Abala ko sa pag-aayos ng mga libro ko na kakabili ko lang sa online shop. Mga librong matagal ko ng pinag ipunan ang iba rito ay libro ng paborito kong si Queen J, Alyloony at libro na tungkol sa history ng iba't-ibang bansa.
Isang libro ang napili kong basahin ngayong araw tutal wala naman akong ginagawa at bukas may major subject kami na related sa librong ito.
Muntik na kong mapatalon sa gulat ng nag vibrate ang phone ko. Nakalimutan ko palang patayin ang data.
Siya lang pala.
Denver:
Kumain ka na ba?
Wala namang masama sa tanong niya kung kumain na ko kasi kung concern siya eh di mabuti pero nainis ako sa sunod niyang message.
Denver:
:*
Ews. Pa fall.
Hindi ko siya nireplyan.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa pero ilang minuto lang din ay huminga ako ng malalim at tuluyang nagreply.
Kumain na ko? May kailangan ka ba busy kasi ako.
-Delivered
Ganyan ako magreply walang gana dahil wala namang nakakatuwa at hindi ako na eenganyo gusto ko lang din ng past time na katulad ng ginagawa niya sa 'kin.
Denver sent a photo.
Nagsend siya ng picture na nakapout. Nakasuot siya ng jersey shirt at lutang ang moreno niyang balak. Maganda ang kanyang mga mata dahil sa makapal nitong pilik mata.
Denver:
Makikisuyo sana ako... :*
Tsk.
Nagtipa ako ng isasagot.
Busy ako.
-Delivered
Hindi na siya nagreply kung kaya't nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Bago matulog inayos ako ang aking kama at humiga. Nag facebook ako pangpatulog at natawa sa mga shared memes ng mga facebook friends ko.
Nag pop out ang isang message sa messenger ko. Akala ko siya na naman ulit pero iba pala.
Davin:
Laro? ML? Baby?
Natawa ko sa pagtawag niya ng baby akala mo naman eh walang jowa. Sus, mga lalaki talaga.
Sige. Wait. Ako na mag invite sa'yo.
-Delivered
Nakakalahating oras palang akong naglalaro medyo intense ang laban dahil main turrent na lang ang natitira. Ang tagal matapos natagaktak na ang pawis ko at kasabay nito ang panginginig ng kamay ko.
Sa katunayan hindi ako magaling, cancer kaya hindi ko kayang buhatin ang mga ka-party ko. Sa assist lang ako magaling pero ok din naman ako minsan sa kills depende sa tank at assasin. Mage user ako pero cancer ako mag assasin at fighter. Pwede rin ako magtank pero hindi gaanong magaling.
Denver calling...
"Punyemas naman oh!" mura ko sa hangin at biglang pinatay ang tawag niya.
Istorbo! Nasa kalagitnaan ng laro ano't tatawag! Ang bastos talaga! Wala manlang pasintabi. Buti na lang hindi cancer 'tong mga kakampi ko kaya hindi pa tapos ang laro saka maayos ang signal ng data ko ngayon.
"Victory!" umalingawngaw sa tenga ko ang salitang iyon galing sa phone ko dahil sa lakas ng volume nito.
Nagchat sa 'kin si Davin sa ML account. Finallow kasi namin ang isa't-isa kaya naging magka-duo na rin kami. Nung una naiinis ako kasi tawag niya sa 'kin ate sa kadahilanang ahead ako sa kanya ng isang taon pero pagkalaon baby na ang tawag niya sa 'kin. Nag usap na rin kami about dyan pero ayaw niyang tumigil kaya sige hayaan ko na as long as di ko siya pinapatulan. Laro lang naman kami magka-duo at hindi sa totoong buhay.
Mayroon naman akong patunay na hindi ako nalandi pabalik sadyang ka-duo lang sa ML ang pakay ko.
Dvn:
Thank you, Baby. Isa pa?
Umirap ako sa hangin at natawa.
Nagtipa ako ng isasagot ko sa kanya.
Bukas na ulit sayang star baka matalo
-Delivered
Binuksan kong muli ang facebook account ko.
Hi! Sorry ha. Medyo busy naglaro kasi ako. Hahaha!
-Delivered
Wow! Ang plastik ng tawa ko mga bes eh kanina lang inis ako sa kanya. Pinipigilan ko lang ngayon kasi panalo naman kami.
Denver:
ML player ka? Ako rin, Ma'am.
