webnovel

Eroplanong Papel - Ang Pagbagsak

Yun ang isinaisip ko sa isang nakakailang na lakad kasama siya pauwi sa mga bahay namin.

Hanggang sa oras ng pagtulog ko, tungkol dun pa rin ang iniisip ko. Yun at siya mismo.

Siguro nga talaga, matagal nang may nararamdaman ako pero hindi ko lang inamin sa sarili ko. Dahil na rin siguro sa takot na kapag inamin ko na sa sarili ko at hindi ko mapigilang aminin sa kanya, yun pa ang maging dahilan ng pagkawala niya sakin.

Gaya na lang ng pagbagsak ng eroplanong papel ko sa airport niya, ang puso ko, bumagsak sa kanya. Mahal ko si Karen. Siya ang airport ng puso ko.

Ang malungkot nyan, dahil sa ipinangako niya, na walang magbabago sa aming dalawa, imposibleng maging ako rin ang airport ng puso niya. Isa lamang akong matalik na kaibigan para sa kanya. Hindi nagbago. Walang magbabago.

Tama ang desisyon ko na wag sabihin sa kanya nung tinanong niya ko. Walang nagbago. Walang magbabago.

Sana…

"Uy, bes!" natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Karen. I was so deep in thought that I didn't even notice na nakalapit na siya sakin. Mag-isa. Tumingin ako sa lampas sa may balikat niya para hanapin kung nasan na yung kasama niya.

Ayun si Ronnie, kausap ang isa pang college student.

Nginitian ko si Kareen habang palapit siya nang palapit at naupo sa tabi ko.

"Andito ka lang pala. Sabi mo kanina magba-banyo ka lang eh." magkasama kasi kami sa canteen kanina nung lunch. Dumating si Ronnie sakto nung tapos na akong kumain at tumabi sa kanya. Nag-usap silang dalawa at ang rude na makinig ako kaya gumawa na lang ako ng excuse para maiwan sila. Para bigyan sila ng alone time.

Para hindi ako maging sadista at masokista sa sarili ko. Dahil tuwing makikita kong masaya siya kasama si Ronnie, na napapatawa siya nito, may kumukurot sa puso ko. Masakit.

Hindi ako sumagot at hindi tinanggal ang mga ngiti ko sa mga labi. Pekeng ngiti. Ayokong makita niya na malungkot ako.

"Bat natulala ka na dito? Kanina pa ko kumakaway sayo eh pero parang di mo ko nakita." sabi niya.

"Ah...eh... wala. May iniisip lang. Hehe."

"Wala ka bang klase? Anong ginagawa mo rito?"

"Mamaya pa klase ko," pagsisinungaling ko. Kapag nalaman niya kasing hindi ako aattend ng klase eh pagagalitan niya ako.

She eyed me suspiciously. Alam siguro niyang may pasok ako. Pero tumango na lang siya.

"Nagpapahangin lang ako dito," sabi ko. "May mga bata dito kanina na nagpapalipad ng mga eroplanong papel. Nag-enjoy akong panoorin sila. Kaya eto, andito pa rin ako. Haha." ang pangit pala sa pakiramdam na pinpeke ko lang nang pinipeke ang mga ngiti ko at pinipilit na tumawa. Dapat ngayon, sanay na ako. Kasi may katagalan na rin na ginagawa ko to.

Cliche of cliches na nainlove ako sa bestfriend ko na kahit kailan ay hindi ako ituturing na higit pa sa kaibigan. A brother maybe, but more than that? Not happenin. I think.

Kasi nga siya na mismo ang gumawa ng promise. Na walang magbabago sa pagitan naming dalawa. Hindi ako ang airport ng puso niya. Kaya nagi-guilty na rin ako. Lahat ng ngiting ipinupukol niya sa akin ay genuine. What did I do in return? God, I'm so pathetic.

"Kar!" boses ni Ronnie. "Naiwan ko I.D ko sa canteen. Hintayin mo ko dyan ha."

"Sige!" sagot naman ni Karen. "Dalian mo male-late na tayo!"

Patakbong umalis si Ronnie.

"Kamusta na pala kayo nun?" tanong ko na nakanguso sa direksyon ng likod ni Ronnie.

Magkablock sila ni Kareen. Pareho sila ng course. Magkasama sila halos araw-araw. Halos oras-oras. Buti pa sila. Buti pa si Ronnie.

Hindi ko mapigilang mainggit. At mainis sa sarili ko dahil nagseselos ako kay Ronnie dati pa. Crush siya ni Karen bago pa man siya manligaw.

