webnovel

Destined To A Virtual Hottie (Filipino/Tagalog)

Pzyon · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 5

Mula umaga hanggang hapon na naghanap si Kizo ng kaniyang mapapasukang part-time ngunit tanging wala siyang narinig sa mga ito kundi ang mga hindi siguradong mga salita o pangako kagaya na lamang ng "We'll call you if you pass the qualifications", "Inform ka lang namin if may bakanteng trabaho para sa iyo" at marami pang iba. Marami siyang napuntahan ngunit alam niyang 50% or below ang kanyang tsansa.

Maya-maya pa ay naglakad siya ay naisipan magpahinga muna dahil kanina pa siya walang tigil na naglalakad. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya dahil wala siyang nahanap na trabaho. Alam niyang magiging kawawa lamang siya kung aasa siya sa napuntahan niya, magmumukha lamang siyang tanga.

Umupo siya sa isang pahabang upuan na gawa sa cemento at nagmuni-muni sa mga bagay na kaniyang iniisip lalo na sa kaniyang kasalukuyang problema para sa pinansiyal na pangangailangan.

"Kakapagod naman ng araw na ito. Paano na kaya ang gastusin sa susunod na araw? Tiyak na wala na akong magagastos nito. Hayst bahala na nga lang." Sambit ni Kizo sa kaniyang sarili habang makikita ang lungkot nito sa kanyang mga mata.

Ilang sandali pa ay umalis na si Van Grego. Ngayon ay nakikita niya sa di kalayuan ang malalaking mga billboards, Electrical Signages at marami pang iba. Lumikha ito ng kakaibang liwanag sa paligid. Alam niyang papasok na siya sa siyudad na tinaguriang central city dahil na rin sa advance technology at kasalukuyang dianrayo ng maraming mga tao maging ng tinatawag na "millennials" na siyang mga ipinanganak sa mga taong 90's hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang pag-advance ng teknolohiya sa kasalukuyang panahon ay nagdulot ng napakalaking pagbabago sa sosyudad maging sa pamumuhay ng tao kung kaya't mas patok ang mga gadgets at iba pang mga high-technology sa mga kabataan.

Ang lugar nila ni Kizo ay medyo hindi masyadong moderno lalo pa't hirap ang mga tao doon ngunit halos lahat ay nakakagamit at mayroong mga gadgets kagaya ng cellphone at tablets pero wala ng mga high-technology na mga gamit. Ang totoo niyan ay isa sila sa mahihirap na lugar kung kaya't hindi na nakakapagtaka na hindi agad nakapag-apply si Kizo ng trabaho dahil na rin sa medyo may kalumaan at kupas ang damit na suot niya kumpara sa ibang mga tao na naghahanap din o nag-aapply ng trabaho. Maging ang kanyang resume ay sulat-kamay o handwritten lamang dahil wala sa lugar nila ang printer or computer para makapag-edit man lang o makagawa ng resume at application letter.

Malayo ang nilakbay para makapaghanap ng trabaho ngunit wala siyang nahanap maski isa kahit siguro mag-apply siya sa gilid-gilid ay hindi siya papayagan. Una, medyo patpatin siya, pangalawa ay mapanghusga ang mga tao dahil na rin sa kanyang pisikal na anyo at porma. Pangatlo, hindi siya papayagan ni tita niya na mag-apply sa mga gilid-gilid lamang na mga shops baka unauthorized ang mga ito at baka madamay pa siya sa mga problema o gulo ng mga ito at marami pang iba.

...

Dahil walang nahanap na trabaho si Kizo ay minabuti niyang mamasyal na lamang. Kung nagtataka ang marami dahil animo'y walang kabuhay-buhay ang nasabing maliit na park na kinauupuan ni Kizo ay dahil na rin sa isa itong heritage mini-park ng isang prestirhiyusong tao at dapat na ipreserba ang lugar na ito.

Agad na pinuntahan niya ang Central City na tinatawag na Arcade City dahil sa karamihan ay mga technology-based products ang mga benebenta nila lalo na ang mga usong mga laro na siyang dinudumog ng mga kabataan at feeling bagets na mahilig sa mga laro at mga gadgets.

