webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · Adolescente
Classificações insuficientes
26 Chs

Kill #4

Nagpatuloy sa pagluluto nang kanin at adobong baboy si Shella. Habang ang tamad na si Eyz ay balik sa dating gawain, nakadapa sa kama, nakasuot ng earphone at nanonood nang mga music video nang favorite kpop boyband niya— ang Exo.

Ganito lang naman ang ginagawa niya kahit no'ng nasa bahay pa siya nila. Mahihiga lang sa kama at manonood nang MV. Tamad si Eyz, hindi magandang ugali 'yon pero gano'n siya e, walang magawa sila Akiro at Ariela dahil masyado nilang na-spoiled si Eyz, kaya hindi nakakapagtaka na kung umasta siya ay parang Senyorita.

"Matagal pa ba 'yan?" Nakasimangot na tanong nang Senyorita na si Eyz, ang demanding niya sa totoo lang.

"Saglit na lang." Hindi tumitingin kay Eyz na sagot ni Shella. Baka mairapan niya lang si Eyz kapag nakita niya ang mukha nito, hindi niya gusto ang nangyayari sa kaniya, pero ano nga bang magagawa niya? Ginusto niya 'to e, kailangan niyang panindigan.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Nakatingin pa rin sa cellphone na tanong ni Eyz. Hininaan niya na ang volume kaya naririnig niya si Shella.

"Shella Andrea Sanches." Pinatay ni Shella ang stove at naghanda nang pagkakainan nila. At siyempre dahil tamad si Eyz ay hindi siya tumulong.

"Ah… Sasas." Natigil si Shella sa ginagawa at tumingin kay Eyz. Tama ba ang rinig niya? Sasas? Pangalan 'yon ng junk food 'di ba? Ginagawan ba siya nito nang walang kwentang nickname?

"Sasas?"

"Oo, bakit may angal ka?" Wala na namang kwentang sagot ni Eyz.

Oo. 'Yan sana ang gustong isagot ni Shella, pero dahil ayaw niya nang away ay iba ang sinagot niya. "Hindi naman. Nagtataka lang ako, kung bakit Sasas." Ang hirap magtimpi kapag si Eyz ang kausap mo, kailangan mo talaga ng sampung drum nang pasensya.

"Isipin ko kung gusto mo, 'yun ay kung may isip ka." Napapikit si Shella dahil sa unti-unting pagnipis nang pasensya niya. Nakakaubos nang pasensya ang mga sinasabi ni Eyz, at maikli lang ang pasensya niya kaya naman nahihirapan siyang kontrolin ito.

Ano ba 'tong pinasok ko?

Hindi na siya sumagot at umupo na lang matapos maghain. Umupo na si Eyz sa katapat na upuan ni Shella. Tahimik silang kumain at wala nang balak pa si Shella na kausapin si Eyz, baka patulan niya lang ang ugali nito at magkagulo sila.

Nang matapos kumain ay si Eyz na ang nagligpit, may hiya pa naman siya kahit na kaunti. Matapos magligpit at maghugas ng mga plato ay naupo siya sa kama.

Si Shella ay nakatingin lang kay Eyz, kaya tumaas ang kilay ni Eyz sa pagtataka.

"Anong problema mo Sasas?" Naiiritang tanong ni Eyz. Tomboy ba 'tong Sasas na 'to at grabe kung makatingin sa kaniya.

"Ah… Tatanungin ko lang kung anong pangalan mo."

"Eyz Miracle Sarino." Walang ganang saad ni Eyz. Hindi naman halata na hindi siya interesado kay Shella. Nahiga na si Eyz at natulog.

Sa kalagitnaan nang gabi ay nagising si Eyz, nauuhaw siya. Tumayo siya at napatigil dahil wala si Shella sa higaan nito. Kumunot ang noo niya, saan naman nagpunta ang maingay niyang roommate? Ngumisi siya nang may naisip, paniguradong gumagawa 'yon nang kalokohan na labag sa rules nang EU.