Nung kinuwento nga sakin noon yun ni Karen, parang bawat salita ay isang malaking martilyo na pumupukpok sa puso ko. Durog. Basag. Sira.

Lalo pa nung sinabi niya na gusto raw nitong manligaw sa kanya. At idagdag niyang gusto niya itong bigyan ng tsansa. Kasi gusto niya ito. Ang sakit. Sobra.

Pero nagtanong muna siya sakin kung okay ba na magpaligaw siya kay Ronnie. It touched my heart that she wanted my opinion, or more like my consent on that. Ang sarap sa pakiramdam kahit papano sa isiping kung ano sabihin ko ay mahalaga sa kanya.

I should've said no. Really.

But who am I to interfere on her life like that? Who am I to say 'no' when her eyes told me it'd make her glad if I say 'yes'?

Sino ba ako?

Isa lang naman akong taong may gusto sa isa pang tao na hindi sigurado kung gusto rin ba ako o magugustuhan man lang, natatakot na masira kung anong meron kami kaya pinili na lang manatiling... bestfriend.

Kaya sabi ko sa kanya, sige. Dahil alam kong gusto niya at masaya siya.

Alam kong posibleng si Ronnie na ang sa tingin niyang makapagbibigay saya sa kanya. Yung ibang tipo ng saya na hindi abot ng limitasyon ng sayang maibibigay ng isang kaibigan. Posibleng nakita niya kay Ronnie ang isang taong mamahalin niya ng higit pa sa kaibigan o kapatid. Dumating sa buhay niya ang isang taong posibleng sabihan niya ng 'I love you'. Tatlong salita. Walang dagdag na 'as a friend'. I love you. Period.

"Ahmm," naramdaman kong nag-alinlangan siyang sagutin ang estado ng panliligaw sa kanya ni Ronnie. "May gusto muna akong sabihin sayo bago ko sagutin yang tanong mo. So, pengeng papel." dagdag niya at inilahad ang palad.

"Papel? Para san?" takang tanong ko. "Haha. Wala akong papel. Alam mo naman na isa akong mabuting estudyante na umaasa lang sa mga kaklase pagdating sa papel."

"Hay nako John Nate kailan ka pa kaya magbabago?" naiiling na lang niyang binuksan ang bag niya at naglabas ng notebook. Binuklat niya ito sa may pinakadulo at pumunit ng dalawang piraso.

"O, may papel ka naman pala ah." hindi niya pinansin ang sinabi ko at inabot sa akin ang isang papel na kinuha ko naman agad.

"You know what to do?" she asked smiling. Yung malapad na ngiti na mas pinapaliwanag pa ang maganda niyang mukha, mas pinagaganda ito. Ngiti na pang kaibigan.

I sure know what to do. Nang walang tanong-tanong ay nagsimula na ako sa pagtupi sa papel. Sa tagal na ginagawa ko to, kahit nakapikit ay kaya ko na. We're gonna fly paper airplanes today.

"Bes", sabi niya habang nagtutupi kami ng kanya-kanyang mga eroplano. Napatingin ako sa kanya ng bahagya pero tuloy lang ako sa pagtupi. "Nung 4th year tayo di ba medyo nagkalayo tayong dalawa ng biglaan? Di ba medyo matagal rin bago nung magkasama tayo ulit?"

"O, tapos?"

"Sinadya kong umiwas sayo nun eh."

This time she really got me curious. Napatigil ako sa ginagawa ko at bumaling sa kanya. Nakayuko lang siya at tuloy lang sa ginagawa. Bat nya ako iniwasan noon? At sinadya niya? Bakit? Hindi pala dahil busy lang talaga siya nung mga panahong iyon?

"Nakakatawa to," pagpapatuloy niya, a hint of hesitation in her voice. "Nagkagusto ako sayo noon."

Pakiramdam ko biglang tumigil sa pagtakbo ang oras. At tumigil ang mundo. Nawala lahat ng bagay, ingay at tao sa paligid. Siya at ako. There was only the two of us and that 'Nagkagusto ako sayo noon' echoed in my head.

