwento niya nga kanina na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang tinatanggap na manliligaw, nakahinga ako nang maluwag.

Bakit? Basta nung nagtanong ako kung may nanliligaw na ba sa kanya at pabiro kong dinagdag na babangasan ko kung sino man yun, while waiting for her answer, I held my breath. At nung sumagot siya ay nakahinga na ako.

Concerned bestfriend?

Anyways, kung marami mang nagkakagusto kay Karen ay hindi na nakakagulat at nakapagtataka. Hindi sila masisisi.

For some weird reason, naalala ko yung pangangantyaw sakin nung mga bugok.

Bestfriend. Gaya ng huling depinisyon ni Carl, isa raw taong may gusto sa isa pang tao na hindi sigurado kung gusto rin ba siya o magugustuhan ng taong yun, natatakot masira kung anumang meron sila kaya pinipili na lang maging...

Hay.

Yun ba ako bilang bestfriend?

May gusto ba ako kay Karen?

Wala akong gusto?

Nanatiling nakatingin siya sa may field na animo sinusundan ang bawat isang paa sa bola ng soccer. Nanatili rin akong nakatingin sa kanya at muling tinanong ang sarili ko: May gusto ba ako sa kanya?

Ewan.

Siguro.

Baka.

Wala yata.

Basta.

Nagulat ako nang biglang lumingon sa gawi ko si Karen. Awtomatikong nag-iwas ako ng tingin at umarteng naka focus sa soccer practice sa field.

"G-galing nila no?" sabi ko pa. Ewan ko ba at nagpanic ako. Tingin lang naman yun eh. Ano naman kung nahuli niya ako? Bata pa lang kami, nagtititigan na kami. Kaya dapat sanay na ako. Pero bat ganto ako? Bat ganun yung reaksyon ko?

Tangina.

Pero kung nagulat akong nahuli niya akong nakatingin sa kanya, mas nagulat ako nang kumapit siya sa may braso ko at idinantay ang ulo sa balikat ko. Sa sobrang gulat ko nga, parang nanigas ang katawan ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan yun dahil yun ang unang pagkakataon na lumakas ng sobra ang kabog ng dibdib ko. Na para bang gustong lumabas ng puso ko mula roon. Nasa malawak na area kami noon pero pakiramdam ko nakakulong ako sa isang kahon na napakakitid. Masikip sa pakiramdam. Maliit. Ang hirap huminga. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam. Ang hirap pero... parang gusto ko naman.

"Tanda mo pa ba, bes? " sabi niya, nakadantay pa rin ang ulo sa balikat ko. "Yung promise mo sakin bago tayo grumaduate sa elementary?"

"Ah...o-oo." nagawa kong magsalita pero hindi naitago ng boses ko na nahihirapan ako sa di malamang kadahilanan. I just hoped she didn't notice it. "Syempre naman." dagdag ko.

"Ganun pa rin ba? Wala pa rin bang nagbago?"

Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya.

Sometimes, changes happen very instantly. And instant changes can cause other changes. Sometimes, even drastically.

Sasabihin ko ba sa kanya na sa di ko maipaliwanag na dahilan ay dahil sa kanya, sumisikip ang dibdib ko? Na nahihirapan akong huminga dahil ang lapit-lapit niya sakin? Na magkadikit kami? Sasabihin ko ba ng walang pag-aalinlangan na, may nagbago. Na matagal na rin siguro nang mapansin kong may nagbago pero pinilit ko lang na di kilalanin at wag aminin sa sarili ko yung damdaming yon dahil baka yon ang sumira samin? Na may nagbago sa mga tingin ko sa kanya. Na iba na ang pagtingin ko sa kanya. Sasabihin ko ba?

Pag sinabi ko, may magbabago naman ba? Maganda o pangit na pagbabago? Baka pag sinabi ko sa kanya, layuan niya ako bigla at masira ang pagkakaibigan namin.

Isipin pa lang ang huling yun, masakit na.

Hindi ko kaya.

Kaya nung tingalain niya ako, inalis ang ulong nakadantay sa balikat ko at ang mga kamay na nakahawak sa braso ko habang nag-aabang ng sagot...

"Ano bang tanong yan, bes. Syempre. Wala. Gaya nga ng sabi ko sayo kanina, hindi man na tayo nagkakasama gaya ng dati, walang nagbago at walang mababago. Dahil ang pagkakaibigan ay-"

"Hindi nasusukat ng salitang 'magkasama' kundi ng 'pinagsamahan'."

Napangiti na lang ako nang siya na mismo ang tumapos sa palusot ko.

"Oo," sagot ko. "Tama. Kaya tara na at umuwi." akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako.

"Hephephep. Not too quick." binuksan niya ang bag niya at may kinuha. Naglabas siya ng dalawang piraso ng papel. "Its paper airplane time! Rak na dis beybeh." dagdag niya pa na halos magpatawa sakin at nagpawala ng bigat na nararamdaman ko.

That sure brought back a lot of memories. Matagal-tagal na rin nang huli naming ginawa yun.

"O, ano game na?" tanong ko nang matapos ko na ang eroplanong papel ko.

She chuckled lightly before answering.

"Bago natin paliparin ang mga eroplanong to eh, I want to make a promise. Ikaw yung gumawa dati ng promise nung elementary tayo, this time ako naman." mataman niya akong tinitigan at habang nakangiti, idinagdag niya, "Walang magbabago."

Yun lang ang sinabi niya at saka tinanguan ako. Hudyat na paliliparin na niya ang eroplano niya at tulad ng dati, susunod ako.

That was our way of sealing a promise to one another.

She threw her plane into the calm air then a second later, I followed and thought walang magbabago... wala. Dapat wala.

At iyon ang unang pagkakataon simula nung mga bata kami, na nailang ako sa pagpapalipad ng eroplanong papel. Unang pagkakataong nabigatan ako sa pangakong dala ng eroplanong papel.

Just like the old times, where her plane landed, mine landed on the same spot. Katabi nung kanya. Gaya ng dati, nag takeoff ang mga eroplano namin mula sa iisang airport at naglanding sa iisa pa ring airport.

Walang nagbago.

At walang magbabago.