Nang tumuntong si Kizo sa Arcade City ay namangha siya sa mga makukulay na mga sinages, mga trailers ng mga movie, mga produkto na benebenta sa pamamagitan ng advertisement. Alam niyang malapit lang rito ang kaniyang eskwelahan na papasukan sa darating semestre kung Kaya't baka mamasyal din siya dito. Dahil sa strict rules ng eskwelahan at mas gusto nilang i-pursue ang education ay medyo malayo ang eskwelahan ngunit dahil sa may kaya at mayayaman ang mga estudyante ng Don Giovanni Benedict International High School ay siguradong karamihan ay pumupunta rito. Tsaka mayroon ding mga cafes, fastfoods, bakeshops at mamamahaling restaurants na patok sa mga mayayaman at feeling sosyal na mga tao. Mayroon ding mga sports area dito kagaya ng mga chess, billiards, bowling, at iba pa na Siguradong magiging aliwan din at pantanggal stress ang lugar na ito lalo na sa mga estudyanteng buong taong mag-aaral dito.

Siyempre, para kay Kizo ay magwiwindow shopping lang siya at gagala lang dito. Hindi niya layuning gumastos ng kahit ni singkong duling maging ang pagbayad ng mga intrance fee ay hindi niya gagawin lalo na't wala rin siyang trabaho sa ngayon. Alam niyang maghihirap sila lalo at baka tumigil siya sa kung puro gastos lang ang gagawin nkya. May kaunting barya pa siyang natira sa bulsa niya ngunit alam niyang pamasahe niya na lamang ito pauwi at ang sobra ay pambili na lamang ng pandesal para sa umaga.

Habang naiisip ni Kizo ito ay halos mangiyak siya dahil sobra-sobrang tulong na ibinigay sa kanya ni Tita Lily nila. Kahit na sapat lang sa kanila ang pera nila ay binibigyan parin sila nito ng pera. Naisip ni Kizo na maghanap pa ng trabaho kinabukasan para na rin hindi sila manghingi sa ibang tao ng pera.

Naisipan ni Kizo na mamasyal na lamang upang libangin ang kanyang sarili. Nilibot ni Kizo ang lugar na ito hanggang sa mapadpad siya sa isang Game Shop. Nakita niyang may nakapaskil na papel sa Glass Wall ng Game Shop kung kaya't nilapitan niya ito. Nakita niyang may nakasulat na "Wanted Salesman" dito. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at pumasok siya sa Game Shop na ito. Mula sa labas pa lamang ay nakita ni Kizo na mayroong makukulay na mga kagamitan maging ang mga bagong Arcade Games ay nakadisplay ng maayos sa bawat sulok nito. Namangha siya sa bawat bagay na nakikita niya.

Agad siyang pumasok sa loob ng Shop. Nakita niya rin ang animo'y nagbabantay sa Game Shop. Isa itong matandang lalaki ngunit halatang may hitsura ito kahit na matanda na.

"Magandang gabi po, Maaari po bang magtanong kung naghahanap po kayo ng Salesman? mag-aaply po sana ako eh." Magalang na sambit ni Kizo.

"Ah...eh... Naku iho mayroon na kaming nakuhang empleyado para sa posisyon na iyon tsaka wala ring bakanteng pwesto pero sasabihan kita kung meron man. Ako nga pala ang may-ari ng Game Shop na ito." Sambit ng medyo may katandaang lalaki.

"Maraming salamat po. Kung ganon po eh aalis na po ako." Tipid na pagkakasabi ni Kizo habang nakangiti ngunit mababakasan ng lungkot ang pares na mata nito.

Aalis na sana si Kizo ng bigla siyang nakarinig ng tunog.

BZZZ! BZZZZ! BZZZ!

Nakita naman ng may-ari ang bagay na tumutunog. Isa pala itong high technology device na nakakabit sa pintuan na siyang nagdedetect ng mga taong pumapasok sa Game Shop na ito.

Nang makita ng may-ari ang detector device ay namangha siya at napakamot ng ulo. Muntik niya ng makalimutan na kahapon ay ang pala ang kanilang 75th Anniversary ng Game Shop na ito at mayroon silang pa-premyo.

"Sandali lang iho. Dahil ikaw ang ika-750 na pumasok sa loob ng shop ko ay nanalo ka." Sambit ng may-ari ng Game Shop na nakangiti.

"Talaga po?!" Sambit ni Kizo habang nagkakamot ng ulo.

"Oo, anniversary kasi ng Game Shop ko kahapon at halos lahat ng mga papremyo ay naibigay na at ngayon ay isang papremyo na lamang ang natira. Ikaw ang maswerteng nanalo nito." Nakangiting sambit ng matandang lalaki kay Kizo.

Agad na lumakad ang matandang lalaki papunta sa malapad na table niya. Yumuko ito at may kinuha na kung anumang bagay.  Isa pala ito malaking kahon.

Agad na ibinigay ng matandang lalaki ang Malaking kahon na ito at nagwika.

