webnovel

Destined To A Virtual Hottie (Filipino/Tagalog)

Pzyon · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Chapter 3

Kizo POV

"Isang liko nalang huhu!" Sambit ko habang naglalakad papunta sa Registrar's Office.

Tiningnan ko ang aking luma at kupasing relo kung anong oras na ba. Agad akong nabigla sa aking nalaman.

"8:32 am na huhu!!!" Halos maiyak ako sa aking nalaman. Napakalaki kasi ng bawat kwadrado na bawat gusali dito. Sino ba naman ang nakaimbento ng magagara at napakalaking estruktura dito dahil dapat awardan ang mga ito, pero biro lang yun.

Sa halip na magreklamo ay mas binilisan ko na lamang ang aking paglakad papunta sa Registrar's Office. Hindi ko din pinagsisihan na nag-tour pa ako dahil ayoko rin namang magtanong pa sa mga kapwa ko estudyante.

Nang matanaw ko ang Registrar's Office ay halos manlumo ako. Binilang ko ang mga estudyanteng nakapila. Dalawampong mga estudyante ang nakapila at sigurado akong mga First Year lang ang enrolment ngayon. Dali-dali akong pumila dahil dadami naman ang mga estudyante na pipila. Agad kong pinunan ang nasa likod ng estudyanteng nasa huling pila. Hindi nagtagal ay mas humaba ang pila ng estudyanteng pumila.

Mayroong mga hiyawan akong naririnig na animo'y may artistang dumating ngunit di ko lamang pinansin ngunit ang mga tao sa aking paligid ay halos nanginginig na uod na iwan na parang binudburan ng asin. Ang mga nakahanay na estudyante sa aking harapan ay parang nakakain ng parang ewan dahil nagbubulungan ngunit parang megaphone naman ang volume ng kanilang sinasabi.

Ngunit ang mas nakaagaw atensyon ay ang mga nasa likurang bahagi ng pila. Mayroong boses ang umalingawngaw.

"Ehhhhhhh, dito pala mag-aaral si Criole Raine Montecillo. Hindi ko aakalaing napakasuwerte ko."

"Anong ikaw, mas masuwerte ako sa'yo noh, makikita ng eskwelahang ito ang future husband ko at walang aagaw!"sambit ni Girl 1

"Anong sa'yo at future husband mo. Ang landi mo, kaibigan ba talaga kitang mang-aagaw ka?!" Sambit ni Girl 2

"Ako pa ang mang-aagaw ha, simula ngayon hindi na tayo bff. Inaahas mo ang dapat sa akin!" Halos na sambit ni Girl 1

At dito na nagsimula ang pag-aaway nang mga babae. Ilang oras din ang tinagal ng away ng mga babae. Hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang pangyayari. Hanggang sa nakita ko si Miss Pretty Guard at si SPO4 Romualdo. Siguradong inaawat nila ang mga babae. Hindi na ako nag-abala pang lingunin at makiusyuso pa sa mga walang kabuluhang bagay dahil hindi naman kailangan.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay ako na ang nasa tapat ng Registrar's Office at nakangiti kong iniabot ang aking papeles na nakasilid sa envelope nang may naunang naglagay ng isang magarang envelope at mamahaling mga kalidad ng documents. Halos mahiya ang sarili kong hawak na envelope. Sino ba namang tatanggap ng papel na walang scent kumpara sa kanya na sobrang gara at walang bahid ng tupi with scent pa.

Ngunit agad ding nagbalik ako sa aking diwa ng makita kong malapit ng abutin ng magandang babaeng in-charge sa Registrar's Office ang mga envelope na naglalagay ng mga papeles ng ponsio pilato.

Dala ng inis dahil sa haba ng pila kani-kanina pa ay hinablot ang kamay ng ponsio pilatong hindi marunong pumila at agad kong inabot ang envelope ko sa babaeng in-charge.

"Why did you do that huh!" Sambit ng baritonong boses na walang iba kundi ang lalaking muntik umagaw ng aking pinaghirapang pagpila.

" May pa-why did you do that ka pang nalalaman ha?! Uso po pumila." Sambit ko sa lalaking tingin ko ay taga-baba lang ang height ko kumpara sa kanya. Masasabing may taas ako na 5'9ngunit ang nasa harapan ko ay sigurado akong nasa 5'10, 5'11 or 6'0". Hundi na ako nag-abala pang tingnan ang mukha nito. Sigurado naman akong ako ang pinakapangit na nilalang sa buong mundo o buong kalawakan na. Ganon ako ka-proud.

"And why would I fall in Line in this stupid place?! Huh!" Pasigaw na pagkakasabi ni Mister Stranger o mas mabuting sabihing Mr. Antipatiko.

"Alangan naman diba. First come, First Serve po to. Manlalamang ka pa sa kapwa natin estudyante, Jerk!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Akala niya ay siya lamang ang marunong sumigaw at magalit.

