webnovel

Eridian Valley

Jhonashley · Ficção Científica
Classificações insuficientes
4 Chs

CHAPTER 1 - NEW GUINEA

CHAPTER 1

[Tunog ng alarm clock]

Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko. Agad ko itong pinatay at agad na binuksan ang aking laptop para tumingin ng balita. Habang nag i-scroll ako ay na patigil ako sa isang article na may title na `Cannibal Disease', babasahin ko palang ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Kuya ano na mala-late na tayo." sigaw ni Migo kapatid ko.

"Ito na maliligo na sandali lang" tugon ko.

Bumangon na ako at hinanda ko na ang mga gagamitin ko sa school bago maligo.

[New Romantics ~ Taylor Swift] habang hinahanda ko ang aking mga gagamitin.

"Baby, we're the new romantics Come on, come along with me." habang sinasabayan ko ang kanta nya bigla nanamang kumatok si Migo para paalalahanan ako.

"Kuya darating na ang sasakyan bilisan mo na handa ko na yung pagkain." Migo.

"Oo na eto na." tugon ko habang sinasabayan ng indak ang kanta.

Natapos na ako sa paliligo at nag bihis pababa nadin ako ng makasalubong ko si Migo sa hagdan.

"Nandito na yung driver." sabay abot ng aking baon.

"Sige halika na." sabay kuha ng baon.

Ako nga pala si Russel Alec Salvador, nag tataka kayo kung bakit may service kami ano? Ayaw kasi kaming bigyan ng magulang namin ng sasakyan dahil wala pa "raw" kami sa wastong edad. Nako huwag kayong maniwala kuripot lang talaga sila. Sa dinami-rami ng kanilang businesses at pera nila sa bangko ay hindi parin nila kami mabilihan ng sasakyan.

Habang nasa sasakyan ako ay sinilip ko muli yung article na nakita ko kanina.

"A mysterious disease is spreading today in the Papua New Guinea, the infected is apparently starving from the human flesh or animal flesh. According to the study they can got it by eating pork that has been stored for a long time ...""Sir nandito na po tayo." Sabi ng driver namin.

"Kuya tara na." Migo.

"Maraming Salamat po manong Rudy." Sambit ko habang pababa ng sasakyan.

Habang nag lalakad ako papunta sa aking classroom ay napa isip ako sa nabasa ko kanina, posible ba na magkaroon ng zombie? Legit ba yung nabasa ko? baka hoax news lang yon hindi ko naman alam kung saan or sino ang source non.

Nang makarating na ako sa room ko at akmang pa-upo na ako ay bigla akong nilapitan ni Lexa.

"Hoy Russel nabalitaan mo naba yung virus na kumakalat? nasa pinas na raw eh hindi ko alam kung totoo yon." Tanong nya sakin.

"Huh? Anong virus?" tanong ko.

"Ito oh –." Bago paman nya maipakita sa akin ay bigla nang nag ring yung bell at saktong dating ng professor namin.

"Ano bayan mamaya nangalang." Padabog syang umalis. Napangisi nalang ako bilang tugon sa kanya.

Isang oras ding nag turo itong professor namin, pero walang napasok sa utak ko dahil iniisip ko parin yung sa article na nabasa ko at yung sinasabi sa akin ni Lexa na kumakalat na virus.

Pagkatapos ng klase namin ay recess na hinintay kong pumunta sakin si Lexa ngutin parang nakalimutan na nya na may ipapanood s'ya sa akin. Kaya naman pumunta nalang ako sa cafeteria para bumili pa ng pandagdag sa baon ko.

Habang nakapila ako ay naririnig ko ang bulong-bulungan tungkol sa virus na kumakalat "raw". Pagkabayad ko sa isang Mountain Dew at isang Sandwich ay pumunta na ako sa isang bakanteng upuan.

Wala akong masyadong kaibigan dahil hindi ako sanay makipag-usap sa mga tao at ayoko din na nakikipag salamuha sa kanila. Ilang sandali lang ay lumapit sakin Migo kasama ang kaibigan nya para mag paturo sa isang subject nya.

"Kuya patulong naman kami dito masyadong mahirap 'to." Migo.

Kunuha ko ang papel at libro nya at sabay turo sakanya habang ako ay kumakain mga twenty-five minutes rin ang tinagal ng pag tuturo ko sa kanila. Nang matapos na ako sa pagtuturo ay sumakto rin ang pag ring ng bell indikasyon na kailangan nading pumasok sa susunod na subject.

Habang naglalakad ako papunta sa aking room nakasalubong ko ang dalawang teacher at narinig kong pinag uusapan nila ay kung paano ang mga studyante dito.

"Paano natin sasabihin sa mga bata? Pauuwiin naba natin sila?" unang guro.

"Ay nako mamaya na yan tara na sa conference room." pangalawang guro.

Narinig ko 'yon dahil sa bagal kong maglakad, teka ano ang sasabihin nila bakit kami papauwiin? Naguguluhan na ako sa mga nangyayari kaya naman dumiretsyo na ako sa aking classroom.

