webnovel

Enchanted Academy

They are all waiting for her. They are all hunting her. She is the hope of everyone in the whole forest. She's the savior. She's their everything.

Jessa_Altarejos · Fantasia
Classificações insuficientes
20 Chs

Chapter 17

Chapter 17

The Unwanted Trace

Bakas ang takot sa mga mata ng mga immortal na nakakasalubong ko. Kahit ako ay kinakabahan sa balitang kumalat ngayon. May namataang patay sa likod ng akademya at ang ikinababahala ko ay isa ito sa mga mag aaral dito. Pugot ang ulo at labas ang lahat ng laman loob.

Dumiretso ako sa opisina ng presidente dahil siya lamang ang alam kong pwedeng may paghinalaaan dito. Naabutan ko si Amel ang sikretarya ni Ezekiel na kausap si Dean. Yumuko ako bilang paggalang nang tumingin sila sa aking gawi. Ngumiti naman sa akin si Amel  at para namang naghihintay si Dean ng sasabihin ko. Muli akong tumingin kay Amel para masabi na ang aking pakay.

"Nasaan ang presidente?"

"Kasama siya ng mga royal guards sa pag iimbestiga sa nangyaring krimen sa kagubatan sa likod ng Academy" tumango ako sa kaniya at tumalikod na.

Balak ko sanang pumunta rin sa likod ng academy pero wala pa man ako sa gitna ng aking daraanan ay hinarang na ako ng mga alagad ni Ellen. Napairap ako sa kawalan dahil ngayon niya pa talaga napiling sumabay sa kabila ng nangyayari. Pinalibutan nila ako habang nakangisi, I'm not scared anymore... Let me rephrase that, I can't even feel scared when it comes to these cockroaches.

"What now?" I asked them boringly. May pumalakpak ng dalawang beses sa kung saan kaya sila nagbigay ng daan pero para lamang pala ipakita ang reyna nila.

"Sup bitch?" Napangiwi ako dahil doon.

"Are you pertaining to yourself?" Dinig ko ang singhapan sa paligid.

Napansin ko na dumadami na ang mga nagdaratingan na immortal sa paligid. Lahat ay mukhang interesado. Ramdam ko ang panganib na darating sa akin kaya madali ko iyong hinarang. Lumutang sa kawalan ang apoy na dapat ay tatama sa aking mukha.

"How dare you!" Tumigas at nabalot ng yelo ang kamay niyang dapat ay lalapat din sa aking mukha. Napabuntong hininga ako, baka si Ellen pa ang maging unang training individual ko. Bakas ang gulat sa kaniyang mga mata.

"What's her name again?" Tumingin ako sa mga alipores niyang nag yelo din ang mga paa sanhi ng di nila pag alis sa mga kinatatayuan nila.

"She's Queen Ellen!" Tumango tango ako at ibinaling muli ang tingin kay Ellen. Tunaw na ang yelong bumalot sa kamay niya ngayon habang ang mga mata naman ay nabalot ng galit. I can sense fire balls running from my behind getting on my back. I quickly swished it away and turns it into ash. Kusang tumaas ang sulok ng labi ko doon.

"Yumayabang ka na ha! Porket alam mong kakampihan ka ni Kiel! Para sabihin ko sayo lampa, naaawa lang sya sayo pero sa akin pa rin ang bagsak niya!"

Huminga ako ng malalim at unti unting pinakawalan ito. Tumingin ako sa paligid at nakita ang mga immortal na wari ko'y nagugustuhan ang napapanood.

"You can have him, I don't even want him getting my side he does it voluntarily and by the way, Queen doesn't suit on you" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at bumalik sa kaniyang mukha.

"So do you? Huh!? Nobody even know your name and Queen does suit my name, its Queen Ellen" umirap siya sa akin. Halata sa kaniyang mukha ang pagkapikon.

"Wala ka pang korona feelingera ka na" tumawa ako ng peke at hindi ko inasahan na may sasabay sa aking pagtawa. Naramdaman kong nagyelo ang kalahati ng katawan ko pero mabilis ko iyong tinunaw.

"And about my name, I keep it lowkey because that's how I wanted it to be... Hindi mo nanaising malaman ang nasa loob ng pangalan ko"

Kailangan ko ng umalis, masyado ko ng inuubos ang oras ko sa mga walang kwentang ito. Ginamit ko ang hangin kong kapangyarihan para paalisin sila sa daraanan ko at itinali si Ellen kasama ang mga alipores niya gamit ang ugat ng mga puno. Kusa namang nag aalisan sa daraanan ko ang iba pang mga immortal. Bawat isa sa kanila ay may hindi makapaniwalang ekspresyon pero binalewala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

"You're cool, I was about to save you from there but I was mesmerized by your attentive senses... Its amazing, really" napatingin ako sa gilid kung nasaan si Quin. Hindi ko siya napansin siguro ay dahil okupado na rin ang utak ko.

"I know" patuloy lamang ako sa paglalakad habang siya naman ay sumasabay sa akin.

"So... Where are we going?"

"We?" Tumango siya kaya nagtaka ako.

"I'm going with you, I promise you remember? This will be my mission starting from now" oo nga pala.

"May nangyaring pagpatay sa isa sa mga nag aaral dito at may hinala akong ang mga mononggo ang may gawa nito, nagpaparamdam na sila"

"Really? So that's the reason why Valentina suddenly wants every vampire to attend the training" tumango tango pa siya sa sarili.

"Maybe she's suspecting too"

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang likod ng academy. Pero hindi pa man kami nakakalapit sa pinangyarihan ng krimen ay hinarang na kami ng mga guards. Bawal magpapasok ng kahit na sino sa loob ng crime scene.

"Quin" pagtawag ko sa atensyon niya. He looked at me innocently.

"Yes highness?"

"Can you hypnotize them?" I badly want to know who's behind the killing. Tumango siya sa akin at tumingin sa mga guards. Nakita ko ang pagpula ng mata ni Quin at ang pag ikot niyon.

"Don't look at my eyes your highness" agad akong lumihis ng tingin sa mga mata niya.

Baka pati ako ay ma-hypnotize niya. Lumipas ang ilang minuto at bigla na lamang tumaob ang mga guards. Nauna na akong maglakad kay Quin at namataan ko naman agad sa hindi kalayuan si Ezekiel. May kausap siyang mga lobo at napansin kong nandoon din si Recko. Inilibot ko ang mga mata ko at namataan ang bakas ng dugong naiwan sa damuhan. Nilapitan ko iyon at balak sanang hawakan.

"Don't put any inch of your skin to that blood, I can smell poison inside it" babala ni Quin kaya pinakatitigan ko ang dugo at napansin ang kakaibang hitsura niyon. Para makasigurado ay sinigatan ko ng kaunti ang aking braso at tiningnan ang kaibahan sa dugo ko at dugo ng immortal.

"Anong ginagawa mo!?"