webnovel

Detective Lee

Parehong sikat at magagaling na detective ang mga magulang ni Kieyrstine Lee Valler. Gusto niyang maging kagaya ng kaniyang mga magulang at sumunod sa mga yapak nito ngunit ayaw siyang payagan ng kaniyang ama maliban nalang kung mapatunayan talaga niyang karapat-dapat nga siyang maging isang ganap na detective. Mapatunayan kaya ni Kieyrstine sa kaniyang mga magulang na siya ay karapat-dapat sa kabila ng kaniyang mga kapalpakan at katangahan?

MswRIGHTer_Web · Ação
Classificações insuficientes
4 Chs

Chapter 3: Hold up

---------------------------------------------------------------

Kieyrstine's POV

Mabigat sa loob kong tanggihan ang alok na iyon ni Inspector Will. Napakagandang opportunity na kasi 'yun para sa akin. Kaso ayoko namang magsinungaling. Ayokong magkunwaring marunong.

Katulad nga ng sabi ni Sheena. Dapat gawin ko yung alam kong tama. Tsaka sigurado na rin naman ako sa desisyon kong iyon kahit nakakapanghinayang din. Tsaka alam ko naman sa sarili kong hindi ako kailanman magiging katulad nina Mom at Dad.. Lalo na ni Kuya Alter.

Kasi bobo ako, tanga at walang alam.

Napapikit nalang ako nang makaramdam bigla ng gutom. Agad akong napatingin sa relos ko [8:13 pm]

Gabing-gabi na pala.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para itext si Manang na sa labas nalang ko kakain. Baka kasi hinihintay ako nun sa bahay. Di pa naman ako nakapagpaalam na dadaan ako sa presinto at matatagalan sa pag-uwi.

Pumasok agad ako sa isang maliit na restaurant na nakita ko sa gilid ng police station.

"Good eve maam." Bati nung gwardiya at tinanguan ko lang siya. Kung nasa mood lang ako siguro nakipag tarayan at barahan sana ako sa gwardiyang nasa pinto kaso wala eh. Wala ako sa mood.

Nakakapanghinayang kasi talaga yung offer huhuhu. Marahan kong sinampal ang sarili ko.

Kakalimutan ko nalang muna siguro yung nangyari. Di bale, aayusin ko nalang pag-aaral ko baka may isa pang pagkakataon. Baka next offer sa akin ay superintendent na charrot lang.

Nang makaupo ay kinuha ko ang menu para tignan kung ano ang pwedeng kainin sa retaurant na ito. Gusto ko sea foods uwu!

"Ito lang po maam?" Tanong nung waiter ng ituro ko ang mga inorder kong pagkain.

"Pwede naman pong dagdagan ninyo." Sabi ko sa kaniya.

"Anong idadagdag ko maam?" tanong niya at itinutok yung ballpen niya sa maliit niyang notebook.

"Kahit ano, ikaw naman ang magbabayad eh." Sabi ko at nagkibit balilat pa. Napansin ko naman ang panglalaki ng mata niya sa sinabi ko.

"Hehe grabe naman maam." Sabi niya pero hindi ko na siya nasagot pa dahil may naririnig akong away sa kabilang table. Baka di ninyo alam na chismosa itong bida ninyo.

"Gusto kong makita ang manager ninyo!" Sigaw nung babaeng balyena esta mataba sa isang waiter na nakayuko sa harao niya.

"T-tatawagin k-ko po maam t-teka lang.." Natatarantang sabi nung waiter at nagmadaling umalis sa harap ni balyena.

Ano kayang nangyari?

Maya-maya lang ay may isang lalake na naka mint green na long sleeve ang lumapit kay ateng balyena. Sobrang pormal ng suot nito. Parang principal.

"Ikaw ba ang manager?!" Sigaw na naman ni Ateng Balyena. Nasa kaniya na lahat ng atensyon ng mga tao dahil sa sigaw niya.

"Maam please calm down." mahinang usal nung lalake sa kaniya at pilit siya pinapaupo pero di keri dahil siguro sa bigat niya.

"Anong calm down! Paano ako ka-calm down ha kung may nakain akong buhok sa sabaw nino? Sige sabihin mo?!" Sigaw niya at halos magwala na siya sa mesa niya.

"Tch! Kili-kili mo nga andaming buhok.." Bulong ko at nagulat naman ako nang bigla itong lumingon sa akin. Shete! Napalakas pala boses ko?

Nagkunyare nalang akong inaayos yung mesa kasi baka ako pa yung pagbuntungan ng galit. Huhuhu..

