webnovel

20

Fight

Iniwan ko si Tristan at nag lakad na papunta sa table namin. Nandon na si Rose at malaki ang ngiti.

Pansin ko na talaga, eh. Leche.

Saya ka ha?

Happy ka talaga gurl?

"Shan! lika na, kain na tayo. Tristan!" Tawag nya habang ngiting ngiti parin sya. Her hair grew longer, maganda parin si Rose but she really gained weight.

Ewan ko, naiinis ako sa kanya ngayon ng sobra sa hindi malamang dahilan.

"Kumusta ka na rito, Rose?" I asked as Tristan sat on his seat beside me and Rose across me. I know that he's looking at me right now, bahala ka jan.

"Okay naman, eto sa wakas kumikita narin ng pera para sa pamilya ko." She replied smiling and looked at Tristan while sipping from her glass. Water lang? I looked at Tristan as he drank water coughing slowly.

"That's good. I'm happy for you."

I smiled a fake smile while starring at her.

Mabuti naman at may sariling pera ka na, inggitera ka pa naman.

Appetizers were served then our main dish. Hindi ko na gaanong na enjoy ang pagkain dahil bad trip na talaga ako simula pa kanina. Tahimik lang ako habang putak ng putak si Rose na marami na daw syang nabibili na designer bags dahil malaki ang sahod nya at kung ano ano pa.

Kaibigan ko ba talaga to? Bakit feeling ko nakikipag compete sya sakin?

Ano ba ang paki ko sa mga binibili nya? Mas lalo akong na bad trip.

Tahimik lang din si Tristan sa tabi ko para nga syang kinakabahan eh. Well, siguro dahil alam nya na galit ako.

Bakit ganun? Kahit mukhang kinakabahan si Tristan ang gwapo nya parin.

Diyos ba to'ng lalaki na to'? No wonder na maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, eh. Well, Sorry girls, he's mine.

Ang swerte nga naman.

"Babe, ano pang gusto mo?" Tristan asked pagkatapos namin kumain ng dessert. Agad kong tinanggal ang kamay ni Tristan na nakahawak sa bewang ko and he scoffed awkwardly when I did that na para bang ayaw nyang may makapansin. Kahit ang gwapo mo at mahal kita, galit parin ako.

"Wala na. I'm done for tonight. Rose, thanks for coming tonight." I said ignoring Tristan at tatayo na sana para maka alis pero may sinabi pa si Rose.

"Ah, sige. Ako na ang mag babayad sa dinner ngayon shan, medyo mahal pa naman dito."

I raised my brow at her statement and looked at her.

Seryoso ba to'? Nakakatawa naman sya. Nag ka pera lang ng konti kung maka asta parang kung sino na.

"I invited you here, therefore, I'm paying for it and yung sakin kasama na sa package ko ang babayaran ko lang ay yung sayo at kay Tristan." I smiled fakely at her and stood up and was followed by Tristan.

"Oh, and Rose? Money is not an issue. I can even buy this ship if I want to." I smiled at her once again and left, leaving them behind.

First night ko pa lang dito, sira na kaagad.

"Shan!"

I could feel Tristan running behind me para maabotan ako but I never stopped walking towards the elevator. Once I got inside, unfortunately, nakaabot si Tristan kaya magkasama kami sa loob.

"Anong problema mo?" Tanong nya pag sira ng pinto ng elevator. I just ignored him not wanting to say anything.

Pagod ako at gusto ko nalang matulog.

Binalot kami ng katahimikan until I heard Tristan sigh in frustration.

"Babe!! Ano ba?!"

"Ikaw Tristan?! Anong problema mo?!" I spat and his eyes widened at my sudden out burst.

Ting

The elevator door opened and I immediately marched going to my cabin with Tristan behind me. Pag dating namin sa labas ng cabin ko hindi ko pa binuksan ang pinto at hinarap si Tristan.

"Tristan, kung may something kayo ni Rose sabihin mo agad! Kasi may nahahalata na ako, eh! Putang ina wag mo ako gawing tanga! You understand, Tristan?" I spat at him as I looked deeply into his eyes. Sana naman pumasok sa utak nya lahat ng sinabi ko.