"Masuwerte ka bata dahil ang malaking kahon na ito ay ang latest na game pero hindi lamang ito basta-bastang game lamang dahil ikaw mismo ang maglalaro nito at makakaipon ka rin ng pera dito kung gagalingan mo. Isa pa ay limited Edition ito at isang lang ang na pre-oder ko." Sambit ng matandang lalaki habang nakangiti. Ang totoo niyan ay naawa siya sa batang lalaki na ito at kung hindi siya nagkakamali ay isa pa lamang itong estudyante.

"Maraming salamat po Ginoo. Talaga po bang magkakapera ako sa larong ito?!" Sambit ni Kizo na may pagtataka.

"Oo naman, mayroong bank account card diyan na napasama sa Game package na ito. Tsaka marunong ka namang magbasa hindi ba?! Mukhang excited ka ha?!" Sambit ng matandang lalaki na siyang may-ari ng shop.

"Ang totoo po niyang ay kailangan ko talaga ng trabaho para pantustos sa mga nakababatang kapatid ko. Tsaka para magkaroon din po ng job experience." Sambit ni Kizo habang may lungkot sa kanyang mukha.

"Masuwerte pala ang mga kapatid mo dahil mayroon silang kapatid na kagaya mo. Oh siya, pwede ka ng umalis dahil kaninang umaga pa nagsimula ang VRMMORPG ng laro na ito tsaka  baka gabihin ka na iho." Sambit ng matandang lalaki habang nakangiti. Halatang natutuwa siya kay Kizo dahil isa itong responsableng kapatid.

Agad namang tiningnan ni Van Grego ang kanyang kupasing relo at nakita niyang alas-niwebe na pala ng gabi.

"Oo nga po eh, maraming salamat po ulit. Paalam po!" Sambit ni Kizo habang palabas na siya ng Game Shop.

Mabuti na lamang at nakapara na siya ng jeep agad-agad upang makauwi sa kanila. Alam niyang delikado kung gabi lalo na't wala siyang kasama kung maglalakad-lakad pa siya. Maya-maya baka makidnap pa siya o mahold-up.

"Sa mukha mong yan, mahohold-up? Makidnap daw mukha ka bang kid?" Sambit ng konsensya niya.

"Hayst! Oo nga noh, hahaha!" Sambit ni Kizo habang napalakas pala ang pagkakasabi nito na may kasama pang halakhak.

"Baliw ka ba iho? Sino kinakausap mo?!" Sambit ng isang middle-age na babae habang nagtataka.

Bumalik ang wisyo ni Kizo dahil nasa loob pa siya ng jeep. Agad na nakita niya ang isang babaeng kumausap sa kanya.

"Ah..eh... Wala lang po. Nagpa-practice po ako para sa acting namin sa Theatre Club." Pagsisinungaling ni Kizo.

"Weh? Di nga?! Sa mukha mong yan Theatre Club?!" Sambit ng isa pang babae na hindi din kagandahan.

"Huh? Hakdog! Ano palagay mo, tsaka kung makahusga ka ate ah, mukha ka din bang Theatre Club? Sa mukha mo ring yan ha?!" Sambit ni Kizo habang tumatawa sa isipan niya.

"Sinaktan mo naman ang damdamin ko aking Romeo, Sa mukhang ito, iniwan mo pa ko?!" Sambit ng babaeng hindi kagandahan habang ipinamamalas ang acting Skills nito.

"Oh Juliet, Oh Juliet... Ang pag-ibig ko sa iyo ay hindi kukupas ngunit mahal ko siya, eepal ka?" Sambit ni Kizo na animo'y nakipagsabayan sa babae.

"Pinagpalit mo ko sa mukhang orangutan na iyon? Bakit maganda ba siya ha?" Sambit ng babae habang animo'y nagtatampo.

"Oo, maganda siya. Ang ganda niya ay parang bulalakaw na tumama sa iyo." Sambit ni Kizo habang may pakumpas-kumpas pa ng kamay.

Nagliwanag naman ang mukha ang babae habang mabilis na nagwika.

"Talaga ba, so inamin mo ring maganda ako dahil tumama sa akin ang kagandahan niya? Ene be yen!" Sambit ng babae habang nagpapabebe.

"Oo, tumama sa iyo kagandahan niya Juliet, sa'yo napunta ang impact. Humarap ka salamin upang makita mo ang impact na sinasabi ko." Sambit ni Kizo.

Halos mangiyak sa kakatawa ang lahat ng mga pasahero maging ang driver ay hindi din mapigilang tumawa habang nagdadrive.

"Para po!" Sambit ng babae habang hiyang-hiya sa pangyayaring ito. Nagdadabog itong bumaba sa jeep.

Ilang sandali rin ay nakarating na rin ang jeep sa lugar nila ni Kizo at bumaba na rin.