webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Urbano
Concluído · 556.3K Modos de exibição
  • 54 Chs
    Conteúdo
  • Avaliações
  • NO.200+
    APOIO
Sinopse

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Tags
2 tags
Chapter 1Prologue

Bumagsak sa sahig ang mangkok at plato nang mabitiwan niya ang tray. Nagkalat ang mga piraso ng kanin at ulam na hinanda niya para sa lalaki.

Napahawak siya sa bibig at napasandal sa pader. Ang bilis ng tibok ng puso niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita ng mga mata.

Mariin siyang pumikit nang lumakad ang lalaki. Mabibigat ang yabag nito na papalapit sa direksyon niya.

"What did you do?" sigaw nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay nabasag na ang kaniyang eardrums dahil sa lakas ng boses ng lalaki. Galit na galit ito kaya lalong nanginig ang kaniyang mga tuhod. Unting-unti na lang ay babagsak na siya sa kinatatayuan.

Marahan niyang dinilat ang mga mata at tumingala sa lalaki. Hindi niya maunawaan ang tanong nito sa kaniya. Kakarating niya pa lang sa kuwarto nito at wala siyang ibang ginawa.

"Wala." Nanginginig ang kaniyang labi na sumagot sa lalaki.

"Get out!" sigaw muli nito.

Lalabas na sana siya subalit hindi naman niya maigalaw ang mga tuhod dahil patuloy pa rin iyon sa panginginig.

Hinawakan nito ang braso niya at kinaladkad siya palabas. "I told you to knock before you enter!"

Napasalampak siya sa sahig nang bitiwan siya ng lalaki. Nanginginig man ay pinilit niya pa rin ang sarili na tumingin dito. Naging halimaw na ang lalaking kaharap dahil sa sobrang galit nito!

Mayamaya lang ay binagsakan na siya nito ng pinto kaya tuluyan na itong nawala sa paningin niya.

'Iyon ba ang tinatago nito?'

Tumayo siya at pinahid ang luha sa pisngi. Ngayong alam na niya ang bagay na iyon, parang gusto niya nang umalis sa lugar.

Você também pode gostar

Bite Me (Sexy Monster Series #1)

Erin was grieving from her broken heart when a vampire prince unexpectedly came out from her closet. Matapos mabasted ng kanyang childhood friend ay nagpaka-emotera si Erin at humiling sa isang wishing well. “Sana magkaroon na `ko ng lovelife. Gusto ko `yung pinakagwapo. Pwede na’ng kamag-anak ni Johnny Depp. Pinakaseksi, dapat may matitigas na six-packs abs at pumuputok na biceps. Ayoko ng hairy ah, kadiri! Dapat hindi mabuhok ang bulbo—este ang chest! Higit sa lahat bigyan mo `ko ng pinakanakaaakit na lalaki sa buong mundo. `Yong kaiinggitan ako ng mga bilat, ex-bilat at half-bilat sa planet earth!” Sabi nga nila: “Be careful what you wish for because you just might get it.” Paggising ni Erin the next day, wala na siyang suot na saplot at katabi ang isang estranghero. “My name is Vlad, I’m a vampire prince from the Kingdom of Transylvania. From now on you’re mine.” ANO RAW?! Mukhang nagkatotoo nga ang wish niya! Pero hindi lang isang ubod ng gwapong lalaki na may nagmumurang abs at pumuputok na biceps ang binigay sa kanya ni Lord. Kundi isang possessive na bampira na ubod nang manyak! Ito ay isang masayang kwento na puro landian at kagatan! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut DISCLAIMER: This novel carries themed like violence, crime, drugs, malicious content, sexual and horror. Read at your own risk. [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee ”Anj Gee Novels” Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like Anj Gee's FB Page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Urbano
4.9
43 Chs

The Billionaire's Contracted Wife [Tagalog]

***COMPLETED*** The straightforward nature of a contract was completely upended when Tanaga encountered Ashley. His desires extended beyond simply wanting her to be the mother of his heir; he also sought her as a romantic partner in his bed. CEO Tanaga Jones, a billionaire who has always been single and uninterested in having a woman in his life, soon had a change of heart when he crossed paths with Ashley Gusman. Tanaga, who needed an heir for his empire, was adamant about not wanting a wife. Ultimately, he made the unconventional decision to enter into a contract with a woman to bear him a child, and that's when Ashley Gusman entered the picture. ***~*** Ashley Gusman, a determined young Filipina, was driven by her sole ambition to provide a better life for her family. She was willing to go to great lengths to achieve this goal, even taking on the role of a surrogate mother for a Billionaire Heir. If you want to chat with me and have some questions. Join me at Discord. Link below: https://discord.gg/CwtEzBG ==== Other books by the Author: 1] I Accidentally Married a CEO [Completed] 2] The President's Daughter: Royal Whirlwind Romance [Completed] 3] Torn Between Twin Brothers [On-going] Please! Check it out and support it by voting and gifts. ************ Disclaimer: This novel’s story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

AJZHEN · Urbano
4.8
423 Chs

AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

LadyGem25 · Urbano
4.8
131 Chs

Avaliações

  • Taxa Geral
  • Qualidade de Escrita
  • Atualizando a estabilidade
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo
Opiniões
Gostava
Mais recente

APOIO