Pumunta siya sa kusina at uminom nang malamig na tubig, napayakap si Eyz sa sarili nang biglang humangin ng malakas, nililipag ang kurtina at hindi nakasara ang bintana. Napabuga nang marahas na hininga si Eyz. Lumapit siya sa binta at akmang isasara ito nang may mamataan siyang dalawang pigura nang tao, medyo malayo ito sa kaniya kaya hindi niya matukoy kung anong kasarian nito.

Maya-maya pa ay tumingin sa kaniya ang isa sa dalawang tinitingnan niya.  Agad na isinara ni Eyz ang bintana. Kinabahan siya do'n  sa 'di malamang dahilan. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso, kinakabahan talaga siya. May kung ano sa taong 'yon na nagpakaba sa kaniya. Itinigil niya na ang pag-iisip nang kung ano-ano at siniguro na naka-lock ang bintana. Isa lang naman ang bintana nang kwarto nila.

Nahiga na siya at pinilit ang sarili na matulog.

Habang ang dalawang pigura nang tao naman na nakita ni Eyz ay nag-uusap. Nanatiling nakatingin sa bintana ng kwarto nila Eyz at Shella ang isa, habang ang isa naman ay patuloy ang pagsasalita. Matapos ang isang oras ay umalis na din sila sa kinaroroonan.

                                ****

Nagising si Eyz sa malakas na tunog nang isang alarm clock, naiinis na pinatay niya ito. Sa pagkakatanda niya ay hindi siya nag-set ng alarm? Kaya sino naman ang gagong nag-set ng epal na alarm na 'yan? Kailangan niyang malaman kung sino at nang masaktan niya dahil sa pagputol sa maganda niyang tulog.

Ibinato niya ang alarm dahil sa inis nang makita ang oras, seven am na at ang klase niya ay mag-uumpisa ng seven thirty. Bwisit ang nagset niyan, hindi man lang ginawang six am, nahiya pa at thirty minutes lang ang tinirang oras niya para mag-ayos ng sarili.

Mabagal na kumilos si Eyz, wala rin namang sense kung magmamadali siya, male-late pa rin siya. Matapos ang isang oras ay tapos na siyang maligo't maigbihis. Red skirt na one inch above the knee, white highsocks, white longsleeve blouse, black blazzer at red necktie. Mas lalo siyang gumanda sa suot niya pero hindi siya komportable at hindi niya gusto. Masyadong pormal at mainit sa katawan.

Hindi rin siya sanay dahil sa mga dati niyang napasukan ay nakasibilyan lang siya, gusto man niyang gawin 'yon ngayon ay 'di niya magawa dahil ang parusa ay three hours sa detention room, so, mas gugustuhin niya pa na mainitan keysa mapunta sa detention room.

Nang makalabas sa dorm ay pinagtitinginan na naman si Eyz, siguro dahil nagagandahan sa kaniya o baka naman dahil bago lang siya. Kahit ano pa man ang dahilan ng pagtingin nila kay Eyz, isa lang ang nasa isip ni Eyz. Pinagtitinginan siya dahil nagagandahan sa kaniya ang mga estudyante, 'yun na 'yon at wala ng iba pang dahilan.

Sana nga lang ay walang humarang sa kaniya na isang Queen bee wanna be, kasama ang dalawang alipores at pagsalitaan siya nang masasakit na salita katulad ng napapanood niya sa mga pelikula. Dahil kapag nangyari 'yon ay hindi lang siya makikinig at titiisin ang sasabihin nila, susuntukin niya agad para manahimik na.

Pagpasok niya pa lang sa classroom ay may lumapit na agad sa kaniya. Nakangiti ito na parang manyak, kaya alam na agad ni Eyz ang pakay nito. Lalandiin lang siya nito, isang playboy. Umupo si Eyz sa isang bakanteng upuan, nasa dulo 'yon at katabi ang bintana. Tumabi kay Eyz ang playboy at kinalabit siya.

