Chapter 6:
Nawala ang ngiti ko ng makita ko ang dalawang lalaki na naghihintay sa akin. Dalawang emosyon ang nakikita ko buhat sa kanila, ang isa ay malapad na nakangiti sa akin samantalang ang isa ay seryoso naman. Ano pa bang aasahan ko duon sa isa?
"Goodmorning." Nakangiting pagbati sa akin ni Kurt.
Yes, si Kurt ang isa sa mga lalaking tinutukoy ko. Hindi ko rin alam kung bakit siya napunta dito, kung bakit ang aga aga ay nandito siya gayong wala naman kaming usapan na susunduin o pupuntahan niya ako.
Wala akong nagawa kundi ang ngumiti sa kanya.
"A-anong ginagawa mo dito?" Mahinahon kong tanong sa kanya. "Hindi na ba masakit iyang paa mo?" Tanong ko pa at tinuro ang paa niya.
"Hindi na naman masyado, and I'm here to fetch you."
Fetch? Susunduin niya ako? Saan naman kami pupunta, wala naman kaming usapan ngayon at lalong weekend ngayon kaya walang pasok.
"Parang wala naman akong matandaan na may usapan tayo ngayon?" Taas kilay kong tanong.
"Masamang mag-surprise?" Pagbibiro pa niya. "Pero seryoso, gusto ko lang ilibre ka ng ice cream since hindi tayo nakapag-celebrate kahapon nang pagkapanalo namin." Litanya niya pa. Natawa nalang ako sa dahilan niya.
Tinignan ko si Kelvin na tahimik lang na nakamasid sa aming dalawa. Yes, si Kelvin ang kasama ni Kurt na naghihintay sa akin. Inaasahan ko na siya na pupunta dito dahil narin sa sinabi niya kagabi, ang hindi ko lang alam ay kung paano niya nalaman kung saan ako nakatira. At hindi ko rin inaasahan na ganito siya kaaga pupunta, buti nalang maaga ako nagising at nakapag-ayos ako.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko sa kanilang dalawa, kung sino ang uunahin kong i-entertain.
"Kelvin..." Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Matapos ang pag-amin na ginawa niya kahapon ay hindi ko na alam kung anong pakitungo ang gagawin ko sa kanya.
"As I told you yesterday night, wait for me and I'll fetch you. I'm gonna court you with or without your consent. I'll make you fall for me deeper." Natural na sabi niya.
'I'm gonna court you with or without your consent. I'm make you fall for me deeper' Shit ang sarap sa tainga ng salitang ito.
Ganito pala ang feeling kapag may matinong nanliligaw sayo. Yung mga past suitors ko kase puro ka-corny-han, sinong matutuwa sa sinasabi nilang, 'may pag-asa ba ako? Kasi kung wala titigil na ako.' Ayon, pinatigil ko sila, hindi naman sila gwapo para habulin ko.
"Anong ginagawa niyan dito, Steph?" Tinignan ko si Kurt nang itanong niya iyon, kinindatan pa niya ako.
"Ano kase eh..." Napakamot ulo ako, bakit oa kasi nagkasabay silang dalawa ng punta dito.
"I'm here to court her, do you have problem with that?" Si Kelvin ang sumagot, ang tapang namang sumagot ng lalaking ito.
"Meron, dahil hindi ako nakakasigurado kung aalagaan mo ng tama si Steph."
Walang emosyong tinignan ni Kelvin si Kurt na ngayon ay nakangisi din na nakatingin dito. Nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"I can't promise---"
"Then, don't court her." Pagputol ni Kurt sa sinasabi ni Kelvin. Wala naman silang balak na mag-away sa harap ko dahil lang sa panliligaw na iyan.
"Look, promises meant to be broken and I don't believe in promises, hindi ako mangangako nang kahit ano kay Steph o kahit na kanino dahil handa akong gawin ang lahat para patunayan ang sarili ko at ang pagmamahal ko sa kanya. I'll make her happy with all I can."
Speechless. Natahimik kami pareho ni Kurt sa sinabi ni Kelvin, hindi ko rin mapigilan ang mapangiti sa sinabi niyang iyon.