"Hindi po ako yung manager maam pero---" mahinahon paring sabi nung lalake sa kaniya.

"Hindi naman pala ikaw ang manager ,eh anong ginagawa mo rito?! Gusto kong makausap ang manager ninyo kung ayaw ninyong ipasara ko itong restaurant ninyo!!" Sigaw na naman niya.

Aish! Nabubwisit ako sa balyenang 'to. Bakit ba siya sumisigaw?! Ang sakit sakit sa ulo ng boses niya grr!

"Ma'am pasensya na pero may sakit kasi yung manager. Ako po yung assistant manager. Mag-usap nalang po tayo ng maayos dun sa opisina." pagpapakalma nung assistant manager. Halatang nagpipigil lang ito ng galit sa balyenang nasa harap niya.

"HINDI! sa presinto tayo mag-usap!" Sigaw nung balyena at padabog na umalis.

Napahawak naman ang lahat ng tao sa mesa dahil sa yanig na dala ni balyena ,yung iba naman ay napatago pa sa ilalim ng mesa sabay sabing "Bwa! Bwa! Bwa!" Joke lang. Charrot.

"Maam ito na po 'yung order ninyo." Dumating bigla yung waiter at inilapag ang mga order ko.

"Wala bang buhok 'yan?" Tanong ko at sabay nalang kaming natawa.

"Hahaha naku maam wala yan. Tss, yung buhok kanina na pinagsasabi nung matabang yun ay galing naman yun sa kili-kili niya. Paano naman kasi magkakabuhok yung mga pagkain namin eh kalbo naman yung tagaluto."

"Hahahaha! Sabi ko na nga ba't sa kili-kili niya yun eh." Napailing nalang ako at natawa pa. "CR muna ako" sabi ko dun sa waiter na inaayos pa yung mga pagkain sa mesa ko. Tumango naman siya kaya agad na akong nagtungo sa rest room.

Nakakapagtaka rin talaga. Bakit kaya tinawag itong restroom tapos wala namang higaan? Saan ka mag rerest aber? Sa inidoro ganun?

Makapag reklamo nga rin sa presinto.

Pagkatapos magbawas ng maduming tubig sa katawan ay lumabas na ako ng CR para sana magtungo na pabalik nang makita ko sa isang sulok malapit sa restroom yung assistant manager.

"Bwisit! Mapapalpak yung plano eh.. Dapat kanina pa yun ginawa kasi tulog na tulog pa si Ignacio. Kayo na muna ang bahala sa babaeng yun dun sa presinto!" Inis niyang sabi dun sa kausap at inis na pinatay yung telepono na halos mabasag na niya sa higpit ng pagkakahawak nito. Agad naman akong nagtago sa likod ng pader nang maglakad na siya papunta sa gawi ko at pumasok sa isang maliit na silid.

Kumunot ang noo ko nang may mahulog na puting tela sa sahig.

"Sir teka--" tawag ko pero hindi na niya ako narinig dahil halatang nagmadali siya.

Nahulog kasi yung panyo niya.. Pupulutin ko na sana 'yun nang mag ring yung cellphone ko sa bulsa ko.

"Hello? Manang?" sagot ko sa tawag.

[Nasaan ka na bang bata ka? Kanina ka pa namin hinihintay. Yung mommy mo alalang alala na sa'yo..]

"Nag text naman po ako Manang diba? Nandito ako sa restaurant, kakain pa lamang." Sabi ko at napairap aa kawalan.

[Hindi ko natanggap yung mensahe mo. Sige sige sasabihin ko nalang sa mommy mo. Bilisan mo r'yan at gabing-gabi na. Mapano ka pa.]

"Opo manang. Salamat" sabi ko nalang. Ibinaba ko ang tawag saka pinulot yung panyo nung assistant manager sa sahig.

Pero nung buklatin ko yung tela ay nagulat ako nang mahulog mula dito ang isang maliit na pakete. May laman itong maliliit na gamot.

Shet! Kailangan kong isauli agad 'to.

Papasok na sana ako roon sa pintong pinasukan nung assistant manager nang may marinig akong sigawannsa loob ng restaurant.

Agad akong tumakbo papunta doon para tignan kung ano ang nangyayari pero--

"Walang gagalaw!" Sabi ng isang lalakeng nakatakip ng itim na face mask ang mukha at may hawak na baril. Itinutok niya ito babaeng waiter na hawak niya sa may leeg. Kitang-kita kung paanong natigilan sa oagpupumiglas yung babae matapos siyang tutukan nito.

