webnovel

Chapter 1

"Hirap kasi sa'yo friend puro ka jowa", sambit ko habang busy na nag s-scroll down ng news feed ko sa Facebook.

"Mag-aral ka na lang", aniya ng isa ko pang kaibigan na abalang kumakain ng biscuit at nakahalumbaba. Abala na naman siya sa pagbabasa ng isang nobela na isinulat ng paborito naming author sa wattpad. Parehas kaming fan nito kaya kasundo ko rin ang isang ito.

"Mag-aral?", halakhak ko at napabaling ang atensyon nila sa 'kin. "Ang plastik ha", sabi ko at nagtawanan sila.

Sandaling tumigil sa paghikbi si Zace. "Hindi na lang ako mag b-boyfriend"

"Oo. Tama yan! Saka sakit lang 'yan sa ulo. Ang mabuti pa mag fling ka na lang parang sa 'kin", nilakihan ko ang aking ngiti.

"Ang B.I mo naman, Elle", ani ni Anianne at saka ito tumayo upang kumuha ng meryenda sa loob ng bahay nila.

"Palibhasa NBSB ka. Pero real talk makipag fling ka na lang", huminga ng malalim si Anianne at natawa. "Mahirap kasi 'yung ganon. Kahit M.U mahirap din. Hindi mo sigurado kung sayo ba talaga siya"

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Mas mahirap 'yung alam mong may kayo pero sa iba siya lumalaguyo", sandali siyang hindi sumagot.

"Mas mahirap yung walang kayo. Wala kang karapatang magselos", lalong lumungkot ang mukha nito.

"Hey, meryenda na ulit. Mukhang nagkakainitan kayo dyan ah", saad ni Aniane habang nilalapag ang dala nitong biscuit sa lamesa kasama ang lemonade.

"Ito kasing si Zace ayaw makinig sa 'kin", umayos ako sa aking kinauupuan.

"Mas mahirap kasi yung merong kayo tapos mas sweet pa siya sa iba. Nakuha mo ba punto ko? At least kahit walang kayo, sweet kayo. Masaya kayo. Alam niyo limitasyon niyong dalawa. Hindi 'yung mayroon ngang kayo tapos puro selos naman pinaparamdam sayo, matatawag mo bang relasyon iyon ng mag on?", napatunganga sila sa 'king dalawa at malakas na pumalakpak.

"Thank you", aniya ko at winagayway ko ang aking kamay na parang Ms. Universe na nanalo sa contest.

"Dahil sa sobrang sakit ng pinagdaanan mo sa past mo nagkaganyan ka na", pangatwiran ni Zace.

"You should learn from the past sabi nga nila", ani Anianne.

"Sa tingin ko, mafafall ka naman ulit sa isa dyan sa mga kalandian mo", tinakot pa ko nitong si Zace. Hindi naman ako takot mahulog ulit. Takot lang ako na baka sa maling tao ko na naman ibuhos ang nararamdaman ko. Nakakatakot 'yung mawala ka sa sarili mo at hindi mo alam kung saan ba ito dapat hanapin o dapat pa bang hanapin. Nakakatakot 'yung hindi mo na alam kung paano sumayo sa pamamagitan ng sarili mo. Sobrang hirap ng gano'ng sitwasyon na ayaw ko ng maranasan.

"Basta ako, hindi muna ako mag bo-boyfriend. Past muna", proud na sambit ni Anianne.

"Palibhasa kasi bawal ka pa mag jowa! Feeling!", panunukso namin ni Zace at nagtawanan kami.

"Ako, hindi ako mapapagod mahalin siya, magtatagal ang isang relasyon kung pinili nating manatili sa tabi ng taong mahal natin",  namutawi ang ngiti sa labi ni Zace na may halong pait.

"No. Minsan ang pag iwan ang siyang dapat gawin lalo na kung toxic na ang relasyon at paulit-ulit na dahilan ang pinag aawayan. Hindi pagiging masama ang pag iwan lalo na kung ramdam niyong lalo kayong mas nasasaktan habang natagal"

"Nga pala guys, na try niyo na ba?" pagsingit ni Anianne sa usapan. "Itong near group?"

"Aba, akala ko ba wala kang balak mag jowa?", nag smirk ako sa kanya. "Wala nga pero kilala kita halos lahat site and apps alam mo kaya at na try mo na", dahilan niya.