Kahit sino matutuwa kung ganitong klaseng lalaki ang manliligaw sa'yo. Cold sa ibang tao pero sweet sa nililigawan.
"Good, then compete with me. I'll court her too."
What? Napatitig ako bigla sa sinabi ni Kurt, seryoso ba ang lalaking ito na liligawan niya ako? Dito pa nga lang kay Kelvin mababaliw na ako tapos ngayon dalawa pa sila?
Tumango lang si Kelvin sa sinabi ni Kurt parang siguradong sigurado na siya ang mananalo at sasagutin ko.
"Kelvin, Kurt, baka gusto ninyong kumalma. Pumasok muna kayo sa loob ng bahay." Sabi ko nalang, naiilang narin kasi ako sa nangyayari ngayon.
"Kayo nalang, Steph. Pupuntahan ko pa kasi ang mga kaibigan ko, we also have celebration later." Nakangiti niyang paalam, " and, I'm serious for what I've said earlier, I'll court you." Sumakay na sila sa kotse niya at umalis.
Nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko ay inaya ko na sa loob ng bahay si Kelvin, gusto na rin siyang makilala ng mama ko na mas kinikilig pa yata kay Kelvin kesa sa akin.
Nang makapasok na kami sa loob nang bahay ay agad kaming sinalubong ni mama. Inasikaso pa niya si Kelvin ng maayos at inalalayan pa patungong kusina. Kitang kita sa mga kilos ni mama na support siya sa akin at tuwang tuwa siya kay Kelvin.
"Anong ginagawa mo diyan, Steph? Tabihan mo ang manliligaw mo, ano kaba naman?" Nakakalokong sabi ni mama.
Wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Sa harap namin ni Kelvin ay nakaupo siya at pinagmamasdan kaming dalawa. Pinaghanda na rin niya nang makakain si Kelvin. Ang sasarap naman ng mga hinanda niya, halatang pinaghandaan.
"Ijo, alam mo bang palagi kang kinukuwento nitong anak ko sa akin? Tuwing uuwi siya dito galing school a---"
"Mama, naman." Suway ko sa kanya, kahit pala sa babaeng ito wala rin akong maitatago. Madaldal din.
"Bakit?" Taas kilay na tanong pa niya, "Totoo nga ang sabi ng anak ko, gwapo ka. Bagay na bagay kayong dalawa." Hindi talaga siya titigil sa kakakuwento kaya hinayaan ko nalang.
Hindi ko alam kung maiilang ako kay Kelvin dahil sa sitwasyon namin ngayon, kada kuwento kasi ni mama sa kanya ay tumitingin siya sa akin at malapad na ngumingiti.
Hindi ko naman maiwasang pagmasdan siya habang sumasabay sa kalokohan ni mama. Tuwang tuwa pa ito dahil nagkakasundo silang dalawa, dagdag points daw sa panliligaw niya.
Natutuwa din ako dahil sa loob ng apat na taon kong paghanga sa kanya ngayon ko lang siyang nakita na ganito kasaya. Walang bakas nang lungkot sa mga mata niya, malayong malayo siya sa Kelvin na nakilala at kilala sa loob ng paaralan.
"Thank you tita." Natigian si mama sa sinabi ni Kelvin. Hindi niya inaasahan na magpapasalamat ito sa gitna nang usapan nilang dalawa, kung ako man ay hindi ko iyon inaasahan.
"Para saan naman, Ijo?" Nagtatakang tanong ni mama.
"For carrying her..." Inakbayan niya ako, "...kung wala kayo, wala ring babae na mangungulit sa akin at magtitiyaga nang apat na taon mapansin ko lang. Thank you for giving birth to my girl."
My heart beat fast as I heard what he said to my mother. Hindi ko akalain na sasabihin niya iyon, marami pa nga akong hindi alam sa lalaking ito. Parang gusto ko nang maging marupok at sagutin na agad agad ang lalaking ito.
Si mama din ay tila nagulat sa sinabi ni Kelvin at hindi agad nakapagsalita.
"ljo, hindi ko alam kung anong sasabihin at isasagot ko duon sa sinabi mo, pero salamat ha. Tingin ko, tamang tao ang napili kong pakisamahan para sa anak ko."
