webnovel

Destined To A Virtual Hottie (Filipino/Tagalog)

Pzyon · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 4

Criole PoV

"How did that nerdy guy fight back against me, is he seeking death? I'm not Criole Raine Montecillo for nothing. Humanda ka Mr. Nerdy Guy dahil hindi pa tayo tapos" Sambit ko sa aking isipan habang naglalakad sa Hallway. First time kong maexperience ang ganoong pagpapahiya which is really disgusting and it annoys me.

"Siguradong di ka pa nakakalayo, lintik ang walang ganti!" Sambit ko sa aking isipan habang naiirita pa rin sa naging taktika ng Nerd na yun. Pinagmukha niya kong bakla sa harap ng maraming tao. With my last name, no one provoke in my previous school at hinding-hindi ang isang low-class na paaralang ito. Ginalit niya ako kung kaya't ipapatikim ko sa kanya kung paano ako magalit.

Agad kong tinawagan ang source ko kung nandito pa sa basurang paaralan na ito ang nerd na yun.

Ring! Ring!Ring!

"Nakita niyo ba na lumabas ang nerd na nakakulay puti naang buhok ay parang sa ermitanyo na mukhang pulubi na ewan?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw habang kinakausap ko ang source ko dulot ng iritasyon ko.

"Pulubi po ba boss na nerd. Bakit hinahanap niyo po siya boss, pwede bang humanap nalang ako sa kalye o -----?!" Sambit ng isa sa aking source na halatang nagbibiro ito.

"Huwag mo kong unahan Mr. Ginger kung ayaw mong balatan kita ng buhay. Hanapin mo ang nerd na yun na may hawak na maliit na manual dahil kung hindi ikaw ang makakatikim ng galit ko. I need your response in 2 minutes or else you'll be fired!" Sabi ko sa aking kausap sa aking smartphone. Hindi ko talaga maiwasan ang iritasyon dahil sobrang badtrip na badtrip ako.

Minabuti kong pumunta dito sa Hotel room ko na matatagpuan sa loob mismo ng Low-class na paaralang ito. Ayoko talagang mag-aral dito ngunit pinilit lang ako ng magaling kong lolo. Ayon wala akong nagawa dahil walang nagawa si Mommy at lalong hindi tututol si Daddy dahil hindi kami nagkakasundo nito.

Maya-maya pa ay biglang tumunog ang aking cheap na smartphone na nagkakahalaga lamang ng 50,000 pesos. Agad kong nakita ang naka-register na pangalan na "Mr. Ginger" na siyang code ng isa sa aking source. Dali-dali kong pinindot ang answer button. Sigurado akong maaasahan ko ang mga impormasyon ng aking mga naging tau-tauhan pagdating sa pangangalap ng impormasyon ukol sa tao, pagkain, bagay at iba pa.

"Young master, ipagpaumanhin mo ngunit nakita kong nagmamadaling sumakay ang nerd sa isang bus. Medyo may kalayuan na ang tutunguhang lugar kung kaya't------!" Sambit ni Mr. Ginger sa kanyang impormasyon.

Agad kong naibato ang cheap kong smartphone sa kulay asul kong wall sa loob ng aking kwarto. Nagkaroon ng kaunting gasgas doon ngunit hindi ko na problema iyon. Ang pinoproblema ko ay ang nerd na iyon. Hindi niya alam kung sino ang binabangga nito. Nanggigigil akong umalis sa kwarto ko habang malakas ko itong isinara. Wala akong paki kong masira man iyon.

Dahil sira na ang phone ko ay pinili ko na lamang na sakyan ang bago kong sportscar sa labas ng paaralang ito. I don't know kung bakit nagpapasok ang International High School ng mga mukhang dugyot at dukha sa paaralang ito. Mas naging mababa ang tingin ko dito. Low-class na at cheap na school na ito.

Habang naglalakad ako palabas ay marami akong nadadaanan na mga estudyanteng halos manginig at manlupasay sa kilig sa kanilang kinauupuan at kinatatayuan.

"Ang gwapo talaga niya Bes!" Girl 1

"Nandito na ang Prince Charming ko!"Girl 2

"Ang gwapo talaga ng hobby ko!" Girl 3

"I think I'm gonna die right here, right now!"Girl 4

"Edi mamatay ka na nang mawala ang isa sa kontrabida at mang-aagaw sa future husband ko!"Girl 5

"Kontrabida pala ha?!, itong sayo haliparot!" Girl 4

At nagsumula na silang mag-away na parang aso't pusa. Sana'y na ko sa mga mga bagay na ito.

Agad akong umalis sa Low-class na school na ito dahil sa sobrang inis at napakaboring ito para sa kanya.

Third Person POV

Agad na pumunta si Criole Raine Montecillo sa bahay ng kanyang kaibigan niyang sina Jay Ramiel Reese, Jordan Hermes at Drake Rivera.

Gamit ang bagong model ng Ferrari ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sportscar hindi alintana ang ibang mga sasakyan maging ang mga taong nadadaanan niya.

Paborito nilang tambayan palagi ang bahay ni Jordan Hermes dahil palaging nasa out of the country ang kaniyang mga magulang maging ang kanyang lolo at lola. Workaholic ang mga magulang nito to the point na hindi na siya nabibisita ng mga ito. Puro pera lamang ang pinapadala ng mga ito na siya namang gustong gusto ni Jordan Hermes dahil nasanay na rin ito sa kaniyang mga magulang as well as his grandparents.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay agad na nakarating si Criole sa bahay ni Jordan Hermes.