Dalawang professors na ang nakakapag turo ng biglang mag ring ang fire alarm at biglang nag salita ang aming Principal mula sa speaker sa labas ng classroom.

"Iniuutos ko na isarado ninyo ang mga pintuan nyo at walang mag bubukas hanggang wala akong sinasabi." utos nito na parang nangangatal ang boses.

Agad namang isinarado ang pintuan lahat kami ay nag tataka kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko si Migo.

"Kamusta ano ang nangyayari?" tanong ko na may halong pag-aalala.

"Kuya hindi ko din alam e basta ang balita ko lang dito ay nagkakagulo raw sa labas ng gate." sagot nya.

"Oh, sya mamaya nalang" tugon ko.

Napatigil kaming lahat ng may marinig kaming mga sigawan mula sa first floor sobrang lakas ng sigawan. May mga naririnig din kaming nahingi ng tulong. Lahat kami sa loob ng kwartong 'yon ay hindi makapagsalita tanging hangin lang mula sa aming mga hininga ang inyong maririnig.

Kinuha ko ang akin telepono at agad na tinext ang aking kapatid "Anong nangyayare huwag kang lalabas mag tago ka mamaya mag kita tayo sa likod ng school." pagkatapos kong i-send ang message itinago kona ang cellphone ko sa bulsa at bumalik sa kinaroroonan ko.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay biglang lumagabog ang pintuan ng aming classroom, isang malakas ng kalabog na nasundan ng sunod-sunod na hampas na tila'y gustong sirain ang pintuan.

Nananatili parin nakatigil at halos lahat ay nabigla sa mga nangyayare. Ilang minuto lang ay napansin namin na parang masisira na ang pintuan kaya naman nag sigawan ang mga babae naming kaklase di nag tagal ay tuluyan nang nag bukas ang pintuan wala kaming kaalam-alam sa mga nangyayare, nag mamadaling mag sipasukan ang mga studyante nasa labas at agad na sinunggaban ang mga classmate ko na nasa harapan lang ng pintuan.

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano punitin ng babae ang balat ng classmate ko gamit at kanyang mga bibig, napatayo ako sa kina uupuan ko at agad pumunta sa fire exit ng classroom ko agad kong binuksan ang bintana at ibinaba ang hagdan.

Agad akong lumabas habang nilalantakan nila ang mga classmates ko. Isinara ko ang bintana upang hindi nila ako masundan, umupo ako sandali para tawagan ang kapatid ko, nakailang paring ako sa kanya ngunit hindi nya ito sinasagot.

Pasado ala-siete na ng mapag pasyahan kong pumunta na sa pinag usapan namin ng kapatid ko, dahan dahan akong lumakad upang walang makarinig at hindi ako habulin ng mga yon.

Ilang minuto akong nag lalakad at sa wakas ay naka punta ako sa likod ng school ng walang nangyayareng masama saakin. Marahil nasa harapan ng school ang lahat ng tao kaya wala masyadong mga halimaw sa kinaroroonan ko.

Mag iisang oras na pero wala padin ang kapatid ko at hindi nyarin sinasagot ang mga tawag ko kaya naman napag disisyonan ko na puntahan sya sa kanyang classroom mag babakasakali ako na nandoon sya.

Habang nag lalakad ako ay bigla kong narinig ang mga kakaibang tunog na pawang patungo sa akin, nang bigla ay may nakita akong isang tao na tumatakbo patungo sa direksyon ko.

"Kuya takbo!" sigaw ng ni Migo habang hinahabol sya ng isang dosenang

Agad naman akong napatakbo patungo sa gate ng school, ilang segundo lang ang layo nya sa mga halimaw na humahabol sa kanya, ng makalabas nasya ay agad kong isinara ang gate upang hindi na sila makalabas pa.

Ang labas ng likod ng school naming ay hindi masyadong matao kaya naman sigurado akong walang mapapadpad na mga halimaw dito.

"Bakit hindi ka nasagot sa tawag ko" nag aalala kong tanong sa kanya

"Hindi ka maniniwala sa nangyare sakin alam mo ba kuya-." nag eenjoy na pagsasalita nito

"Mamaya mo na ikwento kailangan nating maka uwi" pag pigil ko sa pag kukwento nya.

Kinuha ko ang cellphone nya at tinawagan ko si mang Rudy naka dalawa nang ring ngunit wala pading nasagot kaya napag disisyonan ko na pag ang pangatlong ring ay wala padin hahanap ako ng paraan para maka-uwi kami ng ligtas ni Migo.

"Hello sir Russel nasaan kayo? Kamusta kayo? susunduin ko kayo bago ako pumunta sa pamilya ko" tuloy-tuloy na tanong ni mang Rudy.

"Mang Rudy nandito kami sa likod ng school sunduin nyo po kami dito" pag mamakaawa ko sa kanya

"Sige po nasa gilid ako ng 7/11 tabi ng school, papunta na po ako sir" sambit nya.