"Sinadya kong umiwas kasi, sa araw-araw na magkasama tayo noon, lumalalim nang lumalalim ang nararamdaman ko para sayo. I looked at you and saw you more than a 'bestfriend'. And I felt guilty for it. Na parang nagiging isa akong traidor sa pagkakaibigan natin. Alam ko kasi na isa lang talaga akong kaibigan sayo. Bilang kapatid na babae maximum level na yun. Kaya dumistansya ako." she paused for a second and raised her head. Then I flinched when she reached for my hand. "And I'm glad I did. Kasi kung fineed ko ang kalandian ko nun, baka mawala sakin ang isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Baka mawalan ako ng bestfriend. Alam mo bang nung nagpalipad tayo ng mga eroplanong papel, nung nangako ako sayong walang magbabago, dala ng eroplanong yun ang pangako ko sa sarili ko na I will let go of my feelings for you. And that I will not lose my bestfriend. See?" she lifted our entwined hands, eye level. "I managed to keep my bestfriend. I still have my bestfriend. I still have you."

Kitang-kita ko ang kakaibang saya sa mukha niya. Purong saya. Walang halong katiting na pagsisisi. Habang ako, isang bagay lang ang nasa utak.

Putangina naman.

Nangyari palang naging ako ang airport ng puso niya? At gaya ng kung paano kami magpalipad ng eroplano, pano nauuna siya at nauunang bumagsak ay naunang siyang mahulog sakin at naamin sa sarili niya ito?

Putanginang putanginang putangina talaga!!!

Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang ekspresyon sa mukha niya nung hapong yon bago siya mangako, nang tanungin niya kung wala pa rin bang nagbago. Naaalala ko ang pag-aalinlangan ko. Kung naging totoo sana ako at sinagot siyang meron...na may nagbago... putangina talaga.

"Ano ba yan bes," nabalik ang diwa ko nang magsalita sya ulit at pakawalan niya ang kamay ko. "Hindi mo pa tapos airplane mo! Hays. Akin na nga. Bumabalik na naman tayo sa elementary days eh." agad niyang kinuha yung papel sa isang kamay ko at itinupi ang mga dapat na itupi para makagawa ng isang eroplanong papel.

Kung sinabi ko... kung nilakasan ko ang loob ko noon...

Mas pinahalagahan ko kasi ang pagkakaibigan. Pero tangina. That was just sugarcoating what really happened. Ang totoong tawag sa ginawa ko? Kaduwagan.

I worried too much about possibilities. I worried damn much about what I might lose, what might be gone and what-ifs.

Now I am being tortured sick by the thought of what could have been. Had I been brave enough and confessed, what could have been...of me...of us.

Minumura ko lang ng minumura ang sarili ko habang malungkot na pinapanuod siyang tapusin ang eroplano ko. Batang-bata pa kami nang mangyaring siya ang gumawa ng eroplanong papel ko.

Naalala ko tuloy yung batang babae kanina. Si Janellie. Pareho kami na kinailangan ng tulong ng iba para makagawa ng isang maayos na eroplanong papel. May umulit nung ginawa namin para samin. May umayos ng mali namin.

Hay. Buhay nga naman.

Ang mga desisyon natin sa buhay ay hindi parang mga eroplanong papel na kapag mali ang pagkakatupi ay pwedeng buklatin at ayusin ang mali saka ituping muli ng maayos. Na kung hindi natin alam kung ano ang gagawin para maayos ang maling tupi, may ibang mag-aayos para satin.

Sa totoong buhay kasi, kapag nakapagdesisyon na tayo at binitawan na natin ang desisyong iyon, imposible nang hatakin pabalik kapag narealize nating may mali sa ginawa nating desisyon.

Very unlike a paper airplane that when folded the wrong way, it's easy to unfold then fold again the right way. A wrong decision is a wrong decision.

And its not right to make other people correct whatever mistakes we did, clean up the mess we made or fix ourselves. The ones that can, and should fix ourselves are only ourselves.

Life can never be a paper airplane that we can adjust when something isn't right. We don't adjust life. We adjust to life.

Pinili kong maging isang bestfriend kahit pa araw araw na naging torture ito sa sarili ko. Nagdesisyon akong maging isang duwag. And the outcome of that kaduwagan? Inis sa sarili. Pagsisisi. The way I should adjust with this is to regret it for quite a time. Then accept it.

"O eto na bes," inabot niya sakin ang eroplano at bumilib ako sa sarili ko nang makaya ko pang ngumiti. "Itong mga eroplanong to, magdadala pa rin ng parehong promise. Walang magbabago. I will always be here for you. And I hope you will do the same thing. Kailangan ko ng suporta mo. Lalo pa ngayon." she left it hanging for a moment then, "Papasok na ko sa relasyon bes. Sasagutin ko na si Ronnie. Mahal ko na siya."

Tangina na naman eh. Saklap no?