Ngumiti si Kelvin at nagpatuloy kami sa pagkain. Masaya ako na nagkaroon agad ng tiwala si mama kay Kelvin, magaan din ang loob niya dito.
"At hindi naman ako nasabihan na may bisita pala ang magaling kong kaibigan." Napatingin kami sa bungad ng kusina kung saan sumulpot na naman ang kaibigan ko--si Shean.
"Oh, Shean? Halika rito at sumabay kana sa amin sa pagkain." Si mama ang pumansin sa kanya.
Umupo naman siya sa tabi ni mama at masama ang tingin sa aming dalawa ni Kelvin, hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya na nanliligaw na sa akin si Kelvin at gano'n din si Kurt.
Napakamot ako sa sintido ko nang maalala ko ang litanya ni Kurt bago siya umalis kanina. Hindi ko alam kung seryoso siya duon o inaasar lang niya si Kelvin. Siguro ay kakausapin ko nalang siya kapag nagkita ulit kami.
"So, ano na bang status ninyo, Kelvin? Nililigawan mo na ba ang babae---"
" Shean!" Isa pa ang babaeng ito, kay mama palang ay mababaliw na ako sa dami nang tanong tapos nandito pa ang babaeng ito. Ako ang nahihirapan kahit pa si Kelvin ang tinatanong nila.
"What?" Mataray itong tumingin sa akin. "I'm just asking, bitch. So, ano nga? Nili---"
"Yes, I'm courting her." Nakangiting tugon ni Kelvin. "And don't worry, she's safe with me. Dito ko lang siya liligawan sa apat na sulok nang bahay na ito at hindi kung saan saan." Napatingin siya sa akin. Seriously? "Dahil ang babae hindi pinupulot sa kalye para duon lang ligawan, they deserve better than that."
Paano kumalma? Nakakailan na ba ang lalaking ito?
Hindi nakasagot si Shean kaya naman inerapan nalang niya ito at kumain nalang. Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaction niya sa sinabi nito. Si mama naman ay natatawa rin sa reaction nito.
Matapos naming kumain ay kinausap ako ni Shean samantalang si mama ay naiwan kasama si Kelvin. Ayaw ko sanang iwan ang dalawa dahil sigurado akong madaming idadaldal si mama sa lalaking iyon na hindi dapat. Pero wala narin akong nagawa dahil hinila na ako ni Shean.
Pumasok kami pareho sa kwarto at ni-lock pa niya iyon, masamang tingin din ang binigay niya sa akin.
"Alam kong umamin siya kahapon dahil sinabi mo, ang hindi ko alam na nandito iyan ngayon at nanliligaw siya sa'yo." Panimula niya. Umupo pa siya sa tabi ko.
"Kagabi lang niya sinabing manlilugaw siya through chat at susunduin niya ako. Tignan mo nga oh, nakaayos pa ako." Tinuro niya ang sarili na naka-ayos nga. "Hindi ko naman alam na pumunta lang siya dito para magpaalam kay mama na liligawan niya ako. Pero ang sweet niy---"
"Gaga, akala ko ba hindi ka marupok?" Pagputol niya sa sasabihin ko.
"Gaga, ikaw lang ang marupok. Kamusta iyang Yohanne mo? Nanligaw na ba sayo?"
Hindi naman nakaligtas sa akin ang pagkunot ng noo niya nang banggitin ko ang pangalan ni Yohanne, mukhang may LQ ang dalawa.
"What's that face?" Nakakaloko kong tanong sa kanya, gusto ko lang siyang asarin.
"Huwag mo na ngang banggitin yung babaero na iyon, naiinis ako sa kanya." Halata nga sa mukha niya na inis na inis siya sa ultimate crush niya ngayon.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko pa sa kanya. Curious ako sa ginawa ng lokong Yohanne na iyon.
"Nakita ko siya, nakikipaghalikan sa haliparot na Janah na iyon, pati si Kyla nanduon." Ngumuso pa siya.
What? Si Janah at Kyla nanaman ang dahilan? Iniinis talaga ako nghaliparot na babaeng iyon eh.