Ibinaba kona ang telepono at nag intay sa pag dating ni mang Rudy, ilang minuto lang ay na aninag ko na ang ilaw na nag mumula sa sasakyan namin. Kumaway ako upang maging signal sa kanya, agad kaming sumakay sa kanya. habang nasa byahe kami ay ikinuwneto sa amin ni mang Rudy kung anong nangyare. ayon sa daw sa balita may nag emergency landing sa NAIA na eroplano galing sa japan dahil ang japan ay apektado na ng nasabing sakit.

Isang oras din ang naging byahe namin dahil sa mga nag kalat na na halimaw at mga taon na nag hahabulan hindi na naming nagawang tumulong dahil wala kaming sandata o ano mang pang patay sa kanila. ng makarating na kami sa bahay nag paalam nadin si mang rudy na pupuntahan nya ang pamilya nya nakiusap din sya saamin na gamitin nya ang sasakyan pang evacuate din sa pamilya nya.

Pumayag naman kami para nadin sa pag sundo nito saamin nag paalam na ito, dali dali kaming pumasok sa loob at bahay nilock naming maiigi ang gate dahil alam naming na kakalat ito sa buong lugar na ito, dumiretsyo ako sa sala upang buksan ang T.V para manood ng balita, ayon sa balita kalahati na ng Luzon ang na aapektuhan ng sakit na ito kaya naman inuutusan lahat ng mga mamamayan na mag kulong sa bahay para na rin sa sariling kapakanan.

Dumiretsyo ako sa kusina at kinuha lahat ng stocks upang dalhin sa bunker, hiningi ko na din ang tulong ni Migo, para nadin maging handa kung pasukin man kami ng mga halimaw. natapos na naming dalhin ang mga pag kain sa loob ng bunker meron na din doong pag kain ng mga sundalo in case na tumagal pa ang pag lagi naming doon. Tinawag ko na si migo sa sala upang kumain at pag katapos ay matutulog na kami.

Pag ka tapos naming kumain ay inutusan ko na syang matulog dahil gabi na, napag pasyahan ko din na icheck lahat ng mga mapapasok ng mga halimaw, ng matapos ko na i-check lahat dumiretsyo na ako sa aking kwarto at chineck ko din ang aking cellphone nakita ko na nag e-mail si daddy.

"Russel. Anak we're here at… and we're safe… go to the bunker and hide, all you need is in there, be safe both of you and protect your brother. I/we don't know how long this will take. You know that me and your mom loves both of you. May we meet again. Don't bother to reply on this one, all you need to do is be alive. ~ dad"

Ano ba kase ang nangyayare, bumaba ako para uminom ng tubig, habang nasa kusina ako ay narinig kong parang bumukas ang gate, dali dali akong pumunta sa pintuan para silipin kung ano ang nangyayare sa labas. Nakita ko na may mga pumapasok na mga lalaki na pawang mga armado, habang nakatitingin ako ay biglang lumingon sa kinaroroonan ko ang isa sa kanila at agad itong nag paputok ng baril, dahilan ng pag tumba ko, agad silang nag punta sa dereksyon kung saan ako ngayon, ako naman ay tumakbo papunta sa hagdanan para puntahan si migo ng biglang may nag salita.

"Nasaan ang bunker ninyo?" ani ng isang lalake na paki wari ko'y ito ang kanilang leader

"Ano po'ng bunker? Hindi ko po alam ang inyong sinasabi" nag mamaang maangan kong sagot

"Wag kanang mag maang maangan alam ko na alam mo yon kailangan namin yon para maka survi-." biglang nailig ang pag sasalita nya dahil sa sunod sunod na putok baril patungo sa kinatatayuan nila.

Nakita ko si migo na pinauulanan nya ng bala ang mga lalake habang ito ay bumababa, isa isang nagsi tumbahan ang mga ito, agad akong hinila ni migo patungo sa bunker, habang nag papaputok din ang iba sa mga lalake na hindi natamaan, nang makapasok na kami ay agad na isinara ni migo at pinindot ang red na button at agad itong sumara.agad kaming bumaba para pumunta sa main room kung nasaan ang mga gamit namin.

"Ang galing mo don ah" sabi ko kay migo

"Ayos ba?" sabi nya habang natawa

"Teka saan galing yang baril mo?" tanong ko ulit

"Ah eto? Ak-101. Kay daddy to kinuha ko lang kanina, ang hirap ngang gamitin e" pag yayabang nya

Tumawa nalang kaming parehas, bata palang kami ay tinuruan na kami ni daddy gumamit ng mga baril incase daw na mag karoon ng gulo tulad nito, nakalimutan ko ang cellphone ko sa kwarto ko, kaya naman pumunta ako sa communication room kung saan nandoon ang mga computer. sigurado ako na hindi makakapasok ang mga yon ditto dahil sobrang tibay ng pintuan ng bunker at pati nadin ang security system nito. hindi ko lang maisip kung bakit nila alam na may bunker kami.