Endearment namin yun, Ma'am kasi ako Education course ko samantalang siya Criminology. Ewan ko nga ba ba't ako nag education eh di naman ako magaling mag English saka isa pa hindi ako matalino.
Oo naman, Sir. Cancer nga lang. LOL! Hahaha!
-Delivered
Denver:
Game, laro tayo? Follow natin isa't-isa. One on one. :)
Lugi naman ako sa kanya kasi di naman ako maalam ng lahat ng heroes sa ML unlike siya alam niya na lahat kung paano gamitin. Mythic na siya samantalang ako heto forever Grand Master, 3 months na ko sa Grand Master. Wala pa rin pag-unlad sa rank ko. Ayoko naman sumali sa Squad mapride din naman kasi ako kahit sa laro. Ayoko ng buhat nila ko. Tama na 'yung sa amin ni Davin na duo ko siya at least minsan lang 'yun pag parehong nagtatama ang schedule namin. Sa pagkakaalam ko kasi tigil na siya sa pag-aaral kung kaya't nag ta-trabaho na siya para mas makatulong sa pamilya niya tapos hindi siya pwedeng maglaro kasama girlfriend niya time nila 'yon eh.
Luh? Talo mo naman ako eh. Saka na lang.
-Delivered
Kasunod nito ay binigay ko sa kanya ang I.D number ko. Inopen ko ang aking ML account, wala pang tatlong minuto ang nakalipas may nag follow sa 'kin. Marahil siya na to' kaya't nag follow back ako.
Dnvrpogi:
Nood ka na lang sa laro ko.
Sinundan pa iyon ng isa pang mensahe.
:* Maglilive ako, Mam.
Nagreply ako.
Sige.
-Delivered
Sa unang pagkakataon palang ako makakapanood ng live stream kaya hindi ko alam kung paano. Nag message ako sa kanya sa messenger para mas mabilis niyang makita at mag pop out agad sa phone niya.
Uy, Sir. Paano ba to'? Hindi kasi ako maalam.
-Delivered
Ilang segundo lamang ay nakareply na siya agad. Baka hindi pa nagsisimula ang laro niya.
Denver:
Basta Mam dun sa tabi ng pangalan ko pag may pink na parang mata o bilog, click mo na 'yon. Intayin mo lang. Love you :*
Pakalandi.
Hindi ko na siya nireplyan pero sinunod ko ang sinabi niya. Natuwa ako para kaming relationshit goals. Shit kasi wala namang kami, landian lang.
Nagtipa ako ng message habang nanonood ng laro niya. Gusion gamit niya."Go Sir! Kaya mo yan!", cheer ko sa kanya.
Ganoon lang ang ginawa ko habang naglalaro siya taga cheer niya at bago matulog ay nagchat muna kami sandali. Nag goodnight sa isa't-isa.
Denver:
Parang relationship goals 'yung kanina. Salamat ha. :*
Kumunot ang noo ko. Baka akalain niyang iba ang nasa isip ko at may gusto na ko sa kanya. LOL. Di na uy!
Wala 'yon. Sige na tulog na tayo. Sleep well. :)
-Delivered
Pag gising ko kinaumagahan nasanay na ko sa kanya na picture niya ang pambungad sa 'kin. Minsan siniseen ko na lang kasi late na ko pag nag rereply kasi siya natatagalan ako sa paghahanda ko sa umaga. Late kasi ako magising. Hindi katulad niya na 4am gising na. Kadalasan habang nasa biyahe siya kagigising ko palang.
Sa totoo lang, nakilala ko na siya ng kaunti. Hindi siya masyadong mahilig mag good morning, good afternoon o goodnight mas gusto niyang nagsesend ng picture lalo na sa umaga. Siguro para looking fresh sa picture.
"Ang gwapo mo ah"
"Ang cute mo dito, Den"
"Shet na malagket naman kunwari hot"
"Fresh always si Sir ah"
"Ang gwapo ng future pulis na to' ah"
Mga sinend kong message sa kanya dahil sa mga pictures niya. Hindi naman siya mahilig magpicture talaga. Shy type sa camera. Sobrang ayaw niyang pinipictureran.
Mahilig akong pumuri sa iba lalo na sa kanya pero pag siya sa 'kin nako! Malabo! Hindi siya mahilig magsabi na maganda ko. Sexy lang! Kapag blinablock message ko siya!
#WalangTayoChapter2