Nang marinig ng lahat ng mga estudyante ang mga gulo ay nagkaroon ng maingay na bulungan. Oo, maingay na bulungan. Halos di nga maituturing na bulong eh. Rinig na rinig ko which is "loud and clear."

"Hindi ba nakikilala ng nerd na yan ang binabangga niya."

"Ang tapang ni Nerd pero siguro ay hindi yan magtatagal sa eskwelahang ito."

"Look at the appearance of that nerd, mukha siyang magnanakaw na pulubi na dukhang dugyutin."

"That jerd is so gross, sino ba nagpapasok ng pulubi sa paaralang ito. Malayo pa ang Charity event for mga mahirap na peste."

"Sana all matapang, kaya mo yan nerd. Tulungan kitang mag-alsa balutan ng sarili mo."

"Kawawa mo naman nerdy guy, pasikat at isa ka rin ba sa mga papansin o famewhore ?!"

"Disgusting Nerd!"

Marami pa akong naririnig na masasamang mga salita galing sa mga kapwa ko estudyante. Halos magaganda at gwapo ang mga ito sa casual na mga damit pero ang mga ugali. Di na kailangan pang i-describe.

Mabuti na lamang at agad na pinrocess ang aking mga documents at hindi ko na kailangan pang magtagal sa lugar na ito. Agad akong binigyan ng isang manual for Scholars only.

Aabutin ko na sana ang aking Manual nang bigla itong hinablot ng lalaking hindi ko kilala.

"Ibibigay ko lamang ang Manual mo kapag nakiusap ka sakin ng maayos at humingi ng patawad sa ginawa mo. Or else--?! Sambit ng lalaki ng bigla itong dumukot ng lighter na alam kong mahal ito dahil sa magara nitong disenyo kumpara sa ordinaryong mga lighters na binibenta sa bangketa.

Nang mapagtanto ang gagawin niya ay agad akong nakaramdam ng takot. Alam kong hindi nagbibiro ito.

Kahit labag sa isip ko ay bigla kong isinantabi ang kahihiyang aabutin ko dahil dito.

"Sorry na po Mr. Antipa--este Mr. Señorito!"

Sapilitang pagkakasabi ko na sa labag sa aking loob. Halos nagpipigil ako ng galit sa lalaking ito.

"Kulang naman yun parang hindi sincere eh, saksi ang mga tao na naririto and I will say that parang napipilitan ka ata. Dapat tingnan mo ko sa mata and will feelings hindi yung oarang hindi ka sincere. Diba guys?!" Malakas na pagkakasabi ni Mr. Antipatiko na animo'y hindi kombinsido sa naging acting skills ko.

"Oo nga, parang napipilitan nga."

"Lakas ng loob ni Nerd na maging bastos sa harap ng aking Prince Charming!"

"It so disgusting talaga ni Nerd."

Marami pa akong sari-saring komento tungkol sa pagiging bastos ko daw at iba. Mukhang ako yata ang naging kontrabida sa buhay nila at ng asawa daw nila. Subukan kaya nilang magpakamatay tsaka isama na nila si Mr. Antipatiko..

Para matapos na ang lahat ay nag-inhale exhale muna ako bago tingnan si Mr. Antipatiko.

Nang matingnan ko na ang lalaking ito ay masasabing napakagwapo nga nito ngunit ng maalala ko ang ipinakitang ugali nito ay ilang beses ko nang pintay ito sa isip ko konti nalang ay gagawin ko to sa totohanan pero joke lang ulit. Ayokong mapunta sa impyerno noh.

Agad kong tiningnan muli ang mukha lalo na ang mga magagandang mata ni Mr. Antipatiko at nagwika.

"Huwag ka namang maging ganyan honey, pagkatapos ng lahat ng ginawa natin noong nakaraang gabi sa iisang kama tapos gaganituhin mo lang ako. Hindi mo na ba ko mahal hah?!" Sambit ko habang nalullungkot na ewan. Inilabas ko talaga ang lahat ng aking acting skills para dito lalo pa't pinahiya niya ko hanggang sa lumuha ako para mas maging makatotohanan.

"Lintik lang ang walang ganti bwahahaha...!!!!" Sambit ko sa aking isipan na animo'y isa akong kontrabida.

Nakita kong nakaawang ang bibig nito na animo'y hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

Agad kong hinablot ang aking manual na ka-size lang ng pocketbook.

Agad na akong umalis na walang lingon likod. Sigurado akong nasa loob nito ang aking white form. Napaka-high tech na nang enrolment nila dito kung kaya't hindi na masasayang sng oras ko dito.

"Call my number okay!" Sambit ko kay Mr. Antipako habang paalis.

Agad kong nilisan ang lugar na ito dahil sigurado akong gagantihan ako ng lalaking antipatiko na iyon.