webnovel

Chapter 1

"Hoy Amor!!! Ano kaba naman at iniwan mo ako sa bar kagabi!" Singhag sakin ng kaibagan kong bakla.

"Ayshhhhhhh ano ba ang aga aga bakla sakit na ng tenga ko" Sabi ko naman sa baklang to.

Ang sarap pa sana ng tulog ko pero ginising na naman ako ni Marvy. Si Marvy ang best friend ko ngayon na EX ko nuon. Yes, nag ka jowa ako ng bakla pero hindi ko pa alam na bakla siya. Tinry niyang ligawan ako para ipakilala sa tatay niyang sundalo at ako dahil todo effort ang bakla ay sinagot ko naman siya dahil gusto kong magtiwala ulit sa mga lalaki , na hindi lahat ng lalaki ay sasaktan ka at iiwan ka tulad ng tatay ko. Pero dahil na din sa mga naririnig ko at sa mga sinasabi ng iba ay binigyan lang nila ako ng rason na hindi na talaga magtiwala pa sa mga lalaki.

"Hoy!! Bakit mo ko iniwan kagabi? Nakikinig kaba?" Tanong ng bakla sakin.

" Hay nako e kasi ang nakikipagharotan kana don sa boylet mo at ayaw kong sumama sa motel " Pasigaw kong sagot kay Marvy.

Ako nga pala si Amor Cordoval. Ako ang nagpapatakbo ng bar namin simula namatay si mama. Namatay ang aking ina dahil sa hayop kong ama dahil sa kanya masyadong naging malungkot si mama at ayaw na niya lumabas ng kwarto at kumain hanggang sa nagkasakit siya at namatay. Actually, isang restaurant ito nuon at naisipa kong gawin siyang restobar since ito na naman ang uso ngayon. Marami kasing tao na masyadong nasarapan sa alak. Hindi ako nag iisa sa bahay dahil may nanay ako siya ang katulong namin since bata pa ako at pamilya na ang turing ko sa kanya.

" Nay nakita mo ba yung cellphone ko?" Tanong ko kay nanay Ellen. " Naku anak nakapaglinis nako sa kwarto mo pero wala akong nakita " Sagot naman ni nanay Ellen.

Siguro nawala ko yun cellphone ko kagabi. Pupunta nalang ako ng mall para bumili ulit ng cellphone. Wala namang important na files doon dahil yung files ko ay nasa laptop ko. Nandun na din ang mga important contact number ko.

Nasa mall ako at tatawagan ko sana si Marvy pero wala pala akong cellphone hayss ka bobohan nanaman. Pipili nalang ako ng cellphone at gusto ko yung bagong labas na Iphone 11 pro.

" Excuse me may available naba kayo na iPhone 11 pro " Sabi ko sa isang salesman

" Yes maam and sir kaso po" Nalulungkot na sabi ng salesman samin.

Yes may isang lalaki akong kasabay nag tanong nga iPhone 11 pro. "Kaso?" sabi ko naman doon sa salesman na hindi dinugtungan ang sinabi nya. " "Kaso po isa nalang po ang stock, Pero pwede naman po kayo mag order dito" Sabi nya saming dalawa.

" Ako nalang ang bibili , ikaw nalang ang umorder miss" Sabi ng lalaki sakin

" Ano? Mas kailangan ko ng phone as in right now and wala nakong time para maghanap pa sa ibang store so ako na ang bibili CASH! " Pagmamayabang ko sa lalaki. Hindi man lang gentleman ang lalaking to at nakikipag unahan pa sakin. " Miss kailangan ko at ako ang nauna sayo. "

sigaw nya sakin at sinigawan pa niya ko.