"Isang maling kilos nino lang ay pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito."

Nakita kong itinaas nung mga tao sa resto ang mga kamay nila kaya nakitaas narin ako.

Jusko ano 'to? May hold-up-an na nangyayari?!

Pero teka? Parang pamilyar ang boses nitong---

"Ikaw!" Nagulat ako nang ituro ako nung lalaking may hawak na baril. Itinutok niya sa akin ang baril.

Agad ko namang ibinaba ang kamay kong nakataas sa ere sabay iling ng sunod-sunod.

"Hindi ko po alam ang sagot!" Sabi ko agad sa kaniya. Humakbang ako palayo hanggang sa tumama yung likod ko sa pader. Shet!

Jusko naman ako pa ang natawag. Sa daming nakataas ang kamay ako pa talaga. Dapat gumawa siya ng pala bunutan eh. Ang unfair kaya! Porket ako yung malapit sa kaniya! Aish!

Nagulat ako nang biglang may ihagis siyang itim na bag sa akin.

"Ay taray may pa give aways.." Sabi ko habang nakatingin sa hawak kong bag.

Pero ang panget naman nitong bag na bigay niya. Wala man lang ka dise-disenyo. Nubayan!

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Kunin mo yung pera sa cashier." Sabi nung hold uper at gulat namab akong napatingin sa kaniya.

"H-ha? Bakit ko kukunin?!" Pasigaw kong tanong at nanlaki ang mata ko nang itutok na naman niya sa akin ang baril niya.

Jusko naman! Ang highblood nito. Nagtatanong lang eh.

Kinakabahan man ay naglakad ako sa papalapit dun sa cashier area para sundin ang iniuutos niya.

"Teka nga.." sabi ko at huminto nang may maisip. Hinarap ko si kuyang hold-uper ng nakapamewang at nakataas ang kilay.

"Sino ba sa atin ang nang ho-hold up ha?! Ikaw ang hold uper diba?! Oh edi ikaw ang kumuha nung pera! Idadamay mo pa ako!" Inis kong sabi sabay hagis ulit sa kaniya nung bag niyang jeje.

Napatalon ako sa gulat nang barilin niya bigla ang basong nasa gilid ko. Shete naman oh!

"Oo na, ako na. Kukunin na!" Napipilitan kong sabi at dali-dalungkinuha sa kaniya yung bag na inihagis ko pabalik.

"Bilisan mo!" utos na naman niya at napairap nalang ako.

"Oo nga teka! Ang demanding mo jusko naman!" Sobra-sobrang kaba ang naramdaman ko nang buksan ko na yung maliit na cabinet sa cashier.

Lintek naman ako. Para akong magnanakaw nito.

Pero kailangan kong ikalma ang sarili ko.

Sabi kasi ni Mom pag nasa ganito akong sitwasyon ay kumalma lang ako at sundin ang iniuutos ng hold uper para hindi mapahamak.

Huhuhu! Sana naman may dumating na na police. Mom. Dad.. Huhuhu

Nang maisilid ko na yung pera ay iniabot ko na ito sa hold uper.

Nang aabutin naman n'ya yung bag mula sa akin--

"Ay teka--" sabi ko at muling binuksan yung bag.

"Anong ginagawa mo?!" Singhal niya sa akin at itinutok yung baril. Kumuha ako ng isang libo bago ibinalik sa kaniya yung bag.

"Oh!" Abot ko sa kaniya at pahablot naman niyang kinuha yung bag. "Suhol mo ito sa akin. Inutusan mo ko eh! Alam mo na, wala nang libre ngayon." Sabi ko sabay kindat at isinilid sa bulsa yung per.

Bumalik ako dun sa kinatatayuan ko kanina at hindi ko na talaga pa itinaas ang kamay ko. Lintek baka ako ulit ang matawag para utusan eh.

"Walang gagalaw sabi!" Sigaw niya at inis na tumingin sa akin.

"Kuya naman! Eh ang kati kaya ng pwet ko! Ikaw kaya kumamot, gusto mo?!" Inis kong sabi sabay irap.

Mang hohold-up na nga lang dami pang reklamo.

Patapon na ibinagsak ni kuyang hold uper si ateng waiter sa sahig at mabilis na tumakas.

Teka? Ba't sa CR siya dumaan?

Agad kong tinulungan si Ateng waiter na umiiyak. Halatang takot na takot siya sa nangyari. Yung ibang tao naman dito sa restaurant ay saka na humagulhol ng iyak nung makaalis na si kuyang hold uper.

Pati tuloy ako naiiyak na. Gaya-gaya lang.

