((( Monina POV's )))
"Thank you Sir! Come Again!"masigla kong sabi na sa totoo lang hinihintay ko nang matapos ang shift ko dahil sobra na akong inaantok. Malapit nang mag-alas dose pero wala parin si Rizza.
Nga naman kailangan ko magtrabaho para nga makapagtapos. Malapit na nga at buwan na lang ang bibilangin. Tapos na ako.
Unti na lang makakamtam ko na ang pangarap ko. Panagarap ng karamihan, magkaroon ng Bachelor degree Certificate. Tapos hanap ng maayos na trabaho.
Maayos din naman ang trabaho ko dito sa convinent store. Nakaka-antok lang dahil kapag ganitong oras wala naman masyadong customer.
may pumasok na mag-jowa. May kinuha lang sa counter ko.
At nadismaya ako sa binili nila.
Kala ko pa naman chocolate Bar at polvoron. Heto isang box ng duratex.
"Excuse me? Ilang taon na ba kayo?"
"Masyado ba akong bata Miss?"
"Ikaw matanda ka na. Ngunit kasama mo, parang minor de edad pa."
"Ayaw mo ba akaming pagbentahan."
"Ayoko."
"Tss. Magsusumbong ako sa management mo!"
"Wala akong paki-alam. kaya demadami ang demand ng mga teenagers na nabubuntis dahil sa mga bastos na kagaya mo Mister!"malakas na inilapag ng customer na lalaki yung kamay niya sa counter.Halos nalaglag nga ang ilan naming paninda.
Ngumis sa akin.
"Ayaw mo ako bentahan, sige at mangugulo ako sa tindahan niyo!"
Amoy alak nga siya.
Saka may hinablot itong payong sa gilid na siyang ihahampas sa akin ng napapikit nga ako at di ko naramdaman ang hampas.
Pagmulat ko… si Kuya gwapo. Walang atubili na pinilipit ang kamay nito saka nga napasipa sa lalaki upang sumadsad sa sahig at nagalaw yung shelf ng mga can goods.
Nilapitan ng babing kasama, saka nga sila umalis sa takot.
Amazing. ganito ba ang nagagawan ng mga taong di nga nagsasalita masyado.
Napatitig siya sa akin. Kinuha ang ilang items sa counter.
Saka nilapag sa harapan ko. Napa scan na lamang ako. Nang aktong sasabihin ko ang babayaran niya. Narinig ko na lamang yung tunog ng chimnies sa pinto.
At nakalapag sa harapan ko ang isang card.
Paano yung binili niya?
"Anong nangyari dito?"
At napa-angat ang paningin ko si Rizza.
"May sira ulong nakapasok." Agad kong lapit sa kanya at tinulungan nga siyang ayusin yung shelves.
Nang makapagpalit na nga ako ng damit. Napatitig ako sa binili nga ni Kuya Gwapo. Saka card niya. Makikita ko naman siya sa school. Tulog ata yun na naglakad.
"Mauna na ako Rizza."tumango siya.
Lumabas na nga ako at napakalakas ng ulan, kaya kinuha ko ang payong sa bag ko.
Sumugod sa ulan. Nang biglang may bumisina na naman sa akin ng malakas. Napatabi ulit ako. Mga kulay itim na sasakyan.
Haist.
Creation is hard, cheer me up!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.
Like it ? Add to library!