Sa labas pa lamang ay rinig na rinig niya ang mga usapan ng kanyang mga barkada.

Agad siyang bumusina ng malakas upang gambalain ang kanyang mga kaibigan.

Hindi na siya naghintay at agad na siyang pumasok sa loob ng bahay nito o kung bahay nga ba ito. Ang totoo niyan ay isa itong mansion.

Agad na nagdoorbell si Criole at narinig naman ito ng mga maids at binuksan nila. Hindi na rin nagtagal pa si Criole Raine Montecillo sa labas at diretsong pumasok dahil kilala rin naman siya ng mga maids ni Jordan. Kumbaga para sa kanya ay "maids lang sila, kaibigan ko ang amo niyo."

Agad na ginamit ni Criole ang elevator na personal na ginagamit ni Jordan ngunit pwede rin ng kaibigan niya ang kanyang mga gamit at ari-arian. Parang kapatid niya na ang turing sa mga kaibigan niya kung kaya't hindi soya nagdadamot sa mga ito.

Nang pumasok siya ay bumungad sa kanya ang mga kaibigan niya.

"Akala namin ay hindi ka na darating." Kasuwal na sambit ni James Ramiel

"Tagal mo naman Tol, alam mo bang inip na inip na kami dahil ang tagal mong dumating to the point na nagbukas na ang server kaninang tatlong oras na ang nakakalipas." Sambit ni Drake Rivera

"Hoy mga tol, wag niyo namang isisi sa ating kaibigan natin ang pagka-miss ng ilang oras sa server. Eh kayo eh may pa-surprise-surprise pa  tsaka malayo ang maliit na bahay kong ito sa school natin. Tsaka di niyo sinabihan na wala tayong klase eh kaya yun. Nag-iisip ba kayo?" Sambit ni Jordan Hermes nang makarating siya sa kwarto niya. Alam naman niyang bad mood ngayon ang dalawang kaibigan niya sa karating pa lamang na kaibigan niya. Eh paano ba naman eh pinsgtulungan naman siya ng mga ito.

"Bago pa kayo magkapikunan diyan ay sabihin niyo na Drake at Ramiel ang dahilan ng pagkabagot niyong dalawa." Dagdag na sabi ni Jordan sa mga kaibigan niya.

"Basahin niya na lang to, mauuna na kami sa Virtual World k----" bagot na pagkakasabi ni Drake ngunit agad na napahinto ito.

"Hala, sorry mga tol ah. Naalala ko nga palang ngayon magsisimula ang Rise of Celestials Online hehe, pasensya na." Sambit ni Criole habang nagkakamot ng batok ito. Halatang nagsisisi siya dahil naalala niya nga pala na ngayon ang launch week ng Rise of Celestials Online. Sa katunayan ay bukas pa ang launching nito sa pilipinas ngunit dahil isa silang gamer at vip costumers ng isang sikat na Gaming Stores ay agad silang nakakuha ng mga bagong games software at iba na siyang pre-orders palagi.

"Huwag na tayong magsisihan tsaka nangyari na ang nangyari. Ngayon na kompleto na tayo ay sasabak na tayo sa Virtual World. Ready na ba kayo?! Edi kunin niyo na ang mga Virtual Helmets niyo." Sambit ni Jordan. Lahat sila ay excited na ma-experience ang kauna-unahang virtual reality na game na sila mismo ang maglalaro.

Agad namang kinuha ni Drake, Ramiel at Jordan ang mga Virtual Helmets nila ngunit napansin nilang hindi mapakali si Criole na parang natatae na ewan.

"Ah...Eh... Di ko pa pala nakuha ang in-order kong Virtual Helmet eh." Sambit ni Criole na animo'y hiyang-hiya.

"Alam ko namang makakalimutin ka eh, tsaka pasalamat ka at pinayagan ako ng may-ari ng gaming store. Ito oh saluhin mo!" Sambit ni Jackson habang may hawak na kahon na walang iba kundi ang Virtual Helmets at ibang mga accessories.

"Eh hindi ko alam kung paano i-assemble ito eh. Kaya mo ba?!" Sambit ni Criole sa nalilitong tono. Maging siya ay hindi alam kung paano i-assemble ang mga chips at iba pa.

"Hahaha... Alam naman ng Gaming Store na hindi tayo marunong kaya sila na mismo ang nag-aassemble at nagte-testing ng mga specs at chips na nakalagay sa Virtual Helmets kung kaya't hindi na kailangang i-assemble ng sinuman dahil baka magkasira-sira lang daw." Sambit ni Ramiel habang tawang-tawang isinalaysay ang sinabi sa kanila ng Gaming Store Owner.

"At natawa ka pa Ramiel dahil kung ikaw pina-assemble siguradong ilang taon mo pa bago ma-assemble yun o baka masira mo lang. Ignorante ka pa naman, ni hindi ka nga marunong maglaro ng simpleng puzzle hahaha..." Sambit ni Drake habang natatawa.

"Huwag na nating aksayahan ang panahon natin, agad na tayong pumwesto upang i-explore ang map ng laro ng Rise of Celestials Online." Sambit ni Jordan habang nararamdaman ang tensiyon sa mga kaibigan niya.

" Mabuti pa nga!"

"Oo nga!"

"Kaya nga!"

Tugon ng tatlo niyang kaibigan na sina Ramiel, Criole at Drake.

Agad na pumwesto pahiga silang apat at agad na pumasok sa loob ng game.

Enter!

Animo'y natutulog ang mga ito ngunit ang totoo niyan ay dinala ang mga consciousness nila sa isang virtual game (VRMMORPG).