"Hello, babe." Malanding sabi nito. Kumindat pa ito kay Eyz, na ikinairap ni Eyz. Alam niya naman na maganda siya, pero required ba na kailangan maging lapitin siya ng mga playboy? Minsan ay problema din ang ganda niya. At madalas naman ay masyadong mahangin si Eyz, bagyo na siya at signal number nine. Malala na at wala ng lunas.

"Babe, your ass." Iritadong saad ni Eyz. Halata naman na naiinis si Eyz, pero dakilang manhid si Kurt— ang playboy, kaya hindi niya ito napansin. Ang dami na talagang manhid na tao ngayon, nagkalat na sila.

"Come on, i know you like me." Mayabang na saad ni Kurt. Malakas din ang hangin niya, bagyo na at signal number seven. Bagay silang magsama ni Eyz, pareho silang malakas ang hangin.

"Gago, 'wag mo kong itulad sa mga higad na 'to." Ang tinutukoy ni Eyz ay ang mga babae sa classroom na masama ang tingin sa kaniya. "At hindi ko type ang isang malanding katulad mo."

"Feisty, i like it." Nakangising saad ni Kurt. Alam niya naman kasi na nagpapakipot lang si Eyz, bibigay din ito sa kaniya.

"Tang'na ka, tigilan mo ang paglandi mo sakin. Hindi ako natutuwa, baka sa susunod ay wala ka nang mukhang maiharap sa mga higad na 'to, kapag nainis ako sayo." Hindi natinag si Kurt sa banta ni Eyz. May lalo siyang napangisi.

"Hard to get." Mahina nitong bulong na rinig naman ni Eyz. Hinatak ni Eyz ang kwelyo nang uniform na suot ni Kurt at inilapit ang mukha nito sa mukha niya.

"Tang'na ka! Tigilan mo na ako. Nauubos na ang pasensya ko." At dahil nga manhid si Kurt ay hindi man lang ito natakot, sa halip ay mas lalo lang siyang napangisi.

Kaya naman padabog na binitawan ni Eyz ang kwelyo ni Kurt at lumabas ng classroom. Sa cafeteria siya tumambay, bumili siya nang salad at mineral water, diet kasi siya ngayon. Habang kumakain ay mas lalong umingay ang maingay nang cafeteria, 'di mapakali ang mga babae sa paglalagay ng make up, kaya naman ang ilan sa kanila ay nagmumukha ng clown.

Habang ang mga lalaki naman ay patuloy lang sa pagkain at tahimik lang.

Anong meron? Ang tanong ni Eyz sa isip.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang babae na nakataas ang kilay at tatlong lalaki, ang dalawa ay kumakaway at kumikindat saga madadaanang babae, habang ang isa naman ay seryoso lang at walang pakialam sa paligid.

Shit! Parang ganito 'yung napapanood ni Eyz sa mga cliché na pelikula, 'yung eksena na magwawala ang mga babaeng higad dahil dadating ang bidang lalaki kasama ang mga kaibigan nito. Ang leading man ay tahimik, seryoso, at misteryoso, tapos magiging magkaaway sila ni Eyz, magkakaroon sila ng deal, matatalo si Eyz at magiging alipin siya ng bidang lalaki.

Maiinlove sila sa isa't-isa, pero may tutol ang magulang ng bidang lalaki. Tapos magkakahiwalay sila ni Eyz, after ten years ay magkikita sila, mahal pa rin nila ang isa't-isa kaya magiging sila. Hanggang sa ikasal na sila at the end.

Napailing si Eyz dahil sa exaggerated niyang pag-iisip. Nasobrahan siya sa panonood nang mga love story. Reality 'to kaya hindi mangyayari kay Eyz 'yon. Matapos kumain ay umalis na si Eyz sa cafeteria, pumunta siya sa kwarto nila ni Shella at natulog. May klase pa siya, pero wala naman siyang pakialam.

****