"Resbakan naba natin? Latayan natin ang mukha nang Janah na iyon kung gusto mo. Pati si Yohanne putulan natin ng talong, hindi naman malaki ang ano niya eh."
Natawa siya sa sinabi ko. "Sira ka talagang babae ka, hayaan mo na iyon. Ang usapan natin ngayon ay si Kelvin, anong feeling na may gano'n kang manliligaw?" Pag-iiba niya ng usapan.
"Masaya, kinikilig nga ako sa mga banat niya, kahit si mama halatang nagi-enjoy na kausap siya. Kaya lang..." Huminga ako ng malalim.
" Kaya lang ano?" Atat na atat naman ang babaeng ito.
"Si Kurt kasi, nandito din ka---"
"Wait what? Anong ginagawa niya dito? Don't tell me nanliligaw na din sa'yo ang taong iyon?" Tanong nito. Walang kasing daldal ang babaeng ito.
"Oo, kanina lang din. Nahihilo na nga ako kung anong gagawin ko sa kanilang dalawa eh." Nagkamot pa ako ng ulo.
"Edi ikaw na ang mahaba ang buhok girl. Living Rapunzel ka? Haba ng buhok mo, natatapakan ko." Umakto pa siyang inaayos ang buhok ko.
"Laking tulong mo, duon kana nga sa Yohan---"
" Sige subukan mong banggitin ang pangalan ng lalaking iyon, puputulin ko iyang dila mo."
Inerapan ko siya, hindi na ako nakatapos nang isang sentence sa babaeng ito.
"Umuwi ka na nga lang, wala ka namang naitutulong eh." Pagtataboy ko sa kanya.
" Gaga, pero seryoso, sundin mo kung anong gusto ng puso mo. Kung gusto mo si Kelvin at siya talaga ang laman niyan edi, gora. Alam ko naman na kaibigan lang ang tingin mo sa lalaking iyon."
Napangiti ako sa sinabi niya, kahit papaano naman pala ay may tulong ang babaeng ito.
Bumalik nalang kami sa kusina, ngunit pareho kaming napatigil nang makita ko si Kelvin na tinutulungan si mama sa pag-uurong. Nagtatawanan din silang dalawa, ano naman kayang pinag-uusapan nang dalawang ito.
Nilapit ko ang tainga ko para mas marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. At gano'n na lang ang kaba ko nang marinig ko ang pangalan ko, sigurado akong puro kahihiyan lang ang ikukuwento nang mama ko.
Gano'n pa man ay napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Masaya ako na kahit papaano ay sigurado akong nakahanap siya nang nanay sa pamamagitan ni mama. Malawak ang ngiti niya ngayon.
"Ang swerte mo sa lalaking iyan, husband material." Nakangiting puna ni Shean, "Kaya lang ang malas niya sa'yo, tamad ka eh." Inerapan ko nalang siya.
Napatigil naman si Kelvin nang mag-ring ang cellphone niya kaya sinagot muna niya iyon. Lumapit sa akin si mama.
"Anak, gusto ko siya lara sa'yo. Dama ko na totoo siyang tao at hindi ka niya sasaktan. Nakikita ko sa mga mata niya na talagang mahal ka niya." Nakangiting sabi ni mama.
" Sus, si tita support sa kaharutan ng anak." Binatukan ko naman si Shean sa sinabi niya. Pang-asar eh.
"Basta, ang pag-aaral huwag pabayaan ha." Paalala ni mama at nagpahinga na sa sala.
Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung ano bang nagawa kong maganda at isang mabait na nanay ang ibinigay niya sa akin. Walang kupas. Naupo nalang din ako sa sala habang hinihintay si Kelvin, katabi ko si Shean na nanunuod nang SpongeBob.
Bumalik naman si Kelvin at umupo sa tabi ko, inunan nito ang balikat ko at sa hindi malamang dahilan ay bumilis na naman ang tibok nang puso ko. Hindi ko mamalayan kung ano nanaman ito, bakit kapag lumalapit si Kelvin ngayon ay kakaiba na ang pintig ng puso ko.
"Anong problema?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman, gusto ko lang magpahinga sa balikat mo." Sagot lang nito at mas lalo pang siniksik ang ulo sa balikat ko.