"Ate tahan na.." Sabi ko dun sa ateng waiter at hinagod ang likod niya. Buti nalang at nakaalis na yung walangyang yun! Mahuli saa yun ng mga pulis.

Maya maya ay nagsidatingan ang mga pulis.

Nuba naman yan.. Late reaction sila. Nakaalis na yung hold uper. Hays!

Pagkapasok sa loob nung mga police ay siya ring paglabas nung assistant manager mula sa kung saan.

Teka... I smell something fishy sa lalakeng ito.

Agad na nilapitan ng mga police yung mga matatanda at buntis na nasama sa nangyaring krimen. Lumapit din sa amin ni Ateng waiter ang isang pulis at tinanong ang kalagayan namin.

Si Ateng Waiter ang ininterview muna ng mga police. Ako naman ay nakatitig kay kuyang assistant manager na sa ngayon ay kausap rin ng mga police.

Hmm... Bakit kaya ngayon lang siya nagpakita kung saan tapos na ang hold upan? Natakot kaya siya kaya hindi agad siya lumabas? O may iba pang dahilan?

Naalala ko bigla yung panyo at gamot na napulot ko sa may CR kanina.

"Kuyang police. Maaari ko bang malaman kung anong gamot 'to?" Tanong ko kay kuyang police na nasa harap ko. Wala kasi siyang ibang ginagawa kundi tumayo psh. Way gamit.

"Sleeping pills po yan maam." Sagot niya sa akin.

Sleeping pills? Teka? Ba't naman may sleeping pills yung assistant manager na yun? Hirap ba siya sa pagtulog? Kawawa naman. Dapat isauli ko na agad ito.

Nagulat nalang ako nang may humablot bigla nung sleeping pills sa kamay ko.

"Ikaw?!" Sigaw ko nang makita na naman yung lalake na kumausap sa akin nung may na kidnap na nangyari sa scho. Yung pakialamero.

"Anong ginagawa mo rito?!" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin dahil nakatitig lang siya sa sleeping pills na hawak ko kanina. "Akin na nga yan!" Inis kong sabi sabay hablot sa kaniya nun.

"Ba't may ganiyan ka?" Tanong ni Pakialamero tinutukoy ang sleeping pills na hinablot ko mula sa kaniya.

"Hindi sakin 'to! Kay kuyang assistant manager 'to!" Sabi ko sabay nguso dun sa assistant manager na kunot-noo namang kausap ang mga pulis.

"Sir maaari ko ba kayong makausap?" Napalingon ako sa likod nang makita ang isang police na nilapitan ang isang matandang lalake   na kalalabas lang din sa isang maliit na pinto sa gilid ng resto.

"Hindi ko talaga alam ang nangyari sir. Pasensya na.. Nakatulog ako sa opisina." Nagkatinginan kami bigla ni lalakeng pakialamero.

"Sir excuse me. Makikisabat lang.." Singit ko bigla sa usapan nung police at matandang lalake. "Ignacio po ba ang pangalan ninyo sir?" Tanong at kumunot naman ang noo nung matanda. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na parang inaalala kung kilala niya ba ako o hindi.

"Oo, bakit mo ko kilala?" takang tanong niya.

Shet! Sabi na nga ba!

Nagulat ako nang hinila ako bigla ni Pakialamero palayo sa lugar na iyon.

"Anong alam mo?" diretsong tanong niya sa akin.

"W-wala akong alam pero kasi.." pambibitin ko at natawa naman ako nang makitang naghihintay siya ng sagot ko.

"Ano?" Tanong niya at seryosong seryoso talaga ang mukha niya. Halatang pakialamero talaga eh no.

Inayos ko ang mukha ko at nagseryoso na rin.

"Kanina kasi nung palabas akong CR. Nakita ko yung assistant manager na may kausap sa cellphone niya." kwento ko.

"Narinig mo ba ang pinag usapan?" tanong niya at napairap naman ako. Legit Pakialamero nga.

"Hindi ko na masyadong naalala.. Pero sigurado akong narinig ko ang pangalan ni Sir Ignacio!" Sabi ko sa kaniya. "Tsaka nahulog din itong sleeping pills mula sa bulsa nung assistant manager. Nakalimutan ko lang na isauli."

Hinila na naman ako bigla ni Pakialamero sa kung saan. Nagulat ako nang papunta ito dun sa assistant manager.

