webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · Adolescente
Classificações insuficientes
26 Chs

Kill #10

Nakasimangot na nakasunod si Eyz kay Watch papasok sa gymnasium. Sino ba naman ang hindi sisimangot kapag sa kalagitnaan nang tulog mo ay may biglang gigising sayo, para lang sabihin na may announcement. Kahit sino siguro ay maiinis kapag naranasan 'yon.

Hindi alam ni Eyz kung anong meron— na hindi na naman nakakagulat, kung bakit sila pinapapunta sa gymnasium. Isa lang ang alam niya… Abnormal ang nagpapapunta sa kanila sa gymnasium, pwede namang i-announce na lang sa speaker ay kailangan pa nilang pumunta do'n.

Nang makapasok sila ay agad silang umupo sa monoblock chair, nasa bandang likod sila para daw madali silang makaalis— ayon kay Eyz. Balak niya kasi na kapag walang kwenta lang ang sasabihin ay aalis na lang siya basta. Bakit siya mag-aaksaya nang oras sa mga walang kwentang bagay 'di ba?

Matagal bago dumating ang hinihintay nila— ang Headmistress at ayon kay Eyz ay pa-importante ito. Nagmamadaling pumunta ang mga students sa gymnasium, pero siya naman ang male-late. Nakangiti ito nang parang baliw— na ayon na naman kay Eyz. Idagdag mo pa na naka-all black ito, siguro ay may pupuntahan siyang lamay o baka naman sarili niya ang ililibing niya. Kung hindi niyo kasi alam ay payat ang Headmistress, 'yung tipong parang wala nang laman ang katawan niya at puro buto na lang.

Natawag tuloy siyang 'Masayahing bangkay' ni Eyz sa isip niya.

"Good morning students." Nakangiti nitong saad. Hindi naman mukhang genuine ang ngiti niya, parang 'yung kaibigan mo lang, plastik.

"Today, I now officially announced that you can now form a group for the upcoming event next month." Nagsigawan ang mga estudyante na parang mga hayop na nakawala sa zoo. Grabe ang wild naman nila, dahil lang sa announcement na 'yan. Ano bang meron? Napapaisip na tanong ni Eyz. Curious siya dahil sa naging reaksyon nang mga kapwa estudyante.

"The group must consist of ten members. The registration will start tomorrow, so I advice all of you to start forming a group now." At mas lalong nagtaka si Eyz nang magsimula nang mag-ingay at magsama-sama ang mga estudyante. Nalilito na talaga siya at OP, hindi lang siya maging ang ibang mga transferee. Wala man lang bang mag-i-inform sa kanila kung ano ang nangyayari? Mga walang consideration.

"Just like last year, there's only one important rule." Inilibot niya ang paningin at ngumiti. "You must survive." At umalis na siya. Iniwan na nagtataka ang mga transferee. Habang si Eyz ay napapaisip kung maling school ba ang napasukan niya at starstruck talaga 'to. Kailangan daw nilang mag-survive e. Sayang naman, mas gusto niya sa PBB. Dream niya din makapunta sa bahay ni Kuya e.

Last year nga ay nag-audition siya, ang kaso nga lang ay hindi siya natanggap. Umalis na sila ni Watch at pumunta sa kwarto nila ni Shella— sa bintana siyempre dumaan ni Watch, bawal naman kasi sa  gate dahil may guard na nakabantay. Kaya walang choice si Watch kun'di ang umakyat sa bintana.

Agad na umupo sa sofa si Watch, habang si Eyz naman ay sa kama niya naupo. Plano nila na kausapin si Shella sa sinabi ni Headmistress kanina. Nang may kumatok ay agad na pumasok si Watch sa cabinet, napag-usapan kasi nila na makikinig lang si Watch. Binuksan ni Eyz ang pinto at pinapasok si Shella. Ni-lock niya ang pinto at umupo sa kama niya. Habang si Shella naman ay naupo din sa sarili nitong kama.

"Bakit ka ba laging naglo-lock nang pinto?" Nagtatakang tanong ni Shell.

"Gusto ko e, pake mo?" Walang kwentang sagot ni Eyz. Umiral na naman ang pagiging pilosopo niya.

"Chill. Ang hot mo e." Natatawang saad ni Shella. Hindi siya pinansin ni Eyz at seryoso lang na nakatingin sa kaniya.

"Anong meron tungkol do'n sa sinabi ni Headmistress?" Agad na tanong ni Eyz. Wala nang paligoy-ligoy pa, diretso agad para wala nang oras na masayang. Time is gold, ayon sa kasabihan at pinaniniwalaan 'yon ni Eyz.

"Hmm… Ano nga ba?" Kunwaring napapaisip na sagot ni Shella. Pinigilan ni Eyz ang sarili na tumayo at sapakin si Shella, masyadong pabitin si Shella.

"Sagutin mo na ang tanong ko, at 'wag ka nang madaming alam. Kahit ang totoo ay wala naman." Demanding na saad ni Eyz na may kasama pang panlalait. Sinamaan siya nang tingin ni Shella na hindi niya naman pinansin, hindi naman nakakatakot. Hindi man lang siya nasindak kahit kaunti.

"First, kailangan mo nang grupo na may ten members. Second, ay kailangan niyo nang leader at sub-lead. At third ay kailangan ay magtulungan kayo para maka-survive nang dalawang linggo sa arena."

Napalunok nang laway si Eyz. Napatanong siya sa isip kung ano bang klaseng paaralan ang pinasukan niya. "Leader at sub-lead, ano 'yon?"

"Leader, ang bubuo nang plano kung paano kayo makaka-survive in two weeks nang kompleto. Sub-lead naman ang second in command, kumbaga ay kapag wala ang leader, siya muna ang gagabay sa mga members niya." Ngumiti siya. "Kailangan na malakas, matalino at madiskarte ang leader at sub-lead niyo, dahil kung hindi ay pare-pareho lang kayong mapapahamak."

"Ano bang meron at kailangan pa nang mga gan'yan?"

"Basta. Malalaman mo din next month, sa ngayon ay humanap ka muna nang makaka-grupo mo." Tumayo at pumasok na si Shella sa banyo. Naiwan si Eyz na tulala, nag-iisp. Hindi niya pa rin ma-gets kung ano ba talaga ang purpose nang paghahanap nila nang kagrupo, nalilito pa rin siya.

Bwisit si Shella dahil magsasabi na lang nang nalalaman ay hindi pa i-lahat, masyado niyang pinapaisip si Eyz. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na sa banyo si Shella at lumabas sa kanilang kwarto. Pinapatawag kasi siya nang SC President.

Lumabas na sa cabinet si Watch, katulad ni Eyz siya ay nalilito din. Gustuhin man ni Eyz na umalis na sa EU ay hindi niya naman magawa. Dahil ayon sa school rules ay hindi sila pwedeng umalis sa EU hangga't hindi nila natatapos ang tatlong taon— oo, tatlong taon ang itatagal niya dito. Imbes na isang taon lang ay naging tatlo pa. Ang malas talaga ni Eyz.

May pinirmahan din na kontrata si Ariela at Akiro na nagsasaad na pumapayag sila do'n kaya naman wala talagang pag-asa na makaalis sa Eirlo University si Eyz.

****