Ansama sa pakiramdam. Daig ko pa kinurot ng nail cutter. Parang may kung anong pinipiga sa loob ko. Napakasakit eh. Patong-patong na. Sa sobrang sakit.. Tingin ko maiiyak ako. If it hurts so much and one wants to bring out the pain through crying, then cry. Wag pigilan.

Pero ang saya-saya ni Karen. Why should I shed a tear for her smiles? How can I cry over something that makes her this happy?

Inakbayan ko lang siya.

"I'm with you all the way bes. Wag ka lang sasaktan nun." anong magagawa ko kundi pekein na naman ang ngiti ko sa kanya? Hay. "O ano? Bago pa dumating yung jojowain mo paliparin na natin?"

Natawa lang sya ng bahagya at tumangu-tango. We're both ready to throw our paper airplanes.

Isang pangako na naman ang dala.

Walang magbabago.

Marami ng nagbago eh.

Ang pagpapalipad namin ng eroplano nung Elementary, katuwa. Nung Highschool, kailang. Ngayong College… kaiyak.

Ahead, there are a few people. Naglalakad-lakad. May isa pa ngang papunta yata sa may direksyon namin. Di ko makita yung mukha dahil nakayuko. Baka matamaan sya nung eroplanong paliliparin namin.

Pero parang di man lang iyon napansin ni Karen at nakaready nang maghagis ng eroplano niya. Una naman siya lagi sa pagpapalipad eh. And when she did, nang nasa ere na ang eroplanong papel niya, biglang umihip ang hangin, pero agad pa rin akong naghagis ng eroplano ko. Na kahit sa pagsabay ng hangin sa eroplanong papel ko ay alam kong babagsak sa parehong puwesto kung saan bumagsak ang eroplanong papel ni Karen. Na kahit sumama ang ihip ng hangin ay safe na maglalanding ang mga eroplanong papel namin sa iisang airport. Na kahit may Ronnie na sa buhay niya, ay umaasa pa rin akong sa akin siya babagsak.

Pero. Nakita ko kung paanong unang bumagsak yung eroplanong papel niya habang nasa ere pa yung akin... nagpatuloy sa paglipad, paglutang kasabay ang hangin hanggang lumagpas sa pwestong pinagbagsakan ng eroplanong papel ni Karen...

Hindi na kami pareho ng airport.

Pero hindi iyon nakita ni Karen dahil dumating na si Ronnie at nagmadali na sila dahil talagang late na para sa klase nila.

Hindi ko na rin nakita kung saan bumagsak yung eroplano ko dahil natakpan nila Ronnie yung vision ko. Pero sigurado ako. Lampas sa binagsakan nung eroplanong papel ni Karen. Hindi na talaga kami pareho ng airport.

Malungkot ang ngiti sa mga labi ko habang sinusundan ko silang dalawa ng tingin.

Magiging sila na. Si Karen at Ronnie. 'Sila' ang naging outcome ng duwag kong desisyon noon. And now I have to adjust to it.

Syempre hindi ko maiiwasang mainggit kung makikita ko sila na magkahawak kamay at iisipin kong kung naging mas matapang lang ako, ako sana ang humahawak ng kamay ni Karen, nagpapatawa sa kanya... may monthsary na sini-celebrate at nagbibigay ng regalo sa kanya...kung naging matapang ako... Ako sana mahal niya.

Magsisi man ako, mainggit at malungkot, temporary lang naman yun alam ko. Masaya si Karen at alam kong darating ang panahon na magiging totoong masaya ako para sa kanya at balik sa walang pekean ang lahat.

I just have to keep in mind that at least, I kept my bestfriend. Matatanggap ko rin balang araw na hanggang dun lang yun. Na hindi ako ang airport ng puso niya.

At ako naman gaya ng nangyari sa pinalipad kong eroplano kanina...

"Hoy!" nagulat ako nang may sumigaw at nasa harapan ko na. Si Fennella. "Ikaw nagpalipad neto?!"

"O bat naman?"

"Bat-bat ka dyan? Antanda mo na nagpapalipad ka pa ng mga ganto. Like, duh. And that thing called tang-ina? Gago ka tinamaan ako sa dibdib nitong eroplano mo. Grr. Kainis ka! Ibalik mo yung kape ko at naaantok ako ayan eroplano mo! Nyeta ka." hinablot niya mula sa gilid ko yung kapeng ibinato niya sakin kanina na nakalimutan ko na. Tapos padabog na binato niya sakin yung eroplano ko.

At tinamaan ako sa may dibdib.

...darating ang panahon na babagsak rin ako sa ibang airport.