"Na try ko na 'yan. Dyan ko nakilala si...", naputol ko ang sasabihin ko dahil kinilig sila.

"Ah, oo na. So kailan kayo magkikita? Ni hindi mo sa amin nabanggit na dyan pala kayo nagkakilala. Landi mo girl ha!", ani Zace at hinampas ako.

"Wala pa kong balak makipagkita saka ano ba kayo. Landian lang 'yun", pero deep inside gusto ko siyang makita tapos hindi rin. Naguguluhan ako. Mukha naman siyang mabait pero hindi ko siya type. Mas prefer ko kasi mas matangkad sa 'kin siguro around 5'7 ang height tapos maputi, saka hindi matured tignan.

Wala talaga kong nararamdaman para sa kanya kahit kaunting pagkagusto wala talaga. Kahit na minsan kinakantahan niya ko para makatulog tapos kahit nag exchange numbers kami.

"Alam ko marupok 'tong friend natin eh. Ewan ko na lang kung hindi yan ulit makaramdam ng kilig", rinig kong bulong ni Anianne.

"Hoy! Nagbago na ko. Ang pagiging marupok para lang 'yun sa taong deserving natin mahalin. Hindi sa taong ginagawa lang tayong past time!", inirapan ko siya.

Ilang beses na kong na past time at ganon din ako sa ibang tao kaya't sanay na ko. Himala na lang talaga 'yung nakakatagal sila sa 'kin na kachat ako for one month kasi madali na ko magsawa. Hindi katulad ng dati na ako nag nagkukusa para i-chat sila. Ayoko na ng gano'n nakakasawa na kung gusto nila kong kausap sige kakausapin ko sila kung ayaw nila wag natin silang pilitin. In the end of the day, sarili dapat natin ang tanging magpapasaya sa 'tin.

"Wow! Eh marupok ka nga hindi ba!" sambit ni Zace at nag apir sila.

"Sino mas marupok sa 'tin Zace? Ikaw hindi ba? Ikaw itong paulit-ulit na niloko tapos kaunting pabebeng lambing ng jowa mo binabalikan mo pa"

"Eh kasi.."

"Eh kasi ka dyan! Sus dahilan mo na naman mahal mo!"

"Guys, mas masaya pa rin ang single", singit ni Anianne. "Tapos may pera ka pa", halakhak niya.

"Porket malaki nakuha mo dahil sa scholarship mo! Libre naman dyan! Zagu!", sambit ko at inakbayan siya. Pumait ang timpla ng mukha nito.

"Saka ko na kayo ililibre pag parehas na kayong di marupok", humagalpak siya sa tawa at inirapan namin siya ni Zace.

"Nanganganib na nga ako guys eh paano ba naman panay bagsak 'yung quiz ko", hindi halata sa kanya na nag alala siya sa grades niya. Matalino naman siya pero wag lang sa math magkakatulad kami dun.

"Sus, ayaw mo lang kami ilibre kaya iniiba mo usapan", kilalang-kilala na namin itong si Anianne iniiba ang usapan para malimutan namin na magpapalibre kami sa kanya. Tactics nga naman ng isang ito akala eh uubra pa ngayon.

"Grabe naman kayo sa 'kin! Hindi naman ako nagdadamot!", pagtanggi niya. "Ililibre ko kayo basta pag nag alala ko"

Ngumuso kaming dalawa ni Zace. Kakalimutan niya yan sigurado ako.

"Hindi na pala tayo masyadong magkakabonding no'?" malungkot kong saad.

"Kaya nga eh. Lubusin niyo na pag wifi niyo dito mga poor kasi kayo eh. Ano ba yan!" pabirong sambit ni Anianne.

"May wifi naman sa bahay kulang nga lang sa meryenda", sambit ni Zace.

Naalala ko siguro isang buwan na nakakaraan iyon. Gutom na gutom na kami tapos naisipan namin kila Zace kumain. Wala manlang pagkain kahit hilaw na pwedeng lutuin simula noon hindi na kami pumunta sa kanila ng gutom. Nagdadala na lang kami ng pagkain. Pero sa amin wala kang mapapala. Walang wifi. Pagkain lang tapos minsan pa. Oo na, ako na pinaka mahirap sa 'ming tatlo.

#WalangTayoChapter1