"Sir. Maaari ba namin kayong makausap?" Sabi ni Pakialamero sa assistant manager na nasa harap namin. Taka naman kami nitong tinignan. Napalunok ako nang tumitig sa akin yung assistant manager. Parang inaalala ang mukha ko. Mabilis namab akong nagtago sa likod ni Pakialamero. Shet! Bakit ganun siya tumitig?

"Sige." Sagot nung assistant.. Wait? Yung boses! Napabulalas ako sa isip ko nang mapamilyaran ang boses niya.

"Sa 'yo ba ang pills na ito?" Tanong bigla ni Pakialamero sabay lapag sa harap nung assistant ang isang pakete ng sleeping pills.

Nakita ko kung paanong natigilan yung assistant nang makita ang sleeping pills na hawak ni Pakialamero. Mabilis naman niyang iniba ang reaksyon saka blankong tinignan si Pakialamero.

"Hindi." Simpleng sagot nito. Napakagaling. Hindi mo talaga siya makikitaan ng pagsisinungaling sa mukha.

"Eh ito?" Tanong ni Pakialamero sabay pakita nung panyo. Kumunot ang noo nung lalake saka takang tinignan si Pakialmero.

"Oo akin yan. Bakit nasa inyo iyan?" Tanong pabalik nung manager. "Pinasok n'yo ba ang opisina ko?" natawa siya kunyare sa sinabi niya. "Alam n'yo bang tresspassing yun?" nakangiti nitong dagdag sabay iling.

"Sir, itong pills na ito ay nakita ng isang witness, nakaipit ito dito sa panyo. Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit ito nangyari?" Woah! Ang astig naman ng pakialamerong ito. Para tuloy siyang detective..

"W-wala akong alam diyan. Isa lang ang masasabi ko. Yung panyo lang ang sa akin at yung pills ay hindi." Diretsong sagot nung assistant sa amin. "Teka nga? Pinagbibintangan n'yo ba akong may kinalaman sa nangyaring krimen ngayon?" diretsong aniya.

"Oo." sagot ko sabay lunok. "N-narinig kitang may kausap sa telepono at binanggit mo ang pangalan ni Sir Ignacio. Tapos y-yung boses ninyo, magkapareho nung hold-uper kanina."kinakabahang sabi ko at nakita ko kung paano siyang tumitig sa akin.

"Wala kang ebidensya miss." sabi nito sa akin. "Pwede kayong makasuhan sa pambibintang sa akin." dagdag pa nito sabay iling.

"Ikulong ninyo ang traydor 'yan." biglang lumapit si Sir Ignacio sa amin na nag aalab sa galit ang mga matang nakatitig kay assistant manager.

"A-anong pinagsasabi mo Ignacio?! Nahihibang ka na ba?" kunot-noong bulalas ni Assistant.

"Nagmatch ang finger print mo sa basong ito." biglang lumapit ang isang detective saka inilapag ang baso sa harap namin.

"Eh ano naman kung nag match? May kinalaman ba ang nangyaring hold-upan sa basong iyan ha? Tch! Mga pulis ba talaga kayo?" halatang galit na na usal nung assistant. Napaawag pa ang labi niya at saka napahawak sa panga.

"Sleeping pills, handkerchief, cup, finger print match. These are all related to the crime happened awhile ago." nagulat ako sa sinabi ni Pakialamero. Literal na napanganga ako. Shocks! Ang taray niya sa part na yun.

"Nahihibang na ba kayo?" inis na sabi nung assistant.

"Tigilan mo na ako sa panloloko mo Lavador. Pinainom mo ako ng kape na may pampatulog at ipinagkalat mo sa lahat ng impleyado na may sakit ako. Walang duda na ikaw ang may gawa ng krimeng ito, tutal gustong-gusto mo namang agawin sa akin ang negosyong ito!" asik ni Sir Ignacio sa pagmumukha nung assistant. Kitang kita naman sa mukha nung assistant ang galit din nito.

Galit na galit sila sa isa't isa kaya lumayo ako ng konti kasi baka magsapakan sila at madamay pa ako.

Nakita ko si Pakialamero na binibigay yung panyo at sleeping pills sa isang pulis. Agad naman itong isinilid nung pulis sa isang evidence bag ang mga gamit.

"Dalhin ninyo 'yan sa laboratoryo." Utos niya sa isang lalaki na nasa gilid namin.

"Sige po Detective Herrera." Sagot nung lalaki saka umalis sa kumpulan namin

A-ano daw? D-Detective Herrera? Kung ganoon? Detective siya?!!!

___________________________________

©MswRIGHTer_Web

A/n: Please also support this story on wattpad. Mas nauuna na po ang update doon. Just visit my wattpad account: MswRIGHTer