"What?" He replied na para bang hindi na nya alam anong sasabihin pa. He looked tired, stressed at parang iiyak na.

"Tristan, iba eh, may iba akong nararamdam sa inyo. Please naman, wag mo gawin sakin to. Sabihin mo nalang kung ayaw mo na sakin-"

"Babe, babe! No! Hindi okay? Walang namamagitan sa amin ni Rose. I'm sorry kung nag selos ka kanina pero shan, mahal na mahal kita at wala lang yun, okay?" Sabi nya na halos maiyak na.

A tear fell from his eye as he reached out to me. I step back and opened my cabin door.

"Sorry Tristan, bukas na tayo mag usap. Gusto ko muna mapag-isa." I said stepping inside and closed the door. I leaned on my door at huminga ng malalim na parang ang laki ng problema ko.

Parang kinukurot ang puso ko tuwing naaalala ko ang mukha ni Tristan na maiyak-iyak. Hindi ko talaga kayang nakikita na nasasakyan sya, di bale ng ako ang masaktan.

Kinabukasan nagising nalang ako na may breakfast na sa table ko. I stretched and yawned before standing up. Tumingala muna ako sa kesame habang iniisip ang nangyari kagabi. Ayoko na maki pag away kay Tristan, pumunta ako dito para makasama sya at maging masaya hindi para mag away.

I stood up and walked to the table. Sino kaya nag dala nito? Kasama ba to sa package? I saw a note beside the plate and I quickly took it and opened it.

I'm sorry about last night, baby. Kahit anong mangyari, always, always remember na ikaw, at ikaw lang ang mahal ko.

Mag kita tayo mamaya sa roof deck, 6 pm.

Sharp.

- Your boo, Tristan.

And that, ladies and gentlemen is all it takes para maging okay ang isang Shantal Sy!

"Hay! I love you, Tristan." I sighed while smiling big still holding the note in my hand. I looked at the food he prepared for me and puro talaga healthy, oats, organic coffee, eggs and lot of fruits.

Napangiwi ako sa pagkain, hindi sa hindi masarap pero gusto ko kasi ng typical pinoy breakfast pero knowing Tristan, super healthy living na tao at gusto nya na ako din kaya ngayon na may chance sya na pakainin ako ng healthy, hindi na sya nag dalawang isip.

Kahit hindi ko masyado bet ang food, i still ate IT. A for effort kaya ang bebe ko nito.

After eating I took a shower and decided na hanapin si Tristan. But I think nasa duty sya ngayon eh.

Kahit alam ko na naka duty sya ngayon, hahanapin ko parin sya to say I'm sorry and thank you sa breakfast.

I walked around the big ship, trying to find my way through the crew's area or something.

Restricted Area

Crewmembers only

"Ops, found it."

I giggled thinking about me breaking some rules for my Tristan. Finally, after roaming around for 30 minutes I found it here sa third floor na medyo tago na area.

I opened the door slowly and tinignan ko na kung ano ang nasa loob. Hmm, hallway and may mga pinto. I got in and walked around, ano ba to, nakakalito naman. Okay, I'll start with the first door dito sa hallway.

I held the door knob but before I could open it any wider I heard someone talking inside. Tinignan ko ng konti kung sino because parang nag-aaway sila at ayoko maka disturb and most importantly, ayoko na makita nila ako.

Nalaglag ang panga ko ng makita ko si Rose and some guy arguing! Omg! Is this the guy that she likes?

My gosh, Shantal! So much for fighting Tristan! Gaga ka talaga.

Selos selos ka pa jan, may ibang gusto naman pala si Rose.

"Rose, pwede ba? Mag dahan dahan ka nga baka-"

Hindi ko na tinuloy ang pakikinig because gurl, duh, give them some privacy.

I did not bother closing the door nalang para hindi nila mahalata na may ibang tao pala and instead of looking for Tristan I decided that I'll just see him later, just like what he said.

I walked back to my room feeling a whole lot better about Rose.

My gosh, punyeta ka shan, baliw ka talaga.